Share

IKALIMANG KABANATA

“Don’t smoke. I know you’re smoking again,” mahina nitong sabi na nagpabalik sa huwisyo niya.

“Pa’no mo nalaman?” Nakakunot ang noong tanong niya rito habang ibinubuga ng dahan dahan ang usok na naimbak sa bibig niya.

“I just know things about you. You should not forget who’s your husband.” May halong pagbabanta nitong sabi na para bang may alam sa nangyaring sexcapade niya kagabi at kanina. Hindi niya mapigilang hawakan ang kaniyang leeg ng umihip ang malamig na hangin at naramdaman niyang humapdi ang sugat na tila nagpapaalala sa kasalanang nagawa niya.

Wala sa sarili niyang naitapon ang upos ng sigarilyo at nagpalinga-linga na para bang may hinahanap hanggang sa narinig niya na nagsalita ulit ang kanyang asawa sa kabilang linya.

“Relax, baby. Wala ako riyan para kabahan ka.” Umingos naman siya para hindi ipahalata na kinabahan nga siya sa kaniyang iniisip kaya naman akma na naman siyang magtatanong nang unahan siya nito.

“I can hear your fast breathing. Alam ko pa'no ka huminga sa tuwing normal ang araw mo, kapag nagsisigarilyo ka at kapag naman kinakabahan at naiirita ka.” Muntik na siyang mapalatak ng maalala niyang doktor pala ang propesyon ng asawa kaya matalino ito kahit sa maliliit na bagay lamang.

“Ano naman,” ang mga katagang kanya na lang nasabi ng wala na siyang maisagot dito. “I’m gonna hung up now, Bella. Take care of your self. I will just drop some digits on your account.”

Napabuntong hininga na lang siya ng maalala niyang hindi pa nga ubos ang pinadala nito nang nakaraang buwan at ngayon heto na naman ito at maghuhulog ng halagang alam niyang kahit magpatayo siya ng mansiyon ay hindi basta-basta mauubos.

“Pinadalhan mo palang ako nu'ng nakaraan. Hindi pa ubos,” patuloy niyang pakikipagusap dito habang papunta sa ticketing office para kumuha ng ticket niya at makasakay na.

“You deserve it for being a good wife, Bella. I’m gonna go now. I will just ring you again.” Narinig niya ang pag putol nito sa tawag nila at napabuntong-hininga na lang siya ng maalala niya ang pangalang itinawag nito sa kanya.

Bella... Belladonna

Ang kilala nitong asawa ay ang kapatid niya pero kahit gano’n ay nanatili siyang tapat dito at hindi nagtataksil sa loob ng apat na taon. Takot man siyang malaman nito ang katotohanan pero nananaig pa rin ang kagustuhan niyang makita ito at mapasalamatan dahil nakatulong ito upang makawala ang kapatid niya sa mga magulang nila.

Sa kanya ay wala namang problema kahit anong gawin niya tutal ay wala namang pake sa kanya ang kanilang mga magulang. Ang iniisip niya lang lagi ay ang kanyang kapatid. Hindi ito nakakasagot o makapalag man lang dahil mas malambot pa ito kumpara sa guardian angel niya.

Matapos ang halos tatlumpung minuto ay nakarating na siya sa isla ng Oslob. Sakay sa isang habal-habal ay nakarating siya sa bayan ng Maapit kung saan namamalagi ang kanyang kambal. Pagkarating niya sa mismong tinutuluyan nito ay hindi na siya kumatok at diridiretso na siyang pumasok at sumalampak sa sofa na naroon.

Hindi niya maintindihan ang kapatid kung bakit pa nito pinili na tumira sa isang maliit na bahay kung kaya naman niya ibigay ang pangangailangan nito. Tutal ang asawa naman nito ang nagbibigay ng sustento sa kanya kaya karapatan lang nito na mabahagian ng grasya ng lalaki.

Napapikit siya dahil sa pagod. Katawan at isipan niya ang pagod. Walang hiyang Riad ‘yan, pinatulog lang siya ng ilang oras pagkatapos ay inararo na naman.

Akmang makakatulog na siya ng bigla nalang makarinig ang isang mahinhing sigaw.

“Oh my god, Hya! What happened to you, sister? You look like you were fucked up!” Nagmamadali itong umupo sa tabi niya at marahang tiningnan ang kanyang labi na putok.

“Saang away ka na naman lumusot? Are you trying to kill your self?” Parang nanay nitong kuda habang patungo sa kusina para kumuha ng yelo at bimpo para sa mga pasa niya.

“Chill, sister. Yes, nakipagaway ako... sa kama. I was fucked. Hard.” Bumunghalit siya ng tawa ng makita niyang nabitawan nito ang hawak na mangkok at lumikha ng malakas na tunog ng mabitawan nito ang hawak at nabasag.

“Ang bibig mo talaga, Hyacinth! Marinig ka ng bata,” sabi nito sabay silip sa kwarto nitong kaharap lamang ang kusina.

“What’s wrong? Nagtatanong ka e’di sasagot ako. And guess who fucked me,” ngumisi siya rito na parang nakakatuwa ang susunod niyang babanggitin para rito.

“Who? A hot bachelor? Someone you met at the party?” Nakataas ang kilay nitong sagot habang nililinis ang kawawang mangkok na nabasag.

“I suggest bitawan mo muna 'yang hinahawakan mo. Baka mabasag na naman.”

“Don’t play games with me, Hya. Sabihin mo na,” tamad lang siya nitong tiningnan at ipinagpatuloy ang ginagawa. Kaya naman binitawan niya na ang pangalang alam niya ay magpapagulat na naman dito.

“Thaddeus Siriad Vanesteri,” dirediretso niyang sabi at sa pangalawang pagkakataon ay nabitawan nito ulit ang hawak na basag na mangkok.

Nanlalaki ang mata nitong napatingin sa kanya at parang hindi makapaniwalang lumapit ito sa tabi at hinawakan ang magkabilang balikat niya. “What?” Tanong niya rito makalipas ang ilang minutong nakatitig lang sa kanya ang kapatid.

“What is wrong with you, Hya? Kung isa ito sa mga plano mo para maghiganti please tigilan mo na ‘to. Wala kang mapapala sa ginagawa mo.” Mahabang litanya nito sa kanya.

“I’m doing this for you,” ganti niya rito at ipinapaintindi na ang ginagawa niya ay hindi para sa kanyang sarili lang.

“At saka baka ito na ang oras na magpakita ang asawa mo kapag nalaman niyang nagkakalat ako at panindigan pa niya ang pamangkin ko.”

“What the―? Alam mong hindi mangyayari ‘yan. Hindi galing sa kanya si Light at mas lalong hindi ’yon papayag kapag malaman niya ang ginagawa mo sa likod niya!” nanghihitakutan nitong sabi sa kanya.

“Alam ko naman. Malay mo rin ito na ang pagkakataon para makalabas na ako sa sitwasyong ‘to.”

Kita naman niya ang konsensyang dumaan sa mga mata nito kaya kahit parang ayaw na humiwalay ng likod niya sa kinasasandalan ay pinilit pa rin niya bumangon upang yakapin ang kanyang kapatid.

“It’s not your fault, okay? Ginusto kong sagipin ka at alam kong ako lang ang makakatulong sa’yo.” Pagpapaintindi niya pa rito.

“You are always my hero, Hya. Sabihan mo lang si ate kung ano ang magagawa ko para ako naman ang tumulong sa’yo.”

Napangiti nalang siya ng maalala na simula bata pa lang sila ay parang sya ang nakakatanda sa kanilang dalawa dahil lagi siya ang nagliligtas dito.

Her sister will always be a softy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status