Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View
Ngumiti lang ako nang hilaw sa kaniyang pagpapakilala. Mabuti, at nasabi naman niya ang kaniyang pangalan. Akala ko kasi ay wala na siyang balak pang ipakilala ang kaniyang sarili. “Katherine Victoria Von Schmitt,” saad ko, kahit posible namang kakilala na niya ako. “Drinks?” Umiling naman ako. “No. Thank you.” He cleared his throat. “Ngayong nandito ka na, magpaplano na tayo tungkol sa kasal.” “Akala ko ba ay sa mga susunod na araw?” tanong ko na may halong pagkalito. Hindi naman ako nasabihan na ngayon pala ang balak niya. Wala pa man din akong gusto ngayon. Hence, alam ko naman na bonggang kasal ang kaniyang gusto. Bakit pa niya ako tatanungin? Siya rin lang naman ang masusunod. “I changed my mind,” supladong sagot nito sa aking tanong. “Anyway, ano ba ang gusto mo?” Ano ang gusto ko? Wala naman akong gusto, dahil alam ko naman sa sarili ko na magpapakasal lang naman kami, kasi gusto niya ng anak. Kaya okay lang sa akin kahit ano ang kaniyang maging desisyon. Ang mahalaga lang naman sa akin ay mabayaran ko ang utang ni Daddy. Kahit labag talaga sa kalooban ko ang ganito, wala talaga ang choice. Kaya ko pala talagang lunukin ang pride ko para lang dito. Ang hirap, oo. Pero para rin naman kay Daddy ‘to. Mahal ko si Daddy. “Anything. Hindi naman ako mapili,” bulong ko. Hindi ganitong kasal ang gusto kong mangyari. Sa totoo lang, gusto kong maikasal sa taong mahal ko, at mahal ako. Hindi ako umabot sa puntong ikakasal ako, dahil ipinagkasundo kami. Ang malala lang, hindi naman si Daddy ang nakipagkasundo. Ako. Ako ang pumili nito para lang iligtas siya. Inilihis ko ang aking mga mata nang mapansin ko ang pagtitig niya na parang binabasa ang utak ko. Sinusubukan ko namang itago ang lahat, eh. Sadyang hindi ko lang talaga mapigilan ang ganito. Saka ko lang paghahandaan ang kasal ko kung mahal ko na ang isang tao. Ang iniisip ko lang kasi ay kung makaaalis ba ako sa tabi ni Saverio. Parang wala yatang nakasulat do’n sa contract— “Matapos ba ang kasal, at nagawa kong ipanganak ang bata, tapos na ba ang lahat?” tanong ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng pait nang sabihin ko ang bata. Sigurado naman ako na anak ko rin ‘yon, pero ayaw kong ma-attach. Kasi kapag tapos na ang contract ko, baka hindi ko na makikita pa ang anak ko. Kahit naman hindi ko mahal si Saverio, nanggaling pa rin naman sa akin ang bata. Naghirap pa rin naman ako kung sakali man, eh. Kaya kung ganoon man ang mangyayari, kailangan ko na ring ihanda ang sarili ko, kahit na imposible. “Yes,” he answered, using his cold voice. “Pero hindi ibig sabihin no’n ay aalis ka na sa tabi ko.” Nalaglag ang aking panga, dahil sa kaniyang naging sagot. Kaya mabilis akong lumingon sa kaniya, at hindi ko man lang inaasahan ang kaniyang mga mata na nanatili pa ring nakatitig sa akin. “What?” nanghihinang tanong ko sa kaniya. “Ano ba ang sinabi ko no’n?” tanong nito sa akin, at tinaasan pa ako ng kaniyang kilay. “You will be free from our setup, pero hindi naman mawawalan ng bisa ang ating kasal, dahil hindi ko naman pipirmahan—” “This is so unfair, Saverio!” singhal ko sa kaniya. “Akala ko ba—” “You didn’t read the contract?” tanong nito sa akin, at ngumisi pa. Binasa ko ang contract, pero hindi ko naman inaasahan na ganito ang kaniyang gagawin. Siya mismo ang hindi sumusunod sa kaniyang sinabi noon. Akala ko, makawawala na ako, pero hindi pala? Ano ang gagawin ko kung ganoon? Makukulong ako sa buhay niya? Tangina, hindi pa ba sapat ‘yong gusto niyang gawin? ‘Yong ikasal ako sa kaniya, at magkaroon kami ng anak? Hindi ko siya mahal! Malinaw naman ‘yon, at hindi rin namin kilala ang isa’t isa. Kaya bakit? “I did.” “Bakit hindi ka nagreklamo?” tanong naman nito sa akin na nagpatigil sa akin sa paghinga. Bakit nga ba ako hindi nagreklamo? Hindi ko alam kung dahil ba takot ako, o masiyadong malaki ang tiwala ko sa kaniya, kahit alam ko naman na hindi dapat siya pinagkatitiwalaan? Kinagat ko ang aking ibabang labi, at hindi nagsalita. Tama siya. Hindi ako nagreklamo, at mali ko ‘yon. Hindi rin siya sinungaling. Sadyang umasa lang ako, at hindi ko pinansin ‘yon. Hindi nga lang ako makaalis sa kaniyang tabi. Kahit pa tumakas ako, paniguradong mahahabol, at mahahabol nila ako. “You can go home,” bulong nito sa akin. “Hindi ka nga lang makatatakas, dahil may mga bodyguard kang nagkalat. You can also work, pero every night, may dinner tayo sa mansion ko.” Nanatili akong tahimik, at hindi na umangal pa. Wala na rin namang magagawa ang pagrereklamo ko kung sakali, eh. Baka hawakan lang nila si Daddy sa leeg, at para idiin lang ako lalo. “About your father, I’ve decided to put him in a rehab,” he uttered dangerously. Nakatingin lang ako sa kawalan, habang nagsasalita siya. Naiintindihan ko naman kung bakit niya ipinunta si Daddy sa rehab, eh. Dahil ‘yon sa pagiging lulong niya sa droga. Magandang paraan din naman ‘yon para tumino si Daddy. Ayon lang ay kung hindi siya pinilit. “Thank you,” bulong ko na lamang, dahil kahit gaano kalaki ang utang ni Daddy sa kaniya, nagawa niya pa ring pagbigyan si Daddy. Hindi rin nila pinatay si Daddy, kahit na medyo deserve naman niya, dahil nagta-take siya ng illegal drugs. Bukod pa roon ay binigyan din nila ako ng pagkatataon para lang bayaran ang utang ni Daddy. Kahit kapalit naman nito ang kalayaan ko, ayos lang. Ang mahalaga lang naman sa akin ay buhay si Daddy. Ako nga lang sumalo ng lahat, dahil hindi ko kayang mawala ang ama ko. Kahit hindi ko kasalanan, nagawa kong akuin ang lahat. “Drop the details about your preference for our wedding, Victoria.” Para matapos na ang usapan, sinabi ko sa kaniya ang mga gusto ko sa magiging kasal namin. Inisip ko na lang na mahal ko siya, para hindi ako magsisi sa magiging kalalabasan ng wedding decorations ng simbahan, at decorations ng venue namin kung sakali.Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Katherine!” Hinanap ko ang pamilyar na boses. Sigurado akong si Persephone ‘yon. Magmula kasi nang magbakasyon ako, hindi ako nagbubukas ng social media account ko. Ayaw ko kasing ma-stress. Bakasyon na nga, ma-i-stress pa ako. Ang problema lang, nang makauwi ako rito, bumungad naman sa akin ang problema. Ano pang silbi ng pagbabakasyon ko para lang makalayo sa stress kung bubungad naman din sa akin pag-uwi ko? Sinubukang harangin ng mga bodyguard ko si Persephone, pero pinanglakihan ko sila ng aking mga mata. “She’s my friend,” bulong ko, at sapat na ‘yon para marinig nila. Nalaglag naman ang panga ni Persephone nang makita niyang sinunod ako ng mga bodyguard ko. Kaya napailing na lang ako. “Kailan ka pa nakauwi?” tanong sa akin ni Persephone nang makabalik siya sa reyalidad. Nasa harapan kami ng business na hawak ko ngayon. Hindi ko masiyadong napagtuunan nang pansin ang business namin. Kaya kung sakaling pabagsak na ‘to, mukhan
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Okay ka na?” tanong ni Persephone sa akin, habang nakatitig ako sa isang baso ng tubig na nasa harapan ko.Halos isang oras din akong umiyak. Lahat ng mga ipinaparatang nila kay Daddy, tama ‘yon. Ang problema ay wala nga lang proweba.Kung aalamin ko man kung sakali, parang wala na rin namang silbi. Paniguradong kalat na ‘yon sa internet. Ultimo nga rin ako ay nadamay, dahil puro raw ako pagbabakasyon, at hindi inaatupag ang mga business namin. Hindi nila alam na nagpahinga lang ako, pero ang problema lang ay hindi man lang naging effective.“Medyo,” namamaos na bulong ko, at pinipigilan pa rin ang pagtulo ng aking mga mata. “Pero mabigat pa rin.”“I’m sorry,” paghingi ng tawad ni Persephone. “Hindi ko nagawang pigilan ang rumors—”“Ano ka ba, Persephone?! Ginawa mo naman ang best mo. Sadyang hindi ko lang talaga alam ang nangyayari,” pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin sana. “Naiintindihan ko naman ang lahat. Mali ko rin, dahil lumayo a
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewHindi ako nagsalita, at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Bakit naman niya ako tatanungin kung ano ang nangyari sa mga mata ko? Hindi naman kami close, at hindi porque pakakasalan ko siya ay magiging open na kami sa isa’t isa.Baka nakalimutan niya kung bakit ako nandito ngayon? Hindi niya man kasalanan kung bakit ako nandito, hindi naman ibig sabihin no’n ay kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya ang lahat.Ikakasal lang kami, at bibigyan ko siya ng anak. Hindi namin mahal ang isa’t isa para dumating kami sa puntong ‘yon—ang maging open sa isa’t isa.Ako naman ang nagdala ng sarili ko rito, eh. Nagmakaawa ako para hindi patayin si Daddy, dahil sa utang niya. Ako ang sumalo sa mga dapat na pinaghihirapan ni Daddy, habang siya ay nasa rehab.Masakit para sa akin, pero ano nga ba ang magagawa ko? Ginusto ko ‘to, at wala akong ibang choice kung hindi ay tanggapin ang lahat. “Nagkausap kami ng kaibigan ko kanina, at sinabi niya ang la
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNang makarating ako sa kusina, napansin kong naghihintay sa hapag si Saverio. Halata ring hinihintay niya ang aking pagdating, dahil nang makapasok ako, nagtama ang aming mga mata.Nakasandal lang siya sa kaniyang upuan, at nakatitig sa bandang pintuan ng hapag na kung saan ay nakatayo ako kanina.Tumikhim naman ako, at inilihis ang aking mga mata, dahil nahihiya ako sa naging hitsura ko ngayon. Namamaga kasi ang aking mga mata, dahil sa pag-iyak ko kagabi. Kung sana ay hindi ako natulog, at piniling mag-cold compress na lang ng aking mga mata. Sana ay hindi ako nahihiya ngayon.“Good morning,” bulong ko naman, at sapat na siguro ‘yon para marinig niya.Sakto rin kasing nakalapit ako sa bandang kanang bahagi ng mesa, dahil nandoon naman nakalagay ang plato. Ayaw ko rin namang hindi basagin ang katahimikang namayani, dahil ako na nga lang ang humingi ng pagkatataon para bigyan niya ako nang dahilan para makapagbayad kahit papaano.Kailanga
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“We’ll announce our engagement next week to the public,” paliwanag niya na ikinatigil ko.Nasa living room kami ngayon, dahil dito napili ni Saverio na pag-usapan ang tungkol sa business na hawak ko. Mukhang alam na talaga niya ang tungkol sa problema na kinakaharap ko. It’s either no’ng sumabog ang issue ay narinig na niya, o hindi kaya ay noong nagkakilala lamang kami, saka lamang niya ako pina-background check. I’m not sure.“What?” nalilitong tanong ko sa kaniya. “Bakit kailangan na i-announce?”Akala ko ba kasi ay tungkol lang sa business ko ang pag-uusapan namin? Bakit naman tungkol sa engagement namin ang pinag-uusapan namin ngayon? Hindi ko maintindihan.Nakatitig lang ako sa kaniya, habang sumimsim siya sa kaniyang copita. Nakaupo siya sa bakanteng loveseat sofa sa aking harapan na pang-three seater, ngunit dahil nga malaki ang kaniyang katawan, pang-two seater na lang ‘yon.Nakapatong ang kaniyang kanang bisig sa backrest ng sof
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewI don’t know why, pero sa tuwing nakikita kong may sugat ang isang tao, bigla akong natataranta. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako, kahit hindi ko naman talaga ginawa.Sa ilang beses ko bang nakilala si Saverio, totoo nga bang wala akong nararamdamang threat sa kaniya?Kung pagbabasehan ang aking nararamdaman, nandoon ang takot na hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ko alam. Siguro ay dahil mayaman siya, o talagang may itinatago siyang hindi ko malaman-laman?Base sa kaniyang awra, ibang-iba sa mga taong nakasasalamuha kong business owner. Sobrang bigat kasi ng kaniya. Parang may something na hindi ko kailan man ma-pinpoint.“After ng announcement ng engagement natin, may magaganap bang engagement party?” tanong ko sa kaniya sa kabila nang katahimikan namin.Nakatitig lang ako sa kamay niyang nagdudugo. Ang pagtulo ng dugo sa dulo ng kaniyang mga daliri ang nakapagdadagdag ng kilabot sa aking sarili.Hindi ko malaman ang tunay na dahila
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Good morning, ma’am,” bati ng maid sa akin nang ako ay makalabas ng banyo.Inaasahan ko na ang paglitaw ng maid dito kapag umaga. Kaya madalas akong nagigising nang maaga, dahil alam ko na kaagad didiretso sila rito para ako ay tawagin.Sa ilang araw na pananatili ko rito, kahit kailan ay hindi sila lumiban sa pagpunta. Basta kapag agahan na, tatawagin, at tatawagin talaga nila ako.“Naghihintay na po si sir sa hapag,” wika ng katulong nang ako ay magsuklay ng aking basang buhok.Tumango naman ako, at ngumiti nang tipid. “Pasabi na lang sa kaniya na bababa ako kaagad.”Yumuko naman siya. “Yes, ma’am.”Napahugot na lamang ako nang malalim na hininga. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang naging usapan namin ni Saverio kagabi.Announcement ng engagement namin next week, at sa susunod na week naman ay engagement party na. Wala pa akong ideya kung ano ang motif ng party, pero sigurado naman ako na si Saverio na ang bahala roon.
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Umuwi na raw si Nohaira,” bungad sa akin ni Persephone. Napagpasiyahan naming magkita ngayon, dahil kinakailangan ko siyang makausap. May mga nakasunod din namang bodyguard sa akin. Matapos kasi ang senaryo kanina sa dining area ni Saverio—ang pagyakap niya sa akin ay umalis kaagad ako para i-distract ang aking sarili. Sasabihin ko na rin kasi kay Persephone ang tungkol sa amin ni Saverio, dahil paniguradong magugulat siya kung sakali na i-announce namin next week ang engagement namin. Hindi ko lang inaasahan na umuwi na rin pala si Nohaira. Tatlo kasi kaming magkakaibigan. Ako, Persephone, at si Nohaira. Kagaya ko, galing din sa bakasyon si Nohaira. Mas nauna nga lang siya sa akin na magbakasyon, bago ako magbakasyon. Wala rin akong naging balita sa kaniya, dahil nga hindi ako nagbubukas ng phone ko noon. Tanging messages lang ni Persephone ang nabasa ko last time. Kaya talagang wala akong naging balita, kung nag-message siya s
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Saverio,” tawag ko sa kaniya nang makakuha ako nang lakas ng loob.Nasa hapag na kasi kami, at balak ko sana siyang kausapin tungkol sa card niya. Ibabalik ko na kasi. Hindi naman na ako pupunta ng mall para bumili ulit ng mga gamit ko, dahil ‘yong sofa na nabili ko, nandoon na sa condo ko.Ang mga bodyguard ko na mismo ang nagpresinta, saka ipinaalam din kasi nila kay Saverio ang tungkol doon sa mismong call. Eh, narinig ko naman ang pagpayag niya, kaya ibinigay ko ‘yong passcode mismo.Naramdaman ko naman ang pagtingin niya sa akin. Kaya naman sinalubong ko ‘yon, kahit sa bandang huli ay puwede akong magsisi.“Ibabalik ko na sana ‘yong card mo. wala naman na akong bibilhin—”“Keep it.”Nalaglag naman ang aking panga sa kaniyang sinabi. Ano’ng keep it ang sinasabi niya? ‘Yong card niya?“May card naman ako—”“It’s yours, Victoria. Hindi mo na kailangan pang ibalik,” aniya na para bang isang papel lang ang ibinigay niya sa akin. “Hindi n
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View Pumintig ang aking sintido, habang nakatitig lamang sa bintana. Papunta na kasi kami ngayon sa mall, dahil ‘yon ang naging paalam ko kay Saverio. Hindi ko nga alam kung magagawa ko pang mamasyal nang maayos, eh. Sa dami ng nangyari ngayon, parang imposibleng matanggal sa isipan ko ang mga nangyari. Humugot ako nang malalim na hininga, at mabilis na napalingon sa aking purse. Iniisip ko pa lang na gagamitin ko ang black card ni Saverio, parang gusto ko na kaagad magpalamon sa lupa. Nahihiya kasi ako. May pera naman ako, saka wala naman akong bibilhin talaga sa mall. Kaya bakit naman niya ibibigay sa akin ang balck card niya? “Hindi po pa kayo bibili ng sofa, ma’am?” tanong ng aking bodyguard. Halos malukot naman ang aking mukha, dahil sa kaniyang naging tanong sa akin. Madalas naman ay hindi nila ako kinakausap. Kaya ano ang nakain nila para kausapin ako nang ganito? “Wala akong balak bumili ng sofa. Saan ko naman ilalagay ‘yan?” ta
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewHabang nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kaya naman napalingon ako roon nang hindi ko inaasahan.Tumambad sa akin ang lalaking nakasuot ng plain black round-neck shirt, at black pants. Magulo ang kaniyang buhok, at may hikaw na gold sa kaniyang kaliwang tainga.Makapal ang kaniyang kilay, at kulay asul ang kaniyang mga mata. Wala nga lang emosyon ‘yon kagaya ng kay Saverio. Matangos din ang ilong nito, at higit sa lahat ay mapula rin ang kaniyang labi. Bukod doon ay prominente rin ang kaniyang panga.Hindi niya ako nilingon nang siya ay pumasok rito sa silid. Tahimik lang siya nang isara ang pinto, at nakatingin lang sa gawi ni Saverio.Kaya naman bumaling ang aking mga mata sa puwesto ni Saverio na ngayon ay patuloy lang sa kaniyang pagkain. Ni hindi man lang siya nagulat sa biglaang paglitaw nang kung sino, at parang inaasahan na.“I’m sorry to interrupt your date, but I need to talk to you, gener
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Bakit kailangang dito pa?” tanong ko sa kaniya, habang inililibot ang aking mga mata sa paligid ng VIP room. Nag-book si Saverio ng VIP room na good for two people. Since dalawa lang naman kaming nandito, sakto lang ang lawak. Bukod pa roon, glass window rin ang mayroon. Kaya kitang-kita ko kung gaano kaganda, at kataas ang restaurant na ‘to. Para kasi ‘to sa mga mayayaman talaga. Kaya paniguradong hindi biro ang presyo ng mga pagkain dito. “What’s wrong?” tanong nito sa akin, at ipinaghila pa ako nang upuan. Hinanap naman ng aking mga mata ang kaniyang mabigat na titig, at medyo nakaramdam pa nang hiya. Hindi naman kami close ni Saverio. Paulit-ulit nagre-replay sa utak ko ‘yon, pero heto siya, nagagawa niyang maging gentleman sa tuwing kasama niya ako. Marahan akong lumapit sa kaniyang gawi, at tumikhim nang makaupo ako nang maayos. Naamoy ko pa nga ang kaniyang pabango. Kaya kinagat ko ang aking ibabang labi para lang pakalmahin
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Kath!”Nagising naman ako sa reyalidad nang magsalita si Persephone. Kaya naman kaagad akong napapikit nang ilang beses, dahil sa pagkahapdi ng aking mga mata.Kanina pa ba ako nakatulala?Lumingon ako sa gawi ni Persephone, ngunit ramdam ko ang masamang titig na ipinupukol ni Nohaira. Kaya naman nagawi ang aking mga mata sa kaniyang puwesto para salubungin ang titig nito.“Minsan na lang tayo magkita, dahil busy kaming parehas ni Nohaira, tapos wala ka sa sarili?” tanong sa akin ni Persephone.Bumalik naman ang aking mga mata sa gawi ni Persephone nang siya ay magsalita.I bit my lower lip. Nagi-guilty kasi ako, dahil sa kaniyang naging tanong. Hindi ko naman sinasadya na matulala na lang, at pilit inaalala ang naging usapan namin ni Saverio tungkol sa nalalapit na kasal naming dalawa.Hanggang ngayon kasi ay bumabagabag pa rin sa akin ang kaniyang naging reaksyon, at hindi ko alam kung paano ko siya titingnan nang diretso sa kaniyang m
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Wala bang budget?” tanong ko kay Saverio.Matapos ang naging usapan namin noon tungkol sa pagmamadali nito sa kasal, at pagbubuntis ko, hindi kami nagkausap nang ilang araw.Nagkikita naman kami, dahil palagi nga kaming sabay kumain nang breakfast, at dinner. Hindi lang kami sabay sa lunch, dahil nagpupunta nga siya sa kaniyang company para magtrabaho.Siya na rin ang nagpupunta palagi sa mga restaurant na mina-manage ko, dahil nag-iingat na siya. May iilan din kasing media ang nakasunod palagi sa amin. Kahit alam ko naman na kaya niyang i-block ang mga balita na kakalat, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam nang kaunting takot. Posibleng trauma na rin ‘to kaya natatakot ako.Sa ilang araw na lumipas, marahil ay binigyan niya ako ng time para makapag-isip. Tama naman siya, dahil unti-unti akong nalinawan. Doon din naman papunta, kaya bakit hindi kami magmadali?Sabi niya, hindi pa raw siya nakapagpaplano para sa kasal namin. Siguro ay gu
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“I don’t understand him,” bulong ko, habang nakatitig lang sa kisame.“What do you mean?” nalilitong tanong sa akin ni Persephone.Nag-uusap kami ngayong tatlo sa call, dahil ayaw kong lumabas. Hindi naman sa bawal sa akin, pero medyo natatakot lang akong magkamali ulit.Last time na nagkamali ako nang hindi ko nalalaman, kinaladkad niya ako palabas ng restaurant ko. Hindi ko tuloy alam kung ano pa ‘yong mga bawal. Ayaw ko rin naman kasing mag-assume, dahil alam kong hindi naman namin gusto ni Saverio ang isa’t isa para isipin kong nagseselos siya.Puwede kasing ginagawa niya lang ‘yon para iligtas muli ako sa panibagong issue. Nagsisimula na kasing tumaas ulit ang sales ng restaurant ko. Ultimo ang income, masasabi kong mataas na rin, at kahit papaano ay nakababangon na. Hindi na lugi kung ikukumpara noon.Sa maiksing panahon after naming i-announce ni Saverio ang aming engagement, at engagement party sa public, unti-unti na ulit lumalago
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Why are you acting like this?” nalilitong tanong ko nang makapasok siya sa kaniyang sasakyan.Nagsimula na siyang magmaneho, pero hindi pa rin niya sinasagot ang aking tanong. Ramdam ko nga rin ang kaniyang mabigat na awra, at parang itim na usok ‘yon na pumapalibot sa kaniya.Natatakot ako sa kaniya, pero hindi ko alam kung bakit nagagawa ko pa rin siyang tanungin sa kabila ng kaniyang awra ngayon.Tinitingnan ko nga siya nang mataman, at kitang-kita ko rin kung paano gumalaw ang kaniyang panga. Halatang nauubusan ng pasensya.“Why are you with him?” malamig na tanong nito sa akin, at parang kinokontrol pa ang kaniyang sarili.Ganito naman siya palagi. Kalkulado niya ang bawat galaw niya. Kontrolado rin niya ang boses niya, pero ako ay mahahalata kaagad ‘yon, dahil hindi naman ako kagaya niya.I’m kinda impulsive. Ayaw ko mang aminin, pero malayong-malayo ako sa kaniya. Kapag alam kong galit na ako, halata ‘yon sa mga mata ko. Minsan pa
Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewBumuga ako ng hangin matapos kong ligpitin ang mga pinagkainan namin ng mga kaibigan ko.Umalis na sila matapos naming magkuwentuhan. Saktong ala una na rin kasi, at kailangan na nilang bumalik sa kanilang mga office, dahil may mga trabaho raw silang aasikasuhin.Ako naman ay napili kong linisin ang table namin, at ligpitin ang mga pinagkainan namin, dahil ayaw kong makaabala sa mga waiter, at waitress ko.Busy rin kasi sila, dahil maraming customer ngayon. Kaya kung ipapalinis ko pa sa kanila ‘to, kahit kaya ko naman, at madali lang, dagdag trabaho pa para sa kanila.Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto, pero hindi ko ‘yon nilingo