MATAPOS na makapag-usap ang magkapatid ay pumasok si Maricar sa kwarto kasama ang caregiver na may dalang pagkain.Si Mia na nasa tabi ng kama ay napatayo. Pakiramdam niya ay oras na para siya ay umalis kaya nagpaalam na siya sa kapatid.Kahit nahihirapang gumalaw ay pinigilan ito ni Shiela sa kamay. "Dito ka lang. 'Wag kang umalis."Saglit na lumingon si Mia kay Maricar bago ibalik ang tingin sa kapatid. "'Wag kang mag-alala, babalik din agad ako mamaya. Aasikasuhin ko muna 'yung tutuluyan ko."Titig na titig si Shiela sa kapatid ng bitawan niya ang kamay nito. "Babalik ka, a? Hihintayin kita mamaya."Tumango si Mia saka tuluyang nagpaalam. Bago lumabas ng kwarto ay nagpasalamat siya kay Maricar. Sa pag-aalaga sa kanyang kapatid."'Wag kang mag-alala. Anak na rin ang turing ko sa kanya," ani Maricar na bagama't kinausap ito ay naroon pa rin ang puot na nararamdaman."Maraming salamat po talaga." Matapos ay saka siya tuluyang umalis.Pagdating ng hapon gaya ng ipinangako ay bumalik si
SA HALIP na sumagot ay hinawakan ni Zia ang kamay ni Shiela. "Tara na, bumalik na tayo sa kwarto mo."Kahit walang sapat na lakas ay nagawang manatili ni Shiela sa kinatatayuan kahit marahan siyang inilalayo ni Zia."Ano muna ang nangyari kay Chris? Akala ko ba'y busy siya sa trabaho?"Napakurap si Zia saka nagtangkang magpaliwanag pero wala namang lumalabas na salita sa bibig. "A-Ano... kasi... nilagnat lang siya after maulanan.""Ba't ka nagsisinungaling?"Mariing nailapat ni Zia ang labi. Hindi niya pwedeng sabihing kaya nasa loob si Chris, naka-confine ay dahil sa nalalapit na ang operasyon."Magtiwala ka lang sa'kin, Shiela. Walang mangyayaring masama kay Kuya, kaya tara na't bumalik na tayo sa kwarto mo." Matapos ay binalingan ang anak na si Laurence. "Ba't mo siya dinala rito?""Sorry, Mama." Tapos ay tumakbo ito pabalik sa kwarto."Pwede mo namang sabihin sa'kin na may sakit siya, ba't kailangan mo pang magsinungaling?" ani Shiela.Si Luiza na nasa isang tabi at pinapakinggan
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Zia sa Doctor at kay Shiela. Nilapitan niya pa ang hipag saka hinaplos ang braso nito. "'Wag kang mag-isip ng ganyan. Sigurado akong babalik sa normal ang paningin mo. Magtiwala ka lang, 'di po ba?" aniya sa Doctor.Tumango naman ito. "Temporary lang ito kaya 'wag kang mabahala. Sinisigurado kong gagawin namin ang lahat para bumalik sa dati ang paningin mo."Matapos ay nagpaalam na ito para maihanda ang pagsusuri na gagawin kay Shiela.Pagkaalis ng Doctor ay natahimik silang naroon sa loob ng kwarto. Maging si Laurence na natural na malikot at maingay ay tahimik lang na nakaupo sa sofa katabi ang kapatid.Ilang minuto ang lumipas ang dumating si Louie. Agad tumakbo palapit ang dalawang bata sa ama at ikinuwento ang nangyari."Magiging okay lang naman si Tita, 'di ba, Papa?" ani Laurence."Oo, magiging okay lang siya," tugon ni Louie saka tiningnan ang panganay. "Ayos ka lang, Luiza?""Kawawa si Tita," saad ng bata."'Wag kayong mag-alala. Magiging okay l
UMILING lang si Henry sabay ngisi. Nang maalalang wala nga palang nakikita ang kaibigan ay nagsalita siya, "Naitanong ko lang."Kumapa-kapa sa hangin si Shiela. Mas lumapit naman at inangat ni Henry ang kamay para mahawakan nito."'Lika, usap muna tayo. Ang tagal kong walang naging balita sa'yo. Hindi ko akalaing dito pala tayo magkikitang muli," natutuwang saad ni Shiela.Nagkuwentuhan naman ang dalawa pero kapag nagtatanong si Shiela ng tungkol sa nangyari noon mula sa kamay ni Chris, ay pasimpleng iniiba ni Henry ang usapan.Ilang sandali pa ay tumatawag na si Zia sa cellphone ng caregiver. "Ma'am Shiela, hinahanap na po tayo.""Gano'n ba?" bakas ang lungkot sa tono ng boses ni Shiela. Gusto niya pa sanang makausap si Henry nang matagal."May ibang pagkakataon pa naman para makapag-usap tayo ng matagal-tagal. Saka, may lalakarin kasi ako kaya hindi na rin ako magtatagal," ani Henry.Bago tuluyang umalis ay nag-iwan ng contact number si Henry para makapag-usap pa rin sila ni Shiela.
BINILISAN pang lalo ni Chris ang paghabol hanggang sa pinigilan ng hospital staff. "Henry!" aniya dahil kahit sugatan ay nakita niyang may ulirat pa ito.Mula sa dalawang Nurse ay huminto ang isa para siya ay tanungin. "Kamag-anak niyo ba siya, Sir?"Umiling si Chris. "Kakilala ko lang siya.""Kung gano'n ay paki-contact na lamang po ang kamag-anak niya para sabihing na-aksidente siya.""Ano bang nangyari sa kanya?" si Chris na nagpupumilit lumapit. Hindi siya makapaniwalang ang lalakeng kausap lang kanina, ngayon ay nag-aagaw buhay na."Nabunggo po siya," tugon ng Nurse.Samantalang napagdesisyunan ng Doctor na operahan si Henry dahil sobrang lubha ng tinamo nito. "Ihanda niyo kaagad ang operating room!"Dahil na-distract ang Nurse ay bahagyang nakalapit si Chris. Nagtama ang tingin nila ni Henry at tila may kung anong sinasabi."Ano? Dok, mukhang may sinasabi ang pasiyente!" saad ng isa pang Nurse.Habang ang isa pa ay agad hinila si Chris palayo. "Sir, hindi kayo pwede rito.""Sand
MAHIGIT isang buwan ang nakalipas matapos na maoperahan sa mata si Shiela ay nakakakita na siya nang maayos. Mas malinaw pa nga sa dati niyang vision.Kaya sobrang saya niya dahil fully recovered na rin siya sa operasyon sa liver at ilang araw na lamang ay puwede nang ma-discharge.Makakasama na niyang muli ang anak at mahal sa buhay. Halos araw-araw ay bumibisita si Zia o si Mia at kung minsan ay si Maricar kasama si Archie.Pero napapansin niya na dalawang linggo ng wala si Chris. Ang huling kita niya rito ay iyong araw na na-discharge ito sa ospital.At dahil nakakakita na siya ng maayos at pinayagan na rin ng Doctor na gumamit siya ng cellphone kaya tinawagan niya ang asawa. Hindi ito sumasagot pero nag-message naman na abala ito sa trabaho.Hindi na rin siya tumawag ulit para hindi ito maistorbo. Pagkatapos, habang nagsi-scroll sa may contact list ay nakita niya ang number ni Henry. Ang tagal na niya itong hindi nakakausap. Kaya tinawagan niya at gaya ni Chris ay hindi ito sumasa
TULALA at hindi makausap si Shiela matapos na malaman ang totoo.Lumuluha lang siya hanggang sa makasakay sa kotse. Katabi si Zia na panaka-naka ang lingon."Alam kong mahirap pero--"Napapikit si Shiela. "Hindi niya man lang nasilayan ang anak niya. Nawala siya sa mundo na hindi man lang ito nakita." Pagmulat ay nilingon niya si Diana sa kanyang tabi at ang tiyan nito.Kasama nila ito sa sasakyan dahil pansamantala itong nakatira sa Cruz mansion. Ang gusto ni Diana ay umuwi na sa Cebu pero dahil malapit na itong manganak ay pinigilan muna ni Zia. Dahil sagot na nila ang panganganak nito sa Rodriguez hospital."Aalagaan ko ng mabuti ang mga mata ko," saad ni Shiela na hinawakan pa ang kamay nito.Malungkot naman na nangiti si Diana. "Salamat."Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa mansion."Mama!" si Laurence na tumatakbong palapit.Kasunod nito si Maricar na karga si Archie.Agad namang lumapit si Shiela. Mahigit isang linggo niyang hindi nakita ang anak. Paglapit ay a
KATOK sa pinto ang gumambala sa tatlo ng mga sandaling iyon.Si Zia ang nagbukas ng pinto at nakitang nakatayo si Shiela sa labas."M-May kailangan ka?""Galing ako sa kusina, Ate. Pinapatanong ng kusinera kung anong gusto niyong kainin sa hapunan," tugon ni Shiela na bahagyang sumilip.Nakita niyang nasa loob si Maricar at Jeric kaya napatanong siya, "Anong meron, Ate?"Ngumiti naman si Zia para ipakita na maayos lang ang lahat. "Wala naman, sige at tatanungin ko si Mama." Pagkatapos ay sinara ang pinto.Nagtaka naman si Shiela pero hindi na masiyado iyong pinagtuunan ng pansin at pinuntahan na lamang si Diana para makipagkuwentuhan.Samantalang sa loob naman ng kwarto ay pinalabas na ng dalawa si Jeric dahil ayaw talaga nitong magsalita.Pagkaalis ng binata ay nag-usap ang mag-ina."Hindi kaya ay bumalik si Kuya sa Cebu?" ani Zia."Ano namang babalikan niya ro'n? 'Wag mo sabihing ang babaeng 'yun?" tukoy kay Irene. "Ano pa bang babalikan niya sa Irene na 'yun?"Saglit na nag-isip si
NANG una ay natigilan si Shiela hanggang sa mapakunot-noo. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi 'to ang pinag-usapan natin!" kasabay ng pagtaas ng boses ay ang biglaan niyang paglayo."Huminahon ka muna," ani Mario."Pa'no ako hihinahon kung ganito ang ginagawa mo? Iniwan ko ang pamilya ko dahil sa mga banta mo tapos ngayon ay ganito naman?! Sumusobra ka na!"Biglang binagsak ni Mario ang hawak na baston na ikinagulat ni Shiela maging ni Castro."Senior, huminahon po kayo. Ang mas mabuti pa ay sa susunod na lamang natin 'to pag-usapan," saad ng lawyer saka niligpit ang mga dokumento sa center-table. Pagkatapos ay yumukod bilang pamamaalam. "Babalik na lang ako sa susunod, Senior." Saka ito tuluyang umalis.Nang maiwan ang dalawa ay tiningnan nang masama ni Shiela ang Abuelo. "Gusto ko ng paliwanag kung ba't mo 'to ginagawa."Tumayo sa kinauupuan si Mario at mataman itong tinitigan sa mga mata. "Bilang aking apo. Ayokong madungisan ang pangalan natin kaya inaalis ko sa buhay mo ang mga ba
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari