Share

IKALABING DALAWANG KABANATA

Gusto niya na magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na makasama sa iisang mesa ang mga magulang ng lalaking kinaiinisan niya.

At ano daw? Part of the family? Mukhang hindi yata alam ng mga magulang nito na siya ang may gawa sa benda ng anak nila. Baka kung alam ng mga ito ay kanina pa siya napalayas o nilason.

Patapos na silang kumain ng maglapag ang mga katulong ng tubig na nasa mangkok sa gilid niya. Palaisipan sa kaniya kung bakit nahuli ang lagay ng sabaw ngayong tapos na sila kumain.

Hindi na lang niya ito pinansin at kinuha ulit ang kutsara at sumandok ng sabaw at diretso niya na itong sinubo.

Nagtaka pa siya nang mapansing wala itong lasa kaya naman lilingunin niya na sana ang lalaking katabi pero napukaw ang atensiyon niya ng marinig ang pagtikhim ng babaeng Vanesteri.

Inangat niya ang tingin dito at saka pa lamang niya napansin na nakalublob ang mga daliri nito sa mangkok na may tubig.

Namumula ang pisngi na ibinaba niya ang kutsara na nasa bibig niya pa at hindi alam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status