Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Kath!”Nagising naman ako sa reyalidad nang magsalita si Persephone. Kaya naman kaagad akong napapikit nang ilang beses, dahil sa pagkahapdi ng aking mga mata.Kanina pa ba ako nakatulala?Lumingon ako sa gawi ni Persephone, ngunit ramdam ko ang masamang titig na ipinupukol ni Nohaira. Kaya naman nagawi ang aking mga mata sa kaniyang puwesto para salubungin ang titig nito.“Minsan na lang tayo magkita, dahil busy kaming parehas ni Nohaira, tapos wala ka sa sarili?” tanong sa akin ni Persephone.Bumalik naman ang aking mga mata sa gawi ni Persephone nang siya ay magsalita.I bit my lower lip. Nagi-guilty kasi ako, dahil sa kaniyang naging tanong. Hindi ko naman sinasadya na matulala na lang, at pilit inaalala ang naging usapan namin ni Saverio tungkol sa nalalapit na kasal naming dalawa.Hanggang ngayon kasi ay bumabagabag pa rin sa akin ang kaniyang naging reaksyon, at hindi ko alam kung paano ko siya titingnan nang diretso sa kaniyang m
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “He had a huge debt, miss. What did he do? Lulong sa droga, alak, at sugal.” Natahimik ako. Tama naman siya. Ngunit hindi ko kayang isipin na mamamatay siya, dahil sa pera—dahil sa bisyo niya. “And what? You’ll fucking pay his debt and ask me not to execute him?” he growled, but I remained silent. “That’s ridiculous! Fucking ridiculous, woman!” Kinagat ko ang aking ibabang labi, at hindi magawang makapagsalita sa kaniyang sinabi. Tama naman kasi siya. Naiintindihan ko kung bakit, pero hindi ko kayang mawala si Daddy. Kahit alam kong mali. “Please,” bulong ko, at sapat na ‘yon para marinig niya. “Babayaran ko naman ang inutang niya—” “Are you fucking serious, Miss Von Schmitt?!” Marahas siyang lumingon sa aking gawi na naging dahilan ng aking paninigas sa aking kinauupuan. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon, habang tinitingnan ang kaniyang mga mata. Salubong ang kaniyang makapal na kilay, at nanglilisik ang
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNapahugot ako nang malalim na hininga, at kaagad na inayos ang suot kong sunglasses. Hila-hila ko ang aking maleta, habang naglalakad. May iilan ngang napapatingin sa aking gawi, dahil ang suot ko ay medyo revealing na dress. Mini dress kasi, at siyempre nakasuot pa ako ng stiletto na kulay pula, saka itim na leather jacket.Kararating ko lang sa NAIA, dahil galing ako sa New Zealand. Nagbakasyon ako nang ilang buwan doon, dahil sa kagustuhan kong huminga sa toxic environment ng Pilipinas. Puro kasi problema ang dumadating sa buhay ko kapag nandito ako, kaya minabuti kong magpunta sa ibang bansa.Paglabas ko ng airport, kaagad kong napansin ang itim na mamahaling sasakyan namin. Saktong lumabas din ang driver, at mabilis akong nilapitan para kunin sa akin ang maleta.“Thank you,” pasasalamat ko, at mabilis na nagtungo sa passenger seat.Siyempre ay pinagbuksan niya muna ako ng pinto, saka inalalayang makasakay. Nang masiguro niyang kompor
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Dad, what was that?” garalgal na tanong ko sa aking ama na ngayon ay walang ibang ginawa kung hindi ay iwasan ang aking mga mata. Gusto kong sumabog sa inis, sakit, lungkot, at pagkabigla. Naghahalo na kasi ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin ngayon. Parang biglang nag-shutdown ang utak ko. Napahilamos ako ng aking mukha, at inis na binalingan ang lalaking bigla na lang lumitaw sa aking harapan. May mga dala silang baril, at ang malala pa ay hindi ko naman alam kung anong klaseng tao sila. Hindi naman sila pulis, eh. Kung pulis sana sila, nakasuot sila ng uniform, pero hindi. Itim na kulay lang ang nakikita ko sa kanila, at ang makikinang nilang kuwintas, saka hikaw. Ang awra naman nila ay sobrang bigat. Ni hindi ko nga alam kung dapat bang tumakbo na lang ako, o hindi, eh. Ang intimidating kasi ng awra nila. Parang papatay ng tao. Kung baga, kaunting galaw ko lang ay puwede na nila akong patay
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View Napalunok ako ng aking laway nang makaupo ako sa isang sectional sofa. Nangangatal din ang aking mga kamay, at hita sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa lalaking nakatalikod na tinawag ng lalaki kanina na boss, o dahil ba malamig ang office niya? Nanatili ang aking mga mata sa malapad, at matigas nitong likod. Kahit nakatalikod siya, kitang-kita ang muscles nito sa likod. Pansin ko rin na hapit pala sa kaniya ang suot nitong white long sleeves, at parang napupunit na sa sobrang lapad ng katawan niya. “Leave us alone,” malamig, ngunit mababang boses nitong utos. “Yes, boss.” Tumalikod ang lalaki, at kaagad na nahanap ang aking mga mata. Nanigas naman ako sa aking kinauupuan, lalo na nang mapansin ko na tumalim pala ang kaniyang mga mata. Parang binabalaan ako na huwag magtatangka nang kung ano sa kaniyang boss. Ngunit hindi rin naman siya nagtagal sa loob ng office, dahil mabilis din naman siyang
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Ma’am Katherine,” tawag sa akin ng katulong nang ako ay makalabas sa kuwarto.Simula nang pirmahan ko ang kontrata kahapon, hindi na ako pinayagan ng lalaking ‘yon na lumabas sa mansion niya. Hindi ko rin siya nakikita magmula nang magkita kami sa office niya, pero alam kong busy ‘yon sa pagtatrabaho.“Kain na po kayo,” sambit ng katulong.Alas otso na nang umaga. Paniguradong wala na siya ngayon sa mansion niya. ‘Yon ay kung tama ang aking hinala.“Nasaan siya?” tanong ko para lang makasiguro.“Sino po?” tangkang tanong ng katulong.Umigting naman ang aking panga, dahil sa kaniyang naging tanong sa akin. Kung makapagtanong kasi siya, parang hindi niya kilala ang boss niya.Inilihis ko ang aking mga mata, at nagsimulang maglakad nang mabagal. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin, pero hindi ko na masiyadong pinagtuunan nang pansin.“Sino ba ang boss mo?” malamig na tanong ko sa kaniya.“Kung si Sir Rinzivillo po ang tinutukoy mo, na
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNgumiti lang ako nang hilaw sa kaniyang pagpapakilala. Mabuti, at nasabi naman niya ang kaniyang pangalan. Akala ko kasi ay wala na siyang balak pang ipakilala ang kaniyang sarili.“Katherine Victoria Von Schmitt,” saad ko, kahit posible namang kakilala na niya ako.“Drinks?”Umiling naman ako. “No. Thank you.”He cleared his throat. “Ngayong nandito ka na, magpaplano na tayo tungkol sa kasal.”“Akala ko ba ay sa mga susunod na araw?” tanong ko na may halong pagkalito.Hindi naman ako nasabihan na ngayon pala ang balak niya. Wala pa man din akong gusto ngayon. Hence, alam ko naman na bonggang kasal ang kaniyang gusto. Bakit pa niya ako tatanungin? Siya rin lang naman ang masusunod.“I changed my mind,” supladong sagot nito sa aking tanong. “Anyway, ano ba ang gusto mo?”Ano ang gusto ko? Wala naman akong gusto, dahil alam ko naman sa sarili ko na magpapakasal lang naman kami, kasi gusto niya ng anak. Kaya okay lang sa akin kahit ano ang k
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Katherine!” Hinanap ko ang pamilyar na boses. Sigurado akong si Persephone ‘yon. Magmula kasi nang magbakasyon ako, hindi ako nagbubukas ng social media account ko. Ayaw ko kasing ma-stress. Bakasyon na nga, ma-i-stress pa ako. Ang problema lang, nang makauwi ako rito, bumungad naman sa akin ang problema. Ano pang silbi ng pagbabakasyon ko para lang makalayo sa stress kung bubungad naman din sa akin pag-uwi ko? Sinubukang harangin ng mga bodyguard ko si Persephone, pero pinanglakihan ko sila ng aking mga mata. “She’s my friend,” bulong ko, at sapat na ‘yon para marinig nila. Nalaglag naman ang panga ni Persephone nang makita niyang sinunod ako ng mga bodyguard ko. Kaya napailing na lang ako. “Kailan ka pa nakauwi?” tanong sa akin ni Persephone nang makabalik siya sa reyalidad. Nasa harapan kami ng business na hawak ko ngayon. Hindi ko masiyadong napagtuunan nang pansin ang business namin. Kaya kung sakaling pabagsak na ‘to, mukhan
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Kath!”Nagising naman ako sa reyalidad nang magsalita si Persephone. Kaya naman kaagad akong napapikit nang ilang beses, dahil sa pagkahapdi ng aking mga mata.Kanina pa ba ako nakatulala?Lumingon ako sa gawi ni Persephone, ngunit ramdam ko ang masamang titig na ipinupukol ni Nohaira. Kaya naman nagawi ang aking mga mata sa kaniyang puwesto para salubungin ang titig nito.“Minsan na lang tayo magkita, dahil busy kaming parehas ni Nohaira, tapos wala ka sa sarili?” tanong sa akin ni Persephone.Bumalik naman ang aking mga mata sa gawi ni Persephone nang siya ay magsalita.I bit my lower lip. Nagi-guilty kasi ako, dahil sa kaniyang naging tanong. Hindi ko naman sinasadya na matulala na lang, at pilit inaalala ang naging usapan namin ni Saverio tungkol sa nalalapit na kasal naming dalawa.Hanggang ngayon kasi ay bumabagabag pa rin sa akin ang kaniyang naging reaksyon, at hindi ko alam kung paano ko siya titingnan nang diretso sa kaniyang m
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Wala bang budget?” tanong ko kay Saverio.Matapos ang naging usapan namin noon tungkol sa pagmamadali nito sa kasal, at pagbubuntis ko, hindi kami nagkausap nang ilang araw.Nagkikita naman kami, dahil palagi nga kaming sabay kumain nang breakfast, at dinner. Hindi lang kami sabay sa lunch, dahil nagpupunta nga siya sa kaniyang company para magtrabaho.Siya na rin ang nagpupunta palagi sa mga restaurant na mina-manage ko, dahil nag-iingat na siya. May iilan din kasing media ang nakasunod palagi sa amin. Kahit alam ko naman na kaya niyang i-block ang mga balita na kakalat, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam nang kaunting takot. Posibleng trauma na rin ‘to kaya natatakot ako.Sa ilang araw na lumipas, marahil ay binigyan niya ako ng time para makapag-isip. Tama naman siya, dahil unti-unti akong nalinawan. Doon din naman papunta, kaya bakit hindi kami magmadali?Sabi niya, hindi pa raw siya nakapagpaplano para sa kasal namin. Siguro ay gu
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“I don’t understand him,” bulong ko, habang nakatitig lang sa kisame.“What do you mean?” nalilitong tanong sa akin ni Persephone.Nag-uusap kami ngayong tatlo sa call, dahil ayaw kong lumabas. Hindi naman sa bawal sa akin, pero medyo natatakot lang akong magkamali ulit.Last time na nagkamali ako nang hindi ko nalalaman, kinaladkad niya ako palabas ng restaurant ko. Hindi ko tuloy alam kung ano pa ‘yong mga bawal. Ayaw ko rin naman kasing mag-assume, dahil alam kong hindi naman namin gusto ni Saverio ang isa’t isa para isipin kong nagseselos siya.Puwede kasing ginagawa niya lang ‘yon para iligtas muli ako sa panibagong issue. Nagsisimula na kasing tumaas ulit ang sales ng restaurant ko. Ultimo ang income, masasabi kong mataas na rin, at kahit papaano ay nakababangon na. Hindi na lugi kung ikukumpara noon.Sa maiksing panahon after naming i-announce ni Saverio ang aming engagement, at engagement party sa public, unti-unti na ulit lumalago
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Why are you acting like this?” nalilitong tanong ko nang makapasok siya sa kaniyang sasakyan.Nagsimula na siyang magmaneho, pero hindi pa rin niya sinasagot ang aking tanong. Ramdam ko nga rin ang kaniyang mabigat na awra, at parang itim na usok ‘yon na pumapalibot sa kaniya.Natatakot ako sa kaniya, pero hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pa rin siyang tanungin sa kabila ng kaniyang awra ngayon.Tinitingnan ko nga siya nang mataman, at kitang-kita ko rin kung paano gumalaw ang kaniyang panga. Halatang nauubusan ng pasensya.“Why are you with him?” malamig na tanong nito sa akin, at parang kinokontrol pa ang kaniyang sarili.Ganito naman siya palagi. Kalkulado niya ang bawat galaw niya. Kontrolado rin niya ang boses niya, pero ako ay mahahalata kaagad ‘yon, dahil hindi naman ako kagaya niya.I’m kinda impulsive. Ayaw ko mang aminin, pero malayong-malayo ako sa kaniya. Kapag alam kong galit na ako, halata ‘yon sa mga mata ko. Minsan pa
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewBumuga ako ng hangin matapos kong ligpitin ang mga pinagkainan namin ng mga kaibigan ko.Umalis na sila matapos naming magkuwentuhan. Saktong ala una na rin kasi, at kailangan na nilang bumalik sa kanilang mga office, dahil may mga trabaho raw silang aasikasuhin.Ako naman ay napili kong linisin ang table namin, at ligpitin ang mga pinagkainan namin, dahil ayaw kong makaabala sa mga waiter, at waitress ko.Busy rin kasi sila, dahil maraming customer ngayon. Kaya kung ipapalinis ko pa sa kanila ‘to, kahit kaya ko naman, at madali lang, dagdag trabaho pa para sa kanila.Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto, pero hindi ko ‘yon nilingo
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Hindi mo pa ba kauusapin si tito?” tanong sa akin ni Nohaira.Nagkita kami ngayong lunch time, dahil gusto nilang masiguro kung maayos nga ba ako. Hindi raw kasi sila nakuntento sa pag-uusap lang sa phone, at talagang ipinilit pa na magkita kami ngayon kahit na dapat ay hindi naman na talaga.Nandito kami ngayon sa restaurant ko na kung saan ay malapit sa location ng business ni Nohaira. Sa katunayan ay hindi dapat ako bibisita rito, dahil busy ako sa mga restaurant ko na medyo malapit sa condo ko, at sa mall. Magmula kasi nang i-announce ni Saverio ang aming engagement last week, tuluyan na talagang dinagsa ulit ang mga restaurant na hawak ko.Hindi man sobrang dami kung ikukumpara noong panahon na wala pang issue si Daddy, at least ay may iilan na talagang nagpupunta muli rito. Masasabi ko rin na nakababangon na muli ang mga restaurant namin, dahil occupied naman lahat ng seats—VIP man, o hindi.Honestly, tama nga naman talaga si Saveri
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Ano ang nangyayari?” kinakabahan kong tanong.Hindi ko maintindihan kung bakit nagdilim ang paligid. Wala namang sinabi na magkaroroon ng power interruption ngayon, eh. Bakit biglaan naman yata?Nagkaroon ng bulungan ang paligid. Ramdam ko ang takot na namumuo sa kanilang puso, dahil kahit pilitin ko ring maging kalmado, natatakot pa rin ako kagaya nila.Katabi ko si Saverio. Nanatiling nakapulupot ang kaniyang bisig sa aking bewang. Kaya kahit papaano ay nagagawa ko pa rin namang maging kalmado, kahit kaunti.“Let’s go,” aya sa akin ni Saverio, at tinulungan akong tumayo.Wala akong makita, kaya medyo nangangapa ako, pero inaalalayan naman ako ni Saverio.Nagsimula kaming maglakad nang mabilis, at medyo nahihirapan pa ako, dahil nanginginig ang aking mga hita. Mataas din ang takong ng suot kong footwear. Kaya mahirap magmadali, dahil baka mamaya ay matapilok ako.“Huh? Saan tayo pupunta? Hindi pa naman tapos ang engagement party natin,
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewHe kissed me. Saverio kissed me!“Victoria?”Kaagad naman akong napalingon sa tumawag sa akin, at mabilis na namukhaan ang mga kaibigan ko.“Are you okay? Bakit ka namumula?” nalilitong tanong sa akin ni Persephone. “May sakit ka ba?”Si Nohaira naman ay tahimik na nakatingin sa akin. Parang binabasa ang galaw ko. Kaya ngumiti ako sa kaniya. She’s being Serene again. ‘Yong ibang katauhan niya kapag napapalibutan kami ng mga lalaki, o hindi kaya ay tungkol sa lalaki ang nasa isip niya.Aware naman ako na nagiging protective lang siya sa akin—sa amin ni Persephone. Ngunit hindi ko kasi kayang sabihin sa kaniya—sa kanilang dalawa na may halikang naganap sa amin ni Saverio.“Sumagi lang sa isipan ko ‘yong mga katangahan ko before,” naiilang na sagot ako. “Ngayon ko lang naisip na nakahihiya pala ang mga ‘yon.”“Sira!” natatawang asar naman sa akin ni Persephone. “Saan ba ang fiancé mo?”Luminga-linga silang dalawa, habang ako naman ay natataw
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Ma’am,” tawag sa akin ng butler. Nakatitig lang ako sa reflection ko ngayon sa salamin, at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Ang bilis kasing lumipas ng araw. Parang kailan lang ay kausap ko lang sina Persephone, at Nohaira tungkol sa nalalapit na announcement ng engagement namin ni Saverio, pero ngayon engagement party na namin. Gano’n kabilis. Maraming kilalang business owner ang dadating. Ilan pa ngang lilitaw ay mga sikat na models, at artists. Ang iba ay mga sundalo, police, fashion designer, engineer, architect, seaman o hindi kaya ay mga nasa politics. Anak rin naman sila ng mga business owner. Sadyang ibang career lang ang tinahak nila. Kaya invited pa rin daw sila. Nalaman ko lang ang mga ‘to kay Nohaira, dahil marami nga naman siyang kakilala. Kagaya ni Persephone, marami rin siyang kilala, pero mostly nga lang kay Persephone ay mga model. Unlike kay Nohaira na kilala ang mga anak ng mga business owner. Ako kasi, hindi