UMILING lang si Henry sabay ngisi. Nang maalalang wala nga palang nakikita ang kaibigan ay nagsalita siya, "Naitanong ko lang."Kumapa-kapa sa hangin si Shiela. Mas lumapit naman at inangat ni Henry ang kamay para mahawakan nito."'Lika, usap muna tayo. Ang tagal kong walang naging balita sa'yo. Hindi ko akalaing dito pala tayo magkikitang muli," natutuwang saad ni Shiela.Nagkuwentuhan naman ang dalawa pero kapag nagtatanong si Shiela ng tungkol sa nangyari noon mula sa kamay ni Chris, ay pasimpleng iniiba ni Henry ang usapan.Ilang sandali pa ay tumatawag na si Zia sa cellphone ng caregiver. "Ma'am Shiela, hinahanap na po tayo.""Gano'n ba?" bakas ang lungkot sa tono ng boses ni Shiela. Gusto niya pa sanang makausap si Henry nang matagal."May ibang pagkakataon pa naman para makapag-usap tayo ng matagal-tagal. Saka, may lalakarin kasi ako kaya hindi na rin ako magtatagal," ani Henry.Bago tuluyang umalis ay nag-iwan ng contact number si Henry para makapag-usap pa rin sila ni Shiela.
BINILISAN pang lalo ni Chris ang paghabol hanggang sa pinigilan ng hospital staff. "Henry!" aniya dahil kahit sugatan ay nakita niyang may ulirat pa ito.Mula sa dalawang Nurse ay huminto ang isa para siya ay tanungin. "Kamag-anak niyo ba siya, Sir?"Umiling si Chris. "Kakilala ko lang siya.""Kung gano'n ay paki-contact na lamang po ang kamag-anak niya para sabihing na-aksidente siya.""Ano bang nangyari sa kanya?" si Chris na nagpupumilit lumapit. Hindi siya makapaniwalang ang lalakeng kausap lang kanina, ngayon ay nag-aagaw buhay na."Nabunggo po siya," tugon ng Nurse.Samantalang napagdesisyunan ng Doctor na operahan si Henry dahil sobrang lubha ng tinamo nito. "Ihanda niyo kaagad ang operating room!"Dahil na-distract ang Nurse ay bahagyang nakalapit si Chris. Nagtama ang tingin nila ni Henry at tila may kung anong sinasabi."Ano? Dok, mukhang may sinasabi ang pasiyente!" saad ng isa pang Nurse.Habang ang isa pa ay agad hinila si Chris palayo. "Sir, hindi kayo pwede rito.""Sand
MAHIGIT isang buwan ang nakalipas matapos na maoperahan sa mata si Shiela ay nakakakita na siya nang maayos. Mas malinaw pa nga sa dati niyang vision.Kaya sobrang saya niya dahil fully recovered na rin siya sa operasyon sa liver at ilang araw na lamang ay puwede nang ma-discharge.Makakasama na niyang muli ang anak at mahal sa buhay. Halos araw-araw ay bumibisita si Zia o si Mia at kung minsan ay si Maricar kasama si Archie.Pero napapansin niya na dalawang linggo ng wala si Chris. Ang huling kita niya rito ay iyong araw na na-discharge ito sa ospital.At dahil nakakakita na siya ng maayos at pinayagan na rin ng Doctor na gumamit siya ng cellphone kaya tinawagan niya ang asawa. Hindi ito sumasagot pero nag-message naman na abala ito sa trabaho.Hindi na rin siya tumawag ulit para hindi ito maistorbo. Pagkatapos, habang nagsi-scroll sa may contact list ay nakita niya ang number ni Henry. Ang tagal na niya itong hindi nakakausap. Kaya tinawagan niya at gaya ni Chris ay hindi ito sumasa
TULALA at hindi makausap si Shiela matapos na malaman ang totoo.Lumuluha lang siya hanggang sa makasakay sa kotse. Katabi si Zia na panaka-naka ang lingon."Alam kong mahirap pero--"Napapikit si Shiela. "Hindi niya man lang nasilayan ang anak niya. Nawala siya sa mundo na hindi man lang ito nakita." Pagmulat ay nilingon niya si Diana sa kanyang tabi at ang tiyan nito.Kasama nila ito sa sasakyan dahil pansamantala itong nakatira sa Cruz mansion. Ang gusto ni Diana ay umuwi na sa Cebu pero dahil malapit na itong manganak ay pinigilan muna ni Zia. Dahil sagot na nila ang panganganak nito sa Rodriguez hospital."Aalagaan ko ng mabuti ang mga mata ko," saad ni Shiela na hinawakan pa ang kamay nito.Malungkot naman na nangiti si Diana. "Salamat."Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa mansion."Mama!" si Laurence na tumatakbong palapit.Kasunod nito si Maricar na karga si Archie.Agad namang lumapit si Shiela. Mahigit isang linggo niyang hindi nakita ang anak. Paglapit ay a
KATOK sa pinto ang gumambala sa tatlo ng mga sandaling iyon.Si Zia ang nagbukas ng pinto at nakitang nakatayo si Shiela sa labas."M-May kailangan ka?""Galing ako sa kusina, Ate. Pinapatanong ng kusinera kung anong gusto niyong kainin sa hapunan," tugon ni Shiela na bahagyang sumilip.Nakita niyang nasa loob si Maricar at Jeric kaya napatanong siya, "Anong meron, Ate?"Ngumiti naman si Zia para ipakita na maayos lang ang lahat. "Wala naman, sige at tatanungin ko si Mama." Pagkatapos ay sinara ang pinto.Nagtaka naman si Shiela pero hindi na masiyado iyong pinagtuunan ng pansin at pinuntahan na lamang si Diana para makipagkuwentuhan.Samantalang sa loob naman ng kwarto ay pinalabas na ng dalawa si Jeric dahil ayaw talaga nitong magsalita.Pagkaalis ng binata ay nag-usap ang mag-ina."Hindi kaya ay bumalik si Kuya sa Cebu?" ani Zia."Ano namang babalikan niya ro'n? 'Wag mo sabihing ang babaeng 'yun?" tukoy kay Irene. "Ano pa bang babalikan niya sa Irene na 'yun?"Saglit na nag-isip si
BAGO pa man masagot ni Shiela ang tanong ay mabilis nang nakalapit si Chris at iginiya siya palabas ng apartment. Bakas ang kaba sa mukha nito ng mga sandaling iyon. Hindi akalain ni Chris na mahahanap siya ng asawa."Hindi ko alam na naghiwalay na pala tayo? Kailan ka kinasal sa kanya?" ani Shiela matapos bawiin ang brasong hawak nito."Nagkakamali ka, picture lang 'yung nasa loob. Walang ibig sabihin.""Talaga? Pero nakuha mong i-display na hindi mo nagawa ni minsan sa'kin?!"Lumingon muna si Chris sa loob ng bahay saka ito muling hinarap. "Sinong nagsabi sa'yo na narito ako?""Hindi 'yun ang mahalaga, Chris! Akala ko ba, huli na 'to? Kaya nga sabi ko pa, sige, pagbibigyan kita ng isa pang pagkakataon kasi nga, nangako ka! Pero ano 'to?! Balik sa dating gawi? Ga'no ba siya kahalaga na nakakaya mong iwan kami ng anak mo para sa kanya?""Hindi ko kayo iniwan. Umalis lang ako sandali dahil kailangan niya ang tulong ko--""Bakit ikaw?! Wala bang pwedeng tumulong sa kanya at ikaw na lan
TINULAK ni Irene ang katulong na hinahawakan siya. Ganoon din ang ginawa niya sa iba pa para mahabol si Chris.Pero hindi siya hinayaan ng mga tauhan na nasa labas ng kwarto."Ano ba, umalis kayo!" singhal niya sa mga ito. "Chris! Bumalik ka rito!" sigaw niya matapos marinig ang ugong ng sasakyan. "Chris, hindi ka pwedeng umalis!"Nahawakan siya sa makabilang braso at pilit ibinabalik sa kama. Kahit kumikirot na ang hiwa niya sa tiyan ay tuloy pa rin siya sa pagwawala.Sinipa niya at pinagtatadyakan ang mga ito. Nang mabitawan ay mabilis niyang binasag ang baso sa side table.Pinulot niya ang malaking tipak ng bubog saka itinutok sa mga ito. "Subukan niyong lumapit at hindi ako magdadalawang-isip na saktan kayo!" Saka iwinasiwas ang kamay, hindi alintana ang matalim na parte ng basag na baso na sumusugat sa palad niya.Dahil sa banta ay nagsi-atrasan naman ang mga katulong at tauhan sa takot."Pakiusap, Ma'am. Huminahon muna kayo. Baka mapa'no kayo, kagagaling niyo lang sa operasyon!"
MARAHANG inihiga ni Chris ang asawa sa kama nang hindi bumibitaw sa halik.Ang kamay na nakaalalay sa likod nito ay dumausdos patungo sa puw*tan at humaplos sa hita nito. Pumipisil-pisil pa siya sa pantalon na suot nito upang ipadama ang kagustuhan niyang maramdaman nito ang pagnanasa niya.Tumigil naman si Shiela sa pagsabay sa halik saka tinitigan sa mga mata si Chris. Nais alamin kung ano ang nararamdaman nito ng mga oras na iyon sa pamamagitan ng pagtitig sa mga mata nito.Para itong nalalasing sa ginagawa. Hinihingal at ramdam ang pagnanais na higitan pa ang pinagsaluhan nilang halik.Nang magtama ang tingin ng dalawa ay may kung anong kumislap sa mga mata nito. Doon pa lang ay alam na ni Shiela na nasa sukdulan na ito ng pagpipigil."I want you," bulong ni Chris saka muling inangkin ang malambot at manamis-namis nitong labi.Habang naghahalikan ang dalawa ay unti-unti nang hinuhubaran ni Chris ang asawa. Una niyang inalis ang hook ng brassiere.At pagkatapos ay hinawi pataas ang
SA PAG-IWAS ng tingin ni Mario ay mas lalo lang nitong pinatunayan na totoo ang ibinibintang sa kanya."Ba't hindi kayo magsalita, 'Lo?" may halong tampo sa tono ng boses ni Shiela.Nang mga sandaling iyon ay lumapit na ang mag-asawa. "Anong nangyayari, ba't ka nagagalit?" ani Rolan sa anak.Taas-baba ang dibdib ni Shiela dahil emosyonal na siya ng mga sandaling iyon. Sa huli ay tumayo siya at umatras. "Kung hindi niyo sasabihin sa'kin ngayon ang totoo ay kay Chris ko tatanungin lahat." Pagkatapos ay nag-walk-out na siya na kahit ilang beses tinawag ng ama at tuloy-tuloy lang siya sa paglayo.Nakabalik agad si Shiela sa parking lot at pagkasakay sa kotse ay tinanong ng driver, "Uuwi na po ba agad tayo, Miss?"Ang daming gumugulo sa isip ni Shiela ng mga oras na iyon. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan dahil ramdam niya naman na totoo ang ipinapakitang kabutihan ng Abuelo. Saksi ito sa pinagdaanan niya. Ito rin ang tumulong na tuluyan siyang maka-move on at muling magpatuloy
SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na