SA GINAWA ni Irene ay tuluyang naubos ang natitirang pasensiya ni Chris. Dinukot niya sa bulsa ang cellphone saka nag-dial. "Tatawag ako ng police para hulihin ka. Kaya kung ako sa'yo ay umalis ka na dahil sa oras madakip ka, tingnan ko lang kung may maipiyansa ka," banta niya."Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to, Chris!" daing ni Irene saka umiyak. "'Wag mo 'kong iwan, hindi ko kakayanin."Kumonekta ang tawag para sa police station. "Hello?"Nang marinig iyon ni Irene ay dali-dali siyang umalis. Tumakbo palayo sa takot na ipahuli talaga.Agad naman tinapos ni Chris ang tawag saka tinago ang cellphone. Matapos ay tumalikod para bumalik sa mansion nang magtagpo ang tingin nila ng asawa."Hindi mo na sana siya tinakot ng gano'n," ani Shiela."Hindi siya titigil kung hindi ko 'yun gagawin. Tara na sa loob," aya ni Chris na inakbayan pa ito.Si Shiela naman ay hindi pa rin maiwasang lumingon sa may gate. Hindi niya maiwasang maawa kay Irene kahit may mali itong nagawa.Babae rin siya kaya
SA NARINIG ay agad nanghina ang tuhod ni Shiela. Mabuti na lamang at agad umalalay si Maricar. "Ano'ng nangyayari, sinong kausap mo?"Nangilabot ang buong katawan ni Shiela. Nanlamig siya at bumilis ang tibok ng puso."A-Anong sinasabi mo, Irene? Pa'nong mapupunta sa'yo ang anak ko?"Mula sa kabilang linya ay humalakhak si Irene. "Salamat sa biyenan mo't madali ko'ng nakuha si Archie, ang cute-cute talaga ng anak ni Chris. Sayang lang at ikaw ang Ina.""Anong sinasabi ng kausap mo, Shiela?" sabat naman ni Maricar.Hindi inimik ni Shiela ang tanong ng biyenan. Mas pinagtuunan niya ng pansin si Irene sa kabilang linya. "'Wag mo siyang sasaktan, nakikiusap ako sa'yo. Lahat ng gusto mo ay gagawin ko, ibalik mo lang siya ng ligtas," naluluhang saad ni Shiela.Muling tumawa si Irene. "Lahat ay gagawin? Pwes, ibigay mo ang cellphone kay Chris. Gusto ko siyang makausap."Huminga nang malalim si Shiela saka tiningnan ang biyenan. "'Ma, papuntahin niyo rito si Chris."Tumango si Maricar. "S-Sig
SA NARINIG ay halos mawalan ng malay si Shiela. "H-Hindi! Anong ginawa mo sa anak ko?!"Biglang humalakhak nang malakas si Irene mula sa kabilang linya. Hanggang sa naging magulo at maingay saka bigla na lamang naputol ang tawag."Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Maricar.Hindi ito sinagot ni Shiela at sa halip ay tinawagan ang numero ni Irene ngunit hindi na ito sumasagot."May ginawa bang masama si Irene kay Archie?" tanong naman ni Zia.Bigla na lamang napahagulgol si Shiela. Para siyang mababaliw ng mga oras na iyon. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang tawagan ang numero kahit wala namang sumasagot."Shiela!" biglang taas ng boses ni Maricar. "Huminahon ka!" Bigla siyang nabahala sa ikinikilos ng manugang.Nanginginig na kasi ito at parang ano man sandali ay masisiraan na ng bait. Maging si Zia ay nababahala na rin sa ikinikilos ng hipag.Natauhan naman si Shiela saka humingi ng paumanhin habang umiiyak."A-Ang sabi ay tinapon niya sa basurahan si Archie," iyak pa niya."
WALA pang limang minuto ay tumatawag na si Zia. Noong una ay hindi pansin ni Chris dahil sa malakas na buhos ng ulan.Naglalakad na rin siya pabalik sa Cruz mansion hanggang sa muling tumawag ang kapatid at sinagot na niya."Kuya! Si Shiela!"Biglang nagising ang diwa ni Chris saka napalingon sa pinanggalingan. Sa isang iglap ay nakaramdam siya ng matinding kaba. Naglakad siya ng mabilis hanggang sa tuluyan nang tumakbo palabas ng subdivision.Ayon kay Zia mula sa kabilang linya ay bigla na lamang sumuka ng dugo si Shiela at pagkatapos ay nahimatay habang patungo ang mga ito sa ospital.Si Chris na nakalabas na ng subdivision ay nagpalinga-linga sa paligid. Naghahanap ng masasakyan.Natataranta siya sa labis na pag-aalala kay Shiela sa puntong hindi na niya naisip na kumuha na lamang ng sasakyan sa mansion. Kaya muli siyang tumakbo pabalik at hiningi sa driver ang isa sa mga susi ng kotse na naroon sa garahe.Habang naghihintay na maibigay ang susi ay lumabas si Maricar habang nakapay
NANG makita ang pamilya ni Chris sa likod nito ay nanlaki ang mga mata ni Shiela. Gustuhin niya mang bawiin ang binitawang salita ay nasabi na niya. Kailangan niyang panindigan dahil hindi na niya talaga kayang pakisamahan si Chris. Sukang-suka na siyang makasama ito.Si Louie ang unang kumilos. Pumasok siya sa kwarto at nilapag sa tabi ng sofa ang dalang maleta.Napaiwas naman ng tingin si Shiela nang sunod na pumasok si Zia at Maricar. Habang si Chris ay nanatili sa hamba ng pinto, tuluyang hindi nakagalaw.Matapos maitabi ang mga dalang gamit ay pasimpleng inaya ni Louie ang asawa't biyenan sa labas para makapag-usap si Chris at Shiela.Pagkasara ng pinto ay saka lang nagsalita si Chris, "Bakit?""Hindi ko na kaya. Napapagod na 'kong magtiis kaya mas mabuti pang maghiwalay na tayo," ani Shiela."Pa'no kung ayoko?""Alam ko namang ito ang sasabihin mo. Kaya nga nakikiusap ako. Kung kailangang magmakaawa sa'yo para hiwalayan na 'ko'y gagawin ko."Napahilot si Chris sa noo. Nahihirapa
MAG-IISANG oras ng tinatawagan ni Zia ang kapatid pero hindi ito sumasagot."Nasa'n ba si Kuya? Kung kailan kailangan na kailangan ay saka mo naman hindi mahagilap."Napatingin si Shiela rito at kay Maricar na halatang nag-aalala. Hindi niya maintindihan kung bakit concern ang dalawa sa kanya gayong hindi naman siya kaano-ano. Hindi rin gaanong kilala at hindi pa matagal na nakakasama.Saka niya napagtantong... Ah, kasi mabubuting tao ang kasama niya at iyon ang isa sa pinagpapasalamat niya.Na kahit malungkot at madilim ang buhay na naranasan ay may mga tao pa rin handang tumulong at nagmamalasakit."Ate, hayaan mo na lang kung hindi niya sinasagot. Baka nga, higit na mas importante iyong inaasikaso niya," gusto niyang sabihin na 'higit sa kanya' pero ayaw niya namang magtunog nanunumbat.Tumigil naman si Zia sa kaka-dial sa numero ng kapatid at sa halip ay ang asawa ang tinawagan. Nagre-request ng agarang treatment para kay Shiela.Na agad nitong tinanggihan."Hindi na kailangan, At
MAY tumulong luha sa mga mata ni Shiela nang marinig iyon mula kay Chris.Kung ganoon, hanggang kamatayan pala ay hindi siya nito lulubayan. May parte sa kanyang ayaw iyon mangyari at mayroon ding natutuwa.Hindi niya maintindihan ang sarili. Marahil ay ganoon talaga kapag naghihintay na lamang na lisanin ang mundo."Naririnig mo 'ko, Shiela? Kahit hanggang kamatayan ay hindi kita pakakawalan kaya 'wag kang sumuko, pwede? Samahan mo pa kami ni Archie ng matagal."Sunod-sunod ang pagdaloy ng luha sa mga mata ni Shiela nang marinig ang pangalan ng anak. Ilang araw na niya itong hindi nakikita at miss na miss na niya ito. Gusto na niyang makasamang muli ang anak at mayakap nang mahigpit na mahigpit."Gusto ko siyang makita," aniya."Oo naman, one of this day ay isasama ko siya rito," saad naman ni Chris.Nasa ganoon silang tagpo ng kumatok mula sa labas ang isang Nurse. "Excuse me, Sir, pero gusto po kayong makausap ni Dok."Saglit na nagpaalam si Chris para kausapin ang Doctor. "Babalik
MATAPOS na makapag-usap ang magkapatid ay pumasok si Maricar sa kwarto kasama ang caregiver na may dalang pagkain.Si Mia na nasa tabi ng kama ay napatayo. Pakiramdam niya ay oras na para siya ay umalis kaya nagpaalam na siya sa kapatid.Kahit nahihirapang gumalaw ay pinigilan ito ni Shiela sa kamay. "Dito ka lang. 'Wag kang umalis."Saglit na lumingon si Mia kay Maricar bago ibalik ang tingin sa kapatid. "'Wag kang mag-alala, babalik din agad ako mamaya. Aasikasuhin ko muna 'yung tutuluyan ko."Titig na titig si Shiela sa kapatid ng bitawan niya ang kamay nito. "Babalik ka, a? Hihintayin kita mamaya."Tumango si Mia saka tuluyang nagpaalam. Bago lumabas ng kwarto ay nagpasalamat siya kay Maricar. Sa pag-aalaga sa kanyang kapatid."'Wag kang mag-alala. Anak na rin ang turing ko sa kanya," ani Maricar na bagama't kinausap ito ay naroon pa rin ang puot na nararamdaman."Maraming salamat po talaga." Matapos ay saka siya tuluyang umalis.Pagdating ng hapon gaya ng ipinangako ay bumalik si
NANG una ay natigilan si Shiela hanggang sa mapakunot-noo. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi 'to ang pinag-usapan natin!" kasabay ng pagtaas ng boses ay ang biglaan niyang paglayo."Huminahon ka muna," ani Mario."Pa'no ako hihinahon kung ganito ang ginagawa mo? Iniwan ko ang pamilya ko dahil sa mga banta mo tapos ngayon ay ganito naman?! Sumusobra ka na!"Biglang binagsak ni Mario ang hawak na baston na ikinagulat ni Shiela maging ni Castro."Senior, huminahon po kayo. Ang mas mabuti pa ay sa susunod na lamang natin 'to pag-usapan," saad ng lawyer saka niligpit ang mga dokumento sa center-table. Pagkatapos ay yumukod bilang pamamaalam. "Babalik na lang ako sa susunod, Senior." Saka ito tuluyang umalis.Nang maiwan ang dalawa ay tiningnan nang masama ni Shiela ang Abuelo. "Gusto ko ng paliwanag kung ba't mo 'to ginagawa."Tumayo sa kinauupuan si Mario at mataman itong tinitigan sa mga mata. "Bilang aking apo. Ayokong madungisan ang pangalan natin kaya inaalis ko sa buhay mo ang mga ba
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari