Share

IKA-ANIM NA KABANTA

“Anong kababalaghan na naman itong nabalitaan kong ginawa mo, Hayacinth!” Dumagundong ang boses ng ama sa buong manson ng Herrera.

Her fucked up life starts when she was still little. Lahat ng mga memorya niya ay parang kahapon lang nangyari.

Nakayuko lamang si Hyacinth at handang tanggapin ang pagbubunga ng kanyang ama at ang pagtayo lamang ng kanilang ina sa tabi nito na parang nagbibigay ng moral support para pagalitan pa siya lalo.

“Kasi inaaway nila si Bel―” Hindi natuloy ang sinasabi niya ng marinig niya ang marahas na pagbuga ng hininga ng kanyang ama. Dahil dito ay hindi niya maiwasang magtaas ng tingin sa dragon na nasa harap niya. Nakita naman niya ang nanay na hinihimas ang balikat ng ama na tipong pinapakalma bago ito magbunganga na naman sa kanya.

“Si Bella na naman ang sisisihin mo! Kung hindi mo pinatulan ang mga batang lalaking ‘yon, hindi na sana kami ipapatawag ng mommy mo sa principal’s office!”

Naipikit niya ang kabilang mata dahil kulang nalang tumalsik ang laway ng kanyang daddy sa lakas ng boses nito.

Hindi nalang siya sumagot at gumawa pa ng mas ikagagalit nito dahil gusto niya nang pumasok sa kanyang silid at magpahinga. Nananakit pa ang katawan niya matapos tumawag ng resbak ang pipitsuging batang lalaking iyon!

“Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yong bata ka. Dahil sa kahihiyang ibinigay mo na naman sa atin ay hindi ka pwede lumabas sa kwarto sa isang linggo!”

Nahihintakutan siyang napatingin dito na parang hindi makapaniwala. Ginawa lamang niya ang gagawin ng lahat ng mga kapatid kapag nakita nila ang kaawa-awang kapatid na kinakawawa ng mga batang wala naman dulot sa mundo.

Nag-init lang ang ulo niya ng makitang nilalamutak ng mga batang ‘yon ang pagkain ng kambal na walang imik na nakatingin lamang sa mga ito. Wala namang masama kung sinuntok niya ang bata at walang awa niyang sinubsob sa sahig at hinila palabas ng canteen.

She’s just protecting her sister na hindi magawa ng magulang niya dahil ngudngod ang mga ito sa trabaho!

Akmang aangal siya sa desisyon ng kaniyang ama dahil hindi man lang nito nagawang pakinggan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon nang sumabat ang kanina pa nilang nananahimik na ina. Kahit sa principal’s office ay parang negosyo lamang kung makipagusap ang haligi nila sa tahanan.

“No buts, Hyacinth. Kasalanan mo rin naman kung bakit nagagalit ang daddy mo. Sundin mo nalang siya kung ayaw mong ako ang mas lalong magalit sa’yo.” Maotoridad na sabi ng kaniyang nanay na nagpatahimik nalang sa kaniya.

As if naman mapipigilan ng mga ito kung tumakas siya. Hindi nga halos makita ang mga anino nito sa kanilang bahay dahil subsob ang mga ito sa pagaalaga ng imperyong iniwan sa kanila ng kanilang lolo.

Dahil dito ay walang modo siyang tumayo at umakyat patungo sa kaniyang silid. Nananakit na talaga ang kaniyang anit dahil hindi naman niya inaaasahan na makikipagsabunutan pala ang batang lalaki imbes na makipagsapakan sa kaniya.

Habang tinatahak ang hagdan ay naririnig niya pa ang pagtawag ng kaniyang ama sa kaniyang pangalan na hindi niya na binigyang pansin.

Magulo rin minsan ang mga magulang niya. Minsan sasabihin na pumasok siya sa silid niya pero kapag pumanhik na siya roon ay magagalit naman ang mga ito. Mga weird. Buti nalang ay hindi siya nagmana sa mga ito.

Papikit na siya ng marinig niya ang pagpihit ng kaniyang pintuan kaya naman minulat niya ang isang mata habang ang isa ay nakapikit pa rin.

Nakita naman niyang papasok ang kanyang kapatid na may mamula-mulang pisngi na halatang galing pa lang sa pagiyak. Agad naman nag-init ang ulo niya sa isipang baka ito rin ay pinagalitan ng kanilang mga mgaulang kahit imposible namang gawin ito ng mga ‘yon.

Ni-padapuan nga ng lamok ang kanyang kambal ay nagagalit ang mga ito.

“Anong nangyari sa’yo?” taranta niyang tanong nang makaupo ito sa kanyang kama at niyakap ang bigay niya ritong teddy bear na sinlaki nilang magkapatid.

“Pinagalitan ka na naman nila daddy dahil sa’kin.” Nakatungo nitong sabi sa kanya. Para naman siyang nabunutan ng tinik ng malamang guilty lang ito at hindi naman napagalitan ng mga magulang.

“Huwag mo na isipin ‘yon. Deserve nilang makipagface to face sa sahig,” aniya at sabay silang humagikhik na magkapatid ng maalala ang putok-ngusong batang lalaki na nakatikim ng hagupit ng isang Hyacinth Herrera.

“Basta, ‘wag mo na ulit ‘yon uulitin ha, nandiyan naman na si Addie para iligtas tayo.” Napaismid siya sa pangalang binanggit ng kaniyang kapatid. Ang batang lalaki na nakilala nito nuong kaarawan nila at naging kaibigan.

“Ayoko sa Addie na ‘yon. Parang laging may masamang balak tapos nakakaasar tumingin.” Ingos niya sa kapatid.

“Paanong hindi kayo magkakasundo kasi tinatarayan mo!” Napahagikhik ang kapatid na para bang may nakakatawa sa kanyang pagtataray sa kaibigan nitong lalaki.

“Basta. Ayoko sa Addie-k na ‘yon.” Ayaw niya talaga sa hanging nakapaligid sa lalaki. Parang nakakasuffocate at ang hirap huminga sa tuwing magkalapit silang dalawa.

“Give chance naman kay Addie, Hya, para naman may iba kang lalapitan sa tuwing wala ako. Malay mo kayo palang dalawa ang magkatuluyan.” Umakto siyang parang nasusuka. Hindi niya na alam ang takbo ng kukote ng kapatid at poreber-poreber agad naiisip nito kahit dose anyos pa lamang sila.

“Hindi mo ba napansin na nanonood si Addie sa’yo nung kinaladkad mo ‘yung kaaway mo palabas sa canteen?” Pangungulit pa nito sa kanya.

“Pa’no ko mapapansin, eh busy nga ako makipagaway?” Napanguso naman ito sa sagot niya.

“Sayang, ipapakilala ko pa naman kayong dalawa kaso suspended ka naman ng isang linggo tapos grounded ka pa.” Nakanguso pa rin ito bago lumapit at yumakap sa tagiliran niya.

Hinaplos naman niya ang buhok nito bago bumulong na, “sino may sabi sa’yo na susunod ako kay mommy at daddy?”

Napapantastikuhan naman itong napatingala sa kanya. “Huwag ka nga! Baka malaman nila mommy at mas lalo kang magrounded.”

“Ayaw mo ba makilala ko si Addie liit etits?”

Umalingawngaw naman ang boses ng kambal ng isigaw nito ang pangalan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status