Share

2

"Papa, sa pinagtatrabahuhan mo ba ay may bakante pa?"

Kumunot ang noo ni Papa ng pasimple ko siyang kinausap sa may kusina ng bahay namin. Ayaw ko kasing marinig nilang lahat ang pag-uusapan namin ni Papa.

"Bakit mo tinatanong, anak?" tanong ni Papa nagtataka siya.

"N-Natanggal po kasi ako sa work papa," mabilis akong suminyas sa kaniya na tumahimik. "Kaya po nahihirapan po akong makapaghanap ng bagong mapapasukan. N-Nakasuhan po kasi ako kaya po nag-resign."

"A-Ano kamo?!"

Kaagad akong napatingin kina Mama ng bahagyang lumakas ang tono ng boses ni Papa. "H-Hinaan mo po boses mo, Papa! Baka marinig tayo ni Mama. Pero huwag na po kayo mag-aalala sa kaso. Magagawan ko po 'yun ng paraan ang importante ay kailangan ko po ng trabaho ngayon."

Napabuntong-hininga si Papa. "Titignan ko pa kung may bakante."

Napanguso ako at taimtim na nagdarasal. Sana meron. Dahil kung wala hindi ko na talaga alam. Lahat ng work na pwede kong pasukan ay laging sinasabi na wala ng available kahit may karatula namang hired pa sila. Kahit nga janitress ay balak ko ng pasukan kaso sinabi ba namang hindi na daw sila tumatanggap ng janitress kahit available pa naman.

Ayaw kong maghinala si Mama. Lagi na lang kasi akong nasa bahay. Paano na 'yung bayarin sa mga bahay kapag wala na akong work?

Muli akong napabuntong-hininga. Hindi talaga ako mapakali dahil inaano na ako ng kaso ko na sinampa ni Mr. Talumpungan. Kasalanan talaga itong lahat ng g*go kong ex. Kaasar naman! Maghihiwalay na nga lang kami ay bibigyan niya pa ako ng problema.

Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Kumunot ang noo ko dahil wala naman akong inaasahang tao na magte-text sa akin dahil alam kong busy ang mga kaibigan ko.

From: Unknown Number

Hello, Pumpkin! I like you. Do you like me too?

Napapikit ako. Hindi ko na kailangan pang hulaan kung sino ito dahil ang baliw na abogado lang naman ang nag-text. Ilang beses ko ng niba-block ang number niya kaso hindi ko alam kung paano niya nalalaman ang bago kong number.

To: Unknown Number

Ano bang kailangan mo? Dagdag isipin ka pa eh

From: Unknown Number

So, I'm just a pain in your head, pumpkin?

To: Unknown Number

Oo! Kaya tantanan mo kong baliw ka! Bw*sit! I said my name is not Pumpkin! I'm not a pumpkin!

From: Unknown Number

You don't have a job, right? I can give you work.

Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman na wala akong trabaho? Stalker ko ba siya? Grrr! Ang creepy!

To: Unknown Number

At anong klaseng trabaho naman?

From: Unknown Number

Ang maging asawa ko 😘

Napangiwi ako ng makita ang emoji kiss niya sa text. Yuck! Kadiri! Parang ewan naman nito. Hindi ko na lang pinansin ang text niya at muli akong naghanap ng work. Naghahanap din kasi ako sa online ng pwede kong pasukan kasi walang available! Nakakainis na! Bakit ang malas ko naman yata?

Nakakaiyak!

Pati mga kaibigan ko ay wala ding paramdam sa group chat namin. Sobrang busy ba nila? Dati naman ay hindi sila ganito. Kahit kaya pagod sila sa work nila ay nag-iingay pa din sila sa group chat namin pero ngayon ay kakaiba. Mga walang paramdam.

"Ate, saan ka pupunta?" tanong ni Thea ng makita niya akong pupunta sa baba.

Napatingin ako sa orasan at 9 PM na pero bakit gising pa itong kapatid ko? Lahat kami ay puro babae ang anak nina Mama at Papa. Wala kaming kapatid na lalaki. Nakakaurat nga at puro kami babae at apat pa kami.

"Bakit gising ka pa?"

"Kakatapos ko lang po kasing mag-review. May exam po kami bukas," saad nito.

"Ganun ba? Goodluck! Mag-aral ng mabuti, ha? Huwag ka muna mag—"

"Ate! Lagi niyo na lang po iyan sinasabi nina Mama at Papa. Eh, 3rd year college naman na po ako. 'Tsaka pinapatunayan ko naman sa inyo na pag-aaral muna ang inaatupag ko kaysa sa love-love na iyan. Wala pa iyan sa isip ko," mahabang anas ng kapatid ko kaya napangiti ako.

"Aba! Dapat lang! Tignan mo 'ko at wala pang asawa—"

"Ikaw ang dapat ng mag-asawa, ate. Kasi mawawala na ang edad mo sa kalendaryo."

Napangiwi ako. Wala pa din akong balak mag-asawa. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang sinabi ng lalaking baliw na iyon. Ako? Mag-a-apply bilang asawa niya? No way! Mukha pa lang niya ay mukhang babaero na. Kaya ayaw ko sa kanya. 'Tsaka wala akong balak na maging asawa siya.

"Sige na, aalis na muna ako. Matulog ka na," saad ko.

"Eh, saan ang punta mo?"

"Magpapalamig lang."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng kapatid ko at umalis na ako ng bahay. Saglit lang naman ako at babalik din. Gusto ko lang magpalamig-lamig. Nag-chat ako sa group chat namin na samahan nila akong uminom pero no respond pa din hanggang ngayon ang mga gaga.

Ano kaya ang pinagkakaabalahan nila? Nakakapanibago tuloy na tahimik ang group chat namin.

Nang makarating ako sa isang bar na medyo malapit sa bahay namin ay kaagad akong pumasok at pumunta ng counter para umorder ng maiinom.

"Bigyan mo nga ako ng isang hard liquor, please?"

"Heartbroken ka po, ma'am?"

Napakunot ang noo ko sa sinabi ng waiter. Umorder lang ng hard liquor? Heartbroken kaagad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang uminom?

"Iinom lang heartbroken na kaagad?" Pagsusungit ko.

"U-Uhm, sorry po."

Napairap na lamang ako. Muli akong tumingin sa cellphone ko pero no respond pa din sila. Mga hindi din nag-o-online. Problema naman nila? Bakit walang paramdam?

Hindi ko tuloy alam kung mga buhay pa ba sila o mga patay na? Hindi man lang magsi-update ng mga ganap nila sa buhay.

"I-Isa pa nga," anas ko sa waiter ulit. Nakakalabing anim na akong baso at nararamdaman kong tinatamaan na ako ng alak.

Gusto ko lang kasing uminom para malimutan ang problema ko. Ang dami kong iniisip. Ang daming dapat bayaran. Ang financial talaga ang kahinaan naming mga dukha! Nakakainis! Pataas ng pataas na din kasi ang babayaran at bilihin.

"Ma'am, mukhang hindi niyo na po kaya—"

"Manahimik! Basta bigyan mo na lang ako!" sigaw ko kaya walang nagawa ito kundi ang bigyan ako.

Pero dapat ay sinunod ko na lang ang waiter dahil pagkainom ko no'n ay mas lalo lang umikot ang paningin ko. Nahilo ako lalo. Pinahupa ko na muna ang hilong nararamdaman ko bago ako nagbayad at umalis na ng bar para umupo. Hindi na maayos ang paglalakad ko pero kailangan kong makauwi.

"Hi, miss!" Napairap ako ng may tatlong lalaki ang humarang sa akin. "Mukhang lasing ka at hindi na kayang umuwi."

"Gusto mong sumama ka na lang sa amin?" sabi ng isa pang lalaki.

"T-Tumabi nga kayo!" Sabay tulak ko sa lalaking nasa harapan ko ngunit hinigit ako nito papunta sa isang gilid habang nagsisitawanan silang tatlo. "B-Bitiwan niyo ako! B-Bitaw!"

Sh*t! Pilit kong nilalabanan sila pero dahil lasing ako ay hindi ko magawa. Pero pumalag ako ng maramdaman ako ang paghalik ng isang lalaki sa leeg ko.

"A-Ano ba!" Naiiyak kong sambit. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Pero natahimik ako ng suntukin ako sa tiyan ng lalaking humahalik sa akin.

"Huwag ka ng maarte, miss. Masasarapan ka din naman. Lalo na't tatlong hotdog ang matiti—"

Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nang bigla na lang itong tumumba kaya natigilan ang dalawang lalaki. Napapikit-pikit pa ako dahil biglang tumalsik ang dugo ng lalaking kanina lang ay hinahalikan ako. Akmang tatakbo ang dalawang lalaki ng harangin sila ng isang lalaking bagong dating.

"Don't you know how to listen? She's begging and all of you don't want to stop."

Halos hindi na ako makagalaw sa kinasasandalan ko ng makilala ko kung sino ito. Napalunok ako ng sunod-sunod ng makitang may hawak siyang espada. Habang may tumutulo doon na dugo

"P-Patawad po. H-Hindi na namin uulitin. M-Maawa po kayo," anas ng lalaki at bakas doon ang takot.

Ngunit ngumisi lang ito at walang pagdadalawang isip na sinaksak niya ang dalawang lalaki. Napapikit pa ako dahil muling tumalsik ang dugo ng dalawa sa akin. Hindi lang isang beses niya itong sinaksak kundi paulit-ulit. Napalunok ako ng maramdaman kong lalapit siya sa akin.

"D-Don't come near me!" sigaw ko.

Ang kaninang parang lasing kong awra ay parang biglang nawala dahil sa mga nakita. Mabilis akong umalis sa harapan niya at tumakbo pero naabutan niya ako.

"And where do you think you're going?" tanong nito sabay ngisi ng nakakatakot kaya napaatras ako.

"P-Pakiusap! H-Hindi ako magsusumbong sa mga pulis basta p-pakawalan mo lang ako," natatakot kong pakikiusap.

Umiling siya. "No. Nakita mo na akong pumatay. Nakita mo na ang tunay kong kulay na tinatago ko. So why should I let you go?"

Pagkatapos niya aiyong sabihin ay kaagad niyang tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ko. Nanlaban pa ako ng una ngunit unti-unti na akong nawalan ng malay. Nang magising ako ay hindi lang ulo ko ang masakit. Kundi na din ang katawan ko. Para akong binugbog ng maraming tao kaya ganito na lang kasakit ang katawan ko.

Unti-unti kong minulat ang mata ko havang hinihilot ang sintido ko pero bigla din akong napabangon dahilan para makaramdam ako ng kirot sa pagitan ng dalawa kong binti. Mabilis kong inalis ang kumot na nakabalot sa aking katawan at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang aking sariling walang saplot at may dugo pa sa kama.

"Putang ina! Anong pinaggagawa ko kagabi?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status