Nanatili lang siyang nakatayo at nakatanaw sa mga pangyayari sa hardin nila. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang lalaking kanina niya pa pasimpleng hinahanap ang presensya ay masayang nakaupo sa tabi ng kapatid at nakikipag-usap dito.Naisip na lang niyang sobrang busy yata nito at sa sobrang excited ay hindi na nito nakuhang tingnan ang cellphone nito.Sa sobrang sama ng loob niya sa lalaki ay napasalampak na lang siya sa upuan dahil wala ng ibang interesanteng bagay na nakakuha sa interes niya.Tinanaw niya ang langit at ang pinakamalaking bituin. Balang araw ay gusto niya ring maging maliwanag kagaya nito sa kabila ng dilim na nakapalibot dito. Dahil kung may mapupuntahan lang siya ngayon ay matagal na siyang umalis sa poder ng kaniyang ama at ina.Napabuntong-hininga na pang siya at itinulod ang dalawang kamay habang patuloy pa ring nakatingin sa langit.Pero ang kaniyang pagmumuni-muni ay naputol ng bigla siyang makarinig ng mahinang kaluskos sa gilid ng taniman sa may madilim
Nilagpasan niya ng tingin si Addie at nagmamadaling dumiretso na lang sa kusina para kumuha ng makakain nilamg tatlo.Ang akala niya ay hahabulin siya ng lalaki pero nagkakamali lang pala siya nang paglingon niya ay wala man lang ni anino ng lalaki na kaniyang nakitang sumunod sa kaniya.Pumikit na lang siya ng mariin para ipagsawalang bahala ang nangyari. Parang kahapon lang ay nagaasaran pa sila sa group chat pero ngayon ay parang ibang tao na ang nakikita niya.Hindi man lang siya nito binati at nginitian.Sa hindi maaming inis ay sandamakmak na pagkain ang hinakot niya papunta sa tagong bahagi ng hardin kung saan niya tinatago ang mga lalaki niya.‘Mga lalaki niya’. Napailing na lang siya. Kapag marinig ng mga ito ang iniisip niya ngayon ay tiyak na magwawala ‘yung dalawa.“Ang dami naman niyan, ija!” Bulalas ng isang matandang katulong na nagpagulat sa kaniya. Dahan-dahan niya itong hinarap at nginitian ng hilaw. Isa ito sa mga katulong na mababait sa kaniya at hindi namamakiala
Tangina talaga ni Addie. Pinipindot niya si anger ko. Teka nga at matwagan nga muna.” “I'm gonna kill that fucking bastard.”Literal na namingi na siya at wala nang marinig sa kaniyang paligid. Parang namanhid na siya sa lahat ng bagay at kahit ang tema ng pagkakaibigan ay may lamat na sa kaniya.‘Yung hinihingi niyang sapatos niya eh hindi nito maibigay pero ang milyong-milyong halaga ng sapatos ay walang pagdadalawang isip nitong binigay sa kapatid.Hindi niya na alam kung ilang oras or minuto lang siyang nakatitig sa kawalan at hindi niya na alam ang mga nangyayari sa paligid.Pati ang kaisa-isahang tao na kumuha sa loob niya ay ituturing lang pala siyang parang hangin. Akala niya ay ayos na kahit ang mga kaibigan niya pero mukhang magpapaubaya na naman siya para sa kapatid. At kapag naman nalaman ng mga ito ang mga pinag-gagagawa nila ng lalaki ay tiyak na siya na naman ang may kasalanan kasi hindi siya nagpakumbaba.“Don't you want to cry, Hya?” tanong sa kaniya ni Philip.Ngumi
Wala nang binalikan pa si Hyacinth sa kahit na sinong naghihintay sa kaniya sa gabing iyong. Ang kahihiyan at sakit na nadarama niya ay walang ibang makakapuwang kundi ang mapag-isa siya at itago sa mundo ang sarili.Hindi niya nalang namalayan na sa araw din na iyon ay kanilang pagtatapos ng elementarya.Wala siya sa isip habang inaayusan ng kinuhang make-up artist ng kanilang ina. Para siyang robot na pinapagalaw ng baterya dahil ang nasa isip lang niya ay ang sinabi ni Addie sa kaniya.I never even imagined my future with you.I never even imagined my future with you.I never even imagined my future with you.Paulit-ulit na pinupunit ang munti niyang damdamin dahil sa sinabi nito. Maraming katanungan na bumabagabag sa isip niya.‘Dahil ba masyadong malaki ang agwat ng edad namin?’‘Dahil ba hindi ako mahal ng mga magulang ko?’‘Dahil ba sa ugali ko? O mukha ko?’Habang tinatanong ang sarili ay unti-unting tumutubo ang poot sa kaniya. Bakit biglang naging gano’n ng ugali ng lalaki s
“What the hell? Kanina ka pa namin hinahanap, dude. Kanina ka pa ba nakarating?” Tanong ni Aureus sa bagong dating at nag bro hug pa silang tatlo.Napatingin naman sa kaniya si Addie kaya naman sa takot na siya ang balingan nito ng atensyon ay napahawak siya sa laylayan ng long sleeves ni Philip at wala sa sariling napatago siya sa likod nito.Mukhang napansin naman ito ni Philip kaya napatingin ito sa kaniya at nginitian siya bago tinapik ang ulo.“Male-late na ang disney princess natin kaya bumalik na tayo sa mismong venue.” Pag-aaya nito at hinawakan ulit ang balikat niya para igiya na paalis. Ramdam ang tensiyon sa kanilang dalawa ng lalaki kaya walang nagsasalita sa kanilang pareho. Pasalamat na lang kay Aureus na sobrang ingay at kung ano-ano na lang ang kinukuda kaya nababawasan ang kaba sa kaniyang dibdib.Pagkarating sa loob ay hindi niya na hinanap pa ang mga magulang at dumeretso nalang sa upuang para sa kaniya dahil alam naman niya na kung saan ito dahil sa kanilang prakt
Patuloy ang pagsasaya ng mga estudyante at mga magulang kahit tapos na ang graduation nila.Tanging ang huling parte nalang ng seremonyas ang hinihintay nila bago makalabas sa lugar na iyon. Wala naman siyang hilig sa picture-picture na iyan. Kung siya ang gagawing photographer, pwede pa. Pero kung siya na ang tatayo para kunan ng larawan ay hindi niya gusto. Kahit alam niya sa loob-loob niya na gusto niya magpakuha ng litrato kasama ang mga magulang ay nilulunok nalang niya ito para hindi magbara sa kaniyang lalamunan.Napalingon-lingon siya sa lugar at halos lahat ay masasayang nakangiti at nagpapakuha ng litrato. Habang naglalakad ay napatingin siya sa mga medalya na nagkakalansingan at napabuntong-huninga na lamang. Ano pa ba ang silbi ng mga ito kung wala naman ang mga taong dapat ay kasama niya para ipagbunyi ang kaniyang narating.Walang pag-aatubili na hinubad niya ito at sinuksok sa bag niya kasama ang ribbon na may nakasulat na ‘graduate’. Bago pa siya makalabas sa venue
Hinayaan niya mahulog ang katawan sa kaniyang malambot na kama at isang maluwag na ginhawa ang lumabas sa bibig niya.Maya-maya ay biglang tumunog ang selpon niya sa isang tawag na madalas niya ring natatanggap dahil sa pangangamusta ng mga ito.“Ano?” Hindi niya na tiningnan ang tumawag at diretso nalang itong sinagot.“Sungit mo pa rin, princess,” sabi nito na may halong halakhak.“Tanga! ‘Pag ikaw nalaman ng babae mong may tinatawagan na iba baka sabihing kabit ako ha,” pagbabanta niya rito na tinawanan lang ng lalaki.“As if naman may babae ako. Ikaw lang naman ang babae ko, princess.”“Ulol!”Nagpatuloy ang kulitan nila hanggang sa marinig niya ang boses ng isa pang lalaki sa kabilang linya.“Hya?” Paniguradong tanong ni Philip.“Hey, lover boy.” Tukso niya rito na iningusan lang ng nasa kabilang linya at maya-maya pa ay nakita niyang nagrerequest for video call na ang dalawang kumag na agad naman niyang tinanggap.“Miss niyo na ba ako?” Tukso niya sa dalawa na nakaani lang ng is
THADDEUS SIRIAD VANESTERI’s POVIt was night time and he fucking want to sleep. Ayaw niya sana sumama sa mga magulang niya sa party na ito pero bigla nalang silang ipinatawag na buong pamilya dahil daw may i-aannounce ang mga ito.He roamed his sight around the banquet hall then he saw the design on the stage; Welcome home, Hyacinth!‘Who the fuck is Hyacinth?’ Ang alam niyang anak ng mag-asawang Herrera ay iisang batang babae lamang na nasa edad lima at sigurado siyang ang pangalan nito ay Belladonna. They were even invited in the christening for fucks sake.Kaya hindi niya na naiwasan kulubitin ang kaniyang ama na may kausap na ibang tao na sa tingin niya ay investors.Nakakunot ang noo naman na binalingan siya nito ng tingin.“Who's Hyacinth?” He asked his father simply.Pero ang matanda ay nagkibit-balikat lang at parang walang interes sa rason kung bakit sila nandon sa kaganapang iyon. Importante rito na makahanap sila ng mga bagong investors para mapalawak ang kanilang negosyo
Kahit nakakahiya sumakay at bumalandra sa harapan ng bahay nila sakah ng malaking truck ay wala na siyang nagawa. Tahimik na lang na naupo si Hyacinth lalo na at nararamdaman pa rin niya ang manhid ng talampakan.“Seatbelt, buntit,” puna ni Jules at agad siyang kinabitan ng seatbelt at pakunyari pang tinapik ang kaniyang tiyan, “para safe si bulilit.” Nangngiting-aso pa ang bruha at napailing na lang siya rito. Loka talaga.Binalingan naman nito ang pobreng driver na sa daan lang nakatingin at hindi sila tinitingnan.“Oy, Browny, ayusin mo pagda-drive. Buntis kasama mo, baka mapano ‘to talaga. Mata lang ang walag latay mo sa akin, intiendi?” Pananakot nito sa drive na napatango-tango na lang at walang lumbas na salita sa bibig.“Ano ka ba, huwag mo nga takutin ‘yong tao. Buti nga siya truck ang dala kaya mahahatid ako, eh ikaw?”Ngumuso ang kaibigan niya, “eh sa yaman mo akala ko may dala kang sasakyan!” Maktol nito at bumaba na sa hagdan ng truck.“Taga rito ako, taga rito?” Puno ng
“Hindi ako ‘yan! Hindi ako ‘yan! Gagawa mo ‘tong lahat, Hyacinth!” Pinagduduro si Hyacinth ni Mara na tila nawawal na ito sa tamang pag-iisip.Tiningnan niya lang ang babae at kalmadong ngumunguya ng kaniyang steak. Sinisugurong maghahatid ng asar sa babae ang bawat pagnguya niya.Hindi na nga nakatiis si Mara at bumaba na ito sa stage para malapitan si Hyacinth. Bilang paghahanda ay tumayo siya kung sakali mam anong manyari lalo na’t buntis siya.Mabilis naman nakalapit ang ilang tanod sa pwesto niya at napigilan ang babaeng halos mahubaran na sa suot nitong tube dress at nagkakalat na rin ang buhok nitong kanina lang ay parang dinilaan ng baka sa kinis at ni-isang hibla ng buhok ay nakatayo.Umakto naman siyang nagulat at nagmamakaawa. “Oh my, oh my! Sasaktan niya ako, tumawag kayo ng pulis!” Sigaw niya na may nagmamakaawang mukha. Agad namab rumesponde ang mga tao sa paligid at meron pang tumawag sa kanilang telpono. Maya-maya pa ay may rumespondeng pulis agad pero hindi pa rin na
Pagkaupo pa lang ni Hyacinth ay parang halos sinusunog na ang likod niya dahil sa isang titig na alam niya kung kanino nagmumula.Alam niya na nasagi niya ang pride ng babae pero hindi pa sila tapos. Nagsisimula pa lang ang paghihiganti niya sa pamamakialam nito sa kaniyang buhay. Naniniwala kasi siya na kapag batuhin siya ng bato ay gagantihan niya ng maraming bato.Hindi siya lumaking nagpapaapi sa ibang tao, sa mga itinuring lang niyang pamilya. Walang hiya! Magbebreakdown pa yata siya eh hindi pa naman alas dyis ng gabi.Burong-buro na siyang nakaupo at naghihintay na matapos ang koronasiyon. Dito kasi aakyat si Mara ipokrita para ipakilalang magkokorona sa nanalo. S’yempre nakahanda na ang script. Super bait kasi niya na pati ang sasabihin ng emcee ay ipinagawa niya pa pati ang pagkakasunod-sunod ng magiging pangyayari sa kompetisyon ay pinaayos niya na.Nagbuntong-hininga siya sa inip na napansin naman jg kaniyang katabi kaya sumenyal ito sa mga kasama na hindi niya naintindiha
Alam niyang weird na ang pagtingin sa kaniya ni Bella dahil kakabunyag pa nga lang sa totoong pagkatao niya pero heto na siya at malaki ang ngiti. Pero wala namang mangyayaring maganda sa kaniya kung problemahin pa niya ang katotohanan. Tatanggapin nalang ito ni Hyacinth ng buong puso at s’yempre… maghihiganti.“Mag-ingat ka mamaya labas ha,” paalala sa kaniya ni Bella na hindi niya maintindihan.“Ha? Bakit naman?” Maang na balik tanong niya dito.“Napapabalita kasi na may mga lalaking nakaitim at nangunguha ng buntis na hindi pa masyadong malalaki ang tiyan,” saad nito at humawak sa sinapupunan.Napakamot naman siya sa ulo dahil sa nalaman. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya dito o ipagsasawalang-bahala na lang kasu hindi naman kapani-paniwala ang sinabi ng kapatid.Tumalim naman agad ang tingin sa kaniya ni Bella, tipong pinapangaralan siya gamit lang ang mga mata nito.“Eh! Kasi naman, malalakas naman ang trip ng mga ‘yon. Ano naman ang gagawin nila sa tiyan naming hindi pa ga
“Oh? Ang saya ng mood mo ha, parang walang nangyari sa ‘tin?” Puna ni Bella sa kaniya pagkapasok niya pa lang sa kanilang bahay.Hindi niya ito pinansin at nagtanong lang pabalik. “Kilala mo ba ‘yong mayor dito?” Nakakunot noo namang sumagot ang kapatid, “bakit?”“Hmmm, I am cooking something big and grand.” Napangisi siya sa naiisip.“Something big ang grand huh. Where's the ‘nothing big’?” Napataas ang kilay nito habang sumisimsim sa gatas.“Ay basta! I need to talk to the mayor. Gusto ko maging judge sa parating na mutya. How dare him not invite me? The world renowned model?” Nakataas na rin ang kilay niya dahil sa realization.Baka siguro hindi siya naimbitahan dahil na rin sa sulsol ni Mara kung totoo ngang kalaguyo ito dati ng mayor. Kaya kung hindi siya pwede mag-judge ay siya na lang ang mag-sponsor para sa sound system para sa binabalak niya.“Gagayak muna ako, pupuntahan ko lang si Mayor at nagfi-feeling mabait ako ngayon.” Lumabas na siya agad ng bahay at hindi na hininta
Abala si Hyacinth maglibot-libot sa isla matapos niyang suhulan ang mga tao para lang tantanan siya. Ang iba pa nga ay halong pagpagan ang tinatapakan niya kahit puro naman buhangin ang lupa nila dahil nasa tabing-dagat. Ang rason kasi ng mga ito ay nakakahiya naman sa supermodel na kagaya niya.May iba pa nga na nagpresinta maging katulong kung kukuha raw siya kasi kahit hindi daw nila maranasan ang buhay ‘Heart Evangelista’ ay naranasan naman daw nila ang buhay ng mga katulong nito.Nasa counter siya ng isang tindahan ng mga fresh juice at sumisimsim ng watermelon shake habang nakikipagchikahan sa babaeng kahera dito.“So, bago pa lang siya?” Tanong niya rito na tinutukoy ay si Mara.“Opo, eh. Siguro magdadalawang taon. Pagkarating nga niyan dito ang palabas niyan eh anak ng isang bilyonaryo na dolyares ang kwarta abroad, eh naku!” Gigil na saad ng babae na hindi na siya nag-abalang kunin ang pangalan.Napataas naman ang kilay niya sa pa-suspense nito, “bakit?” Pang-uudyok ni Hya pa
“So, how are you feeling?” Dinig ni Hyacinth na tanong ni Bella ngunit walang rumirehistro sa isip niya.Mali ba na bumalik pa siya at nagpakita? Mali ba na pinatulan niya si Mara? Pauli-ulit at sandamakmak na tanong na lang ang nasa kukote niya. Alam niyang hindi mali sapagkat nalaman jiya ang totoo sa kaniyang pagkatao.Kung gaano karami ang ‘what if’s’ na tumatakbo sa isip niya ay ganoon rin kadami ang ‘kaya pala’. Kaya pala gano'n ang pagtrato ng mga magulang. Kaya pala hindi siya napapaburan. Kaya pala… kaya pala.“Hey, Hya, answer me please,” pagpukaw sa atensiyon niya ni Belladonna kaya kahit punong-puno ng luha ang mukha ay tiningala niya ito.“Sorry, s-sorry kasi dahil sa akin nasira ang pamilya mo.” Hinawakan niya ang kamay nitong nagpupunas sa kaniyang mga luha.“Sorry kasi ang kapal ko para mag-file ng restraining order sa mga magulang mo, promise i-uurong ko na ang order at hindi na ako manggugulo!” Umiling-iling pa si Hyacinth. Takot sa ideya na may masamang loob sa ka
“Bilis! Baka makarating na sila. Hide on my room, Hya!” Kahit hirap maglakad ay nahila siya ng kapatid papasok ng kwarto.Malaka na huni ng helicopter ang kanilang narinig. Ang akala nila ay magpa-private plane ang mga ito pero mas pinili pala ng mga ito ang mas mabilis na transportasiyon. Papunta sa isla. ‘Ganito na ba ito kagalit sa kaniya?’ Naoatanong siya sa sariliPagkasarang-pagkasara ni Belladonna ng kwarto ay ang pagdating ng mga galit na mga magulang.“Belladonna! Where's your sister?” Galit na tanong ng ina.Wala siyang makita at nakikinig lamang sa loob at nakikiramdam. Base sa mga mabibigat nitong mga yabag at malalakas na boses ay hindi na mapakali ang mga ito.“Dahan-dahan naman, Criselda! Hindi ka sa anak mo galit!” Saway ng kaniyang ama.“Eh ano, Edward? Wala tayong koneksiyon kay Hyacinth pero patuloy pa rin niya tayo binibigyan ng problema!” Bulyaw ng ina.Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga ng ama bago sumagot, “at sa tingin mo sa pagpunta natin dito ay
Nangangalaiti sa galit si Hyacinth dahil sa lagagawan ng bruhang si Mara na iyon. Hindi niya alam kung bakit dati pa ay tila malaki ang inggit nito sa kaniya kahit na wala namang kainggit-inggit sa buhay ni Hyacinth.Napahawak siya sa tiyan dahil sa stress. Kapag may nangyaring masama sa anak niya ay kahit si satanas ay hindi makikilala ang pagmumukha nito kapag nakatapak ito sa impyerno.Binuksan niya ang tv at bumungad sa kaniya ang mukha ng mga magulang na hindi na maipinta dahil kinukuyog na ang mga ito ng reporter.“Mrs. Herrera! Balita namin ay dalawang anak niyo na ang buntis ngayon at isa sa kanila ay manganganak na at hindi pinanagutan ni Thaddeus Vanesteri at si Hyacinth Herrera naman ay hindi kilalang lalaki ang nakabuntis?”Itinaas at iwinasiwas nito ang kamay na parang ayaw sagutin ang tinatanong ng mga reporter. Agad naman kumilos ang mga guard ng building at kita sa kamera kung pa'no ng mga ito protektahan ang mga magulang na nakatakip na sa mga mukha ng mga ito ang mga