Share

Kabanata 4

Penulis: Linnea
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-31 21:49:02

Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View

“Ma’am Katherine,” tawag sa akin ng katulong nang ako ay makalabas sa kuwarto.

Simula nang pirmahan ko ang kontrata kahapon, hindi na ako pinayagan ng lalaking ‘yon na lumabas sa mansion niya. Hindi ko rin siya nakikita magmula nang magkita kami sa office niya, pero alam kong busy ‘yon sa pagtatrabaho.

“Kain na po kayo,” sambit ng katulong.

Alas otso na nang umaga. Paniguradong wala na siya ngayon sa mansion niya. ‘Yon ay kung tama ang aking hinala.

“Nasaan siya?” tanong ko para lang makasiguro.

“Sino po?” tangkang tanong ng katulong.

Umigting naman ang aking panga, dahil sa kaniyang naging tanong sa akin. Kung makapagtanong kasi siya, parang hindi niya kilala ang boss niya.

Inilihis ko ang aking mga mata, at nagsimulang maglakad nang mabagal. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin, pero hindi ko na masiyadong pinagtuunan nang pansin.

“Sino ba ang boss mo?” malamig na tanong ko sa kaniya.

“Kung si Sir Rinzivillo po ang tinutukoy mo, nasa trabaho na po siya.”

Apelyido niya ba ang Rinzivillo? Very Italian kasi. Hence, I don’t care. Bahala na lang siya, dahil wala naman akong balak na kausapin siya kung magkita kami.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan, isang may edad na lalaki naman ang sumalubong sa akin. Parang hinihintay talaga ang aking paglabas sa kuwarto.

Tumango naman siya sa maid na nasa likod ko nang mapansin na tumigil ako, habang ang sumundo naman sa aking katulong ay mabilis na umalis.

“Ma’am Katherine,” bungad ng lalaki nang tumigil ako sa may hindi kalayuan sa kaniya. “Good morning po.”

“Good morning,” tipid na sambit ko, dahil hindi ko talaga alam ang dapat kong sabihin.

Kaysa naman magmukhang suplada, binati ko na lang siya pabalik. Ayaw ko rin naman kasing maging bastos, dahil nasa mansion ako mismo ng lalaking mapapangasawa ko.

“Bilin po ni sir na maghanda raw po kayo sa mga susunod na araw, dahil pagpaplanuhan niyo na raw po ang kasal,” paliwanag niya na ikinaangat ng aking kilay.

Kaagad? Ni hindi pa nga umaabot nang ilang linggo ang pagkakikilala namin para umabot kami sa ganitong klase ng buhay, eh. Alam ko naman na nagawa kong pirmahan ang kontrata, at wala ring nasabing araw kung kailan kami ikakasal, pero ang bilis yata. Preparation na kaagad ng kasal namin.

“Bakit ang bilis?” nalilitong tanong ko, pero nginitian lang ako ng lalaki, at kaagad na iginaya papunta sa dining area.

Hanggang ako ay matapos kumain, nanatili lang akong tahimik, at pilit pinoproseso ang tungkol sa sinabi niya sa akin.

Ang weird lang kung tutuusin. Agad-agad kaming magpaplano? Hindi man lang niya muna ako kikilalanin?

Bumuga ako ng hangin, habang nakaupo sa upuan, at humihigop nang mainit na kape. Nakatitig lang ako sa magandang tanawin dito mismo sa balcony.

Naririnig ko ang iilang huni ng ibon, at kung tutuusin ay miss na miss ko na ang pagbabakasyon.

“Ma’am Katherine,” aniya ng lalaking may katandaan. Feel ko ay isa siyang butler. Hindi nga lang ako sigurado sa bagay na ‘yon.

Hindi ako nagsalita, pero alam kong alam niyang narinig ko siya.

“Ang sabi ni sir ay pupunta raw kayo sa office niya,” paliwanag niya na ikinatigil ko.

“Pupunta ako sa office niya?” nalilitong tanong ko, dahil hindi naman ako sigurado kung tama ba ang pangdinig ko. “Saang office?”

“Sa company po niya,” sagot naman kaagad sa akin ng butler na nagpasinghap sa akin.

Wala akong masiyadong damit na magarbo. ‘Yon bang formal kung sakali na pupunta ako sa kaniyang office? Hindi ko naman kasi inaasahan na rito na ako matutulog.

Nagbigay man sila ng damit, eksakto lang ‘yon para sa isang linggo. Kaya ano ang susuotin ko kung pupunta ako roon?

“Hindi ba puwedeng kausapin na lang niya ako thru call?” umaasang tanong ko, kahit alam ko naman na imposible.

“Saglit lang naman daw po, saka may mga damit na po sa kuwarto niyo kung sakaling kulang po ang damit niyo, at wala kayong matipuhan na suotin,” paliwanag niya na para bang alam na kaagad kung ano ang aking problema.

“Thank you.”

Nang makarating ako sa company niya, mabilis akong hinatid ng mga bodyguard papunta sa elevator. Nakipag-usap na rin ang isang bodyguard sa front desk, dahil ramdam ko ang paglingon nila sa akin. Para bang nagtataka sila kung bakit dire-diretso ako sa paglalakad. Well, sinusundan ko lang naman ang bodyguard ko.

Hindi rin naman nagtagal ay nakarating din kami sa isang magarbong pinto, at sa tabi ng pinto ay isang lalaki. Paniguradong secretary niya ‘to.

“Miss Von Schmitt?”

Tumango naman ako, at ngumiti. “Yes.”

“Pasok na po kayo sa loob ng office ni sir,” saad niya, at sinamahan pa nang ngiti.

Tumango naman ang bodyguard, habang ako naman ay nagpasalamat sa kaniya. Kaya nang buksan ng bodyguard ang pinto ng office ng lalaking mapapangasawa ko, nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko.

Makikita ko na naman kasi siya pagkatapos nang mahaba-habang oras na hindi ko siya nasisilayan. Kinakailangan ko tuloy pakalmahin ang puso ko, dahil nakararamdam ako nang nerbyos.

Pagpasok ko, hindi ko napansin ang interior ng kaniyang office, dahil kaagad kong nahanap ang kaniyang mga malalamig na mata na nakatingin sa akin. Halatang inaabangan ang aking pagdating.

Hindi sumunod sa akin ang mga bodyguard ko, kaya naman nagseryoso ako, at kaagad na nagpunta sa bakanteng upuan na nasa harapan ng kaniyang desk.

Nakatingin lang siya sa akin, at parehas kaming hindi nagsasalita. Kaya medyo ang awkward, dahil pinapanood niya ang paggalaw ko, hanggang sa makaupo ako.

“Pinapatawag mo raw ako,” bulong ko, at sapat na ‘yon para marinig niya.

“Yes, Miss Von Schmitt,” pormal nitong wika.

Kaya napalingon ako sa kaniya, at wala sa sariling naging pormal din.

“What is this all about, mister?”

He smirked. “I haven’t introduce myself to you, Victoria.”

I stiffened when he called me by my name. Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksyon ko, pero sigurado ako na kumakabog nang malakas ang puso ko, at nabibingi ako.

“I’m Saverio Niccolo Rinzivillo.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Darkness of Desire   Kabanata 5

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNgumiti lang ako nang hilaw sa kaniyang pagpapakilala. Mabuti, at nasabi naman niya ang kaniyang pangalan. Akala ko kasi ay wala na siyang balak pang ipakilala ang kaniyang sarili.“Katherine Victoria Von Schmitt,” saad ko, kahit posible namang kakilala na niya ako.“Drinks?”Umiling naman ako. “No. Thank you.”He cleared his throat. “Ngayong nandito ka na, magpaplano na tayo tungkol sa kasal.”“Akala ko ba ay sa mga susunod na araw?” tanong ko na may halong pagkalito.Hindi naman ako nasabihan na ngayon pala ang balak niya. Wala pa man din akong gusto ngayon. Hence, alam ko naman na bonggang kasal ang kaniyang gusto. Bakit pa niya ako tatanungin? Siya rin lang naman ang masusunod.“I changed my mind,” supladong sagot nito sa aking tanong. “Anyway, ano ba ang gusto mo?”Ano ang gusto ko? Wala naman akong gusto, dahil alam ko naman sa sarili ko na magpapakasal lang naman kami, kasi gusto niya ng anak. Kaya okay lang sa akin kahit ano ang k

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-01
  • Darkness of Desire   Kabanata 6

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Katherine!” Hinanap ko ang pamilyar na boses. Sigurado akong si Persephone ‘yon. Magmula kasi nang magbakasyon ako, hindi ako nagbubukas ng social media account ko. Ayaw ko kasing ma-stress. Bakasyon na nga, ma-i-stress pa ako. Ang problema lang, nang makauwi ako rito, bumungad naman sa akin ang problema. Ano pang silbi ng pagbabakasyon ko para lang makalayo sa stress kung bubungad naman din sa akin pag-uwi ko? Sinubukang harangin ng mga bodyguard ko si Persephone, pero pinanglakihan ko sila ng aking mga mata. “She’s my friend,” bulong ko, at sapat na ‘yon para marinig nila. Nalaglag naman ang panga ni Persephone nang makita niyang sinunod ako ng mga bodyguard ko. Kaya napailing na lang ako. “Kailan ka pa nakauwi?” tanong sa akin ni Persephone nang makabalik siya sa reyalidad. Nasa harapan kami ng business na hawak ko ngayon. Hindi ko masiyadong napagtuunan nang pansin ang business namin. Kaya kung sakaling pabagsak na ‘to, mukhan

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • Darkness of Desire   Kabanata 7

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Okay ka na?” tanong ni Persephone sa akin, habang nakatitig ako sa isang baso ng tubig na nasa harapan ko.Halos isang oras din akong umiyak. Lahat ng mga ipinaparatang nila kay Daddy, tama ‘yon. Ang problema ay wala nga lang proweba.Kung aalamin ko man kung sakali, parang wala na rin namang silbi. Paniguradong kalat na ‘yon sa internet. Ultimo nga rin ako ay nadamay, dahil puro raw ako pagbabakasyon, at hindi inaatupag ang mga business namin. Hindi nila alam na nagpahinga lang ako, pero ang problema lang ay hindi man lang naging effective.“Medyo,” namamaos na bulong ko, at pinipigilan pa rin ang pagtulo ng aking mga mata. “Pero mabigat pa rin.”“I’m sorry,” paghingi ng tawad ni Persephone. “Hindi ko nagawang pigilan ang rumors—”“Ano ka ba, Persephone?! Ginawa mo naman ang best mo. Sadyang hindi ko lang talaga alam ang nangyayari,” pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin sana. “Naiintindihan ko naman ang lahat. Mali ko rin, dahil lumayo a

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • Darkness of Desire   Kabanata 8

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewHindi ako nagsalita, at nanatiling nakatitig lang sa kaniya. Bakit naman niya ako tatanungin kung ano ang nangyari sa mga mata ko? Hindi naman kami close, at hindi porque pakakasalan ko siya ay magiging open na kami sa isa’t isa.Baka nakalimutan niya kung bakit ako nandito ngayon? Hindi niya man kasalanan kung bakit ako nandito, hindi naman ibig sabihin no’n ay kailangan ko na talagang sabihin sa kaniya ang lahat.Ikakasal lang kami, at bibigyan ko siya ng anak. Hindi namin mahal ang isa’t isa para dumating kami sa puntong ‘yon—ang maging open sa isa’t isa.Ako naman ang nagdala ng sarili ko rito, eh. Nagmakaawa ako para hindi patayin si Daddy, dahil sa utang niya. Ako ang sumalo sa mga dapat na pinaghihirapan ni Daddy, habang siya ay nasa rehab.Masakit para sa akin, pero ano nga ba ang magagawa ko? Ginusto ko ‘to, at wala akong ibang choice kung hindi ay tanggapin ang lahat. “Nagkausap kami ng kaibigan ko kanina, at sinabi niya ang la

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-04
  • Darkness of Desire   Kabanata 9

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewNang makarating ako sa kusina, napansin kong naghihintay sa hapag si Saverio. Halata ring hinihintay niya ang aking pagdating, dahil nang makapasok ako, nagtama ang aming mga mata.Nakasandal lang siya sa kaniyang upuan, at nakatitig sa bandang pintuan ng hapag na kung saan ay nakatayo ako kanina.Tumikhim naman ako, at inilihis ang aking mga mata, dahil nahihiya ako sa naging hitsura ko ngayon. Namamaga kasi ang aking mga mata, dahil sa pag-iyak ko kagabi. Kung sana ay hindi ako natulog, at piniling mag-cold compress na lang ng aking mga mata. Sana ay hindi ako nahihiya ngayon.“Good morning,” bulong ko naman, at sapat na siguro ‘yon para marinig niya.Sakto rin kasing nakalapit ako sa bandang kanang bahagi ng mesa, dahil nandoon naman nakalagay ang plato. Ayaw ko rin namang hindi basagin ang katahimikang namayani, dahil ako na nga lang ang humingi ng pagkatataon para bigyan niya ako nang dahilan para makapagbayad kahit papaano.Kailanga

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-05
  • Darkness of Desire   Kabanata 10

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“We’ll announce our engagement next week to the public,” paliwanag niya na ikinatigil ko.Nasa living room kami ngayon, dahil dito napili ni Saverio na pag-usapan ang tungkol sa business na hawak ko. Mukhang alam na talaga niya ang tungkol sa problema na kinakaharap ko. It’s either no’ng sumabog ang issue ay narinig na niya, o hindi kaya ay noong nagkakilala lamang kami, saka lamang niya ako pina-background check. I’m not sure.“What?” nalilitong tanong ko sa kaniya. “Bakit kailangan na i-announce?”Akala ko ba kasi ay tungkol lang sa business ko ang pag-uusapan namin? Bakit naman tungkol sa engagement namin ang pinag-uusapan namin ngayon? Hindi ko maintindihan.Nakatitig lang ako sa kaniya, habang sumimsim siya sa kaniyang copita. Nakaupo siya sa bakanteng loveseat sofa sa aking harapan na pang-three seater, ngunit dahil nga malaki ang kaniyang katawan, pang-two seater na lang ‘yon.Nakapatong ang kaniyang kanang bisig sa backrest ng sof

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-06
  • Darkness of Desire   Kabanata 11

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewI don’t know why, pero sa tuwing nakikita kong may sugat ang isang tao, bigla akong natataranta. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako, kahit hindi ko naman talaga ginawa.Sa ilang beses ko bang nakilala si Saverio, totoo nga bang wala akong nararamdamang threat sa kaniya?Kung pagbabasehan ang aking nararamdaman, nandoon ang takot na hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ko alam. Siguro ay dahil mayaman siya, o talagang may itinatago siyang hindi ko malaman-laman?Base sa kaniyang awra, ibang-iba sa mga taong nakasasalamuha kong business owner. Sobrang bigat kasi ng kaniya. Parang may something na hindi ko kailan man ma-pinpoint.“After ng announcement ng engagement natin, may magaganap bang engagement party?” tanong ko sa kaniya sa kabila nang katahimikan namin.Nakatitig lang ako sa kamay niyang nagdudugo. Ang pagtulo ng dugo sa dulo ng kaniyang mga daliri ang nakapagdadagdag ng kilabot sa aking sarili.Hindi ko malaman ang tunay na dahila

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • Darkness of Desire   Kabanata 12

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Good morning, ma’am,” bati ng maid sa akin nang ako ay makalabas ng banyo.Inaasahan ko na ang paglitaw ng maid dito kapag umaga. Kaya madalas akong nagigising nang maaga, dahil alam ko na kaagad didiretso sila rito para ako ay tawagin.Sa ilang araw na pananatili ko rito, kahit kailan ay hindi sila lumiban sa pagpunta. Basta kapag agahan na, tatawagin, at tatawagin talaga nila ako.“Naghihintay na po si sir sa hapag,” wika ng katulong nang ako ay magsuklay ng aking basang buhok.Tumango naman ako, at ngumiti nang tipid. “Pasabi na lang sa kaniya na bababa ako kaagad.”Yumuko naman siya. “Yes, ma’am.”Napahugot na lamang ako nang malalim na hininga. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang naging usapan namin ni Saverio kagabi.Announcement ng engagement namin next week, at sa susunod na week naman ay engagement party na. Wala pa akong ideya kung ano ang motif ng party, pero sigurado naman ako na si Saverio na ang bahala roon.

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-09

Bab terbaru

  • Darkness of Desire   Kabanata 32

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Ibang usapan naman na yata ‘yan,” mahinang sambit ko nang ako ay makabawi. Why would I even spread my legs? Dahil ba fiancé ko siya? Hindi naman kasi dapat ganoon. There’s no feelings involved between us, and if ever he felt lust, it’s not my problem anymore. Aaminin ko naman na curious ako sa ganoong bagay, pero hindi pa ngayon ang tamang oras para roon. Puwede namang next year na lang, kapag magpaplano na kami para sa anak na gusto niya. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa aking siko. Kaya lumingon ako sa kaniya, dahil parang kinukuha niya ang atensyon ko. But then, he only greeted me with a kiss. A kiss that made me close my eyes. Saverio’s lips were soft and warm, which was enough for me to respond to his passionate kiss. Habang tumatagal, mas lalong lumalalim. Hindi ko man lang napansin na ipinaupo na pala niya ako sa kaniyang kandungan. I was holding onto his shoulder, trying to get some strength on him, but it made everyth

  • Darkness of Desire   Kabanata 31

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewWala sa sariling napalunok ako ng aking laway. His hand was still on my butt, caressing it in a circular motion. His stare was also giving me shivers, which made me bite my lower lip.“Saverio—”“I shouldn’t be doing this, but I can’t help it,” he groaned before smacking my ass again.I arched my back. Hindi ko mapigilan, dahil pinaghalong sakit, at init ang nararamdaman ko. Imagine, nasa kandungan niya ako, at ‘yong magkabilaan kong hita ay nasa gilid niya parehas.This kind of position turns me on. Magkatapat ‘yong private parts namin, and to be honest, parang iba ang naiisip ko ngayon.“Why are you hitting me?” bulong ko nang mawala na ang sakit. I wasn’t expecting him to be like this, though. Saverio being a dominant, and sadist? Alam ko naman na nasa awra talaga niya ang pagiging dominant, pero ‘yong pagiging sadist? ‘Yong mahilig sa ganito? Parang hindi yata ako naniniwala. Ang hirap paniwalaan.“This is your punishment, Victoria,”

  • Darkness of Desire   Kabanata 30

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View Bakit na naman siya galit? Tumikhim ako para tanggalin ang nakabara sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mood niya ngayon. Alam naman niyang may time na maraming tao sa rest room. Bukod pa roon ay siyempre may kauusap sa akin. Kalat ba naman sa buong business world ang tungkol sa amin. Ano pa ba ang aasahan niya? “May nakausap kasi ako, habang naghuhugas ako ng kamay,” paliwanag ko naman, at naglakad palapit sa upuan ko. “Kinausap lang ako saglit, dahil hindi niya tayo nabati noong engagement party natin.” Hindi siya nagsalita. Halata sa kaniyang mga mata na tinitimbang na naman ang aking naging sagot, at maging ang aking reaksyon. “Hindi pa ba tayo aalis?” tangkang tanong ko sa kaniya. “May trabaho ka, hindi ba?” Napasulyap ako sa suot kong relo, at napansin na ala una na pala. Napasinghap naman ako sa gulat, at kaagad na ibinalik ang aking mga mata sa gawi ni Saverio. “Ala una na! Paano kung may meeting ka? Mali

  • Darkness of Desire   Kabanata 29

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View Debt? May utang na naman ba ako? Ipinilig ko ang aking ulo, at napasulyap sa gawi ni Saverio. Nagsimula na siyang kumain, habang ako naman ay hindi magawang sumubo, dahil sa tuwing gagawin ko ‘yon ay nakatingin siya sa akin. Para niya akong tutuklawin. Kinagat ko ang loob ng aking pisngi, at minabuti na lamang kumain. Bahala na kung mailang ako sa kaniya. Mas mabuti na lang siguro na ganoon ang mangyari kaysa magutom ako. “You’ll accompany me later after our lunch.” Natigilan naman ako. Bakit ko naman siya sasamahan? Saan? “Huh?” “Sasama ka sa akin.” Nangunot naman ang aking noo. Narinig ko naman ang sinabi niya. Ang problema ko lang ay kung bakit kailangan na ulitin. “English lang ang sinabi mo kanina. Ngayon naman ay Tagalog,” puna ko. Umangat naman ang sulok ng kaniyang labi, habang ako naman ay nakakunot pa rin ang aking noo. Hindi maiwasang mapatanong kung bakit nakangisi siya ngayon sa aking harapan, kahit wala namang naka

  • Darkness of Desire   Kabanata 28

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Good afternoon,” bati ng wedding planner nang makarating kami nang sabay ni Saverio sa isang restaurant.Hinintay kasi ako ni Saverio sa parking lot. Kaya sabay na kaming pumasok rito sa restaurant.“Good afternoon din,” saad ko naman, at napangiti na lamang nang magtagpo ang aming mga mata.Ito ang una naming pagkikita ng wedding planner, at hindi ko lang inaasahan na babae pala siya. Kung sabagay, mostly naman ng wedding planner talaga ay babae.“It’s my pleasure to meet you in person, Miss Von Schmitt,” aniya nito, at naglahad ng kaniyang kamay. “I’m Iona Campbell.”Kaagad ko namang inabot ang kaniyang kamay, at ngumiti na lang sa kaniya.Nang makaupo naman kami, naramdaman ko ang pagpatong ni Saverio ng kaniyang bisig sa aking inuupuan. Para niya akong inaakbayan sa lagay na ‘yon, pero nanatili lang akong kalmado, dahil ayaw kong makahalata si Iona sa amin.“May naisip na po ba kayong flavor?” tanong nito sa amin, gamit ang magalang n

  • Darkness of Desire   Kabanata 27

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Saverio,” tawag ko sa kaniya nang makakuha ako nang lakas ng loob.Nasa hapag na kasi kami, at balak ko sana siyang kausapin tungkol sa card niya. Ibabalik ko na kasi. Hindi naman na ako pupunta ng mall para bumili ulit ng mga gamit ko, dahil ‘yong sofa na nabili ko, nandoon na sa condo ko.Ang mga bodyguard ko na mismo ang nagpresinta, saka ipinaalam din kasi nila kay Saverio ang tungkol doon sa mismong call. Eh, narinig ko naman ang pagpayag niya, kaya ibinigay ko ‘yong passcode mismo.Naramdaman ko naman ang pagtingin niya sa akin. Kaya naman sinalubong ko ‘yon, kahit sa bandang huli ay puwede akong magsisi.“Ibabalik ko na sana ‘yong card mo. wala naman na akong bibilhin—”“Keep it.”Nalaglag naman ang aking panga sa kaniyang sinabi. Ano’ng keep it ang sinasabi niya? ‘Yong card niya?“May card naman ako—”“It’s yours, Victoria. Hindi mo na kailangan pang ibalik,” aniya na para bang isang papel lang ang ibinigay niya sa akin. “Hindi n

  • Darkness of Desire   Kabanata 26

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View Pumintig ang aking sintido, habang nakatitig lamang sa bintana. Papunta na kasi kami ngayon sa mall, dahil ‘yon ang naging paalam ko kay Saverio. Hindi ko nga alam kung magagawa ko pang mamasyal nang maayos, eh. Sa dami ng nangyari ngayon, parang imposibleng matanggal sa isipan ko ang mga nangyari. Humugot ako nang malalim na hininga, at mabilis na napalingon sa aking purse. Iniisip ko pa lang na gagamitin ko ang black card ni Saverio, parang gusto ko na kaagad magpalamon sa lupa. Nahihiya kasi ako. May pera naman ako, saka wala naman akong bibilhin talaga sa mall. Kaya bakit naman niya ibibigay sa akin ang balck card niya? “Hindi po pa kayo bibili ng sofa, ma’am?” tanong ng aking bodyguard. Halos malukot naman ang aking mukha, dahil sa kaniyang naging tanong sa akin. Madalas naman ay hindi nila ako kinakausap. Kaya ano ang nakain nila para kausapin ako nang ganito? “Wala akong balak bumili ng sofa. Saan ko naman ilalagay ‘yan?” ta

  • Darkness of Desire   Kabanata 25

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewHabang nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kaya naman napalingon ako roon nang hindi ko inaasahan.Tumambad sa akin ang lalaking nakasuot ng plain black round-neck shirt, at black pants. Magulo ang kaniyang buhok, at may hikaw na gold sa kaniyang kaliwang tainga.Makapal ang kaniyang kilay, at kulay asul ang kaniyang mga mata. Wala nga lang emosyon ‘yon kagaya ng kay Saverio. Matangos din ang ilong nito, at higit sa lahat ay mapula rin ang kaniyang labi. Bukod doon ay prominente rin ang kaniyang panga.Hindi niya ako nilingon nang siya ay pumasok rito sa silid. Tahimik lang siya nang isara ang pinto, at nakatingin lang sa gawi ni Saverio.Kaya naman bumaling ang aking mga mata sa puwesto ni Saverio na ngayon ay patuloy lang sa kaniyang pagkain. Ni hindi man lang siya nagulat sa biglaang paglitaw nang kung sino, at parang inaasahan na.“I’m sorry to interrupt your date, but I need to talk to you, gener

  • Darkness of Desire   Kabanata 24

    Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Bakit kailangang dito pa?” tanong ko sa kaniya, habang inililibot ang aking mga mata sa paligid ng VIP room. Nag-book si Saverio ng VIP room na good for two people. Since dalawa lang naman kaming nandito, sakto lang ang lawak. Bukod pa roon, glass window rin ang mayroon. Kaya kitang-kita ko kung gaano kaganda, at kataas ang restaurant na ‘to. Para kasi ‘to sa mga mayayaman talaga. Kaya paniguradong hindi biro ang presyo ng mga pagkain dito. “What’s wrong?” tanong nito sa akin, at ipinaghila pa ako nang upuan. Hinanap naman ng aking mga mata ang kaniyang mabigat na titig, at medyo nakaramdam pa nang hiya. Hindi naman kami close ni Saverio. Paulit-ulit nagre-replay sa utak ko ‘yon, pero heto siya, nagagawa niyang maging gentleman sa tuwing kasama niya ako. Marahan akong lumapit sa kaniyang gawi, at tumikhim nang makaupo ako nang maayos. Naamoy ko pa nga ang kaniyang pabango. Kaya kinagat ko ang aking ibabang labi para lang pakalmahin

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status