Dahil gutom ay bumaba ako habang hila-hila ko ang dextrose ko. Hanggang ngayon ay may nakakabit pa din sa aking ganito. Hindi pa daw kasi ako magaling kaya hanggang ngayon ay meron pa din akong ganito.Pero ang sabi ng doktor na kaibigan ni baliw ay aalisin na daw ito bukas kaya malaya na akong makagala ng walang nakakabit na kung ano sa katawan ko.Nang makababa ako ay nakita ko si baliw sa may sala habang may mga documents sa ibabaw ng coffee table nito. May kaharap din siyang laptop. Mukhang nagtatrabaho siya ngayon.“H-Hey!” anas niya ng mapansin niya ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa may sahig at iniwan ang sandamakmak niyang mga ginagawa.“U-Uhm, n-nagugutom na kasi ako kaya bumaba na ako,” sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi ko siya magawang titigan lalo na’t binabalak kong takasan niya.Napag-alaman ko kasing nasa Manila na kami. Kaya madali na lang sa akin na takasan siya at makauwi sa bahay namin. Excited akong makaalis sa puder niya pero at the same time ay kinakab
"Hey!"Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hanggang ngayon ay nandito pa din sila. Ang mga kaibigan ni baliw. Hindi ko sila nakakausap ng madalas dahil natatakot ako sa kanila. Mukha kasing papatayin ka nila oras na gumawa ka ng hindi nila nagustuhan."H-Hi, b-bakit? G-Gising na ba siya?" tanong ko dahil abala ako sa pagluluto.Umiling siya kaya tumango ako. Mga ilang araw na akong nag-aalala kay baliw dahil hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising simula ng nagpakita siyang may tama ng bala.Uuwi na lang kasi pag-aalalahanin pa niya ako. Paano kaya kapag wala ako dito? Eh, 'di mamamatay na siya? Paano kapag tumakas na ako? Paano siya? Sino ang hihingi ng tulong? Sino ang tutulong sa kaniya?Natigilan ako ng mapagtanto ko ang iniisip ko. Bakit naman ako mag-aalala sa kanya? Eh, hindi ko naman siya kaano-ano. Hindi ko siya kamag-anak, pamilya, kaibigan, at iba pa.Tang ina! What if nahuhulog na pala ako ng unti-unti sa baliw na iyon? No way!Hindi pwede! Hindi!"Hmm, may problema
"Hey!"Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. Kanina pa niya ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin. Ang tanging kinakausap ko lang dito ay si manang. Si manang lang kasi ang mabait sa akin dito. 'Yung mga iba kasing katulong na babae ay halos patayin na nila ako sa masamang tingin nila sa akin."Pumpkin, kakain na tayo," saad niya.Ramdam kong lumapit pa siya sa akin pero hindi ko pa din siya tinignan. Nag-aayos ako ng damit ko sa closet. Nagulo ko kasi."Pumpkin…." Tawag niya sa akin na para bang nauubusan na siya ng pasensya."Ayaw ko ngang kumain," sambit ko at umirap. "Kung nagugutom ka. Kumain ka na lang. Huwag mo akong kulitin.""Wala ka pang kain mula kanina," naiinis niyang anas."Paki mo ba?"Rinig kong mapabuntong-hininga na lamang siya at wala siyang nagawa kundi ang umalis sa kwarto. Napaawang pa ang bibig ko ng malakas niyang sinara ang pinto.Wow, ah? Siya pa ang galit.Dapat nga ako, eh. Kasi sinigawan niya ako at sa harap pa talaga ng mga kaibigan niya. Wa
“Gusto mong gumala?”Gulat akong napatingin sa kaniya ng bigla niya akong inaayang lumabas kami ng bahay. Samantala ng isang araw ay sinubukan kong takasan siya ay nagalit siya kaya hindi niya ako pinayagan na lumabas ng bahay kahit sa may garden lang ang punta ko.Tuloy pa din naman ang plano koong takasan siya dahil hindi ko naman alam kung ano talaga ang balak niya sa akin. Aba, malay ko ba pagkatapos nito ay pwede niya akong ipatapon na lang. Or pwede din niya akong ibenta at pagkakitaan.“Bakit? Anong meron?” taka kong tanong. “Hindi ba’t ayaw mo akong palabasin ng bahay? Wala kang tiwala sa akin dahil tatakasan lang kita kapag nakalabas ako.”“Wala lang. Bakit? Ayaw mo ba?”Hindi naman sa ayaw. Gusto ko din naman makalabas ng bahay at maggalagala. ‘Yung pupunta sa mall. Na-miss ko ang gawain kong iyon.“S-Sigurado ka ba?” Hindi ko makapaniwalang tanong ko.Nasa may terrace ako habang nagsusulat. Nami-miss ko ang trabaho ko bilang isang journalist. Kaya heto at nagsusulat ako ng
“Gusto mong sumama?”“Saan?”Napapadalas yata ang pag-aaya niya sa akin na lumabas kaming dalawa? Anong meron?“Sa firm ko,” saad niya.Nakabihis na siya ng pang-formal at ready ng umalis ng bahay. Mukhang marami siyang gagawin dahil kagabi ay halos hindi siya matulog kakabasa ng mga isang sandamakmak ng mga kaso.Para din kaming mga journalist. Walang sawa na kakabasa ang ginagawa namin para lang makakalap ng impormasyon.“Seryoso ka?” tanong ko dito at excited akong tumayo mula sa kama. Manonood sana ako ng movie pero dahil niyaya niya ako ay bakit hindi pa akoo umoo, right?“Yap, gusto mo ba? Then pagkatapos ng work ko. Gumala tayo ulit,” anas niya.“Bakit parang napapadalas ang pag-aaya mo sa akin?” Naningkit ang mata ko dito na para bang girlfriend niya ako at sinisipat ko siya kung may ginawa ba siyang kalokohan kaya naglalambing.Lumapit siya sa akin. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at kaagad na pumulupot ang kanyang mga braso sa bewang ko. Bigla niya akong hinalikan.“Pump
“Lintek!”Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng biglang sumigaw si baliw at nagbasag ng flower vase. Hanggang ngayon ay galit pa din siya. Badtrip kung baga.“Bakit mo naman hinayaang halikan ka ng tarandatong iyon, pumpkin?!” sigaw nito sa akin.Wow! kasalanan ko pa? Nabigla ako kaya hindi ko siya kaagad naitulak tapos isishin niya ako?“Sinabi ko naman na sayo, ah?” sigaw ko din pabalik dito. “Sinabi ko naman sayo. Nabigla ako. Hindi ko din naman alam na hahalikan ako no’n.”“Kahit pa!” Muli akong napaigtad dahil naghagis na naman siya ng gamit.Wala na dito ‘yung lalaking nanghalik sa maganda kong labi. Ang walang hiyang iyon. Akala ko kung ano ang gagawin iyon naman pala ay balak akong halikan.Sigurado akoong madaming mga pasa sa mukha ng lalaking iyon dahil duguan siyang lumabas dito sa opisina ni baliw. Inawat namin siya ng mga ka-attorney niya.“Nagpahalik ka pa din,” mariin niyang sinabi.Napaatras ako ng lumakad ito papunta sa akin. Masama siya kung tumingin. Hindi sa ma
“Anong ginagawa natin dito?”Tumingin ako sa kanya dahil dinala niya ako sa isang yate na kaming dalawa lang ang nandito at wala ng iba. Hindi ko alam kung ano ang trip niya.“Bakit ayaw mo ba na dinala kita dito?” tanong nito pabalik sa akin. Ang dami kasing nagkalat na petal ng bulaklak. As in parang pang-proposal ang datingan. Kaya nagtataka ako kung bakit niya ako dinala dito. Magpo-propose ba siya?Hindi sa akin kundi sa ibang babae? Pero kami lang ang tao dito. Unless may iba pang tao dito.“H-Hindi naman pero bakit?” tanong ko at hinila ako nito pinaupo.Nasa pangalawang palapag kami ng yate. Siya ang nag-drive ng yate at tumigil lang siya may hindi naman medyo kalayuan sa pangpang.Maganda ang view dito. Sobrang liwanag dahil sa buwan. Kitang-kita mo dito ang siyudad na mailaw. Iba’t ibang kulay ng ilaw na ang sarap pagmasdan. Tapos idagdag mo pa ang mga bituin na malinag at kumikinang-kinang sa kalawakan.Sayang. Kung may cellphone lang ako ngayon ay kukuhanan ko ito ng lara
Akala ko pa naman kung ano pero ‘yun lang pala ang sasabihin niya. Hindi ko tuloy alam kong dapat ba akong matuwa o magalit. Para kasing baliw kasi. Baliw siya pero mas may ibabaliw pa pala ang lalaking ito. Kaloka siya. Kaya pala niyaya niya ako dahil ito pala ang ice-celebrate namin. Ang gago lang? Puta! Pero hindi ko akalain na ice-celebrate pa niya ang araw kung kailan niya ako dinakip. Yeah, halos one month na pala.One month na akong nasa kanyang puder. One month ko na ding hindi nakakasama ang pamilya ko. Nami-miss ko sila pero nasasanay na akong nasa tabi ng baliw na ito.Dapat ko ba itong… A. Ikabahala? Or b. Ikatakot? Or letter c. Iwasan? Or letter d. Go with the flow na lang at hayaan ang tadhana ang magdesisyon kung ano man ang magiging kapalaran namin?Pipiliin ko ba ang a, b, and c? Or d? Hayst! Ang complicated ng love.“Ang sarap mong sapakin! Bwisit ka!”Natatawang hinalikan niya ang noo ko. “Pero mas masarap pa din akong kainin, pumpkin. Kung sapak iyan ng pag-ibig m