Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi niya na hinintay pa na katukin siya ng mga katulong para paalalahanan na may pasok siya. Kahit nananakit ang katawan niya ay pinilit pa rin niyang maligo at magbihis gaya ng ginawa niya kahapon. Ayaw niya lang makita o makasabay ang mga magulang sa hapag kainan. Pagod pa siya sa lahat ng napagdaanan niya nu'ng nakaraan.Pinilit niya lang ang sarili na kumilos sa kusina at ipaggawa ng pagkain ang sarili dahil hindi siya kasama sa ipinagluto ng mga kasambahay. Ang utos daw sa kanila ay pangtatlong tao lamang ang ihanda.Wala nga talaga sa edad ang pagmamature. Nasa pinagdadaanan ng tao ang magbubukas sa mga mata nila sa reyalidad.Pero ang pipi niyang hiling ay tila hindi narinig nang makita ang mga magulang na pababa na sa kanilang hagdan.Nang makita siya ng kaniyang mommy ay pinagtaasan agad siya nito ng kilay kaya naman dali-dali siyang tumayo at yumuko dito.“G-good morning, mommy, daddy,” bati niya sa mg ito.Lumakad pa ang baba
Hindi na nasundan ang pagkikita nila ni Thaddues ng umagang iyon.Na-busy rin kasi siya sa ensayo para sa kanilang graduation. Tinotoo na nga rin ng kaniyang kapatid ang sinabi nitong space na ibibigay nito sa kaniya para pagbayaran ang kasalanan nito.Kahit hirap siya maglakad ng pabalik-balik ay ginawa niya ang lahat para maihakbang ng maayos ang mga paa. Ayaw niya na ng may nagtatanong sa kaniya kung bakit hindi siya makapaglakad ng maayos. Bata pa lang siya pero masusunog na sa baba ang kaluluwa niya dahil sa pagsisinungaling niyang hindi naman niya ginugusto pero kailangan.Pagkatapos na pagkatapos ng kanilang ensayo para sa umagang iyon ay plinano niya nang magpahinga sa gazebo ng kanilang paaralan. Parte ito ng hardin na inaasikaso ng mga janitor. Dito ginaganap ang mga pangsosyal na pagtitipon ng buong paaralan.Masyado kasi itong malaki. Halo na ang elementarya at sekondarya kaya naman mamahalin din ang mga nag-aaral.Napainat siya ng braso dahil sa pananakit ng katawan
Naghihintay na siya ng masasakyan pauwi. Mukhang iniwan kasi siya ng driver nila at bakit pa siya aasa. Tratong hayop nga ang turing ng mga ito sa kaniya tas aasa pa siya ng bago. Huwag na lang. Busy siya magmuni-muni at hindi niya namalayang may nakatayo na pala sa tabi niya. Ang hindi niya inaasahang lalaki, si Thaddeus Siriad Vanesteri. “Where's your driver? He should be here by now.” Hindi niya ito pinansin at nagbingi-bingihan lang. “Iniwan ka?” Sa tanong nito ay biglang uminit ang ulo niya. Oo! Iniwan nga siya ng driver nila so malamang at maghihintay siya ng tricycle kahit maabutan pa siya ng gabi. “Wait here, let me accompany you to your home.” Alok ng lalaki na agad niyang tinanggihan. Sakto naman at may dumaang motor kaya agad niya ito pinara. Pasakay na siya ng makita ang sasakyan naman nitong papalabas ng gate kaya halos palitan niya na ang driver sa bagal ng pagpapatakbo nito. Lingon siya ng lingon sa likod kung nakasunod ba ang kotse at nakasunod nga talag
Bagot siyang nakatayo habang nakatingin sa kabayong pataas at pababa habang umiikot-ikot. Hindi niya lang sigurado kung ano ang tawag doon. Napansin naman ni Philip na nakatitig siya sa lugar na iyon kaya naman nagtanong ang lalaki sa kaniya. “Do you want to ride that carousel?”Carousel. Ito pala ‘yung sinasabi ni Bella na sinakyan niya nu’ng ipinasiyal ito ng mga magulang.Halos lahat ng bagay na nararanasan ni Bella ay hindi niya maranasan. Madalas siyang nakakulong lang sa loob ng bahay nila at hindi pinapayagang sumama kapag may mga lakad ang mga ito.Minsan ay ang parke sa village nila ang takbuhan niya kapag gusto niya makakita ng ibang mukha maliban sa mga katulong nila.Iniligan niya ang lalaki. “No. That's for children only.” Sagot niya rito.Umingos naman ito bago siya hatakin papunta sa sinasabi nitong carousel. Hindi katulad ng ibang rides doon ay walang masyadong pila.Nang igigiya na siya ng lalaking bantay papunta sa sakayan ay otomatiko siyang napahawak sa laylayan n
“Gusto ko sumakay dito.” Agad kong sabi sa kaniya pagkarating namin sa surf dance na ride sa amusement park.Nakita ko naman itong napakunot ang noo saka tumingin sa ‘kin. “This is not suitable for a twelve years old,” sabi niya.Napakrus naman siya ng braso sa ibabaw ng dibdib dahil sa sinabi nito. “Why? Are you chickening out?” Mapang-asar niya na tanong sa hindi pa rin nagpapatinag na lalaki.Alam niyang masasagi niya ang pride nito kaya halos bumunghalit na siya ng tawa ng makitang nangdilim ulit ang mukha nito at maya-maya pa'y ito na ang humila sa kaniya para pumila.“Ilang taon na po, sir?” Tanong ng nagbabantay.“Both nineteen.” Walang pikit-matang pagsisunungaling nito kaya naman pinapason na sila. Sa tangkad rin kasi niya ay mapagkakamalan na siyang dalaga kulang nalang ang puberty stage para maenhance ang kaniyang katawan.Wala siyang imik na nakasunod lang dito hanggang sa marinig niyang maglock ang seatbelt ng upuan at dahan-dahan nang idinuduyan ang malaking surfboard na
"‘San kayo pupunta, kuya?” Tanong niya sa nag-iisang taong matino sa kanila maliban sa kaniya. Knockdown na kasi ‘yung tatlo nilang kasama.“You were with Riad most of the time but he didn't tell you?” Nagtataka nitong tanong habang tinapik ulit ang mukha ng tatlo.“Wala. Wala akong alam. Ano kasi…” napakamot pa siya sa ulo bago aminin dito ang ginawa nila ni Addie pagkatapos nilang nahiwalay sa mga ito.“Ganito kasi ‘yon, kuya. Pagkahiwalay natin, hinila ko agad skya sa surf dance tas hindi ko alam na matatakutin pala siya sa heights tas after nu’n nagpumilit na siyang samahan ako sa space shuttle kahit sinabi ko namang kaya ko na.” Mahaba niyang paliwanag dito.Napatawa naman ng hilaw si Philip sa paliwanag niya. Parang hindi ito makapaniwala na isang batang dose anyos lang ang makakapagpapayag dito sumakay sa mga extreme rides.“And this fool just let you drag him to wherever you want qithout even complaining?” Nanlalaki na ang mata nito sa hindi pagkapaniwala.“Yes, kuya.”“Who’s
Nawalan na siya ng imik hanggang sa makauwi siya sa kanilang bahay kahit nakasalubong niya ang kapatid na naktitig lang sa kaniya ay nawalan na siya ng ganang makipagusap dito.Kaya naman ng makaabot siya sa kaniyang kwarto ay dumapa siya kaagad sa kaniyang kama at huminga ng malalim bago unti-unting bumuhos ang luha.Ilang oras rin siya umiiyak hanggang sa makarinig siya ng katok na mahihina. Alam niyang kay Bella ang mga katok na ito pero parang bigla siyang nawalan ng lakas para makipag-usap o makisalamuha sa lahat ng tao.Lumapit lang siya sa pinto at sumandak dito.“Hya?” Dinig niyang tawag sa kaniya ng kapatid.Wala siyang sinagot dito bagkus ay nanghihina ang tuhod niyang napasalampak sa sahig. Nandito na naman ‘yung pakiramdam na parang gusto niya maglaho sa lahat pero wala siyang balak na magpakamatay.Gusto na naman niya i-isolate ang sarili sa lahat. ‘Yung tipong magtatago sa lahat. Walang salita ang kayang isatinig ang kaniyang nararamdaman. Simula sa pamilya at kaibigan
Dumaan ang isang linggo at nadatnan niyang abala ang mga tao sa bahay nila. Baka isa na naman sa mga events ng mga magulang niya.Hindi na kasi siya masaydong nakikibalita sa mga ganap sa trabaho ng mga ito. Ang alam niya na lang ang schedule ng mga ito sa pagpasok sa trabaho at pag-uwi, maski ang pagkain ng mga ito para hindi magkrus ang mga landas nila.Habang pababa sa hagdan ay nakita niya ang kapatid na nagbubuklat ng magazine at marami pang nakapatong sa mesa na mukang hindi pa nito na gagalaw.Napansin marahil nito ang pagbaba niya kaya naman napatingin ito sa kaniya at napangit.“Hi, Hya! Did you already choose what to wear on our birthday?” Maaliwalas ang mukha nitong tanong.Napakunot naman ang noo niya dahil dito. “Huh? Birthday?”“Yes! Sabi kasi nila mommy nakapili ka na daw kaya ako na lang ‘yung pipili ng akin.”Nakuha niya agad ang ibig sabihin ng kambal. Wala man siyang natanggap na magazine na katulad ng hawak nito ngayon pero alam niya ang iniisip ng mga ito. Hindi n
Kahit nakakahiya sumakay at bumalandra sa harapan ng bahay nila sakah ng malaking truck ay wala na siyang nagawa. Tahimik na lang na naupo si Hyacinth lalo na at nararamdaman pa rin niya ang manhid ng talampakan.“Seatbelt, buntit,” puna ni Jules at agad siyang kinabitan ng seatbelt at pakunyari pang tinapik ang kaniyang tiyan, “para safe si bulilit.” Nangngiting-aso pa ang bruha at napailing na lang siya rito. Loka talaga.Binalingan naman nito ang pobreng driver na sa daan lang nakatingin at hindi sila tinitingnan.“Oy, Browny, ayusin mo pagda-drive. Buntis kasama mo, baka mapano ‘to talaga. Mata lang ang walag latay mo sa akin, intiendi?” Pananakot nito sa drive na napatango-tango na lang at walang lumbas na salita sa bibig.“Ano ka ba, huwag mo nga takutin ‘yong tao. Buti nga siya truck ang dala kaya mahahatid ako, eh ikaw?”Ngumuso ang kaibigan niya, “eh sa yaman mo akala ko may dala kang sasakyan!” Maktol nito at bumaba na sa hagdan ng truck.“Taga rito ako, taga rito?” Puno ng
“Hindi ako ‘yan! Hindi ako ‘yan! Gagawa mo ‘tong lahat, Hyacinth!” Pinagduduro si Hyacinth ni Mara na tila nawawal na ito sa tamang pag-iisip.Tiningnan niya lang ang babae at kalmadong ngumunguya ng kaniyang steak. Sinisugurong maghahatid ng asar sa babae ang bawat pagnguya niya.Hindi na nga nakatiis si Mara at bumaba na ito sa stage para malapitan si Hyacinth. Bilang paghahanda ay tumayo siya kung sakali mam anong manyari lalo na’t buntis siya.Mabilis naman nakalapit ang ilang tanod sa pwesto niya at napigilan ang babaeng halos mahubaran na sa suot nitong tube dress at nagkakalat na rin ang buhok nitong kanina lang ay parang dinilaan ng baka sa kinis at ni-isang hibla ng buhok ay nakatayo.Umakto naman siyang nagulat at nagmamakaawa. “Oh my, oh my! Sasaktan niya ako, tumawag kayo ng pulis!” Sigaw niya na may nagmamakaawang mukha. Agad namab rumesponde ang mga tao sa paligid at meron pang tumawag sa kanilang telpono. Maya-maya pa ay may rumespondeng pulis agad pero hindi pa rin na
Pagkaupo pa lang ni Hyacinth ay parang halos sinusunog na ang likod niya dahil sa isang titig na alam niya kung kanino nagmumula.Alam niya na nasagi niya ang pride ng babae pero hindi pa sila tapos. Nagsisimula pa lang ang paghihiganti niya sa pamamakialam nito sa kaniyang buhay. Naniniwala kasi siya na kapag batuhin siya ng bato ay gagantihan niya ng maraming bato.Hindi siya lumaking nagpapaapi sa ibang tao, sa mga itinuring lang niyang pamilya. Walang hiya! Magbebreakdown pa yata siya eh hindi pa naman alas dyis ng gabi.Burong-buro na siyang nakaupo at naghihintay na matapos ang koronasiyon. Dito kasi aakyat si Mara ipokrita para ipakilalang magkokorona sa nanalo. S’yempre nakahanda na ang script. Super bait kasi niya na pati ang sasabihin ng emcee ay ipinagawa niya pa pati ang pagkakasunod-sunod ng magiging pangyayari sa kompetisyon ay pinaayos niya na.Nagbuntong-hininga siya sa inip na napansin naman jg kaniyang katabi kaya sumenyal ito sa mga kasama na hindi niya naintindiha
Alam niyang weird na ang pagtingin sa kaniya ni Bella dahil kakabunyag pa nga lang sa totoong pagkatao niya pero heto na siya at malaki ang ngiti. Pero wala namang mangyayaring maganda sa kaniya kung problemahin pa niya ang katotohanan. Tatanggapin nalang ito ni Hyacinth ng buong puso at s’yempre… maghihiganti.“Mag-ingat ka mamaya labas ha,” paalala sa kaniya ni Bella na hindi niya maintindihan.“Ha? Bakit naman?” Maang na balik tanong niya dito.“Napapabalita kasi na may mga lalaking nakaitim at nangunguha ng buntis na hindi pa masyadong malalaki ang tiyan,” saad nito at humawak sa sinapupunan.Napakamot naman siya sa ulo dahil sa nalaman. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya dito o ipagsasawalang-bahala na lang kasu hindi naman kapani-paniwala ang sinabi ng kapatid.Tumalim naman agad ang tingin sa kaniya ni Bella, tipong pinapangaralan siya gamit lang ang mga mata nito.“Eh! Kasi naman, malalakas naman ang trip ng mga ‘yon. Ano naman ang gagawin nila sa tiyan naming hindi pa ga
“Oh? Ang saya ng mood mo ha, parang walang nangyari sa ‘tin?” Puna ni Bella sa kaniya pagkapasok niya pa lang sa kanilang bahay.Hindi niya ito pinansin at nagtanong lang pabalik. “Kilala mo ba ‘yong mayor dito?” Nakakunot noo namang sumagot ang kapatid, “bakit?”“Hmmm, I am cooking something big and grand.” Napangisi siya sa naiisip.“Something big ang grand huh. Where's the ‘nothing big’?” Napataas ang kilay nito habang sumisimsim sa gatas.“Ay basta! I need to talk to the mayor. Gusto ko maging judge sa parating na mutya. How dare him not invite me? The world renowned model?” Nakataas na rin ang kilay niya dahil sa realization.Baka siguro hindi siya naimbitahan dahil na rin sa sulsol ni Mara kung totoo ngang kalaguyo ito dati ng mayor. Kaya kung hindi siya pwede mag-judge ay siya na lang ang mag-sponsor para sa sound system para sa binabalak niya.“Gagayak muna ako, pupuntahan ko lang si Mayor at nagfi-feeling mabait ako ngayon.” Lumabas na siya agad ng bahay at hindi na hininta
Abala si Hyacinth maglibot-libot sa isla matapos niyang suhulan ang mga tao para lang tantanan siya. Ang iba pa nga ay halong pagpagan ang tinatapakan niya kahit puro naman buhangin ang lupa nila dahil nasa tabing-dagat. Ang rason kasi ng mga ito ay nakakahiya naman sa supermodel na kagaya niya.May iba pa nga na nagpresinta maging katulong kung kukuha raw siya kasi kahit hindi daw nila maranasan ang buhay ‘Heart Evangelista’ ay naranasan naman daw nila ang buhay ng mga katulong nito.Nasa counter siya ng isang tindahan ng mga fresh juice at sumisimsim ng watermelon shake habang nakikipagchikahan sa babaeng kahera dito.“So, bago pa lang siya?” Tanong niya rito na tinutukoy ay si Mara.“Opo, eh. Siguro magdadalawang taon. Pagkarating nga niyan dito ang palabas niyan eh anak ng isang bilyonaryo na dolyares ang kwarta abroad, eh naku!” Gigil na saad ng babae na hindi na siya nag-abalang kunin ang pangalan.Napataas naman ang kilay niya sa pa-suspense nito, “bakit?” Pang-uudyok ni Hya pa
“So, how are you feeling?” Dinig ni Hyacinth na tanong ni Bella ngunit walang rumirehistro sa isip niya.Mali ba na bumalik pa siya at nagpakita? Mali ba na pinatulan niya si Mara? Pauli-ulit at sandamakmak na tanong na lang ang nasa kukote niya. Alam niyang hindi mali sapagkat nalaman jiya ang totoo sa kaniyang pagkatao.Kung gaano karami ang ‘what if’s’ na tumatakbo sa isip niya ay ganoon rin kadami ang ‘kaya pala’. Kaya pala gano'n ang pagtrato ng mga magulang. Kaya pala hindi siya napapaburan. Kaya pala… kaya pala.“Hey, Hya, answer me please,” pagpukaw sa atensiyon niya ni Belladonna kaya kahit punong-puno ng luha ang mukha ay tiningala niya ito.“Sorry, s-sorry kasi dahil sa akin nasira ang pamilya mo.” Hinawakan niya ang kamay nitong nagpupunas sa kaniyang mga luha.“Sorry kasi ang kapal ko para mag-file ng restraining order sa mga magulang mo, promise i-uurong ko na ang order at hindi na ako manggugulo!” Umiling-iling pa si Hyacinth. Takot sa ideya na may masamang loob sa ka
“Bilis! Baka makarating na sila. Hide on my room, Hya!” Kahit hirap maglakad ay nahila siya ng kapatid papasok ng kwarto.Malaka na huni ng helicopter ang kanilang narinig. Ang akala nila ay magpa-private plane ang mga ito pero mas pinili pala ng mga ito ang mas mabilis na transportasiyon. Papunta sa isla. ‘Ganito na ba ito kagalit sa kaniya?’ Naoatanong siya sa sariliPagkasarang-pagkasara ni Belladonna ng kwarto ay ang pagdating ng mga galit na mga magulang.“Belladonna! Where's your sister?” Galit na tanong ng ina.Wala siyang makita at nakikinig lamang sa loob at nakikiramdam. Base sa mga mabibigat nitong mga yabag at malalakas na boses ay hindi na mapakali ang mga ito.“Dahan-dahan naman, Criselda! Hindi ka sa anak mo galit!” Saway ng kaniyang ama.“Eh ano, Edward? Wala tayong koneksiyon kay Hyacinth pero patuloy pa rin niya tayo binibigyan ng problema!” Bulyaw ng ina.Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga ng ama bago sumagot, “at sa tingin mo sa pagpunta natin dito ay
Nangangalaiti sa galit si Hyacinth dahil sa lagagawan ng bruhang si Mara na iyon. Hindi niya alam kung bakit dati pa ay tila malaki ang inggit nito sa kaniya kahit na wala namang kainggit-inggit sa buhay ni Hyacinth.Napahawak siya sa tiyan dahil sa stress. Kapag may nangyaring masama sa anak niya ay kahit si satanas ay hindi makikilala ang pagmumukha nito kapag nakatapak ito sa impyerno.Binuksan niya ang tv at bumungad sa kaniya ang mukha ng mga magulang na hindi na maipinta dahil kinukuyog na ang mga ito ng reporter.“Mrs. Herrera! Balita namin ay dalawang anak niyo na ang buntis ngayon at isa sa kanila ay manganganak na at hindi pinanagutan ni Thaddeus Vanesteri at si Hyacinth Herrera naman ay hindi kilalang lalaki ang nakabuntis?”Itinaas at iwinasiwas nito ang kamay na parang ayaw sagutin ang tinatanong ng mga reporter. Agad naman kumilos ang mga guard ng building at kita sa kamera kung pa'no ng mga ito protektahan ang mga magulang na nakatakip na sa mga mukha ng mga ito ang mga