WALA pang limang minuto ay tumatawag na si Zia. Noong una ay hindi pansin ni Chris dahil sa malakas na buhos ng ulan.Naglalakad na rin siya pabalik sa Cruz mansion hanggang sa muling tumawag ang kapatid at sinagot na niya."Kuya! Si Shiela!"Biglang nagising ang diwa ni Chris saka napalingon sa pinanggalingan. Sa isang iglap ay nakaramdam siya ng matinding kaba. Naglakad siya ng mabilis hanggang sa tuluyan nang tumakbo palabas ng subdivision.Ayon kay Zia mula sa kabilang linya ay bigla na lamang sumuka ng dugo si Shiela at pagkatapos ay nahimatay habang patungo ang mga ito sa ospital.Si Chris na nakalabas na ng subdivision ay nagpalinga-linga sa paligid. Naghahanap ng masasakyan.Natataranta siya sa labis na pag-aalala kay Shiela sa puntong hindi na niya naisip na kumuha na lamang ng sasakyan sa mansion. Kaya muli siyang tumakbo pabalik at hiningi sa driver ang isa sa mga susi ng kotse na naroon sa garahe.Habang naghihintay na maibigay ang susi ay lumabas si Maricar habang nakapay
NANG makita ang pamilya ni Chris sa likod nito ay nanlaki ang mga mata ni Shiela. Gustuhin niya mang bawiin ang binitawang salita ay nasabi na niya. Kailangan niyang panindigan dahil hindi na niya talaga kayang pakisamahan si Chris. Sukang-suka na siyang makasama ito.Si Louie ang unang kumilos. Pumasok siya sa kwarto at nilapag sa tabi ng sofa ang dalang maleta.Napaiwas naman ng tingin si Shiela nang sunod na pumasok si Zia at Maricar. Habang si Chris ay nanatili sa hamba ng pinto, tuluyang hindi nakagalaw.Matapos maitabi ang mga dalang gamit ay pasimpleng inaya ni Louie ang asawa't biyenan sa labas para makapag-usap si Chris at Shiela.Pagkasara ng pinto ay saka lang nagsalita si Chris, "Bakit?""Hindi ko na kaya. Napapagod na 'kong magtiis kaya mas mabuti pang maghiwalay na tayo," ani Shiela."Pa'no kung ayoko?""Alam ko namang ito ang sasabihin mo. Kaya nga nakikiusap ako. Kung kailangang magmakaawa sa'yo para hiwalayan na 'ko'y gagawin ko."Napahilot si Chris sa noo. Nahihirapa
MAG-IISANG oras ng tinatawagan ni Zia ang kapatid pero hindi ito sumasagot."Nasa'n ba si Kuya? Kung kailan kailangan na kailangan ay saka mo naman hindi mahagilap."Napatingin si Shiela rito at kay Maricar na halatang nag-aalala. Hindi niya maintindihan kung bakit concern ang dalawa sa kanya gayong hindi naman siya kaano-ano. Hindi rin gaanong kilala at hindi pa matagal na nakakasama.Saka niya napagtantong... Ah, kasi mabubuting tao ang kasama niya at iyon ang isa sa pinagpapasalamat niya.Na kahit malungkot at madilim ang buhay na naranasan ay may mga tao pa rin handang tumulong at nagmamalasakit."Ate, hayaan mo na lang kung hindi niya sinasagot. Baka nga, higit na mas importante iyong inaasikaso niya," gusto niyang sabihin na 'higit sa kanya' pero ayaw niya namang magtunog nanunumbat.Tumigil naman si Zia sa kaka-dial sa numero ng kapatid at sa halip ay ang asawa ang tinawagan. Nagre-request ng agarang treatment para kay Shiela.Na agad nitong tinanggihan."Hindi na kailangan, At
MAY tumulong luha sa mga mata ni Shiela nang marinig iyon mula kay Chris.Kung ganoon, hanggang kamatayan pala ay hindi siya nito lulubayan. May parte sa kanyang ayaw iyon mangyari at mayroon ding natutuwa.Hindi niya maintindihan ang sarili. Marahil ay ganoon talaga kapag naghihintay na lamang na lisanin ang mundo."Naririnig mo 'ko, Shiela? Kahit hanggang kamatayan ay hindi kita pakakawalan kaya 'wag kang sumuko, pwede? Samahan mo pa kami ni Archie ng matagal."Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha sa mga mata ni Shiela nang marinig ang pangalan ng anak. Ilang araw na niya itong hindi nakikita at miss na miss na niya ito. Gusto na niyang makasamang muli ang anak at mayakap nang mahigpit na mahigpit."Gusto ko siyang makita," aniya."Oo naman, one of this day ay isasama ko siya rito," saad naman ni Chris.Nasa ganoon silang tagpo ng kumatok mula sa labas ang isang Nurse. "Excuse me, Sir, pero gusto po kayong makausap ni Dok."Saglit na nagpaalam si Chris para kausapin ang Doctor. "Babalik
MATAPOS na makapag-usap ang magkapatid ay pumasok si Maricar sa kwarto kasama ang caregiver na may dalang pagkain.Si Mia na nasa tabi ng kama ay napatayo. Pakiramdam niya ay oras na para siya ay umalis kaya nagpaalam na siya sa kapatid.Kahit nahihirapang gumalaw ay pinigilan ito ni Shiela sa kamay. "Dito ka lang. 'Wag kang umalis."Saglit na lumingon si Mia kay Maricar bago ibalik ang tingin sa kapatid. "'Wag kang mag-alala, babalik din agad ako mamaya. Aasikasuhin ko muna 'yung tutuluyan ko."Titig na titig si Shiela sa kapatid ng bitawan niya ang kamay nito. "Babalik ka, a? Hihintayin kita mamaya."Tumango si Mia saka tuluyang nagpaalam. Bago lumabas ng kwarto ay nagpasalamat siya kay Maricar. Sa pag-aalaga sa kanyang kapatid."'Wag kang mag-alala. Anak na rin ang turing ko sa kanya," ani Maricar na bagama't kinausap ito ay naroon pa rin ang puot na nararamdaman."Maraming salamat po talaga." Matapos ay saka siya tuluyang umalis.Pagdating ng hapon gaya ng ipinangako ay bumalik si
SA HALIP na sumagot ay hinawakan ni Zia ang kamay ni Shiela. "Tara na, bumalik na tayo sa kwarto mo."Kahit walang sapat na lakas ay nagawang manatili ni Shiela sa kinatatayuan kahit marahan siyang inilalayo ni Zia."Ano muna ang nangyari kay Chris? Akala ko ba'y busy siya sa trabaho?"Napakurap si Zia saka nagtangkang magpaliwanag pero wala namang lumalabas na salita sa bibig. "A-Ano... kasi... nilagnat lang siya after maulanan.""Ba't ka nagsisinungaling?"Mariing nailapat ni Zia ang labi. Hindi niya pwedeng sabihing kaya nasa loob si Chris, naka-confine ay dahil sa nalalapit na ang operasyon."Magtiwala ka lang sa'kin, Shiela. Walang mangyayaring masama kay Kuya, kaya tara na't bumalik na tayo sa kwarto mo." Matapos ay binalingan ang anak na si Laurence. "Ba't mo siya dinala rito?""Sorry, Mama." Tapos ay tumakbo ito pabalik sa kwarto."Pwede mo namang sabihin sa'kin na may sakit siya, ba't kailangan mo pang magsinungaling?" ani Shiela.Si Luiza na nasa isang tabi at pinapakinggan
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Zia sa Doctor at kay Shiela. Nilapitan niya pa ang hipag saka hinaplos ang braso nito. "'Wag kang mag-isip ng ganyan. Sigurado akong babalik sa normal ang paningin mo. Magtiwala ka lang, 'di po ba?" aniya sa Doctor.Tumango naman ito. "Temporary lang ito kaya 'wag kang mabahala. Sinisigurado kong gagawin namin ang lahat para bumalik sa dati ang paningin mo."Matapos ay nagpaalam na ito para maihanda ang pagsusuri na gagawin kay Shiela.Pagkaalis ng Doctor ay natahimik silang naroon sa loob ng kwarto. Maging si Laurence na natural na malikot at maingay ay tahimik lang na nakaupo sa sofa katabi ang kapatid.Ilang minuto ang lumipas ang dumating si Louie. Agad tumakbo palapit ang dalawang bata sa ama at ikinuwento ang nangyari."Magiging okay lang naman si Tita, 'di ba, Papa?" ani Laurence."Oo, magiging okay lang siya," tugon ni Louie saka tiningnan ang panganay. "Ayos ka lang, Luiza?""Kawawa si Tita," saad ng bata."'Wag kayong mag-alala. Magiging okay l
UMILING lang si Henry sabay ngisi. Nang maalalang wala nga palang nakikita ang kaibigan ay nagsalita siya, "Naitanong ko lang."Kumapa-kapa sa hangin si Shiela. Mas lumapit naman at inangat ni Henry ang kamay para mahawakan nito."'Lika, usap muna tayo. Ang tagal kong walang naging balita sa'yo. Hindi ko akalaing dito pala tayo magkikitang muli," natutuwang saad ni Shiela.Nagkuwentuhan naman ang dalawa pero kapag nagtatanong si Shiela ng tungkol sa nangyari noon mula sa kamay ni Chris, ay pasimpleng iniiba ni Henry ang usapan.Ilang sandali pa ay tumatawag na si Zia sa cellphone ng caregiver. "Ma'am Shiela, hinahanap na po tayo.""Gano'n ba?" bakas ang lungkot sa tono ng boses ni Shiela. Gusto niya pa sanang makausap si Henry nang matagal."May ibang pagkakataon pa naman para makapag-usap tayo ng matagal-tagal. Saka, may lalakarin kasi ako kaya hindi na rin ako magtatagal," ani Henry.Bago tuluyang umalis ay nag-iwan ng contact number si Henry para makapag-usap pa rin sila ni Shiela.
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod