“Lintek!”Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang sumigaw si baliw at nagbasag ng flower vase. Hanggang ngayon ay galit pa din siya. Badtrip kung baga.“Bakit mo naman hinayaang halikan ka ng tarandatong iyon, pumpkin?!” sigaw nito sa akin.Wow! kasalanan ko pa? Nabigla ako kaya hindi ko siya kaagad naitulak tapos isishin niya ako?“Sinabi ko naman na sayo, ah?” sigaw ko din pabalik dito. “Sinabi ko naman sayo. Nabigla ako. Hindi ko din naman alam na hahalikan ako no’n.”“Kahit pa!” Muli akong napaigtad dahil naghagis na naman siya ng gamit.Wala na dito ‘yung lalaking nanghalik sa maganda kong labi. Ang walang hiyang iyon. Akala ko kung ano ang gagawin iyon naman pala ay balak akong halikan.Sigurado akoong madaming mga pasa sa mukha ng lalaking iyon dahil duguan siyang lumabas dito sa opisina ni baliw. Inawat namin siya ng mga ka-attorney niya.“Nagpahalik ka pa din,” mariin niyang sinabi.Napaatras ako ng lumakad ito papunta sa akin. Masama siya kung tumingin. Hindi sa ma
“Anong ginagawa natin dito?”Tumingin ako sa kanya dahil dinala niya ako sa isang yate na kaming dalawa lang ang nandito at wala ng iba. Hindi ko alam kung ano ang trip niya.“Bakit ayaw mo ba na dinala kita dito?” tanong nito pabalik sa akin. Ang dami kasing nagkalat na petal ng bulaklak. As in parang pang-proposal ang datingan. Kaya nagtataka ako kung bakit niya ako dinala dito. Magpo-propose ba siya?Hindi sa akin kundi sa ibang babae? Pero kami lang ang tao dito. Unless may iba pang tao dito.“H-Hindi naman pero bakit?” tanong ko at hinila ako nito pinaupo.Nasa pangalawang palapag kami ng yate. Siya ang nag-drive ng yate at tumigil lang siya may hindi naman medyo kalayuan sa pangpang.Maganda ang view dito. Sobrang liwanag dahil sa buwan. Kitang-kita mo dito ang siyudad na mailaw. Iba’t ibang kulay ng ilaw na ang sarap pagmasdan. Tapos idagdag mo pa ang mga bituin na malinag at kumikinang-kinang sa kalawakan.Sayang. Kung may cellphone lang ako ngayon ay kukuhanan ko ito ng lara
Akala ko pa naman kung ano pero ‘yun lang pala ang sasabihin niya. Hindi ko tuloy alam kong dapat ba akong matuwa o magalit. Para kasing baliw kasi. Baliw siya pero mas may ibabaliw pa pala ang lalaking ito. Kaloka siya. Kaya pala niyaya niya ako dahil ito pala ang ice-celebrate namin. Ang gago lang? Puta! Pero hindi ko akalain na ice-celebrate pa niya ang araw kung kailan niya ako dinakip. Yeah, halos one month na pala.One month na akong nasa kanyang puder. One month ko na ding hindi nakakasama ang pamilya ko. Nami-miss ko sila pero nasasanay na akong nasa tabi ng baliw na ito.Dapat ko ba itong… A. Ikabahala? Or b. Ikatakot? Or letter c. Iwasan? Or letter d. Go with the flow na lang at hayaan ang tadhana ang magdesisyon kung ano man ang magiging kapalaran namin?Pipiliin ko ba ang a, b, and c? Or d? Hayst! Ang complicated ng love.“Ang sarap mong sapakin! Bwisit ka!”Natatawang hinalikan niya ang noo ko. “Pero mas masarap pa din akong kainin, pumpkin. Kung sapak iyan ng pag-ibig m
“Tangina, boss! I said just treat her. I didn't say that you can touch her and look at her!”“Tangina mo din, assassin!” Rinig kong pagsisigaw ng isang lalaki. Mali. Hindi lang pala isa dahil dalawa silang nagsisigawan sa isa’t isa. Kanina pa silang ganyan at naiirita na ako. Ang ingay nila pareho. “Where have you seen a doctor who not allowed to look at and touch the person he is treating? Ginagago mo ba talaga ako?”Sobrang ingay. Puro sigawan. Napadaing ako ng makaramdam ako ng pagkirot sa may tagiliran ko. Wala akong maramdaman na sakit. Pero ramdam kong may inaalis na kung ano sa may tagiliran ko. “Bastard! Be careful! You hurting him.” Boses iyon ni baliw. Na sinisigawan ang gumagamot sa akin.Bakit ba sila nagsisigawan? Pwede namang magsalita ng mahinahon. Hindi iyong nagsisigawan sila na ewan. Para silang nas apalengke na ewan. Hindi ko maimulat ang mga mata ko. Para akong inaantok na ewan.“Gago, palit na lang kaya tayo?”Ang ingay nila. Gusto ko silang sigawan pero wala ako
“Get changed and we'll go somewhere.”Kumunot ang noo ko sa sinabi ni baliw. Magaling na ako kaya nandito ako sa may tabi ng swimming pool ng resthouse niya. Yes, nandito kami sa may resthouse niya sa Antipolo. Hindi ko alam kung bakit kami nandito at hindi kami bumalik sa bahay niya sa Manila.Ang gaganda ng mga bahay niya kahit saan niya ako dalhin. Sobrang yaman niya talaga. Sinunod niya ang deal namin. Bawat week siya nagpapadala ng pagkain ta pera sa pamilya ko. Nakikita ko lang ang pamilya ko sa kinukuhang larawan ng mga tauhan niya.Sinubukan kong in-open ang topic na bakit kami paalis-alis sa iisang bahay ngunit iniiwasan niya lang o ‘di kaya ay hindi niya sasagutin. Madalas niyang hindi sagutin ang bawat tanong ko. Naiinis ako pero ano naman magagawa ko kung ayaw niyang magsabi o sumagot? Nililigawan na niya ako kaya may karapatan akong kilalanin siya kaso hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon para kilalanin siya.Pagdating sa pagkatao niya ay nagiging pipi siya. Hindi siy
Nagising ako ng may iniindang sakit sa aking pagitan ng hita ko. Masakit ang pagitan ng hita ko pero kaya kong makapaglakad. Wala na si baliw sa tabi ko ng magising ako. Ang lalaking iyon grabe ang pag-ano niya sa akin. Hindi siya nakukuntento sa isang round. Isang round lang pa man din ang kaya ko dahil after no'n ay nakakatulog na ako.Pagod na kaya ako after one round lang pero si baliw after ng isang round ay humihirt pa ang loko. Nawala na sa bilang sa daliri ko kung gaano kami naka ilang beses na nag-sex bago ako nawalan ng malay dahil sa kapaguran ko. Tinotodo niya kasi kapag nasimulan na. Pero ang lalaking iyon ay para bang walang kapaguran dahil sige ng sige.Hindi makuntento sa isa ang baliw na iyon dahil hihirit at hihirit siya hanggang sa hindi ako nawawalan ng malay ay gagalawin at gagalawin niya ako. Pumili na muna ako ng damit bago pumunta ng banyo. Naligo na muna ko bago ako bumaba sa baba. Nagbabakasakali akong nandoon si baliw dahil wala na siya sa kwarto.Nagtaka ak
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa ginagawa ko. Halata naman na pero ayaw ko pa ring tumigil. Alam kong talo na naman ako pero ayaw pa ring makinig ng sarili ko sa sinasabi ng isip ko. Kapag talaga ang puso ang kalaban talo ang isip. Bakit talo na naman ako sa labang hindi pa nga nasisimulan?Kapag puso ang dumikta talo ang isip. Talo na naman ako dahil mas pinili kong sundin ang puso kaysa sa isip ko. Talo na lang ako lagi, kailan ba ako mananalo? Lagi na lang bang kasawian? Walang kasiyahan? Walang kapayapaan?Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak, pinipilit kong huwag umiyak pero kusang tumutulo ang luha ko sa mata. Tinatraydor na naman ako ng sarili ko. Naghintay ako sa labas ng kwarto habang naririnig ko ang kababalaghan nilang ginagawa. Napaupo na lang ako sa sahig habang umiiyak. Ayaw magpapigil ng luha ko. Ayaw niyang tumigil."Self, ano ba?!" naiinis kong anas at marahas kong pinupunasan ang luha ko. "Stop na, please!"Pilit kong kinakalma ang sarili ko. Napayu
Sa trauma na pinagdaanan ko hindi ko akalain na kaya ko pala iyon malampasan. Na kaya kong mabuhay ulit ng payapa at walang takot na nararamdaman. Akala ko habang buhay na ang trauma na dinulot niya sa akin pero laki ng pasasalamat ko at nalabanan ko iyon. “Hey, you look very tired, ah?” “Ay pagod ka!” Napatili ako ng may bigla na lang may nagsalita sa may gilid ko. Natawa siya kaya hinampas ko siya. “Bwisit ka! Bakit mo ba ako ginugulat?”“Sorry,” anas niya sabay inabutan niya ako ng kape. “Mukha kasing ang lalim ng iniisip mo tapos mukha ka ring pagod.”Tinanggap ko ang kapeng inabot niya at humigop doon. Ang sarap ng pagkatimpla niya. Saktong-sakto lang ang lasa. “Ang sarap ng kape mo. Pwede ka ng mag-asawa.”“Sige, mag-aasawa lang ako kapag ikaw ang magiging misis ko,” anas niya kaya nasamid ako.Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Mahilig pa rin siyang magbiro ng hindi nakakatuwang biro. Sarap niyang bigwasan kung wala lang talaga akong utang na loob sa kaniya ay pinalayas ko