
Darkness of Desire
First Generation: Entangled Hearts Series #1
Anak nang isang kilalang business owner si Katherine Victoria Von Schmitt. Matapos niyang magbakasyon sa ibang bansa, umuwi kaagad siya sa Pilipinas, at dumiretso sa kanilang bahay. Ngunit hindi niya inaasahan na may naghihintay pa lang malaking problema sa kaniya.
Her father was using illegal drugs, got addicted to gambling, and drank liquor as if his life depended on it. Ang nakaiinis pa ay walang alam si Katherine sa mga bisyo ng kaniyang ama. Kung hindi pa dumating ang mga lalaking hindi pamilyar sa kanilang bahay, baka habang-buhay ‘yon itatago ng kaniyang ama.
“Your father had a huge debt, Miss Von Schmitt.”
Para siyang pinagbagsakan nang langit, at lupa. Ni hindi niya alam kung paano magre-react, dahil sa kaniyang narinig. Nagkaroon sila nang malaking utang, at imposible raw na mabayaran niya ‘yon. Millions din ‘yon, at malaki ang interest kaya mas lalong lumalaki ang utang ng kaniyang ama.
“Sign the damn document, Miss Victoria. Be my contracted wife and carry my child,” he mumbled dangerously. “Once you fulfill your duty, you will be free from this setup. You’re not going to pay his debt anymore.”
Read
Chapter: Kabanata 26Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View Pumintig ang aking sintido, habang nakatitig lamang sa bintana. Papunta na kasi kami ngayon sa mall, dahil ‘yon ang naging paalam ko kay Saverio. Hindi ko nga alam kung magagawa ko pang mamasyal nang maayos, eh. Sa dami ng nangyari ngayon, parang imposibleng matanggal sa isipan ko ang mga nangyari. Humugot ako nang malalim na hininga, at mabilis na napalingon sa aking purse. Iniisip ko pa lang na gagamitin ko ang black card ni Saverio, parang gusto ko na kaagad magpalamon sa lupa. Nahihiya kasi ako. May pera naman ako, saka wala naman akong bibilhin talaga sa mall. Kaya bakit naman niya ibibigay sa akin ang balck card niya? “Hindi po pa kayo bibili ng sofa, ma’am?” tanong ng aking bodyguard. Halos malukot naman ang aking mukha, dahil sa kaniyang naging tanong sa akin. Madalas naman ay hindi nila ako kinakausap. Kaya ano ang nakain nila para kausapin ako nang ganito? “Wala akong balak bumili ng sofa. Saan ko naman ilalagay ‘yan?” ta
Last Updated: 2025-04-26
Chapter: Kabanata 25Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of ViewHabang nasa kalagitnaan kami ng aming pagkain, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kaya naman napalingon ako roon nang hindi ko inaasahan.Tumambad sa akin ang lalaking nakasuot ng plain black round-neck shirt, at black pants. Magulo ang kaniyang buhok, at may hikaw na gold sa kaniyang kaliwang tainga.Makapal ang kaniyang kilay, at kulay asul ang kaniyang mga mata. Wala nga lang emosyon ‘yon kagaya ng kay Saverio. Matangos din ang ilong nito, at higit sa lahat ay mapula rin ang kaniyang labi. Bukod doon ay prominente rin ang kaniyang panga.Hindi niya ako nilingon nang siya ay pumasok rito sa silid. Tahimik lang siya nang isara ang pinto, at nakatingin lang sa gawi ni Saverio.Kaya naman bumaling ang aking mga mata sa puwesto ni Saverio na ngayon ay patuloy lang sa kaniyang pagkain. Ni hindi man lang siya nagulat sa biglaang paglitaw nang kung sino, at parang inaasahan na.“I’m sorry to interrupt your date, but I need to talk to you, gener
Last Updated: 2025-04-25
Chapter: Kabanata 24Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View “Bakit kailangang dito pa?” tanong ko sa kaniya, habang inililibot ang aking mga mata sa paligid ng VIP room. Nag-book si Saverio ng VIP room na good for two people. Since dalawa lang naman kaming nandito, sakto lang ang lawak. Bukod pa roon, glass window rin ang mayroon. Kaya kitang-kita ko kung gaano kaganda, at kataas ang restaurant na ‘to. Para kasi ‘to sa mga mayayaman talaga. Kaya paniguradong hindi biro ang presyo ng mga pagkain dito. “What’s wrong?” tanong nito sa akin, at ipinaghila pa ako nang upuan. Hinanap naman ng aking mga mata ang kaniyang mabigat na titig, at medyo nakaramdam pa nang hiya. Hindi naman kami close ni Saverio. Paulit-ulit nagre-replay sa utak ko ‘yon, pero heto siya, nagagawa niyang maging gentleman sa tuwing kasama niya ako. Marahan akong lumapit sa kaniyang gawi, at tumikhim nang makaupo ako nang maayos. Naamoy ko pa nga ang kaniyang pabango. Kaya kinagat ko ang aking ibabang labi para lang pakalmahin
Last Updated: 2025-04-24
Chapter: Kabanata 23Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Kath!”Nagising naman ako sa reyalidad nang magsalita si Persephone. Kaya naman kaagad akong napapikit nang ilang beses, dahil sa pagkahapdi ng aking mga mata.Kanina pa ba ako nakatulala?Lumingon ako sa gawi ni Persephone, ngunit ramdam ko ang masamang titig na ipinupukol ni Nohaira. Kaya naman nagawi ang aking mga mata sa kaniyang puwesto para salubungin ang titig nito.“Minsan na lang tayo magkita, dahil busy kaming parehas ni Nohaira, tapos wala ka sa sarili?” tanong sa akin ni Persephone.Bumalik naman ang aking mga mata sa gawi ni Persephone nang siya ay magsalita.I bit my lower lip. Nagi-guilty kasi ako, dahil sa kaniyang naging tanong. Hindi ko naman sinasadya na matulala na lang, at pilit inaalala ang naging usapan namin ni Saverio tungkol sa nalalapit na kasal naming dalawa.Hanggang ngayon kasi ay bumabagabag pa rin sa akin ang kaniyang naging reaksyon, at hindi ko alam kung paano ko siya titingnan nang diretso sa kaniyang m
Last Updated: 2025-04-23
Chapter: Kabanata 22Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“Wala bang budget?” tanong ko kay Saverio.Matapos ang naging usapan namin noon tungkol sa pagmamadali nito sa kasal, at pagbubuntis ko, hindi kami nagkausap nang ilang araw.Nagkikita naman kami, dahil palagi nga kaming sabay kumain nang breakfast, at dinner. Hindi lang kami sabay sa lunch, dahil nagpupunta nga siya sa kaniyang company para magtrabaho.Siya na rin ang nagpupunta palagi sa mga restaurant na mina-manage ko, dahil nag-iingat na siya. May iilan din kasing media ang nakasunod palagi sa amin. Kahit alam ko naman na kaya niyang i-block ang mga balita na kakalat, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam nang kaunting takot. Posibleng trauma na rin ‘to kaya natatakot ako.Sa ilang araw na lumipas, marahil ay binigyan niya ako ng time para makapag-isip. Tama naman siya, dahil unti-unti akong nalinawan. Doon din naman papunta, kaya bakit hindi kami magmadali?Sabi niya, hindi pa raw siya nakapagpaplano para sa kasal namin. Siguro ay gu
Last Updated: 2025-04-22
Chapter: Kabanata 21Katherine Victoria Von Schmitt’s Point of View“I don’t understand him,” bulong ko, habang nakatitig lang sa kisame.“What do you mean?” nalilitong tanong sa akin ni Persephone.Nag-uusap kami ngayong tatlo sa call, dahil ayaw kong lumabas. Hindi naman sa bawal sa akin, pero medyo natatakot lang akong magkamali ulit.Last time na nagkamali ako nang hindi ko nalalaman, kinaladkad niya ako palabas ng restaurant ko. Hindi ko tuloy alam kung ano pa ‘yong mga bawal. Ayaw ko rin naman kasing mag-assume, dahil alam kong hindi naman namin gusto ni Saverio ang isa’t isa para isipin kong nagseselos siya.Puwede kasing ginagawa niya lang ‘yon para iligtas muli ako sa panibagong issue. Nagsisimula na kasing tumaas ulit ang sales ng restaurant ko. Ultimo ang income, masasabi kong mataas na rin, at kahit papaano ay nakababangon na. Hindi na lugi kung ikukumpara noon.Sa maiksing panahon after naming i-announce ni Saverio ang aming engagement, at engagement party sa public, unti-unti na ulit lumalago
Last Updated: 2025-04-20