NASAKTAN si Chris sa mga nasabi ni Zia. Hindi niya akalaing darating ang araw na mamumuhi sa kanya ng ganito ang kapatid na pinakamamahal.Simula bata ay sila lang ang magkasangga ngunit ngayon..."Sige... kung gusto mo talaga siyang makita ay puntahan mo. Nasa likod siya ng mansion pero 'wag mo'ng lalapitan o hahawakan dahil nananakit. Tuluyan na siyang... nabaliw."Napahikbi si Zia at nasasaktan si Chris na makitang nagkakaganoon ang kapatid ng dahil sa ibang tao. Nilapitan niya ito at niyakap. "Tahan na, 'wag ka nang umiyak."Ilang minuto silang ganoon hanggang sa tumigil si Zia at nagpasiyang puntahan si Shiela.Tatlo silang nagtungo roon. Siya, si Zia at si Jeric.Sa labas ng kwarto ng dating asawa ay may nakabantay na dalawang tauhan. Tuloy-tuloy si Zia nang pigilan niya at paalalahanan. "'Wag mo siyang lalapitan, okay?"Binawi lang nito ang braso saka tuluyang pumasok sa loob habang siya ay nanatili sa labas, walang balak magpakita.Sa pagpasok ay natigilan si Zia. Nakita niyan
HINDI lang ang basong hawak ang nabasag maging ang puso ni Shiela nang makitang may ibang kahalikan ang lalakeng minamahal.Sobrang sakit makitang may iba na ito sa loob ng maikling panahon simula ng sila ay maghiwalay.Gusto niyang sumigaw, manumbat ngunit maging ang sariling boses ay hindi niya mahanap. Tuluyan siyang napipi."Shiela..."Nang banggitin ni Chris ang pangalan niya habang may kayakap na babae ay saka lang siya tuluyang nakagalaw at nagmamadaling umalis."S-Sandali lang, Shiela!" habol ni Chris nang mabilis na pigilan ni Irene sa braso."Where are you going? Susundan mo siya't iiwan ako?"Nagpalipat-lipat ang tingin ni Chris sa dalawang babae, nahihirapan kung sino ang pipiliin. Sa huli ay inalis niya ang kamay ni Irene sa braso. "Hintayin mo 'ko rito't babalik agad ako." Sabay takbo palayo upang sundan si Shiela."Chris!" tawag ni Irene na hindi makapaniwalang ang dati nitong asawa ang pipiliin sa halip na siya. Frustrated at nagpapadyak siya sa inis.Samantalang nakar
NANLILISIK at halatang gustong manakit ni Irene habang naka-amba na ang dalawang kamay kaya napaatras si Shiela.Bago pa man makapanakit ay nagawa na agad niya itong pigilan sa magkabilang braso. "A-Anong ginagawa mo?!""Bitawan mo 'ko!" nakakarinding hiyaw ni Irene saka nagpupumiglas.Ngunit hindi ito binibitawan ni Shiela sa pangambang baka manakit sa oras na pakawalan niya. "Bakit mo ba 'to ginagawa, wala akong kasalanan sa'yo!""Anong wala?! Ang kapal ng mukha mong dumikit pa rin kay Chris kahit hiwalay na kayo. Ang isang babaeng katulad mo ay dapat magising sa katotohanang ako na ngayon ang makakasama niya!"Hindi na kaya pang tagalan ni Shiela ang pagpupumiglas nito kaya ginamitan na niya ng puwersa upang hindi siya masaktan. Sanhi kaya nabuwal sa lupa si Irene at naghihiyaw sa inis."Walanghiya kang babae ka!""Pwede ba, wala akong ginawang masama kaya kung ako sa'yo ay umalis ka na!" ani Shiela saka piniling bumalik sa bahay."Ako na ang mahal ni Chris ngayon kaya 'wag mo'ng t
PAGKALABAS ni Shiela sa kwarto ay napasandal siya sa pader nang manghina ang tuhod. Sa mga sandaling iyon niya tuluyang naramdaman ang pinaghalong kaba at malakas na kabog ng dibdib.Kung hindi niya nakontrol ang sarili ay paniguradong bibigay siya sa halik ni Chris. Ang pagbaliktad naman ng sikmura ay malamang dahil sa nangyaring pagsabunot ni Irene. Nahihilo pa rin kasi siya kaya iyon siguro ang naging sanhi.Pumasok siya sa banyo na katabi lang ng kwarto upang magmumog at maghilamos na rin, para naman mahimasmasan. Habang nasa loob ay narinig niya ang malakas na pagkakasara ng pinto sa kwarto at mabibigat na yabag.Sa hinuha niya ay galit na galit si Chris dahil sa nangyari. Pero mabuti na rin iyon, hindi man siya makaganti kay Irene, at least nakabawi siya sa pamamagitan ni Chris.Makailang-beses siyang naghilamos pero hindi matigil-tigil ang luha niya sa pag-agos. Gulong-gulo na siya sa inaakto ni Chris. Hindi niya maintindihan kung bakit lagi na lamang siya nitong sinasaktan at
HINDI na kailangan pang isipin kung anong ibig sabihin ni Chris. Nahulaan na kaagad ni Shiela kung ano ang gusto nito mula sa kanya.Kaya kahit labag sa loob ay tumango siya bago ito lumabas ng bahay. Nang mapag-isa ay natulala naman siya, hindi malaman ang gagawin sa nalamang rebelasyon tungkol sa kapatid na si Mia.Gusto niyang isiping nagkakamali lang si Chris pero... narito, hawak niya ang ebidensiyang magdidiin sa kapatid.Nakatulala lang siya ng ilang minuto hanggang sa may lumapit na katulong upang tanungin kung ipagpapatuloy pa ba nito ang pagkain o hindi na upang makapagligpit."Sige lang, nawalan na 'ko ng gana," tugon ni Shiela saka nagtungo sa kwarto upang maligo. Kailangan niyang ihanda ang katawan para sa mga mangyayari.Nagsuot siya ng night gown na binalutan ng robe saka nagtungo sa mansion."Good evening po, Ma'am Shiela," bati pa ng katulong na nakasalubong niya habang paaktay sa hagdan.Simpleng tango lang ang ginawa niya saka nagtuloy-tuloy patungo sa master's bedr
BAKAS ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Zia kaya hinawakan ni Shiela ang kamay nito sa pamamagitan ng libreng kamay. "Una't huling pakiusap ko ito sa'yo. Sana'y matulungan mo 'ko." Matapos ay binitawan din ang kamay nito upang makarga nang maayos si Archie.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Zia. Halatang nag-aalanganin ngunit tumango rin kalaunan. "Titingnan ko kung anong magagawa ko. Pero kailangan natin 'tong ilihim kay Kuya."Napangiti si Shiela. "Tayo lang ang makakaalam, Ate."Bahagyang nabigla si Zia sa paraan ng pagtawag nito sa kanya saka nangiti. "Walang ano--""Ano pang ginagawa niyo riyang dalawa?" si Chris na muling bumalik.Magkasabay na lumingon ang dalawang babae at pareho ring umiling. "Nag-tsikahan lang, Kuya," tugon ni Zia."Mamaya na 'yan at kumain muna tayo."Kaya magkasabay na pumasok sina Zia at Shiela na makahulugang tumingin sa isa't isa bago sundan si Chris.~*~DAHIL sa pakiusap ni Shiela ay humingi ng tulong si Zia sa asawa."Ba't hindi ka
NAGPIPIGIL man pero emosyon na mismo ni Shiela ang kusang tumatraydor sa kanya. Gaya ni Mia ay naluha na rin siya dahil dama niya ang senseridad sa mga salita nito."Magsisimula tayong muli, pangako ko 'yan sa'yo," patuloy pa ni Mia.Siyempre, aasa si Shiela dahil iyon lang naman ang magagawa niya sa sitwasyong iyon.Hanggang ilang sandaling katahimikan ang namayani sa magkapatid nang parehong magkahiyaan nang mag-iyakan. Matapos ay nagsalitang muli si Mia, "Magkuwento ka naman, hindi ka ba pinagmamalupitan ni Chris?"Umiling lang si Shiela, hindi na nais pang sabihin ang totoo dahil baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. "Naghiwalay na kami," sa halip ay ito na lamang ang sinabi niya."Talaga? Pero... magkasama pa rin kayo?" naguguluhang tanong ni Mia."A-Ayaw niya 'kong pakawalan. Hindi ko rin gustong umalis dahil... kukunin niya ang custody ni Archie."Nagbago ang ekspresyon ni Mia. Bakas ang inis sa mukha. "Hindi naman pwede ang gano'n, ikaw ang Ina!""Alam ko naman 'yun pero hi
MATAAS na ang sinag ng araw nang magising si Shiela. Wala na sa kanyang tabi si Chris at balot ng kumot ang hubad niyang katawan.Pahirapan pa ang pagbangon sa kama dahil pinagod siya nang husto nito. Masakit ang buo niyang katawan lalo na sa ibaba. Pagpasok sa banyo ay nabigla pa siya nang makita ang sariling repleksiyon sa salamin.Tadtad ng kiss mark ang buo niyang katawan. Talagang pinanggigilan siya kagabi ni Chris. Kaya sa halip na maghihilamos at sipilyo lang ay diniretso na niya sa pagligo. Matapos magbihis ay dumiretso siya sa baba upang hanapin ang anak dahil wala na ito sa crib.At natagpuan naman niya sa may patio, karga muli ni Maricar kasama ang bunsong anak ni Zia, si Laurence. Pinagmasdan niya ng ilang sandali ang mga ito saka nagtungo sa kusina upang kumain.May katulong na naghuhugas ng plato kaya tinanong niya ito, "Si Ate Zia pala?"Lumingon naman ito saka sumagot, "Maaga po'ng umalis, baka nasa shop nila ng kaibigan niya.""May negosyo pala siya," komento ni Shiel
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy