Share

1

"Ano?!"

Inis kong tinignan si Guen dahil sa sinabi niyang bad news. Parang gusto kong ipakain sa kanya ang mga papel na nasa ibabaw ng lamesa ko dahil sa sobrang inis.

"T*ngina mo ka ba?!" Nanggagalaiting sambit ko. Gusto ko siyang suntukin. Gusto ko siyang kalabuhin. Lahat-lahat gusto kong gawin sa kanya. "You are the one who ordered me to do an article about Mr. Tampungan! Tapos pababayaan mo ko!"

"I'm sorry, Raine," sambit niya at napayuko.

"G*go ka! Wala kang bayag!" sigaw ko dahilan para mapaangat siya ng tingin sa akin. Masama na ngayon ang tingin niya. Dapat ko lang sabihin iyon sa kanya dahil totoo naman.

Boyfriend ko siya pero dahil sa ginawa niya sa aking pagbabaya ay hindi ko na siya boyfriend. Nakakag*go siya, eh. Siya ang boss ko sa pinagtatrabahuhan kong gumagawa ng article.

"What did you say?!" galit niyang tanong.

"Ang sabi ko wala kang bayag! After you ordered me to write about Mr. Tampungan that you didn't even have his consent so he filed a case against me tapos pababayaan mo 'ko! G*go ka ba!"

Ngumisi siya sa akin. "Sorry…work lang."

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Work lang? P*tangina niya! Hindi ko tuloy alam kung saan ako hahagilap ng abogado na magdedepensa sa akin para lang hindi ako makulong.

"Ito ang tatandaan mo, Guen!" anas ko at tinignan siya ng mariin ngunit wala siyang ginawa kundi ang ngisian ako. "Kapag ako nakulong, ipapakulong din kita. Sasampahan din kita ng kaso dahil ikaw naman ang may kasalanan ng lahat at sa akin mo binabatong p*ta ka!"

Ilang beses na akong nakapagmura dahil sa inis pero wala akong pakialam. Galit ako kaya sasabihin ko ang alam ng gusto kong sabihin.

"Ganun ba? Okey," mas lumawak ang ngisi niya na para bang nang-aasar. Nakakasuka at pinatulan ko ang ganitong g*gong tao. "Kung ganun ay magkita na lang tayo sa korte kung mangyayari man iyan pero masyadong malabo dahil paano mo ako kakasuhan kung nasa kulungan ka na."

Mas lalo akong nagwala dahil sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang dami naming gastusin tapos idadagdag ko pang kukuha ako ng lawyer. Magkano kaya magagastos ko doon? Sigurado akong malaki-laki din.

Tapos paano kung nakulong nga ako? Paano na sina Mama at Papa? Paano ko na sila matutulungan niyan? May tatlo pa akong kapatid na babae na dapat kong pag-aralin. Ako pa lang ang nakakapagtapos sa amin mag-aral at tinutulungan ko sina Mama at Papa para makapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko.

Sumasakit ang ulo ko dahil sa binigay na problema sa akin ng h*yop kong ex. Makakabawi din talaga ako sayong h*yop ka.

Raine:

Guys?

May alam ba kayong

abogadong magaling?

Kailangan ko lang

Ayaw kong makulong

Agad na sumagot ang mga kaibigan ko sa group chat namin ng nag-chat ako. $1n&k0 ang pangalan ng group chat namin at hindi ko alam kung bakit. Si Sab kasi ang nagkaisip niyan.

Cadence:

Eh? Bakit? Anong nangyari?

Abia:

May nagpapakulong sayo? Who?

Destiny:

May ginawa kang krimen?

Sabine:

Abogado?

Raine:

Yes, I need a lawyer

Ang g*gong Guen kasi pinahamak

ako kaya kailangan ko ng abogadong

pwede akong depensahan sa

isinampang kaso laban sa

akin ni Mr. Tampungan

Sa tingin niyo magkano kaya

ang magagastos ko d'yan?

Sabine:

Iyan ang hindi ko alam?

Ang g*go naman ng ex mo…

sarap sapakin! Sampahan

mo din siya ng kaso siya pala

ang may dahilan eh

Talagang sasampahan ko siya ng kaso. Hindi pwedeng ako lang ang makukulong. Dapat siya din. Sumasakit ang ulo ko ng umuwi ako sa bahay. Gusto ko muna magpahinga kahit ngayon lang.

Nag-resign na ako doon sa pinagtatrabahuhan ko dahil ayaw ko ng makita pa ang h*yop kong ex. Naiinis lang ako. Isa pa iyan sa problema ko. Maghahanap ako ulit ng work. Pero saan naman, 'di ba?

Dagdag gastos na naman dahil magpapa-xerox na naman ako ng mga requirements. Ang mahal pa naman na ngayon ang pa-xerox at print. Tapos sandamakmak na namang tanong para lang ma-hire ako ulit.

"Anak, bakit hindi ka pa mag-asawa? Nasa tamang edad ka na din naman," biglang anas ni Mama habang kumakain kami. "'Tsaka ang laki na din ng ginawa mong tulong. Si Thea ay magtatapos na siya. Pwede naman na siyang siya naman ang pumalit sayo sa pagtulong na pag-aaral sa nga kapatid niyo."

Ang dami ko na ngang problema isa pa itong pinagpipilitan nila ako na mag-asawa na daw ako. Eh, ano naman kung nasa tamang edad na ako? Single na nga ako tapos may mga problema akong hindi mai-solve paano pa kaya kapag nag-sawa na ako? Eh, 'di mas maraming problema iyon.

"Ayaw ko pong matali, Mama. Masakit lang sa ulo ang asawa," sabi ko.

"Sino ang mag-aalaga sayo kung ayaw mong mag-asawa? Paano ka na kapag matanda ka na?" tanong naman ni Papa.

Napairap ako. Balita simula ng nag-twenty eight ako ay hindi na nila ako tinantanan sa tanong na kung kailan daw ako mag-aasawa.

"Anak, ilang taon na lang at mawawala na ang edad mo sa kalendaryo," sabi naman ni Mama.

Ano naman? Buhay pa naman ako kahit wala na ang edad ko sa kalendaryo. Hindi na lang ako umimik sa sinasabi nilang pag-aasawa. Basta period! Ayaw kong mag-asawa. Lahat naman ng mga lalaki ay g*go!

Hindi ko sinabi sa kanila ang problema ko dahil alam kong dagdag isipin na naman nila iyon. Mas maganda ng ako na lang ang mag-iisip ng problemang dulot ni Guen. Hindi pa nila alam na hiwalay na kami no'n.

Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanap ng magiging abogado ko. Humanda ka talaga sa akin Guen at ipapakulong kita. Hindi talaga ako papayag na ako lang ang sampahan ng kaso ni Mr. Tampungan. Hindi ko naman alam na wala pa lang consent siya para utusan akong gawan ng article tungkol doon.

Gumagawa lang naman ako ng article at sinusunod ang utos ng amo namin. Pero hindi ko naman alam na ikapapahamak ko pala iyon. Sa tagal ko ng naging journalist ay ngayon lang ako kinasuhan dahil sa ginawa ko.

Bumaba ako sa tapat ng ELVP firm. Naghanap kasi ako sa internet kagabi kung saan ako makakakita ng magaling na abogado at ang sabi sa internet ay nandito daw ang magaling na abogado. Bahala na kung magkano ang magagastos ko huwag lang ako makulong. Dahil kailangan ko pang tumulong kina Mama at Papa.

"Good morning," pagbati ko.

"Good morning, Ma'am. Ano ang maipaglilingkod ko?" tanong nito. Napatingin ako sa paligid dahil lahat sila ay naka-formal na damit.

"N-Nadito po ba si Edwyn Patterson?" tanong dahil sabi sa internet siya ang magaling na abogado. Nakakatakot daw kasi siya kapag nasa korte. Kaya nabuhayan ako ng loob na kung siya ang magiging abogado ko ay baka malaki ang tansya kong hindi ako makulong.

"Yes po."

"P-Pwede ko ba siyang makausap?"

Tinuro niya kung saan ko mahahanap si Atty. Patterson. Kumatok siya at narinig ko ang isang boses na nakakakilabot. Napalunok ako sa lamig ng boses nito.

"P-Pasok na daw po kayo," saad ng lalaki na halatang natakot dahil sa boses ng nasa loob.

Para tuloy gusto ko ng umatras dahil sa boses ng nasa loob. Nakakatakot.

"G-Good mor—"

Hindi na natapos pa ang sasabihin ko ng makita ko ang lalaking nakaupo habang may hawak-hawak na mga papel. Mas lalong dumoble ang kaba ko ng makita ang lalaking ito. Gusto ko na lang umalis dito dahil sa sobrang kaba ko. Halos nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ko siya. Dahil siya ang lalaking pinag-sent-dan ko ng picture kong sexy ng lasing ako. Sh3t!

"Yes, do you need anything?" Nakangising tanong niya.

Naaalala niya ako? Mas lalo akong natigilan ng may idugtong pa siya.

"Ms. Sexy."

Akmang aalis na sana ako nang may pumigil sa akin. Mas lalong lumaki ang mata ko ng makaramdam ng kuryente dahil sa paghawak niya sa akin. Kaya mabilis ko siyang tinulak at nagpapasalamat naman ako dahil lumayo siya kahit papano.

"Are you leaving immediately? Masyado ka naman yatang nagmamadali, Ms. Sexy," sambit niya na dahilan upang magsitindigan ang balahibo ko dahil bumulong siya.

Hindi ako makakilos dahil para akong natuod sa kinatatayuan ko.

"A-Ano ba! L-Lumayo ka nga sa akin!" sigaw ko at pilit na pinapatapangan ang sarili kahit na kinakabahan ako.

"I don't want to. Didn't you ask me na if I like you too?"

Napalunok ako. Dare lang naman iyon na kagagawan ni Sab. Siya ang may dahilan no'n pero dahil lasing ako that time ay nagawa ko iyon.

Nakita ko siyang ngumisi. "Akalain mo 'yun? The world is really small, isn't it? I've been looking for you for several days but I'm lucky because you showed up to me voluntarily, Pumpkin."

Ano daw? P-Pumpkin? Like what the f*ck! Mukha ba akong mataba para tawagin akong pumpkin? Hindi naman ako kumakain ng marami, ah? Malabo na yata ang mata niya.

"My name is not Pumpkin!" inis kong sabi na ikinatawa niya. Baliw na yata siya.

"I know. Because your name is Raine Jayce Madriaga na soon magiging Mrs. Patterson ko," sambit niya.

"Ayaw kong magpatali! At kahit mailan hindi kita magiging asawa. Bitiwan mo nga ako!"

Mrs. Patterson daw? Wow, ah! In his dream! Hindi ako magpapakasal. Ayaw ko ngang magpatali tayo tatawagin niya akong Mrs. Patterson?

"I thought you need a lawyer? So balit ka aalis? Hindi mo man lang ba ako kakausapin na maging abogado mo?" Mapanuya niyang tanong sa akin at ngumisi pero inirapan ko siya.

Assumera na nga siya tapos may pagkabaliw pa ito. "Hindi na. Maghahanap na lang ako ng iba. Ayaw ko sa abogadong tulad mong baliw!"

"I'm sure na babalik ka dito," sabi niya pero hindi ko na lang pinansin dahil hindi na ako babalik pa dito.

Hindi ko naman alam na baliw ang abogado na iyon kaya bakit pa nire-recommend ng ibang tao? Baliw ang abogado na iyon at kailangan ng dalhin sa mental. Hindi na ako pupunta talaga dito at hindi na ako babalik. Sigurado akong may mahahanap pa akong ibang abogado.

Aanhin ko naman ang magaling pero may saltik naman sa utak?

Pero mga ilang araw na ang nagdaan ngunit wala akong makitang abogado na pwedeng magdepensa sa akin. Walang tumatanggap sa kaso ko. Kainis! Magbabayad naman ako.

Wala din akong mahanap na trabaho. Nakakainis! Bakit pakiramdam ko ay tinamaan ako ng matinding kamalasan ngayon? At bakit ngayon pa? Ngayong kailangang-kailangan ko ng pera.

"Sorry talaga, Raine. Naghanap din ako ng pwede mong pasulan na trabaho kaso ang sabi wala na daw available," sambit ni Erish. Siya ang kaibigan ko sa trabaho ko ng nagtatrabaho pa ako sa kumpanya ng ex ko.

"Kahit anong work wala talaga?" Desperada kong tanong nito at umiling siya kaya napabuntonghininga ako. Napasabunot pa ako ng buhok dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

"Sorry talaga."

Ngumiti ako. "Oks lang. Salamat at sorry sa abala."

"Sige. Kapag nakahanap ako ng bakante io-ffer ko kaagad sayo. Una na ako, Raine. May work pa kasi ako," paalam niya kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya.

"Ano ng gagawin ko?" Naiiyak kong tanong at napasubsob sa lamesa. Nasa coffee shop kasi kami nagkita ni Erish.

Napaangat ang ulo ko ng marinig kong tumunog ang cellphoneko. Inayos ko ang buhok ko ng makitang magulo ito. Bago ko buksan ang aking cellphone. Kumunot ang noo ko ng makitang may nag-message pero hindi naka-save ang number sa phone ko.

From: Unknown number

Bakit mukhang problemado

ang beshy ko?

The h*ll! Ang dami ko ng problema tapos dadagdag pa itong unknown?

Napabuntonghininga muna ako bago ako tumayo at maglakad na dahil kung magsasayang ako ng oras ay baka wala akong mahanap na trabaho. Akmang papara na sana ako ng jeep ng may biglang tumigil na isang kulay blue na sasakyan sa harapan ko.

Hindi hindi na sana papansinin ngunit biglang bumukas ang kabilang pinto no'n bumaba ang isang napakagwapong nilalang at hindi ko alam kung tao pa ba ito o hindi na. Ngunit may saltik nga lang sa utak.

Ngumisi siya ng makita ako at inalis ang salamin niyang suot. "Hello, Pumpkin. You like me, right? 'Cause I like you too…"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status