Dumaan ang isang linggo at nadatnan niyang abala ang mga tao sa bahay nila. Baka isa na naman sa mga events ng mga magulang niya.Hindi na kasi siya masaydong nakikibalita sa mga ganap sa trabaho ng mga ito. Ang alam niya na lang ang schedule ng mga ito sa pagpasok sa trabaho at pag-uwi, maski ang pagkain ng mga ito para hindi magkrus ang mga landas nila.Habang pababa sa hagdan ay nakita niya ang kapatid na nagbubuklat ng magazine at marami pang nakapatong sa mesa na mukang hindi pa nito na gagalaw.Napansin marahil nito ang pagbaba niya kaya naman napatingin ito sa kaniya at napangit.“Hi, Hya! Did you already choose what to wear on our birthday?” Maaliwalas ang mukha nitong tanong.Napakunot naman ang noo niya dahil dito. “Huh? Birthday?”“Yes! Sabi kasi nila mommy nakapili ka na daw kaya ako na lang ‘yung pipili ng akin.”Nakuha niya agad ang ibig sabihin ng kambal. Wala man siyang natanggap na magazine na katulad ng hawak nito ngayon pero alam niya ang iniisip ng mga ito. Hindi n
Bakit naman si Bella pa tatanungin namin? Sabay naman kayong pinanganak di ba?” Nagtatakang tanong ni Aureus na hinabol pala siya.Huminto siya paglalakad at hinarap ulit ang nga ito. “Kasi siya naman ‘yung nagdedesisyon sa kung ano ‘yung ihahanda, hindi ako.”Gusto niya na irapan ang lalaki dahil sa inis pero hindi niya nalang ulit ito pinansin at naglakad na ulit papuntang gym.“Hindi ba counted opinion mo, Hya?” Seryosong tanong naman ni Philip na hindi pa rin pala talaga siya tinatantanan ng mga ito.Gusto niya na sana isagot dito na ‘pa’no mo nalaman?’ kaso hindi pa pala sila masyadong close nito.Kahit naman palagi niyang nakakasama ito kahit mas madalas sila magsolo ng bonding ni Addie ay naiilang pa rin siya sa dalawang lalaki lalo na kapag nakikita niya ang mga pamatay na tingin ng mga babaeng estudyante sa kaniya.Naputol lang ang pag-iisip niya nang si Mara na mismo ang sumagot kay Philip. “Baka last year idea niya kaya ngayon turn na ni Bella.”Pinasadahan pa siya nito ng
Sa sobrang abala niya sa pagbabasa ng chats ng tatlong tukmol ay hindi niya na namalayang nakaiwan ang cellphone niya na bukas hanggang umaga.Maaga siyang nagising sa sumunod na araw dahil sa ingay sa kanilang buong mansiyon.Kung hindi niya pa naririnig ang mga kalansing ng plato at kutsara ay hindi niya pa maaalala na ito na pala ang kaarawan nila ng kambal.Pero hindi pa nga siya nakakabangon ay nagbukas na ang kaniyang pinto at pumasok ang kapatid na may malawak na ngiti sa mukha.“Arghh,” mahinang sabi niya at nagtalukbong.Agad naman lumipad ang kumot niya nang hilahin ito ng kambal at masayang nagtatalo-talon sa kaniyang higaan.“It's ten in the morning already, Hya. Get up!” Sabi nito habang patuloy na tumatalon sa kama niya.Sa sinabi nito ay bigla siyang napabangon. Akala niya ay maaga pa pero nakatirik na pala ang araw at hindi niya lang mamalayan kasi nakasara ang mga kurtina niya!“Oh my god!” Bulalas niya at tumakbo papunta sa banyo. Baka mahuli pa siya ng nanay niya na
“I don't want a bitch later.” Sambit ng kaniyang ina na nagpapukaw sa atensiyon niya.Nakayuko lang siya at patuloy na hindi sumasagot sa mga ito pero hindi yata nakuntento ang kanilang ina ng tumayo ito at hinawakan ng mariin ang baba niya at inangat ang kaniyang mukha.“Naiintindihan mo ba?” Mariing sabi nito.Kahit nananakit ang kaniyang panga ay pinilit niyang sumagot dito.“Yes, mommy.”Iwinaksi naman nito ang kaniyang mukha at parang nandidiring kumuha ng tissue at alcohol at nilinisan ang kamay.“Slowly, honey. Baka magkapasa. We cannot afford to show her dirty face sa mga investors.” Paalala ng daddy niya.Kailan kaya niya mararamasan ang tunay na pag-aalala ng kaniyang mga magulang? ‘Yung tipong walang halong pangungutya at dahas.“Tss. Go wash yourself properly in your room. I'll send an artist. We don't want to showcase you with that dirty little face you have.” Mahabang litanya nito na mas lalong nagpayuko sa kaniya.Gustong-gusto niya ito sagutin pero wala siyang magawa.
Nanatili lang siyang nakatayo at nakatanaw sa mga pangyayari sa hardin nila. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanina niya pa pasimpleng hinahanap ang presensya ay masayang nakaupo sa tabi ng kapatid at nakikipag-usap dito.Naisip na lang niyang sobrang busy yata nito at sa sobrang excited ay hindi na nito nakuhang tingnan ang cellphone nito.Sa sobrang sama ng loob niya sa lalaki ay napasalampak na lang siya sa upuan dahil wala ng ibang interesanteng bagay na nakakuha sa interes niya.Tinanaw niya ang langit at ang pinakamalaking bituin. Balang araw ay gusto niya ring maging maliwanag kagaya nito sa kabila ng dilim na nakapalibot dito. Dahil kung may mapupuntahan lang siya ngayon ay matagal na siyang umalis sa poder ng kaniyang ama at ina.Napabuntong-hininga na pang siya at itinulod ang dalawang kamay habang patuloy pa ring nakatingin sa langit.Pero ang kaniyang pagmumuni-muni ay naputol ng bigla siyang makarinig ng mahinang kaluskos sa gilid ng taniman sa may madilim
Nilagpasan niya ng tingin si Addie at nagmamadaling dumiretso na lang sa kusina para kumuha ng makakain nilamg tatlo.Ang akala niya ay hahabulin siya ng lalaki pero nagkakamali lang pala siya nang paglingon niya ay wala man lang ni anino ng lalaki na kaniyang nakitang sumunod sa kaniya.Pumikit na lang siya ng mariin para ipagsawalang bahala ang nangyari. Parang kahapon lang ay nagaasaran pa sila sa group chat pero ngayon ay parang ibang tao na ang nakikita niya.Hindi man lang siya nito binati at nginitian.Sa hindi maaming inis ay sandamakmak na pagkain ang hinakot niya papunta sa tagong bahagi ng hardin kung saan niya tinatago ang mga lalaki niya.‘Mga lalaki niya’. Napailing na lang siya. Kapag marinig ng mga ito ang iniisip niya ngayon ay tiyak na magwawala ‘yung dalawa.“Ang dami naman niyan, ija!” Bulalas ng isang matandang katulong na nagpagulat sa kaniya. Dahan-dahan niya itong hinarap at nginitian ng hilaw. Isa ito sa mga katulong na mababait sa kaniya at hindi namamakiala
Tangina talaga ni Addie. Pinipindot niya si anger ko. Teka nga at matwagan nga muna.” “I'm gonna kill that fucking bastard.”Literal na namingi na siya at wala nang marinig sa kaniyang paligid. Parang namanhid na siya sa lahat ng bagay at kahit ang tema ng pagkakaibigan ay may lamat na sa kaniya.‘Yung hinihingi niyang sapatos niya eh hindi nito maibigay pero ang milyong-milyong halaga ng sapatos ay walang pagdadalawang isip nitong binigay sa kapatid.Hindi niya na alam kung ilang oras or minuto lang siyang nakatitig sa kawalan at hindi niya na alam ang mga nangyayari sa paligid.Pati ang kaisa-isahang tao na kumuha sa loob niya ay ituturing lang pala siyang parang hangin. Akala niya ay ayos na kahit ang mga kaibigan niya pero mukhang magpapaubaya na naman siya para sa kapatid. At kapag naman nalaman ng mga ito ang mga pinag-gagagawa nila ng lalaki ay tiyak na siya na naman ang may kasalanan kasi hindi siya nagpakumbaba.“Don't you want to cry, Hya?” tanong sa kaniya ni Philip.Ngumi
Lumaki ang magkapatid na Belladonna at Hyacinth Herrera sa isang pamilyang marangya. Ngunit hindi makatarungan at pantay ang pagpapalaki sa kanilang magkambal. Sabay man inilabas at dumilat sa mundo, mas pinaburan pa rin si Belle ng kanilang mga magulang. Si Hyacinth ay namuhay sa ilalim ng anino ng kanyang kapatid. Nakasanayan niya nang itanggi ng mga ito sa harap ng mga kakilala sa mga pagtitipong ginanaganap o dinadaluhan ng kanyang pamilya. Habang siya ay lumalaki, tumatatak sa kanyang murang isipan na ang pagmamahal at atensyon na hindi kayang ibigay sa kanya ng kanyang mga magulang ay makukuha niya sa ibang paraan at aspeto.Siya ang kilala sa mga lugar na kung ituring ng kanyang mga magulang ay pugad ng mga demonyo at taliwas sa kanilang inaalagaang reputasyon. Natuto siyang manamit na sa mata ng kanyang mga magulang ay immoral na pamamaraan. Natuto rin siyang uminom at manigarilyo sa batang edad pa lamang. Wala siyang masandalan sa oras ng siya ay malungkot at nag-iisa.