MARIING napapikit si Chris sa sinabi nito. Hanggang ngayon matapos ng mga nangyari ay hindi pa rin ito sumusuko."Tama na, Irene. Tigilan na natin 'to. Ilang beses ko bang sasabihin na tapos na--""Hindi, Chris! Para sa'kin ay hinding-hindi tayo matatapos! Kaya bago pa 'ko may gawing hindi mo magugustuhan--""Sige! Subukan mo't sisiguraduhin ko sa'yong mabubulok ka sa kulungan," babala ni Chris."Pwes, sabay tayong mabulok. Sa tingin mo ba hindi ko pinaghandaan ang lahat? Sa tingin mo ba'y nasira mo na lahat ng ebidensyang magdidiin sa'yo para makulong?"Napakunot-noo at napaisip si Chris. "Anong sinasabi mo?! Nasisiraan ka na, malinis at wala na akong atraso sa mga kasosyo ko. Alam mo 'yan!""Oh come on! 'Wag mo sabihing kinalimutan mo na ako? Iyong perang pinahiram ko sa'yo?""Kung 'yan lang pala ang inaalala mo? Madali ko na lang sa'yong maibabalik ang lahat," ani Chris. "Sabihin mo lang at dudoblehin ko pa, tantanan mo lang ako."Biglang sumigaw mula sa kabilang linya si Irene na
LUMAPIT pa talaga silang dalawa sa monitor para malinaw na makitang si Irene nga ang taong nag-lock ng restroom."Sino naman si Irene?" naguguluhang tanong ni Lindsay.Napatingin lang si Zia sa kaibigan. Hindi pa nito alam ang tungkol sa babae ng kapatid. Hindi niya masabi ang totoo."Babaeng obsess kay Chris," si Shiela ang sumagot."Ha? You mean, ex girlfriend ni Chris na hindi siya makalimutan?" naguguluhan pa ring tanong ni Lindsay."Mamaya ko na lang ikukuwento sa'yo ang lahat," ani Zia saka kinuha ang cellphone para tawagan ang kapatid. "Kailangang malaman ni Kuya na nakawala sa mental facility si Irene."What?! May mental illness siya?" react ni Lindsay saka tiningnan si Shiela.Tumango naman ito. "Mahabang kuwento pero nagkasakit siya sa pag-iisip at ngayon ay muli na naman kaming guguluhin."Nasa tenga na ni Zia ang cellphone pero hindi pa rin sumasagot si Chris. "Ba't ayaw niyang sagutin?" Sa huli ay nagpadala na lang ng mensahe."Kung umuwi na muna kaya tayo, Ate? Nag-aalal
NAPAISIP si Shiela sa narinig. Maging siya kasi ay hindi rin sigurado kung buntis ba o hindi.Napatingin muna siya sa driver saka mahinang sinagot ang tanong ni Zia, "H-Hindi pa 'ko nagkakaro'n pero ngayong linggo ako dadatnan.""Ang mas mabuti pa ay mag-take ka ng pregnancy kit test pag-uwi sa bahay magpapabili ako sa katulong. Ayokong mag-stop over pa tayo sa malapit na store at mahirap na, baka nasa paligid lang si Irene, nakasunod."Tumango lang si Shiela sabay haplos sa tiyan. Maliban sa nangyaring pagduwal ay wala na siyang iba pang nararamdaman.Baka mali lang ito ng hinala. Hindi naman sa hindi niya gusto ang ideya ng pagkakaroon muli ng anak pero... sa panahon ngayon, lalo na at may banta ng seguridad nila. Tila lalong nakakabahala.Pagdating sa mansion ay niyakap niya kaagad ang anak habang si Zia naman ay ikinukuwento sa Ina at ilang kasambahay ang nangyari sa shop."Jusko, panibago na namang problema. Hanggang kailan ba tayo titigilan ng babaeng 'yan," komento naman ni Mar
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang makitang lumuluha si Shiela. Nanginginig at nangangati na ang kamay niya na hawakan ito pero nagpigil siya.Kailangan niyang panindigan ang plano. Hindi siya pwedeng bumigay ngayon dahil para ito sa ikabubuti ng lahat.Bago pa man siya may masabi ay narinig na nila ang announcement ng kanilang flight. "Aalis na kami.""Chris!""Kuya!"Magkasabay na sabi nina Zia at Maricar. Habang si Shiela ay napatitig na lamang.Tumalikod lang si Chris saka hinawakan ang kamay ni Irene. Nang makita iyon ni Shiela ay tuluyan na siyang hindi nakapagpigil. Sinugod niya si Irene dahil alam niyang may ginawa ito kaya umaakto ng ganoon ang asawa.Naging mabilis naman ang reflexes ni Chris at nasalo ang kamay ng asawa na tatama kay Irene. Pagkatapos ay tinulak ito. Sadya man o hindi ay nabigla silang lahat.Mabuti na lamang at agad itong nahawakan ni Louie bago pa matumba sa sahig si Shiela."'Wag mo siyang sasaktan," ani Chris na sinamaan ng tingin ang asawa.Kumapit naman si
SAMANTALANG sa eroplano habang nasa himpapawid ay hindi mapigilan ni Irene ang mapahagikhik. Pansin iyon ng katabing si Chris pero hindi malaman kung bakit natutuwa."Anong nakakatawa?""Masaya lang ako dahil muli na tayong magkakasama. Mamumuhay tayo ng masaya sa mansion, bubuo ng pamilya. Masusundan na natin si baby!" halata sa boses ang excitement.Napatitig lang si Chris sa mukha nito. Maganda pa rin pero nabubulok na, hindi man literal pero iyon ang nakikita niya. Nagtataka tuloy siya kung totoo bang normal pa ang isip nito o talagang nasisiraan na ng bait?"Paggising sa umaga ay ihahanda ko ang pampaligo mo't damit. Ipagluluto kita ng almusal at gagawan ng baon para hindi mo makalimutang mananghalian. Sa hapon naman ay hihintayin ko ang pagbabalik mo at sabay tayong magdi-dinner. Pero ang pinakagusto ko sa lahat ay 'yung tabi tayong matutulog. Yakap kita hanggang sa paggising muli kinabukasan," mahabang salaysay ni Irene.Hindi pa man nangyayari ay malayo na ang narating ng imah
KINUHA ni Chris ang cellphone habang naguguluhan sa nangyayari.Saan? Saan nito itinago ang dokumentong kailangan niya? Nasaan ang ebidensya?!Parang gusto niyang suntukin ang sariling ulo upang makapag-isip nang mabuti.Nagkunwari siyang tinitingnan ang sariling email account saka binalik ang cellphone. "Salamat.""Okay." Ngumiti si Irene saka kumain.Ganoon din ang ginawa ni Chris. Kumakain ng tahimik pero ang isip ay kung saan-saan na naglalakbay. Naghahanap ng kasagutan at solusyon sa nangyayari.Hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras at nang iangat ang tingin ay tapos na itong kumain."Wala kang gana? Ano bang iniisip mo't 'di ka kumakain?" mapagdudang tanong ni Irene.Umiling si Chris. "Iniisip ko lang ang pamilya--"Bago pa man mabuo ni Chris ang sasabihin ay bigla na lamang hinagis ni Irene ang baso sa kanya. Kung hindi pa siya nakailag ay siguradong napuruhan na siya sa mukha. Nabasag at lumikha ng nakakagulat na ingay ang gamit na ikinabigla ng mga kasambahay."Ako ang
MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Chris. Pangatlong araw na niya rito sa mansion, ngunit para sa kanya ay tila isang buwan na siyang naninirahan sa tagal ng araw na binubuno niya kasama si Irene."Good morning."Nang marinig ang boses na iyon ay napapikit siya at gusto na lamang matulog ulit. Kinamot-kamot niya ang likod ng ulo hanggang batok sa stress at frustration.Naiinis siyang gigising sa umaga na si Irene agad ang nakikita o naririnig."Or should I say, good afternoon?" dagdag pa nito.Bored na nilingon ito ni Chris. "Anong kailangan mo?""Wala, pero tanghali na. Tatlong araw ka ng ganitong oras magising."'Kasi iniiwasan kita. Ayokong tumabi sa'yo, ni hawakan ka kaya hinihintay kung mauna kang matulog para walang mangyari.'Mahaba niyang sagot sa isip pero hindi naman niya magawang sabihin. "Namamahay lang siguro ako. Hindi ako sanay na natutulog sa ibang bahay at kama.""Really?" mapagdudang tanong ni Irene. "Dati kang nakatira rito at kama mo 'tong hinihigaan ko.
DAHIL sa kalasingan at pagod ay agad nakatulog si Irene kahit hindi pa tapos ang second round. Nang mapansin ni Chris na wala na itong malay ay agad niyang hinugot ang pagkalalake saka tinapik ang pisngi nito upang masiguro na tulog na talaga ito.Kumpirmado. Kaya may pagkakataon muli siyang mahanap ang ebidensya. Nahalughog na niya ang luggages at bag ni Irene pero wala roon. Maging sa cellphone nito ay wala rin.Umalis siya sa kama na hubo't hubad saka saka pumasok sa banyo para mag-shower ng mabilisan. Nang matapos ay lumapit siya sa kama para takpan ng kumot ang hubad na katawan ni Irene.Pwede niyang hayaan na nakabalandra ang katawan nito pero mas lalo lang siyang maaasiwa sa tuwing dadaan sa kama.Matapos makapagbihis ay inumpisahan na niya ang dapat gawin. "Kailangan kong mahanap ang cellphone ko," bulong ni Chris saka naghanap sa dalang bag ni Irene. Iniisip niya kasing dala-dala nito palagi pero wala naman siyang nakita.Kaya balik siya sa dating gawi. Ang maghanap sa buong
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy