PAGHINTO ng sasakyan ay nanigas na sa puwesto si Shiela. Habang nakatanaw sa hotel kung saan gaganapin ang party. Katabi niya si Chris na palabas na sana ng kotse nang mapalingon."Ano pang hinihintay mo?" Saka napabuntong-hininga. "Sandali nga lang," ani Chris at lumabas ng sasakyan saka lumipat sa kabilang pinto ng kotse upang pagbuksan ito."K-Kinakabahan ako," saad ni Shiela habang nakahawak sa kamay nitong nakalahad upang alalayan siya."Alam ko dahil nanlalamig ang kamay mo," ani Chris. "Pero 'wag kang papahalata, mag-relax ka lang."Iyon naman ang ginagawa ni Shiela simula pa kanina pero hindi talaga maiwasan dahil ito ang unang beses na a-attend siya ng engrandeng party bilang asawa ni Chris."Don't worry, kasama mo lang ako through all the night," assurance pa ni Chris bago sila pumasok sa loob.Sa may lobby ay marami-rami ang mga taong dadalo ring tulad nila. May nakapila kaya ganoon din ang dalawa habang hawak ang invitation card.Ngunit kahit nasa labas pa lamang ay marami
BUKAS at sagad ang aircon sa kotse. Pero ang mga sakay ay pawang mainit ang ulo.Kahit tahimik na magkatabi sina Shiela at Chris sa backseat ay ramdam ni Jeric na tahimik na nagmamaneho ang tensyon sa dalawa.Nang makarating nga sa hotel ay nagmamadali si Chris na sumakay sa elevator at kinalimutan si Shiela.Kaya ang naiwan na lamang ay ang dalawa."Sa'ng floor ka?" tanong ni Shiela para hindi naman awkward sa kanilang dalawa ni Jeric habang nasa loob ng elevator."Sa ibabang floor niyo po, Ma'am."Tumango-tango si Shiela. Nasa presidential suite kasi siya katabi ng kay Chris. E, ayaw niyang bumalik doon at baka mag-ayaw lang ulit sila. "Pwedeng palit tayo? Sa suite ko na lang ikaw matulog."Napakurap si Jeric saka napakamot sa batok. "Baka po magalit si Sir.""Akong bahala," saka muling nakiusap.Muling napakamot sa batok si Jeric pero pumayag din kalaunan. "Kunin ko lang po ang gamit ko, Ma'am."At ganoon din ang ginawa ni Shiela. Mabilis niyang kinuha ang gamit saka lumabas sa pre
NANLIIT, nagtataka at may halong pagdududa ang tingin ni Chris. "Magpapakasal ka ulit sa'kin, bakit?"Kumurap si Shiela. Gustuhin man mag-iwas ng tingin ay hindi maaari kung nais niya itong papaniwalain. "Dahil mahal pa rin kita sa kabila ng lahat. Akala ko, kaya kong mawala ka sa buhay ko, pero hindi pala lalo't may ibang babae. Hindi ko maiwasang magselos. Gusto ko, ako lang," sa haba ng sinabi. Himalang hindi siya nabulol o nautal man lamang. Talagang pumapanig sa kanya ang pagkakataon."Talaga?"Tumango siya. "Saka... kahit na hiwalay tayo ay hindi mo pa rin ako hahayaan. Mananatili ako sa'yo hanggang kailan mo gusto."Tumango-tango si Chris na bahagyang nangiti. Lumapit ito at hinaplos ang bewang ni Shiela. "Akin ka hanggang sa magsawa ako."Tumingala at tumitig nang matagal si Shiela sa mga mata nito. Pagkatapos ay dinantay niya ang ulo sa dibdib nito, pinakikinggan ang puso na kung maaari lang ay dudukutin at pipigain niya hanggang sa tumigil sa pagtibok."Iyong-iyong lang ako,
BAKAS ang pagkabigla sa mukha ng babae. Hindi ito makapaniwala sa narinig."Imposible, kahihiwalay lang ni Chris sa asawa niya kaya anong sinasabi mo?!" anito."Yes, pero magpapakasal ulit kami," saad ni Shiela.Muling nagpalipat-lipat ang tingin ng babae sa dalawa. "Chris, ano 'to?""I'm sorry, Camille pero totoo ang sinasabi niya. She's my ex wife at ikakasal ulit kami.""Ang how about me?!""What do you mean how about you? Wala naman tayong relasyon. 'Di ba nga, ikaw pa ang nag-set na walang seryosohan, laro-laro lang? Kaya ginagawa ko lang ang gusto mo," ani Chris.Sa isang iglap ay pinadapo ni Camille ang palad sa mukha nito. "Walangh*ya ka, Chris! Pinaasa mo lang ako!" Matapos ay saka nag-walk out.Si Shiela na nabigla sa ginawa ng babae ay muntik pang matawa, mabuti na lamang at nakontrol niya ang sariling emosyon. Deserve na deserve ni Chris ang natanggap nitong sampal. Kung pwede nga lang ay sisegundahan niya ang ginawa ni Camille pero hindi pwede."Ayos ka lang ba?" kunwarin
KUMURAP ng makailang beses Shiela. Kailangan niyang panindigan ang binitawang salita."Kung nagsisinungaling ako, sa'n ko naman gagamitin ang mga 'to? Iniisip mo bang may sakit ako? Edi, sana dumiretso ako sa ospital, nagpa-check up saka humingi ng reseta para sa gamot. Pero hindi, binili ko lang 'to sa drugs store, ito 'yung pinaka-mild at hindi na kailangan ng reseta."Matagal ang titig ni Chris saka napatango-tango, kumbinsido sa sinabi nito. "Kung gano'n ay magpahinga na tayo. Sandali, sa'n ka nga pala galing?""Kay Archie, tiningnan ko lang kung tulog na siya."Pagtalikod ni Chris ay mariing naipikit ni Shiela ang mata saka marahang nagbuga ng hangin. Nakahinga siya nang maluwag dahil napaniwala niya ito.Nang makitang sumampa na ito sa kama ay sumunod siya upang matulog kahit hindi pa inaantok, upang hindi lang ito muling magtanong sa kanya.~*~NGALAY na ngalay na ang labi ni Shiela sa kakangiti upang ipakita na masaya siyang ikakasal muli kay Chris.Narito sila ngayon sa munis
MABIGAT na paghinga ni Chris ang maririnig sa private lounge saka ang malaswang tunog ng ginagawa nito.Sa galing ay halos magulo at masabunutan niya ang buhok ni Irene.Ilang sandali pa ang lumipas ay nailabas niya sa loob ng bibig nito saraling kat*s.Nang tingnan niya ang magandang mukha ni Irene ay nakita niyang nilunok nito lahat at walang sinayang. Nagtagpo ang tingin nila at malagkit naman itong tumingin sabay kuha ng tissue para punasan ang labi.Pagkatapos ay saka na ito tumayo at inayos ang medyo nagulong buhok. Habang si Chris naman ay inaayos ang sarili maging ang zipper ng pantalon at sinturon.Nasa ganoon tagpo ang dalawa nang buksan ni Jeric ang pinto at mahuli sila sa akto.Sa halip na mahiya ay ngumiti lang si Irene pagkatapos ay lumabas na.Nang maiwan ang dalawang lalake ay pinaalalahanan naman ni Chris ang assistant, "Wala kang pagsasabihan kahit sino ng ano mang nakita mo ngayon."Tumango si Jeric saka nagtanong, "Babalik pa po ba kayo sa event?""Babalik pa 'ko p
Nanlilisik ang mga mata ni Shiela sa galit habang nakatingin kay Chris. "Nakakasuka kayong dalawa, lalo ka na!" hiyaw niya at dinuru-duro pa ito."Napakatagal na ng video na 'to!" Pagdedepensa pa ni Chris sa sarili.Alam ni Shiela na nagsisinungaling ito pero pinagmukha niyang naniniwala siya para hindi na mauwi sa pag-aaway ang lahat. Masiyado siyang pagod para makipagtalo. "Talaga?" aniyang nagbaba ng tono ng boses.Sinikap irehistro sa mga mata na naniniwala siya ngunit hindi niya talaga kayang lokohin ang sarili. Sa isang iglap ay biglang bumaliktad ang sikmura niya. Bago pa magkalat ay mabilis nang tumakbo patungo sa banyo si Shiela. Lumuhod siya sa harap ng inidoro at doon ay nilabas lahat ng kinain kanina.Sumunod naman si Chris. "Anong nangyayari sa'yo?" nagtataka nitong tanong.Umiling-iling si Shiela, nang matapos ay nagmumog siya at humarap sa salamin para ipaalala sa sariling hindi dapat siya magpaapekto.Ang sarili at ang anak ang dapat niyang isipin sa mga oras na iyon a
MARAHAS na binawi ni Chris ang sariling kamay mula sa pagkakahawak ni Shiela. "Ano bang kalokohan 'to?!""Wasak na wasak na 'ko na kulang na lang ay ikabaliw ko!" Saka pinukpok ang sariling dibdib. "Ang sakit-sakit na, Chris! Ilang beses kong kinukumbinsi ang sarili na magbabago ka, na maiisip mo rin ako, kami ni Archie pero hindi! Patuloy ka pa ring nakikipagkita kay Irene!"Sa halip na maawa ay mas lalo lang nagalit si Chris. "Alam ko'ng kung anong ginagawa ko kaya 'wag mo kong dinidiktahan at papipiliin dahil wala ka naman sa option.""Chris naman! Hindi ka ba naawa sa'kin? Kahit 'yun na lang? Nagkakasakit na 'ko sa ginagawa mo!" daing ni Shiela."Wala akong pakialam. Kung hindi mo 'to ititigil ay mapipilitan akong puwersahin ka," babala ni Chris.Tuluyan nang napahikbi si Shiela. Unti-unting nanghina ang tuhod niya at tuluyang napaluhod sa sahig. "Pa'no kung bigla akong mawala?""Ano na naman 'tong pinagsasasabi mo?!" iritadong tanong ni Chris. Inisip kung anong ibig nitong sabihi
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha