Share

Chapter 16

PAGKALABAS ni Shiela sa kwarto ay napasandal siya sa pader nang manghina ang tuhod. Sa mga sandaling iyon niya tuluyang naramdaman ang pinaghalong kaba at malakas na kabog ng dibdib.

Kung hindi niya nakontrol ang sarili ay paniguradong bibigay siya sa halik ni Chris. Ang pagbaliktad naman ng sikmura ay malamang dahil sa nangyaring pagsabunot ni Irene. Nahihilo pa rin kasi siya kaya iyon siguro ang naging sanhi.

Pumasok siya sa banyo na katabi lang ng kwarto upang magmumog at maghilamos na rin, para naman mahimasmasan. Habang nasa loob ay narinig niya ang malakas na pagkakasara ng pinto sa kwarto at mabibigat na yabag.

Sa hinuha niya ay galit na galit si Chris dahil sa nangyari. Pero mabuti na rin iyon, hindi man siya makaganti kay Irene, at least nakabawi siya sa pamamagitan ni Chris.

Makailang-beses siyang naghilamos pero hindi matigil-tigil ang luha niya sa pag-agos. Gulong-gulo na siya sa inaakto ni Chris. Hindi niya maintindihan kung bakit lagi na lamang siya nitong sinasaktan at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ba Deth
kwento ni Zia to napunta LNG Kay Shiela umiikot nlang ung kwento
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status