Share

4

Nang magising ako ay madilim na sa labas. Gabi na. Pinilit kong bumangon dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Nag-inarte pa kasi ako kanina. Dinalhan na nga ako ng baliw na iyon ng makakain pero tumanggi pa ako.

Pumunta ako sa may bintana upang sumilip pero wala akong makita dahil madilim na nga pero napakunot ang aking noo ng makarinig ng… alon ng tubig? Teka, nasaan ba ako? Saan ako dinala ng baliw na ito? Bakit nakakarinig ako ng alon ng tubig?

Lumapit naman ako sa may pinto at akmang bubuksan ko na sana pero biglang bumakas ito at iniluwal no’n si baliw. Wala siyang emosyon sa mukha maliban na lang sa pagiging malamig niya. Pinaglihi yata ito sa yelo pero minsan baliw.

“Are you hungry?" he asked. "What kind of food do you want and I will cook it for you.”

“Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako kinukulong? At nasaan ako? Bakit nakakarinig ako ng alon ng tubig sa labas?” sunod-sunod kong tanong. “Tapatin mo nga ako. Nasa iisang isla ba tayo? Or nasa isang malapit sa dagat?”

“What do you think?” Ngumisi siya at tumalikod. “Follow me and I will feed you.”

“Ayaw kong kumain. Ang gusto ko ay pakawalan mo ko,” anas ko. "Iyon lang ang gusto ko."

Pero hindi niya pinakinggan ang sinabi ko bagkus ay nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad. Napamura ako ng ilang beses dahil hindi niya pinapakinggan ang kagustuhan kong makawala sa kaniya.

“Mama, hindi ko na alam ang gagawin ko sa sitwasyon kong ito,” mahinang anas ko at naiiyak. Hindi ko alam kung anong klase ng pakiusap ang dapat kong gawin upang pakawalan niya ako. “Natatakot ako at kinakabahan sa posibleng gawin niya sa akin.”

Muling bumukas ang pinto ng kwarto at siya na namana ng bumungad.

“Don't you feel hungry?” he asked and came closer to me, causing me to step back. "I won't do anything bad to you.”

Natawa ako ng pagak. “Wala? Eh, anong tawag mo sa ginawa mo sa akin? Hindi ba masamang balak iyon? Ang manggahasa!”

“Kahit magpatingin ka pa sa doktor. Hindi lalabas sa resulta na ginahasa nga kita dahil kusa kang bumigay,” sabi nito na walang emosyon.

Naaalala ko naman kahit papaano ang nangyari ng gabing iyon. Pero kahit na! Dapat hindi niya pinatulan ang pagkamalandi ko ng nalasing ako. Talagang hindi nga ako mananalo sa kaso kapag sinampahan ko siya. Matatalo ako dahil ginusto ko di kahit sabihin pang lasing ako ng gabing may nangyari sa amin.

Ang kinatatakot ko lang ay ang mabuntis ako at hindi ako panagutan ng lalaking baliw na ito.

“W-What if you get me pregnant? How? Papanagutan mo ba ako? Ayaw kong itakwil ako ng mga magulang ko kapag humarap akong muli sa kanila na buntis ako!”

“You will not get pregnant.” Hinawakan niya ako at inalalayang lumabas ng kwarto kung saan niya ako kinulong.

“At paano ka nakakasiguro?”

“Basta,” ang tanging sinabi niya at pinaupo ako.

‘Tsaka siya naglabas ng mga ingredients ng lulutuin niya. Ako naman ay tahimik lang habang nag-iisip kung paano ako makakatakas mula sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan o hindi lalo na’t hindi ko naman siya lubusang kilala.

Bukod sa pagiging abogado niya at pangalan niya ay iyon lang ang information na alam ko tungkol sa kanya.

Nang matapos kong kumain ay hinugasan ko na muna ang ginamit ko bago ko muling umakyat sa kwarto. Iyon kasi ang bilin sa akin ng baliw. Baka kapag hindi ko siya sinunod ay gahasain na naman niya ako. Ayaw ko pa namang mabuntis.

Akmang papasok na sana ako sa kwarto ng makarinig akong may nag-uusap. Tamang-tama at may siwang doon at hindi naka-lock ang pinto. Dahan-dahan akong lumapit dooon upang makinig ang pinag-uusapan nila.

“Hawak na natin sila,” dinig kong sambit ng isang lalaki.

Bale lima silang tao sa loob ng kwartong ito. Kasama na si baliw. Ngunit hindi ko makita ang mga mukha ng kausap niya dahil ang apat na lalaking kausap ni baliw ay nakamaskara.

“What are our plans for them?” tanong ng isang lalaking pang-music ang design ang suot niyang maskara.

“Eh, ‘di ano pa? Sundin natin ang nasa rules. Hindi pwedeng hindi natin sundin iyon. Dahil baka mapahawak tayo kung sakali man,” saad pa ng isang lalaking may kulay pula ang maskara.

“So we'll just choose between the two?” tanong pa ng isang lalaking may itim naman sa maskara.

Wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi lang ako ang dinukot nilang lima. Dahil baka marami kami at may binabalak silang masama sa amin. Napalunok ako. Kailangan ko na talagang makaisip kung paano ako makakatakas dito.

“Yes, it is up to us to decide what we should do with them…”

Nanlaki ang mata ko ng biglang tumingin sa akin ang lalaking nagsasalita kaya napalunok ako at napaatras. Mas lalo akong napaatras ng umangat ang kamay nito at may baril itong hawak. Mas lalo akong natakot ng dinagdagan ang sasabihin niya.

“Kung papatayin ba natin or gawin natin silang alipin habang buhay or kapag nagsawa tayong maging alipin sila ay papatayin pa rin natin sila.”

Sa sobrang takot ko ay tumakbo tumakbo ako papalayo sa kwartong iyon. Nang makakita ako ng pinto sa baba ay kaagad ko iyon binuksan para makalabas ako. Bumungad sa akin ang kadiliman. Pero hindi ko iyon pinansin dahil ang nasa isip ko ngayon ay ang makaalis dito.

May pamilya sa aking naghihintay kaya hindi dapat ako mamatay. Kailangan ko pa silang matulungan. May mga kapatid pa akong dapat pag-aralin at buhayin. Kailangan ko pang bumawi kina Mama at Papa.

Ngunit napatigil ako sa kakatakbo ng maramdam kong nababasa ang paa ko. Doon ko napagtanto na nasa isang isla ako at wala akong makitang ibang kabahayan man lang dito.

“What the fuck! Saan ba niya ako dinala? Bakit parang wala man lang akong makitang mga tao na posible kong paghingian ng tulong?” Kusang tumulo ang aking luha sa mata ko.

“You really have no one to ask for help because I've made sure that you really can't get away from me.” Napaangat ako ng tingin dahil sa may nagsalita sa aking likod. Si baliw.

“Ano bang gusto mo? Nakuha mo naman na ang gusto mo sa akin, ah?” Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking mata. “Nakuha mo na ang pagkabirhen ko. Kaya bakit ayaw mo pa akong pakawalan?”

“I have already answered that and I will repeat it to you again." He stepped closer to me so I stepped back. "Besides, I'll only let you go when I'm nagsawa... with you.”

“Nagsawa? Papakawalan?” Natawa ako ng pasarktika. “Eh, narinig ko ang pinag-uusapan niyo! Pagkatapos mo akong pagsawaan ay papatayin mo ko!”

Doon mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Natatakot ako. Iniisip ko din ang posibleng mangyari sa akin. Paano ako nakakasiguro na hindi niya idadamay ang pamilya ko?

Sigurado pagkatapos niya akong patayin ay papatayin niya din ang pamilya ko.

“If you don't want to get hurt, sumunod ka na lang sa gusto ko at pinapangako ko sayo na ibabalik kita sa inyo ng buhay at humihinga pa,” sambit nito at sinubukan ulit niyang lumapit sa akin ngunit umatras na naman akong muli palayo sa kaniya. Bumuntong-hininga siya. “Huwag mong hintayin na maubos ang pasensya k—”

“At kapag naubos! Papatayin mo na ako? Ganun ba?” Hindi siya nakapagsalita. Napapikit ako. “Please! Nakikiusap ako sayo. Pakawalan mo na ako. Wala ka naman mapapala sa akin! Wala! Hindi ako mayaman.”

“I don't care," he grinned and walked towards me again. “I don’t care about the money. Ang akin lang ay sumunod ka na lang sa akin kung ayaw mong mapahamak ang mga mahal mo sa buhay.”

Doon ako natigilan. Para akong binuhusan ng isang timbang malamig na tubig. Alam niya ang kahinaan ko. Ibig sabihin hawak niya ang buhay ko. Mas lalong nanubig ang mga mata ko at halos wala na akong makita pa dahil sa luha ko at idagdag mo pang natatakot ako at nag-aalala.

“Lagi mong tatandaan na, pumpkin. You’re Edwyn Patterson property. Means you. are. mine.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status