Hindi na magkamayaw si Hyacinth na pabalik-balik ang lakad sa kwarto niya. Hinihintay na lang niya na umuwi ang mga magulang dahil sa ginawa niya kanina. Alam niyang hindi malabo na umabot agad sa mga ito ang nangyari. Ngunit dumating na lang ang hapon ay wala pa rin maski ang anino ng kanyang mga magulang. Nakauwi na lang ang kaniyang kambal ay wala pang nangyayaring masama sa kaniya.Hindi mawala sa isip niya ang itsura ng batang lalaki na pinadugo niya ang noo. Kilalang-kilala niya kung sino iyon pero masyadong mapride ang isip niya at pinilit hindi kinikilala ang lalaki. Iniisip niya pa ngayon ay kung kapag magsumbong ito sa kapatid niya tiyak na magagalit si Bella sa kanya.Para maiwasan na mangyari ang kinatatalkutan niya ay siya na mismo ang pupunta at masasabi sa kapatid niya sa kasalanan na nagawa niya.Dali-dali siyang pumunta sa kwarto nito at walang katok-katok na pumasok na lamang dito. Nakita naman niya na kalalapag pa lang ng bag nito sa kama at naghuhubad ng sapa
Natuod lamang siya sa kinatatayuan ng lingunin ulit siya ng kambal na parang naguguluhan sa kaniyang inaakto. Nang matauhan ay mabilis siyang tumakbo sa kinaroroonan nito.Napasinghap naman ang babaeng katulong ng makita siya. “Isa pang Bella!”“Magandang araw po,” nakatungo niyang bati rito. “Ako po si Hyacinth. Kambal po kami ni Bella.” Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili sa ginang.Napatawa naman ito na tila hindi makapaniwala. “Kung hindi lang kayo magkaiba ng damit ay hindi ko na kayo makikilala. O siya, halina kayo para naman may kausap na ang masungit na senyorito Riad.” Napatawa muna ito ng mahina sa sinabi bago nagpatiuna sa paglalakad kaya naman napasunod silang dalawa ng kapatid.Parang sanay na si Bella sa bahay ng kaibigan dahil dirediretso na lamang itong naglalakad papasok puwera sa kaniyang halos malula sa laki at ganda ng mga dekorosayon.Papasok pa lamang sila ay binulaga na siya ng naglalakihang estatuwa na kulay ginto. Pigura ito ng isang lalaking matikas n
Hinimas niya ang braso na pinanayuan ng balahibo nang makita niya ang ngisi ng lalaki sa kaniya. Mabuti nalang at umeksena agad ang kapatid niya kaya nabaling saglit dito ang atensyon nito.“Ayos lang ba ‘yung noo mo, Addie?” Tanong ni Bella.“Don't worry, I'm fine,” sagot nito at pasimpleng tinanggal ang kamay ng kapatid na nakahawak sa balikat nito.Kulang na lang umusok ang ilong niya sa inis sa ginawa nito. Tama nga ang naiisip niyang isa itong malaking hudyo at hindi bagay rito ang pakisamahan. Parang nagsisisi na siya na pinuntahan pa ito para humingi ng pasensya. Kung hindi lang talaga siya mananagot na naman sa ama niya ay hinding hindi siya magpapakita rito ni-talampakan niya.“I’m just worried because you are my friend, Addie,” mahinhing sabi ng kapatid at tuluyan nang hinila ang upuan at lumipat sa tabi ni Riad.Thaddeus Siriad Vanesteri also known as Addie or Riad. Depende lang sa mood nito sa kung sino ang tatawag na Addie or Riad sa kaniya. Kaya naman hindi niya pa
May mali ba siyang nasabi? Tama naman ang pedophilia sa pagkakaalala niya. Pagnanasa sa mga bata.“Sa mga may tuktok sa utak ka yata dapat ipunta eh.”“I'm not a retard, idiot.” Insulto nito sa kaniya.Imbes na patulan pa ang lalaki, tumayo nalang siya at akmang aalis. Baka mahawa pa siya sa kasaltikan nito na imbes sa basement lang siya kinukulong ng mga magulang, makita na lang niya ang sarili na mag-isa sa kwarto na puros puti at tumatawa sa sariling joke.Lalagpasan na sana niya ito nang hawakan nito ang braso niya kaya napatigil siya at nagtatakang tumingin dito.“Sorry for that. ‘Wag ka muna umalis, may pag-uusapan pa tayo.”“Maka-pedophilia ka kasi akala mo naman hindi ka rin dose anyos ta’s tatawagin pa akong idiot. Siya naman itong bubugok-bugok.”Hindi na ito sumagot sa kaniya at hinila nalang siya paalis sa hardin papunta sa tingin niya ay kusina ng mga ito.Kahit mayaman sila, wala naman silang napakahabang mesa at nagtataasang upuan. Hindi maipagkakaila na makapa
Gusto niya na magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na makasama sa iisang mesa ang mga magulang ng lalaking kinaiinisan niya.At ano daw? Part of the family? Mukhang hindi yata alam ng mga magulang nito na siya ang may gawa sa benda ng anak nila. Baka kung alam ng mga ito ay kanina pa siya napalayas o nilason.Patapos na silang kumain ng maglapag ang mga katulong ng tubig na nasa mangkok sa gilid niya. Palaisipan sa kaniya kung bakit nahuli ang lagay ng sabaw ngayong tapos na sila kumain.Hindi na lang niya ito pinansin at kinuha ulit ang kutsara at sumandok ng sabaw at diretso niya na itong sinubo.Nagtaka pa siya nang mapansing wala itong lasa kaya naman lilingunin niya na sana ang lalaking katabi pero napukaw ang atensiyon niya ng marinig ang pagtikhim ng babaeng Vanesteri.Inangat niya ang tingin dito at saka pa lamang niya napansin na nakalublob ang mga daliri nito sa mangkok na may tubig.Namumula ang pisngi na ibinaba niya ang kutsara na nasa bibig niya pa at hindi alam
Tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya ng marealize na nasa sitwasiyon na naman siyang pinaka-ayaw niya.“Daddy, please. H-Hindi na po a-ako uulit. P-please po,” pagmamakaawa niya pa rito.Tiningnan lang siya nito ng may poot sa mata. Pakiramdam tuloy niya ay may mas malalim pa na dahilan kung bakit ito galit sa kaniya.Talaga bang ayaw nitong lumabas siya o galit ito dahil isinama niya pa ang kambal sa katarantaduhan?“Please po, g-gusto ko umattend sa graduation namin ni B-Bella,” patuloy pa siyang nagmamakaawa na sana tubuan ng kapiranggot na pagmamahal ang ama.Nang makitang hindi niya mababago ang desisyon ng ama ay ang ina niya naman ang kaniyang hinarap. Nakakrus ang braso nito sa ibabaw ng dibdib at naiiritang nakatingin sa kaniya.“M-Mommy, p-palabasin niyo na ako rito p-please.” She keep on begging. Kung hindi lang para sa graduation nila ng kambal ay hindi siya magmamakaawa sa mga ito.“What a waste of egg cell.” Bulong ng mommy niya bago siya nito talikuran at luma
Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi niya na hinintay pa na katukin siya ng mga katulong para paalalahanan na may pasok siya. Kahit nananakit ang katawan niya ay pinilit pa rin niyang maligo at magbihis gaya ng ginawa niya kahapon. Ayaw niya lang makita o makasabay ang mga magulang sa hapag kainan. Pagod pa siya sa lahat ng napagdaanan niya nu'ng nakaraan.Pinilit niya lang ang sarili na kumilos sa kusina at ipaggawa ng pagkain ang sarili dahil hindi siya kasama sa ipinagluto ng mga kasambahay. Ang utos daw sa kanila ay pangtatlong tao lamang ang ihanda.Wala nga talaga sa edad ang pagmamature. Nasa pinagdadaanan ng tao ang magbubukas sa mga mata nila sa reyalidad.Pero ang pipi niyang hiling ay tila hindi narinig nang makita ang mga magulang na pababa na sa kanilang hagdan.Nang makita siya ng kaniyang mommy ay pinagtaasan agad siya nito ng kilay kaya naman dali-dali siyang tumayo at yumuko dito.“G-good morning, mommy, daddy,” bati niya sa mg ito.Lumakad pa ang baba
Hindi na nasundan ang pagkikita nila ni Thaddues ng umagang iyon.Na-busy rin kasi siya sa ensayo para sa kanilang graduation. Tinotoo na nga rin ng kaniyang kapatid ang sinabi nitong space na ibibigay nito sa kaniya para pagbayaran ang kasalanan nito.Kahit hirap siya maglakad ng pabalik-balik ay ginawa niya ang lahat para maihakbang ng maayos ang mga paa. Ayaw niya na ng may nagtatanong sa kaniya kung bakit hindi siya makapaglakad ng maayos. Bata pa lang siya pero masusunog na sa baba ang kaluluwa niya dahil sa pagsisinungaling niyang hindi naman niya ginugusto pero kailangan.Pagkatapos na pagkatapos ng kanilang ensayo para sa umagang iyon ay plinano niya nang magpahinga sa gazebo ng kanilang paaralan. Parte ito ng hardin na inaasikaso ng mga janitor. Dito ginaganap ang mga pangsosyal na pagtitipon ng buong paaralan.Masyado kasi itong malaki. Halo na ang elementarya at sekondarya kaya naman mamahalin din ang mga nag-aaral.Napainat siya ng braso dahil sa pananakit ng katawan
Kahit nakakahiya sumakay at bumalandra sa harapan ng bahay nila sakah ng malaking truck ay wala na siyang nagawa. Tahimik na lang na naupo si Hyacinth lalo na at nararamdaman pa rin niya ang manhid ng talampakan.“Seatbelt, buntit,” puna ni Jules at agad siyang kinabitan ng seatbelt at pakunyari pang tinapik ang kaniyang tiyan, “para safe si bulilit.” Nangngiting-aso pa ang bruha at napailing na lang siya rito. Loka talaga.Binalingan naman nito ang pobreng driver na sa daan lang nakatingin at hindi sila tinitingnan.“Oy, Browny, ayusin mo pagda-drive. Buntis kasama mo, baka mapano ‘to talaga. Mata lang ang walag latay mo sa akin, intiendi?” Pananakot nito sa drive na napatango-tango na lang at walang lumbas na salita sa bibig.“Ano ka ba, huwag mo nga takutin ‘yong tao. Buti nga siya truck ang dala kaya mahahatid ako, eh ikaw?”Ngumuso ang kaibigan niya, “eh sa yaman mo akala ko may dala kang sasakyan!” Maktol nito at bumaba na sa hagdan ng truck.“Taga rito ako, taga rito?” Puno ng
“Hindi ako ‘yan! Hindi ako ‘yan! Gagawa mo ‘tong lahat, Hyacinth!” Pinagduduro si Hyacinth ni Mara na tila nawawal na ito sa tamang pag-iisip.Tiningnan niya lang ang babae at kalmadong ngumunguya ng kaniyang steak. Sinisugurong maghahatid ng asar sa babae ang bawat pagnguya niya.Hindi na nga nakatiis si Mara at bumaba na ito sa stage para malapitan si Hyacinth. Bilang paghahanda ay tumayo siya kung sakali mam anong manyari lalo na’t buntis siya.Mabilis naman nakalapit ang ilang tanod sa pwesto niya at napigilan ang babaeng halos mahubaran na sa suot nitong tube dress at nagkakalat na rin ang buhok nitong kanina lang ay parang dinilaan ng baka sa kinis at ni-isang hibla ng buhok ay nakatayo.Umakto naman siyang nagulat at nagmamakaawa. “Oh my, oh my! Sasaktan niya ako, tumawag kayo ng pulis!” Sigaw niya na may nagmamakaawang mukha. Agad namab rumesponde ang mga tao sa paligid at meron pang tumawag sa kanilang telpono. Maya-maya pa ay may rumespondeng pulis agad pero hindi pa rin na
Pagkaupo pa lang ni Hyacinth ay parang halos sinusunog na ang likod niya dahil sa isang titig na alam niya kung kanino nagmumula.Alam niya na nasagi niya ang pride ng babae pero hindi pa sila tapos. Nagsisimula pa lang ang paghihiganti niya sa pamamakialam nito sa kaniyang buhay. Naniniwala kasi siya na kapag batuhin siya ng bato ay gagantihan niya ng maraming bato.Hindi siya lumaking nagpapaapi sa ibang tao, sa mga itinuring lang niyang pamilya. Walang hiya! Magbebreakdown pa yata siya eh hindi pa naman alas dyis ng gabi.Burong-buro na siyang nakaupo at naghihintay na matapos ang koronasiyon. Dito kasi aakyat si Mara ipokrita para ipakilalang magkokorona sa nanalo. S’yempre nakahanda na ang script. Super bait kasi niya na pati ang sasabihin ng emcee ay ipinagawa niya pa pati ang pagkakasunod-sunod ng magiging pangyayari sa kompetisyon ay pinaayos niya na.Nagbuntong-hininga siya sa inip na napansin naman jg kaniyang katabi kaya sumenyal ito sa mga kasama na hindi niya naintindiha
Alam niyang weird na ang pagtingin sa kaniya ni Bella dahil kakabunyag pa nga lang sa totoong pagkatao niya pero heto na siya at malaki ang ngiti. Pero wala namang mangyayaring maganda sa kaniya kung problemahin pa niya ang katotohanan. Tatanggapin nalang ito ni Hyacinth ng buong puso at s’yempre… maghihiganti.“Mag-ingat ka mamaya labas ha,” paalala sa kaniya ni Bella na hindi niya maintindihan.“Ha? Bakit naman?” Maang na balik tanong niya dito.“Napapabalita kasi na may mga lalaking nakaitim at nangunguha ng buntis na hindi pa masyadong malalaki ang tiyan,” saad nito at humawak sa sinapupunan.Napakamot naman siya sa ulo dahil sa nalaman. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya dito o ipagsasawalang-bahala na lang kasu hindi naman kapani-paniwala ang sinabi ng kapatid.Tumalim naman agad ang tingin sa kaniya ni Bella, tipong pinapangaralan siya gamit lang ang mga mata nito.“Eh! Kasi naman, malalakas naman ang trip ng mga ‘yon. Ano naman ang gagawin nila sa tiyan naming hindi pa ga
“Oh? Ang saya ng mood mo ha, parang walang nangyari sa ‘tin?” Puna ni Bella sa kaniya pagkapasok niya pa lang sa kanilang bahay.Hindi niya ito pinansin at nagtanong lang pabalik. “Kilala mo ba ‘yong mayor dito?” Nakakunot noo namang sumagot ang kapatid, “bakit?”“Hmmm, I am cooking something big and grand.” Napangisi siya sa naiisip.“Something big ang grand huh. Where's the ‘nothing big’?” Napataas ang kilay nito habang sumisimsim sa gatas.“Ay basta! I need to talk to the mayor. Gusto ko maging judge sa parating na mutya. How dare him not invite me? The world renowned model?” Nakataas na rin ang kilay niya dahil sa realization.Baka siguro hindi siya naimbitahan dahil na rin sa sulsol ni Mara kung totoo ngang kalaguyo ito dati ng mayor. Kaya kung hindi siya pwede mag-judge ay siya na lang ang mag-sponsor para sa sound system para sa binabalak niya.“Gagayak muna ako, pupuntahan ko lang si Mayor at nagfi-feeling mabait ako ngayon.” Lumabas na siya agad ng bahay at hindi na hininta
Abala si Hyacinth maglibot-libot sa isla matapos niyang suhulan ang mga tao para lang tantanan siya. Ang iba pa nga ay halong pagpagan ang tinatapakan niya kahit puro naman buhangin ang lupa nila dahil nasa tabing-dagat. Ang rason kasi ng mga ito ay nakakahiya naman sa supermodel na kagaya niya.May iba pa nga na nagpresinta maging katulong kung kukuha raw siya kasi kahit hindi daw nila maranasan ang buhay ‘Heart Evangelista’ ay naranasan naman daw nila ang buhay ng mga katulong nito.Nasa counter siya ng isang tindahan ng mga fresh juice at sumisimsim ng watermelon shake habang nakikipagchikahan sa babaeng kahera dito.“So, bago pa lang siya?” Tanong niya rito na tinutukoy ay si Mara.“Opo, eh. Siguro magdadalawang taon. Pagkarating nga niyan dito ang palabas niyan eh anak ng isang bilyonaryo na dolyares ang kwarta abroad, eh naku!” Gigil na saad ng babae na hindi na siya nag-abalang kunin ang pangalan.Napataas naman ang kilay niya sa pa-suspense nito, “bakit?” Pang-uudyok ni Hya pa
“So, how are you feeling?” Dinig ni Hyacinth na tanong ni Bella ngunit walang rumirehistro sa isip niya.Mali ba na bumalik pa siya at nagpakita? Mali ba na pinatulan niya si Mara? Pauli-ulit at sandamakmak na tanong na lang ang nasa kukote niya. Alam niyang hindi mali sapagkat nalaman jiya ang totoo sa kaniyang pagkatao.Kung gaano karami ang ‘what if’s’ na tumatakbo sa isip niya ay ganoon rin kadami ang ‘kaya pala’. Kaya pala gano'n ang pagtrato ng mga magulang. Kaya pala hindi siya napapaburan. Kaya pala… kaya pala.“Hey, Hya, answer me please,” pagpukaw sa atensiyon niya ni Belladonna kaya kahit punong-puno ng luha ang mukha ay tiningala niya ito.“Sorry, s-sorry kasi dahil sa akin nasira ang pamilya mo.” Hinawakan niya ang kamay nitong nagpupunas sa kaniyang mga luha.“Sorry kasi ang kapal ko para mag-file ng restraining order sa mga magulang mo, promise i-uurong ko na ang order at hindi na ako manggugulo!” Umiling-iling pa si Hyacinth. Takot sa ideya na may masamang loob sa ka
“Bilis! Baka makarating na sila. Hide on my room, Hya!” Kahit hirap maglakad ay nahila siya ng kapatid papasok ng kwarto.Malaka na huni ng helicopter ang kanilang narinig. Ang akala nila ay magpa-private plane ang mga ito pero mas pinili pala ng mga ito ang mas mabilis na transportasiyon. Papunta sa isla. ‘Ganito na ba ito kagalit sa kaniya?’ Naoatanong siya sa sariliPagkasarang-pagkasara ni Belladonna ng kwarto ay ang pagdating ng mga galit na mga magulang.“Belladonna! Where's your sister?” Galit na tanong ng ina.Wala siyang makita at nakikinig lamang sa loob at nakikiramdam. Base sa mga mabibigat nitong mga yabag at malalakas na boses ay hindi na mapakali ang mga ito.“Dahan-dahan naman, Criselda! Hindi ka sa anak mo galit!” Saway ng kaniyang ama.“Eh ano, Edward? Wala tayong koneksiyon kay Hyacinth pero patuloy pa rin niya tayo binibigyan ng problema!” Bulyaw ng ina.Narinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga ng ama bago sumagot, “at sa tingin mo sa pagpunta natin dito ay
Nangangalaiti sa galit si Hyacinth dahil sa lagagawan ng bruhang si Mara na iyon. Hindi niya alam kung bakit dati pa ay tila malaki ang inggit nito sa kaniya kahit na wala namang kainggit-inggit sa buhay ni Hyacinth.Napahawak siya sa tiyan dahil sa stress. Kapag may nangyaring masama sa anak niya ay kahit si satanas ay hindi makikilala ang pagmumukha nito kapag nakatapak ito sa impyerno.Binuksan niya ang tv at bumungad sa kaniya ang mukha ng mga magulang na hindi na maipinta dahil kinukuyog na ang mga ito ng reporter.“Mrs. Herrera! Balita namin ay dalawang anak niyo na ang buntis ngayon at isa sa kanila ay manganganak na at hindi pinanagutan ni Thaddeus Vanesteri at si Hyacinth Herrera naman ay hindi kilalang lalaki ang nakabuntis?”Itinaas at iwinasiwas nito ang kamay na parang ayaw sagutin ang tinatanong ng mga reporter. Agad naman kumilos ang mga guard ng building at kita sa kamera kung pa'no ng mga ito protektahan ang mga magulang na nakatakip na sa mga mukha ng mga ito ang mga