NANG makita ang pamilya ni Chris sa likod nito ay nanlaki ang mga mata ni Shiela. Gustuhin niya mang bawiin ang binitawang salita ay nasabi na niya. Kailangan niyang panindigan dahil hindi na niya talaga kayang pakisamahan si Chris. Sukang-suka na siyang makasama ito.Si Louie ang unang kumilos. Pumasok siya sa kwarto at nilapag sa tabi ng sofa ang dalang maleta.Napaiwas naman ng tingin si Shiela nang sunod na pumasok si Zia at Maricar. Habang si Chris ay nanatili sa hamba ng pinto, tuluyang hindi nakagalaw.Matapos maitabi ang mga dalang gamit ay pasimpleng inaya ni Louie ang asawa't biyenan sa labas para makapag-usap si Chris at Shiela.Pagkasara ng pinto ay saka lang nagsalita si Chris, "Bakit?""Hindi ko na kaya. Napapagod na 'kong magtiis kaya mas mabuti pang maghiwalay na tayo," ani Shiela."Pa'no kung ayoko?""Alam ko namang ito ang sasabihin mo. Kaya nga nakikiusap ako. Kung kailangang magmakaawa sa'yo para hiwalayan na 'ko'y gagawin ko."Napahilot si Chris sa noo. Nahihirapa
MAG-IISANG oras ng tinatawagan ni Zia ang kapatid pero hindi ito sumasagot."Nasa'n ba si Kuya? Kung kailan kailangan na kailangan ay saka mo naman hindi mahagilap."Napatingin si Shiela rito at kay Maricar na halatang nag-aalala. Hindi niya maintindihan kung bakit concern ang dalawa sa kanya gayong hindi naman siya kaano-ano. Hindi rin gaanong kilala at hindi pa matagal na nakakasama.Saka niya napagtantong... Ah, kasi mabubuting tao ang kasama niya at iyon ang isa sa pinagpapasalamat niya.Na kahit malungkot at madilim ang buhay na naranasan ay may mga tao pa rin handang tumulong at nagmamalasakit."Ate, hayaan mo na lang kung hindi niya sinasagot. Baka nga, higit na mas importante iyong inaasikaso niya," gusto niyang sabihin na 'higit sa kanya' pero ayaw niya namang magtunog nanunumbat.Tumigil naman si Zia sa kaka-dial sa numero ng kapatid at sa halip ay ang asawa ang tinawagan. Nagre-request ng agarang treatment para kay Shiela.Na agad nitong tinanggihan."Hindi na kailangan, At
MAY tumulong luha sa mga mata ni Shiela nang marinig iyon mula kay Chris.Kung ganoon, hanggang kamatayan pala ay hindi siya nito lulubayan. May parte sa kanyang ayaw iyon mangyari at mayroon ding natutuwa.Hindi niya maintindihan ang sarili. Marahil ay ganoon talaga kapag naghihintay na lamang na lisanin ang mundo."Naririnig mo 'ko, Shiela? Kahit hanggang kamatayan ay hindi kita pakakawalan kaya 'wag kang sumuko, pwede? Samahan mo pa kami ni Archie ng matagal."Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha sa mga mata ni Shiela nang marinig ang pangalan ng anak. Ilang araw na niya itong hindi nakikita at miss na miss na niya ito. Gusto na niyang makasamang muli ang anak at mayakap nang mahigpit na mahigpit."Gusto ko siyang makita," aniya."Oo naman, one of this day ay isasama ko siya rito," saad naman ni Chris.Nasa ganoon silang tagpo ng kumatok mula sa labas ang isang Nurse. "Excuse me, Sir, pero gusto po kayong makausap ni Dok."Saglit na nagpaalam si Chris para kausapin ang Doctor. "Babalik
MATAPOS na makapag-usap ang magkapatid ay pumasok si Maricar sa kwarto kasama ang caregiver na may dalang pagkain.Si Mia na nasa tabi ng kama ay napatayo. Pakiramdam niya ay oras na para siya ay umalis kaya nagpaalam na siya sa kapatid.Kahit nahihirapang gumalaw ay pinigilan ito ni Shiela sa kamay. "Dito ka lang. 'Wag kang umalis."Saglit na lumingon si Mia kay Maricar bago ibalik ang tingin sa kapatid. "'Wag kang mag-alala, babalik din agad ako mamaya. Aasikasuhin ko muna 'yung tutuluyan ko."Titig na titig si Shiela sa kapatid ng bitawan niya ang kamay nito. "Babalik ka, a? Hihintayin kita mamaya."Tumango si Mia saka tuluyang nagpaalam. Bago lumabas ng kwarto ay nagpasalamat siya kay Maricar. Sa pag-aalaga sa kanyang kapatid."'Wag kang mag-alala. Anak na rin ang turing ko sa kanya," ani Maricar na bagama't kinausap ito ay naroon pa rin ang puot na nararamdaman."Maraming salamat po talaga." Matapos ay saka siya tuluyang umalis.Pagdating ng hapon gaya ng ipinangako ay bumalik si
SA HALIP na sumagot ay hinawakan ni Zia ang kamay ni Shiela. "Tara na, bumalik na tayo sa kwarto mo."Kahit walang sapat na lakas ay nagawang manatili ni Shiela sa kinatatayuan kahit marahan siyang inilalayo ni Zia."Ano muna ang nangyari kay Chris? Akala ko ba'y busy siya sa trabaho?"Napakurap si Zia saka nagtangkang magpaliwanag pero wala namang lumalabas na salita sa bibig. "A-Ano... kasi... nilagnat lang siya after maulanan.""Ba't ka nagsisinungaling?"Mariing nailapat ni Zia ang labi. Hindi niya pwedeng sabihing kaya nasa loob si Chris, naka-confine ay dahil sa nalalapit na ang operasyon."Magtiwala ka lang sa'kin, Shiela. Walang mangyayaring masama kay Kuya, kaya tara na't bumalik na tayo sa kwarto mo." Matapos ay binalingan ang anak na si Laurence. "Ba't mo siya dinala rito?""Sorry, Mama." Tapos ay tumakbo ito pabalik sa kwarto."Pwede mo namang sabihin sa'kin na may sakit siya, ba't kailangan mo pang magsinungaling?" ani Shiela.Si Luiza na nasa isang tabi at pinapakinggan
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Zia sa Doctor at kay Shiela. Nilapitan niya pa ang hipag saka hinaplos ang braso nito. "'Wag kang mag-isip ng ganyan. Sigurado akong babalik sa normal ang paningin mo. Magtiwala ka lang, 'di po ba?" aniya sa Doctor.Tumango naman ito. "Temporary lang ito kaya 'wag kang mabahala. Sinisigurado kong gagawin namin ang lahat para bumalik sa dati ang paningin mo."Matapos ay nagpaalam na ito para maihanda ang pagsusuri na gagawin kay Shiela.Pagkaalis ng Doctor ay natahimik silang naroon sa loob ng kwarto. Maging si Laurence na natural na malikot at maingay ay tahimik lang na nakaupo sa sofa katabi ang kapatid.Ilang minuto ang lumipas ang dumating si Louie. Agad tumakbo palapit ang dalawang bata sa ama at ikinuwento ang nangyari."Magiging okay lang naman si Tita, 'di ba, Papa?" ani Laurence."Oo, magiging okay lang siya," tugon ni Louie saka tiningnan ang panganay. "Ayos ka lang, Luiza?""Kawawa si Tita," saad ng bata."'Wag kayong mag-alala. Magiging okay l
UMILING lang si Henry sabay ngisi. Nang maalalang wala nga palang nakikita ang kaibigan ay nagsalita siya, "Naitanong ko lang."Kumapa-kapa sa hangin si Shiela. Mas lumapit naman at inangat ni Henry ang kamay para mahawakan nito."'Lika, usap muna tayo. Ang tagal kong walang naging balita sa'yo. Hindi ko akalaing dito pala tayo magkikitang muli," natutuwang saad ni Shiela.Nagkuwentuhan naman ang dalawa pero kapag nagtatanong si Shiela ng tungkol sa nangyari noon mula sa kamay ni Chris, ay pasimpleng iniiba ni Henry ang usapan.Ilang sandali pa ay tumatawag na si Zia sa cellphone ng caregiver. "Ma'am Shiela, hinahanap na po tayo.""Gano'n ba?" bakas ang lungkot sa tono ng boses ni Shiela. Gusto niya pa sanang makausap si Henry nang matagal."May ibang pagkakataon pa naman para makapag-usap tayo ng matagal-tagal. Saka, may lalakarin kasi ako kaya hindi na rin ako magtatagal," ani Henry.Bago tuluyang umalis ay nag-iwan ng contact number si Henry para makapag-usap pa rin sila ni Shiela.
BINILISAN pang lalo ni Chris ang paghabol hanggang sa pinigilan ng hospital staff. "Henry!" aniya dahil kahit sugatan ay nakita niyang may ulirat pa ito.Mula sa dalawang Nurse ay huminto ang isa para siya ay tanungin. "Kamag-anak niyo ba siya, Sir?"Umiling si Chris. "Kakilala ko lang siya.""Kung gano'n ay paki-contact na lamang po ang kamag-anak niya para sabihing na-aksidente siya.""Ano bang nangyari sa kanya?" si Chris na nagpupumilit lumapit. Hindi siya makapaniwalang ang lalakeng kausap lang kanina, ngayon ay nag-aagaw buhay na."Nabunggo po siya," tugon ng Nurse.Samantalang napagdesisyunan ng Doctor na operahan si Henry dahil sobrang lubha ng tinamo nito. "Ihanda niyo kaagad ang operating room!"Dahil na-distract ang Nurse ay bahagyang nakalapit si Chris. Nagtama ang tingin nila ni Henry at tila may kung anong sinasabi."Ano? Dok, mukhang may sinasabi ang pasiyente!" saad ng isa pang Nurse.Habang ang isa pa ay agad hinila si Chris palayo. "Sir, hindi kayo pwede rito.""Sand
SA PAG-IWAS ng tingin ni Mario ay mas lalo lang nitong pinatunayan na totoo ang ibinibintang sa kanya."Ba't hindi kayo magsalita, 'Lo?" may halong tampo sa tono ng boses ni Shiela.Nang mga sandaling iyon ay lumapit na ang mag-asawa. "Anong nangyayari, ba't ka nagagalit?" ani Rolan sa anak.Taas-baba ang dibdib ni Shiela dahil emosyonal na siya ng mga sandaling iyon. Sa huli ay tumayo siya at umatras. "Kung hindi niyo sasabihin sa'kin ngayon ang totoo ay kay Chris ko tatanungin lahat." Pagkatapos ay nag-walk-out na siya na kahit ilang beses tinawag ng ama at tuloy-tuloy lang siya sa paglayo.Nakabalik agad si Shiela sa parking lot at pagkasakay sa kotse ay tinanong ng driver, "Uuwi na po ba agad tayo, Miss?"Ang daming gumugulo sa isip ni Shiela ng mga oras na iyon. Hindi na niya alam kung sino ang paniniwalaan dahil ramdam niya naman na totoo ang ipinapakitang kabutihan ng Abuelo. Saksi ito sa pinagdaanan niya. Ito rin ang tumulong na tuluyan siyang maka-move on at muling magpatuloy
SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na