Share

Chapter 23

NANLIIT, nagtataka at may halong pagdududa ang tingin ni Chris. "Magpapakasal ka ulit sa'kin, bakit?"

Kumurap si Shiela. Gustuhin man mag-iwas ng tingin ay hindi maaari kung nais niya itong papaniwalain. "Dahil mahal pa rin kita sa kabila ng lahat. Akala ko, kaya kong mawala ka sa buhay ko, pero hindi pala lalo't may ibang babae. Hindi ko maiwasang magselos. Gusto ko, ako lang," sa haba ng sinabi. Himalang hindi siya nabulol o nautal man lamang. Talagang pumapanig sa kanya ang pagkakataon.

"Talaga?"

Tumango siya. "Saka... kahit na hiwalay tayo ay hindi mo pa rin ako hahayaan. Mananatili ako sa'yo hanggang kailan mo gusto."

Tumango-tango si Chris na bahagyang nangiti. Lumapit ito at hinaplos ang bewang ni Shiela. "Akin ka hanggang sa magsawa ako."

Tumingala at tumitig nang matagal si Shiela sa mga mata nito. Pagkatapos ay dinantay niya ang ulo sa dibdib nito, pinakikinggan ang puso na kung maaari lang ay dudukutin at pipigain niya hanggang sa tumigil sa pagtibok.

"Iyong-iyong lang ako,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status