PAREHO nang nagbibihis si Shiela at Chris ng mga sandaling iyon.Tahimik lang silang dalawa, walang gustong magsalita hanggang sa matapos na magbihis.Nilingon ito ni Shiela. "Babalik ka na ba sa kanya? Pagkatapos ng mga nangyari ay babalikan mo pa rin ba siya?"Bago pa makasagot si Chris ay katok sa pinto ang gumambala at nagpalingon sa dalawa. Ito na rin ang kusang lumapit sa pinto at nilakihan ang pagkakabukas.Nasa labas ang dalawang tauhan ni Louie."Pasensiya na sa istorbo, Sir," saad ng isa saka tiningnan si Shiela. "Ma'am, kailangan na po nating umalis."Napatingin naman si Shiela sa suot na relo. Malapit na ang flight nila, ibig sabihin ay oras na para umalis.Pero wala pa rin siyang nakukuhang sagot mula kay Chris."Sumama ka na sa'min pabalik."Nag-iwas ng tingin si Chris. Sa ginawang iyon ay hindi na nito kailangan pang magsalita. Alam na ni Shiela na magpapaiwan ito para kay Irene.Galit niya itong nilapitan saka tinulaktulak, bilang ganti sa nararamdamang sama ng loob. P
PAGSAPIT ng gabi, sa dining area ay huling dumating si Louie na kauuwi lang.Pansin niya ay pananahimik ng lahat, maliban sa mga bata. Kahit si Diana ay ganoon din na panaka-naka ang tingin sa mga kasama."Ano pang hinihintay niyo? Kumain na tayo," saad ni Maricar.Tumayo naman si Zia na siyang nag-lead ng prayer. Pagkapos ng pagdadasal ay muling natahimik ang lahat, at tanging kalansing ng mga kubyertos ang maririnig ng mga sandaling iyon.Para mawala ang awkwardness ay nagsalita si Chris na animo ay hindi siya ang dahilan kung bakit nananahimik ang lahat, "May bago ata tayong kasama." Sabay tingin kay Diana.Napatingin naman ito sa mga kasama bago ibalik kay Chris ang atensyon. "Ako nga pala si Diana," pakilala niya sa sarili."Ilang linggo na siyang naninirahan dito, Kuya," sabat ni Zia. "Siya ang girlfriend ni Henry. Hindi mo siya nakilala dahil umalis ka ng kunin namin mula sa tinutuluyan niyang apartment. Makakasama natin siya hanggang sa makapanganak."Tumango-tango naman si Ch
NANG mga oras na iyon ay hindi pa nakakauwi si Zia kaya si Shiela ang sumama papuntang ospital kasama ng dalawa pang kasambahay.Sakay ng kotse ay naging pahirapan ang pagbiyahe nila. Ma-traffic at hirap na hirap si Diana, dumadaing ito sa sakit.Pinapakalma naman nila ito pero hindi pa rin naging madali ang lahat. Nang makarating ay halos wala ng malay si Diana na agad isinugod sa operating room.Sakto namang tumawag si Zia, "Hello, Shiela nasa ospital na kayo?""Oo, Ate. Kararating lang namin.""Okay, papunta na rin ako riyan."Matapos ang tawag ay naghintay ang tatlo sa labas at naupo sa may bench. Ilang sandali pa ay napatingin si Shiela sa mga dalang bag ng katulong. Mga gamit iyon ni Diana na naka-ready na sa oras na manganak ito."Ate," aniya sa kasambahay. "Pakidala na lang ito sa kwarto at maghihintay na lang kami rito," utos niya pa.Tumango naman ito saka umalis dala ang mga bag. Naiwan siya at isa pang katulong.Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Zia. "Kamusta, hindi
ISANG linggo matapos na mamaalam ni Diana ay inuwi ang labi nito sa Cebu. Pero ang bata ay nanatili sa puder nila Zia.Ulilang lubos na si Diana at tanging malalayong kamag-anak na lamang ang nakakasama sa buhay. Gustuhin man nilang ibigay ang sanggol ay nag-aalangan silang baka hindi maalagaan ng maayos.Kabos ang mga ito at hirap makaraos sa araw-araw. Kaya napagdesisyonan ng magkabilang panig na ipa-ampon na lamang ang bata sa nais mag-ampon dito.Agad nagpresenta si Shiela. Gusto niyang akuin ang pag-aalaga sa bata pero hindi sang-ayon si Chris."Nagsisimula pa lang ulit tayong bumangon. Oo, nakatira tayo ngayon sa mansion pero tandaan mong hindi atin 'to. Nakikitira lang tayo. Ang pagkain at ibang pangangailangan ay libre na saka pinag-iipunan ko na makabukod tayo. Ang panibagong miyembro ng pamilya ay wala sa plano," ani Chris."Pero bata lang siya, hindi milyon ang gagastusin natin sa kanya. Saka, nangako akong--""Ayan ka naman sa pangakong 'yan. Tandaan mong mag-asawa tayo, S
MARIING napapikit si Chris sa sinabi nito. Hanggang ngayon matapos ng mga nangyari ay hindi pa rin ito sumusuko."Tama na, Irene. Tigilan na natin 'to. Ilang beses ko bang sasabihin na tapos na--""Hindi, Chris! Para sa'kin ay hinding-hindi tayo matatapos! Kaya bago pa 'ko may gawing hindi mo magugustuhan--""Sige! Subukan mo't sisiguraduhin ko sa'yong mabubulok ka sa kulungan," babala ni Chris."Pwes, sabay tayong mabulok. Sa tingin mo ba hindi ko pinaghandaan ang lahat? Sa tingin mo ba'y nasira mo na lahat ng ebidensyang magdidiin sa'yo para makulong?"Napakunot-noo at napaisip si Chris. "Anong sinasabi mo?! Nasisiraan ka na, malinis at wala na akong atraso sa mga kasosyo ko. Alam mo 'yan!""Oh come on! 'Wag mo sabihing kinalimutan mo na ako? Iyong perang pinahiram ko sa'yo?""Kung 'yan lang pala ang inaalala mo? Madali ko na lang sa'yong maibabalik ang lahat," ani Chris. "Sabihin mo lang at dudoblehin ko pa, tantanan mo lang ako."Biglang sumigaw mula sa kabilang linya si Irene na
LUMAPIT pa talaga silang dalawa sa monitor para malinaw na makitang si Irene nga ang taong nag-lock ng restroom."Sino naman si Irene?" naguguluhang tanong ni Lindsay.Napatingin lang si Zia sa kaibigan. Hindi pa nito alam ang tungkol sa babae ng kapatid. Hindi niya masabi ang totoo."Babaeng obsess kay Chris," si Shiela ang sumagot."Ha? You mean, ex girlfriend ni Chris na hindi siya makalimutan?" naguguluhan pa ring tanong ni Lindsay."Mamaya ko na lang ikukuwento sa'yo ang lahat," ani Zia saka kinuha ang cellphone para tawagan ang kapatid. "Kailangang malaman ni Kuya na nakawala sa mental facility si Irene."What?! May mental illness siya?" react ni Lindsay saka tiningnan si Shiela.Tumango naman ito. "Mahabang kuwento pero nagkasakit siya sa pag-iisip at ngayon ay muli na naman kaming guguluhin."Nasa tenga na ni Zia ang cellphone pero hindi pa rin sumasagot si Chris. "Ba't ayaw niyang sagutin?" Sa huli ay nagpadala na lang ng mensahe."Kung umuwi na muna kaya tayo, Ate? Nag-aalal
NAPAISIP si Shiela sa narinig. Maging siya kasi ay hindi rin sigurado kung buntis ba o hindi.Napatingin muna siya sa driver saka mahinang sinagot ang tanong ni Zia, "H-Hindi pa 'ko nagkakaro'n pero ngayong linggo ako dadatnan.""Ang mas mabuti pa ay mag-take ka ng pregnancy kit test pag-uwi sa bahay magpapabili ako sa katulong. Ayokong mag-stop over pa tayo sa malapit na store at mahirap na, baka nasa paligid lang si Irene, nakasunod."Tumango lang si Shiela sabay haplos sa tiyan. Maliban sa nangyaring pagduwal ay wala na siyang iba pang nararamdaman.Baka mali lang ito ng hinala. Hindi naman sa hindi niya gusto ang ideya ng pagkakaroon muli ng anak pero... sa panahon ngayon, lalo na at may banta ng seguridad nila. Tila lalong nakakabahala.Pagdating sa mansion ay niyakap niya kaagad ang anak habang si Zia naman ay ikinukuwento sa Ina at ilang kasambahay ang nangyari sa shop."Jusko, panibago na namang problema. Hanggang kailan ba tayo titigilan ng babaeng 'yan," komento naman ni Mar
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang makitang lumuluha si Shiela. Nanginginig at nangangati na ang kamay niya na hawakan ito pero nagpigil siya.Kailangan niyang panindigan ang plano. Hindi siya pwedeng bumigay ngayon dahil para ito sa ikabubuti ng lahat.Bago pa man siya may masabi ay narinig na nila ang announcement ng kanilang flight. "Aalis na kami.""Chris!""Kuya!"Magkasabay na sabi nina Zia at Maricar. Habang si Shiela ay napatitig na lamang.Tumalikod lang si Chris saka hinawakan ang kamay ni Irene. Nang makita iyon ni Shiela ay tuluyan na siyang hindi nakapagpigil. Sinugod niya si Irene dahil alam niyang may ginawa ito kaya umaakto ng ganoon ang asawa.Naging mabilis naman ang reflexes ni Chris at nasalo ang kamay ng asawa na tatama kay Irene. Pagkatapos ay tinulak ito. Sadya man o hindi ay nabigla silang lahat.Mabuti na lamang at agad itong nahawakan ni Louie bago pa matumba sa sahig si Shiela."'Wag mo siyang sasaktan," ani Chris na sinamaan ng tingin ang asawa.Kumapit naman si
SA PAG-IWAS ng tingin ni Mario ay mas lalo lang nitong pinatunayan na totoo ang ibinibintang sa kanya."Ba't hindi kayo magsalita, 'Lo?" may halong tampo sa tono ng boses ni Shiela.Nang mga sandaling iyon ay lumapit na ang mag-asawa. "Anong nangyayari, ba't ka nagagalit?" ani Rolan sa anak.Taas-baba ang dibdib ni Shiela dahil emosyonal na siya ng mga sandaling iyon. Sa huli ay tumayo siya at umatras. "Kung hindi niyo sasabihin sa'kin ngayon ang totoo ay kay Chris ko tatanungin lahat." Pagkatapos ay nag-walk-out na siya na kahit ilang beses tinawag ng ama at tuloy-tuloy lang siya sa paglayo.Nakabalik agad si Shiela sa parking lot at pagkasakay sa kotse ay tinanong ng driver, "Uuwi na po ba agad tayo, Miss?"Ang daming gumugulo sa isip ni Shiela ng mga oras na iyon. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan dahil ramdam niya naman na totoo ang ipinapakitang kabutihan ng Abuelo. Saksi ito sa pinagdaanan niya. Ito rin ang tumulong na tuluyan siyang maka-move on at muling magpatuloy
SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na