KINUHA ni Chris ang cellphone habang naguguluhan sa nangyayari.Saan? Saan nito itinago ang dokumentong kailangan niya? Nasaan ang ebidensya?!Parang gusto niyang suntukin ang sariling ulo upang makapag-isip nang mabuti.Nagkunwari siyang tinitingnan ang sariling email account saka binalik ang cellphone. "Salamat.""Okay." Ngumiti si Irene saka kumain.Ganoon din ang ginawa ni Chris. Kumakain ng tahimik pero ang isip ay kung saan-saan na naglalakbay. Naghahanap ng kasagutan at solusyon sa nangyayari.Hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras at nang iangat ang tingin ay tapos na itong kumain."Wala kang gana? Ano bang iniisip mo't 'di ka kumakain?" mapagdudang tanong ni Irene.Umiling si Chris. "Iniisip ko lang ang pamilya--"Bago pa man mabuo ni Chris ang sasabihin ay bigla na lamang hinagis ni Irene ang baso sa kanya. Kung hindi pa siya nakailag ay siguradong napuruhan na siya sa mukha. Nabasag at lumikha ng nakakagulat na ingay ang gamit na ikinabigla ng mga kasambahay."Ako ang
MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Chris. Pangatlong araw na niya rito sa mansion, ngunit para sa kanya ay tila isang buwan na siyang naninirahan sa tagal ng araw na binubuno niya kasama si Irene."Good morning."Nang marinig ang boses na iyon ay napapikit siya at gusto na lamang matulog ulit. Kinamot-kamot niya ang likod ng ulo hanggang batok sa stress at frustration.Naiinis siyang gigising sa umaga na si Irene agad ang nakikita o naririnig."Or should I say, good afternoon?" dagdag pa nito.Bored na nilingon ito ni Chris. "Anong kailangan mo?""Wala, pero tanghali na. Tatlong araw ka ng ganitong oras magising."'Kasi iniiwasan kita. Ayokong tumabi sa'yo, ni hawakan ka kaya hinihintay kung mauna kang matulog para walang mangyari.'Mahaba niyang sagot sa isip pero hindi naman niya magawang sabihin. "Namamahay lang siguro ako. Hindi ako sanay na natutulog sa ibang bahay at kama.""Really?" mapagdudang tanong ni Irene. "Dati kang nakatira rito at kama mo 'tong hinihigaan ko.
DAHIL sa kalasingan at pagod ay agad nakatulog si Irene kahit hindi pa tapos ang second round. Nang mapansin ni Chris na wala na itong malay ay agad niyang hinugot ang pagkalalake saka tinapik ang pisngi nito upang masiguro na tulog na talaga ito.Kumpirmado. Kaya may pagkakataon muli siyang mahanap ang ebidensya. Nahalughog na niya ang luggages at bag ni Irene pero wala roon. Maging sa cellphone nito ay wala rin.Umalis siya sa kama na hubo't hubad saka saka pumasok sa banyo para mag-shower ng mabilisan. Nang matapos ay lumapit siya sa kama para takpan ng kumot ang hubad na katawan ni Irene.Pwede niyang hayaan na nakabalandra ang katawan nito pero mas lalo lang siyang maaasiwa sa tuwing dadaan sa kama.Matapos makapagbihis ay inumpisahan na niya ang dapat gawin. "Kailangan kong mahanap ang cellphone ko," bulong ni Chris saka naghanap sa dalang bag ni Irene. Iniisip niya kasing dala-dala nito palagi pero wala naman siyang nakita.Kaya balik siya sa dating gawi. Ang maghanap sa buong
SA MGA SANDALING iyon ay nasa ospital si Irene. Ngayon niya makukuha ang resulta ng medical examination na isinagawa sa kanya noong isang araw.Matiyaga siyang naghihintay sa kinauupuan habang binabasa ng Doctor ang medical results."Kahit papaano ay healthy ka at walang komplikasyon mula sa naging operasyon mo," panimula ng Doctor saka muling nagbasa.Pero naiinip na si Irene kaya hindi na napigilang magsalita, "Natanong ko na dati 'to sa Doctor na nag-opera sa'kin. Posible pa'ng magkaanak ang isang babae kahit naoperahan na sa ovary. Tama naman 'yun. 'di ba, Dok?"Tumango-tango naman ito habang seryoso ang ekspresyon. "Ang gusto mo bang itanong ay kung posible ka pang magbuntis? Oo, malaki ang tiyansa pero..." pambibitin pa nito."Pero ano, Dok? Sabihin niyo na agad," may kabang tugon ni Irene.Mabigat na napabuntong-hininga ang Doctor saka nilapag ang hawak na medical results sabay tingin sa mga mata ni Irene. "'Wag sanang panghinaan ang loob mo pero ayon sa nakikita ko rito sa med
MALAYO na ang kotseng sinasakyan ni Chris mula sa mansion nang mag-ring ang orihinal niyang cellphone. Tumatawag si Irene na isa lang ang ibig sabihin...Alam na nitong nakaalis na siya. Paniguradong nagwawala na iyon sa inis.Hindi niya sinagot ang tawag pero tuloy pa rin sa pagtunog kaya in-off niya ang volume ng cellphone. Matapos ay tumingin sa labas ng sasakyan.Bumabagal ang takbo ng kotse dahil sa traffic.Sa pagkakataong iyon ay nag-beep naman ang cellphone. May mensahe sa kanya si Irene.Irene: Hindi ka makakatakas sa'kin, Chris! Hahabulin kita kahit sa'ng lupalop ka pa ng mundo magpunta!"Baliw," iyon na lamang ang nasabi niya na ikinalingon ng dalawang tauhan na nakaupo sa unahan ng sasakyan. "May iba pa bang madadaanan? Baka maabutan tayo ng babaeng 'yun," aniya sa dalawa."Hahanap ako ng shortcut, Sir," tugon ng driver.Ilang sandali pa ang lumipas ang muling tumunog ang cellphone, pero sa pagkakataong iyon ay si Louie na ang tumatawag.Umugong lang si Chris bilang tugon.
MALALIM na ang gabi pero hindi pa natutulog si Shiela. Nasa kwarto siya ng anak habang pinagmamasdan itong mahimbing na natutulog sa crib.Ilang araw na ang lumilipas pero wala pa rin balita tungkol kay Chris. Kamusta na kaya ang kanyang asawa?Sana man lang ay may pagkakataon silang makontak ito.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok ang Nanny. "Nandito pa pala kayo, Ma'am," anito."May kailangan ka ba?""Wala naman po, itsi-check ko lang kung maayos ba ang puwesto ni Archie, baka kasi nakatagilid na naman ang ulo.""Inayos ko na," ani Shiela saka muling binalik ang tingin sa anak."Kung gano'n ay maiwan ko na kayo at magpapahinga na po ako," saad ng Nanny saka marahang sinara ang pinto.Ilang sandali pa ay nakarinig si Shiela nang mahinang ugong ng sasakyan. Tumayo siya upang silipin sa bintana kung anong nangyayari sa labas.Nakita niyang kararating lang ng isa sa mga kotse ni Louie. Mukhang kauuwi lang nito mula sa business trip na pinuntahan noong isang araw.Matapos m
DAHIL sa magandang balita ay nag-celebrate sila sa araw na iyon. Lumabas at kumain sa isang mamahaling restaurant ang buong mag-anak."Nakakatuwang magkaka-apo akong muli," ani Maricar habang hinihintay nila ang pag-serve ng in-order na pagkain.Napangiti naman silang nakarinig.Si Laurence na kanina pa hindi mapakali sa kinauupuan ay nilapitan si Shiela. "Tita, kailan po lalabas si baby? Para may kalaro na ulit ako, 'yoko na kay Archie kasi 'di ako pinapansin."Nagtawanan ang matatanda sa sinabi nito."Ang kulit mo kasi kaya gano'n," ani Luiza sa kapatid. "Alam niyo bang inirapan siya minsan ni Archie kasi ang ingay niya."Napuno muli ng halakhakan ang table sa sinabi nito."Totoo, Archie? Tinarayan mo si kuya Laurence?" kausap naman ni Shiela sa anak na nakakandong sa kanya.Tumingin lang ang bata saka muling itinuon ang atensyon sa hawak na laruan.Habang nagkakatuwaan ang mga kababaihan at bata ay tungkol naman sa negosyo ang pinag-uusapan nina Louie at Chris.Natigil lang ang dal
SA PAGDAAN ng mga araw ay unti-unting lumalabas ang sintomas ng pagbubuntis ni Shiela.Iyong halos araw-araw sumusuka ito paggising sa umaga. Bigla-biglang nahihilo at kung minsan ay nagtataray.Pero madalas ay bigla na lang iiyak ng walang dahilan.Gaya lang din ng pagbubuntis noon kay Archie ang mga sintomas pero malala lang ang paglilihi.Maraming pagkain na gustong ipabili pero sa halip na kainin ay gustong si Chris ang umubos.Kung minsan pa nga ay tatawag sa trabaho at tatanungin kung kailan ito uuwi."Bakit, may gusto kang kainin?" tanong ni Chris.Sinabi naman agad ni Shiela ang kini-crave na pagkain."Sige, bibili ako mamaya pag-uwi may malapit dito sa kompanya.""Ayoko riyan, gusto ko 'yung sa may labas ng subdivision," ani Shiela."Parehas lang naman sila ng lasa, pero sige. Kung diyan ang gusto mo'y bibili ako," ani Chris.Ang bilin kasi sa kanya ng Ina at Zia na lahat ng gusto ni Shiela ay dapat niyang sundin o ibigay dahil mahirap talagang intindihin ang babaeng nagdadal
SA PAG-IWAS ng tingin ni Mario ay mas lalo lang nitong pinatunayan na totoo ang ibinibintang sa kanya."Ba't hindi kayo magsalita, 'Lo?" may halong tampo sa tono ng boses ni Shiela.Nang mga sandaling iyon ay lumapit na ang mag-asawa. "Anong nangyayari, ba't ka nagagalit?" ani Rolan sa anak.Taas-baba ang dibdib ni Shiela dahil emosyonal na siya ng mga sandaling iyon. Sa huli ay tumayo siya at umatras. "Kung hindi niyo sasabihin sa'kin ngayon ang totoo ay kay Chris ko tatanungin lahat." Pagkatapos ay nag-walk-out na siya na kahit ilang beses tinawag ng ama at tuloy-tuloy lang siya sa paglayo.Nakabalik agad si Shiela sa parking lot at pagkasakay sa kotse ay tinanong ng driver, "Uuwi na po ba agad tayo, Miss?"Ang daming gumugulo sa isip ni Shiela ng mga oras na iyon. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan dahil ramdam niya naman na totoo ang ipinapakitang kabutihan ng Abuelo. Saksi ito sa pinagdaanan niya. Ito rin ang tumulong na tuluyan siyang maka-move on at muling magpatuloy
SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na