Naghihintay na siya ng masasakyan pauwi. Mukhang iniwan kasi siya ng driver nila at bakit pa siya aasa. Tratong hayop nga ang turing ng mga ito sa kaniya tas aasa pa siya ng bago. Huwag na lang. Busy siya magmuni-muni at hindi niya namalayang may nakatayo na pala sa tabi niya. Ang hindi niya inaasahang lalaki, si Thaddeus Siriad Vanesteri. “Where's your driver? He should be here by now.” Hindi niya ito pinansin at nagbingi-bingihan lang. “Iniwan ka?” Sa tanong nito ay biglang uminit ang ulo niya. Oo! Iniwan nga siya ng driver nila so malamang at maghihintay siya ng tricycle kahit maabutan pa siya ng gabi. “Wait here, let me accompany you to your home.” Alok ng lalaki na agad niyang tinanggihan. Sakto naman at may dumaang motor kaya agad niya ito pinara. Pasakay na siya ng makita ang sasakyan naman nitong papalabas ng gate kaya halos palitan niya na ang driver sa bagal ng pagpapatakbo nito. Lingon siya ng lingon sa likod kung nakasunod ba ang kotse at nakasunod nga talag
Bagot siyang nakatayo habang nakatingin sa kabayong pataas at pababa habang umiikot-ikot. Hindi niya lang sigurado kung ano ang tawag doon. Napansin naman ni Philip na nakatitig siya sa lugar na iyon kaya naman nagtanong ang lalaki sa kaniya. “Do you want to ride that carousel?”Carousel. Ito pala ‘yung sinasabi ni Bella na sinakyan niya nu’ng ipinasiyal ito ng mga magulang.Halos lahat ng bagay na nararanasan ni Bella ay hindi niya maranasan. Madalas siyang nakakulong lang sa loob ng bahay nila at hindi pinapayagang sumama kapag may mga lakad ang mga ito.Minsan ay ang parke sa village nila ang takbuhan niya kapag gusto niya makakita ng ibang mukha maliban sa mga katulong nila.Iniligan niya ang lalaki. “No. That's for children only.” Sagot niya rito.Umingos naman ito bago siya hatakin papunta sa sinasabi nitong carousel. Hindi katulad ng ibang rides doon ay walang masyadong pila.Nang igigiya na siya ng lalaking bantay papunta sa sakayan ay otomatiko siyang napahawak sa laylayan n
“Gusto ko sumakay dito.” Agad kong sabi sa kaniya pagkarating namin sa surf dance na ride sa amusement park.Nakita ko naman itong napakunot ang noo saka tumingin sa ‘kin. “This is not suitable for a twelve years old,” sabi niya.Napakrus naman siya ng braso sa ibabaw ng dibdib dahil sa sinabi nito. “Why? Are you chickening out?” Mapang-asar niya na tanong sa hindi pa rin nagpapatinag na lalaki.Alam niyang masasagi niya ang pride nito kaya halos bumunghalit na siya ng tawa ng makitang nangdilim ulit ang mukha nito at maya-maya pa'y ito na ang humila sa kaniya para pumila.“Ilang taon na po, sir?” Tanong ng nagbabantay.“Both nineteen.” Walang pikit-matang pagsisunungaling nito kaya naman pinapason na sila. Sa tangkad rin kasi niya ay mapagkakamalan na siyang dalaga kulang nalang ang puberty stage para maenhance ang kaniyang katawan.Wala siyang imik na nakasunod lang dito hanggang sa marinig niyang maglock ang seatbelt ng upuan at dahan-dahan nang idinuduyan ang malaking surfboard na
"‘San kayo pupunta, kuya?” Tanong niya sa nag-iisang taong matino sa kanila maliban sa kaniya. Knockdown na kasi ‘yung tatlo nilang kasama.“You were with Riad most of the time but he didn't tell you?” Nagtataka nitong tanong habang tinapik ulit ang mukha ng tatlo.“Wala. Wala akong alam. Ano kasi…” napakamot pa siya sa ulo bago aminin dito ang ginawa nila ni Addie pagkatapos nilang nahiwalay sa mga ito.“Ganito kasi ‘yon, kuya. Pagkahiwalay natin, hinila ko agad skya sa surf dance tas hindi ko alam na matatakutin pala siya sa heights tas after nu’n nagpumilit na siyang samahan ako sa space shuttle kahit sinabi ko namang kaya ko na.” Mahaba niyang paliwanag dito.Napatawa naman ng hilaw si Philip sa paliwanag niya. Parang hindi ito makapaniwala na isang batang dose anyos lang ang makakapagpapayag dito sumakay sa mga extreme rides.“And this fool just let you drag him to wherever you want qithout even complaining?” Nanlalaki na ang mata nito sa hindi pagkapaniwala.“Yes, kuya.”“Who’s
Nawalan na siya ng imik hanggang sa makauwi siya sa kanilang bahay kahit nakasalubong niya ang kapatid na naktitig lang sa kaniya ay nawalan na siya ng ganang makipagusap dito.Kaya naman ng makaabot siya sa kaniyang kwarto ay dumapa siya kaagad sa kaniyang kama at huminga ng malalim bago unti-unting bumuhos ang luha.Ilang oras rin siya umiiyak hanggang sa makarinig siya ng katok na mahihina. Alam niyang kay Bella ang mga katok na ito pero parang bigla siyang nawalan ng lakas para makipag-usap o makisalamuha sa lahat ng tao.Lumapit lang siya sa pinto at sumandak dito.“Hya?” Dinig niyang tawag sa kaniya ng kapatid.Wala siyang sinagot dito bagkus ay nanghihina ang tuhod niyang napasalampak sa sahig. Nandito na naman ‘yung pakiramdam na parang gusto niya maglaho sa lahat pero wala siyang balak na magpakamatay.Gusto na naman niya i-isolate ang sarili sa lahat. ‘Yung tipong magtatago sa lahat. Walang salita ang kayang isatinig ang kaniyang nararamdaman. Simula sa pamilya at kaibigan
Dumaan ang isang linggo at nadatnan niyang abala ang mga tao sa bahay nila. Baka isa na naman sa mga events ng mga magulang niya.Hindi na kasi siya masaydong nakikibalita sa mga ganap sa trabaho ng mga ito. Ang alam niya na lang ang schedule ng mga ito sa pagpasok sa trabaho at pag-uwi, maski ang pagkain ng mga ito para hindi magkrus ang mga landas nila.Habang pababa sa hagdan ay nakita niya ang kapatid na nagbubuklat ng magazine at marami pang nakapatong sa mesa na mukang hindi pa nito na gagalaw.Napansin marahil nito ang pagbaba niya kaya naman napatingin ito sa kaniya at napangit.“Hi, Hya! Did you already choose what to wear on our birthday?” Maaliwalas ang mukha nitong tanong.Napakunot naman ang noo niya dahil dito. “Huh? Birthday?”“Yes! Sabi kasi nila mommy nakapili ka na daw kaya ako na lang ‘yung pipili ng akin.”Nakuha niya agad ang ibig sabihin ng kambal. Wala man siyang natanggap na magazine na katulad ng hawak nito ngayon pero alam niya ang iniisip ng mga ito. Hindi n
Bakit naman si Bella pa tatanungin namin? Sabay naman kayong pinanganak di ba?” Nagtatakang tanong ni Aureus na hinabol pala siya.Huminto siya paglalakad at hinarap ulit ang nga ito. “Kasi siya naman ‘yung nagdedesisyon sa kung ano ‘yung ihahanda, hindi ako.”Gusto niya na irapan ang lalaki dahil sa inis pero hindi niya nalang ulit ito pinansin at naglakad na ulit papuntang gym.“Hindi ba counted opinion mo, Hya?” Seryosong tanong naman ni Philip na hindi pa rin pala talaga siya tinatantanan ng mga ito.Gusto niya na sana isagot dito na ‘pa’no mo nalaman?’ kaso hindi pa pala sila masyadong close nito.Kahit naman palagi niyang nakakasama ito kahit mas madalas sila magsolo ng bonding ni Addie ay naiilang pa rin siya sa dalawang lalaki lalo na kapag nakikita niya ang mga pamatay na tingin ng mga babaeng estudyante sa kaniya.Naputol lang ang pag-iisip niya nang si Mara na mismo ang sumagot kay Philip. “Baka last year idea niya kaya ngayon turn na ni Bella.”Pinasadahan pa siya nito ng
Sa sobrang abala niya sa pagbabasa ng chats ng tatlong tukmol ay hindi niya na namalayang nakaiwan ang cellphone niya na bukas hanggang umaga.Maaga siyang nagising sa sumunod na araw dahil sa ingay sa kanilang buong mansiyon.Kung hindi niya pa naririnig ang mga kalansing ng plato at kutsara ay hindi niya pa maaalala na ito na pala ang kaarawan nila ng kambal.Pero hindi pa nga siya nakakabangon ay nagbukas na ang kaniyang pinto at pumasok ang kapatid na may malawak na ngiti sa mukha.“Arghh,” mahinang sabi niya at nagtalukbong.Agad naman lumipad ang kumot niya nang hilahin ito ng kambal at masayang nagtatalo-talon sa kaniyang higaan.“It's ten in the morning already, Hya. Get up!” Sabi nito habang patuloy na tumatalon sa kama niya.Sa sinabi nito ay bigla siyang napabangon. Akala niya ay maaga pa pero nakatirik na pala ang araw at hindi niya lang mamalayan kasi nakasara ang mga kurtina niya!“Oh my god!” Bulalas niya at tumakbo papunta sa banyo. Baka mahuli pa siya ng nanay niya na