Nang magising ako ay madilim na sa labas. Gabi na. Pinilit kong bumangon dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Nag-inarte pa kasi ako kanina. Dinalhan na nga ako ng baliw na iyon ng makakain pero tumanggi pa ako.Pumunta ako sa may bintana upang sumilip pero wala akong makita dahil madilim na nga pero napakunot ang aking noo ng makarinig ng… alon ng tubig? Teka, nasaan ba ako? Saan ako dinala ng baliw na ito? Bakit nakakarinig ako ng alon ng tubig?Lumapit naman ako sa may pinto at akmang bubuksan ko na sana pero biglang bumakas ito at iniluwal no’n si baliw. Wala siyang emosyon sa mukha maliban na lang sa pagiging malamig niya. Pinaglihi yata ito sa yelo pero minsan baliw.“Are you hungry?" he asked. "What kind of food do you want and I will cook it for you.”“Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako kinukulong? At nasaan ako? Bakit nakakarinig ako ng alon ng tubig sa labas?” sunod-sunod kong tanong. “Tapatin mo nga ako. Nasa iisang isla ba tayo? Or nasa isang malapit sa dagat?”“Wh
"Bakit hindi ka pa naliligo?""Pakialam mo ba!" sigaw ko sa kanya.Kanina pa niya ako pinapaligo pero hindi ako sumusunod. Wala naman kasi akong damit pangpalit kaya paano ako maliligo nito?Ilang araw na din ako dito simula ng dalhin niya ako sa islang ito. Kaming dalawa na lang ang nandito. Wala na 'yung apat niyang kaibigan na pinaglihi din sa yelo. Nasobrahan yata ang paglilihi ng mga Mama nila sa kanila kaya ganun na lang sila kalamig at nakakatakot din sila… sobra."Hindi ba't gusto mong pakawalan kita?"Natigilan ako sa sinabi niya. Napag-usapan na nga namin pala ito ng nakaraang linggo bago ako no'n mawalan ng malay sa dagat."Hindi ba't gusto mong makawala sa akin? Kaya dapat magpakabait ka sa akin at sundin ang sinasabi ko," dagdag pa niya at pumunta siya sa closet upang kumuha ng damit.Hinagis niya ang damit na lingerie dress na naman. Iyan lang ang available na damit pangbabae dito sa bahay. Wala naman na akong lagnat pero hindi ako sanay na magsuot ng ganung damit. Kahit
Nagising ako ng maramdaman kong may humahalik-halik sa aking leeg. Hindi lang halik dahil may kasama pang kagat at pagdila. Gumalaw ako ng bahagya para maitulak siya dahil antok na antok pa ako.Hindi ko alam kung anong oras kami natapos kahapon. Basta ang alam ko lang umuulos pa siya sa loob ng makatulog na ako dahil sa pagod. Pero hanggang ngayon yata ay wala pa siyang kasawaan dahil nagsisimula na naman siya."Baliw ano ba!" Inis kong sambit. "Inaantok pa ako. Stop it!"Narinig ko ang munting pagtawa niya kaya tumigil siya sa paghalik ngunit nakasubsob pa din siya sa aking leeg."Ohh, sorry, pumpkin," malambing nitong sambit. "Mukhang napagod yata kita."Napairap ako at hindi na lang siya pinansin dahil inaantok pa ako. Ayaw ko pa sanang bumangon dahil inaantok pa ako ngunit bigla na lang kumalam ang sikmura ko hudyat na nagugutom na ako."Hmm, gutom na ang pumpkin ko. Anong gusto mong pagkain except me?" Pilyo nitong sabi kaya kinurot ko siya."Hindi ka naman pagkain," unti-unti a
Kinabukasan ay wala akong nakitang baliw sa bahay ng magising ako. Kundi ay mga iilang bantay lang na nakapalibot sa bahay na ito na mukhang binabantayan ako. ‘Tsaka may babaeng medy matanda dito. Siya ang nagluto ng almusal ko kanina."Hija, huwag mo ng gawin iyan. Baka kagalitan ako ni sir," sabi ni Manang pero hindi ako nakinig."Hayaan mo na ako, manang. Wala din naman po akong gagawin," anas ko."Oh, siya. Mukhang hindi naman kita mapipigilan. Punta lang ako sa kusina at magluluto na muna ako ng tanghalian natin," pagpaalam ni manang.Habang ako ay abala sa paglilinis. Wala kasi akong magawa kaya naisipan kong maglinis na lang ng bahay. Marunong naman ako ng gawaing bahay dahil maliit pa lang ako ay tinuturuan na kami ni Mama sa mga gawaing bahay. Tinutulungan ko si Manang na maglinis. Napapairap nanlang ako kapag pupunta ako sa isang sulok ng bahay ay nakasunod ang dalawang lalaki. Mga bodyguard saw sila kuno ng baliw. Mukhang pinapabantayan ako ni baliw habang wala siya dito.
Dahil gutom ay bumaba ako habang hila-hila ko ang dextrose ko. Hanggang ngayon ay may nakakabit pa din sa aking ganito. Hindi pa daw kasi ako magaling kaya hanggang ngayon ay meron pa din akong ganito.Pero ang sabi ng doktor na kaibigan ni baliw ay aalisin na daw ito bukas kaya malaya na akong makagala ng walang nakakabit na kung ano sa katawan ko.Nang makababa ako ay nakita ko si baliw sa may sala habang may mga documents sa ibabaw ng coffee table nito. May kaharap din siyang laptop. Mukhang nagtatrabaho siya ngayon.“H-Hey!” anas niya ng mapansin niya ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa may sahig at iniwan ang sandamakmak niyang mga ginagawa.“U-Uhm, n-nagugutom na kasi ako kaya bumaba na ako,” sabi ko at umiwas ng tingin. Hindi ko siya magawang titigan lalo na’t binabalak kong takasan niya.Napag-alaman ko kasing nasa Manila na kami. Kaya madali na lang sa akin na takasan siya at makauwi sa bahay namin. Excited akong makaalis sa puder niya pero at the same time ay kinakab
"Hey!"Napalingon ako sa tumawag sa akin. Hanggang ngayon ay nandito pa din sila. Ang mga kaibigan ni baliw. Hindi ko sila nakakausap ng madalas dahil natatakot ako sa kanila. Mukha kasing papatayin ka nila oras na gumawa ka ng hindi nila nagustuhan."H-Hi, b-bakit? G-Gising na ba siya?" tanong ko dahil abala ako sa pagluluto.Umiling siya kaya tumango ako. Mga ilang araw na akong nag-aalala kay baliw dahil hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising simula ng nagpakita siyang may tama ng bala.Uuwi na lang kasi pag-aalalahanin pa niya ako. Paano kaya kapag wala ako dito? Eh, 'di mamamatay na siya? Paano kapag tumakas na ako? Paano siya? Sino ang hihingi ng tulong? Sino ang tutulong sa kaniya?Natigilan ako ng mapagtanto ko ang iniisip ko. Bakit naman ako mag-aalala sa kanya? Eh, hindi ko naman siya kaano-ano. Hindi ko siya kamag-anak, pamilya, kaibigan, at iba pa.Tang ina! What if nahuhulog na pala ako ng unti-unti sa baliw na iyon? No way!Hindi pwede! Hindi!"Hmm, may problema
"Hey!"Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin. Kanina pa niya ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin. Ang tanging kinakausap ko lang dito ay si manang. Si manang lang kasi ang mabait sa akin dito. 'Yung mga iba kasing katulong na babae ay halos patayin na nila ako sa masamang tingin nila sa akin."Pumpkin, kakain na tayo," saad niya.Ramdam kong lumapit pa siya sa akin pero hindi ko pa din siya tinignan. Nag-aayos ako ng damit ko sa closet. Nagulo ko kasi."Pumpkin…." Tawag niya sa akin na para bang nauubusan na siya ng pasensya."Ayaw ko ngang kumain," sambit ko at umirap. "Kung nagugutom ka. Kumain ka na lang. Huwag mo akong kulitin.""Wala ka pang kain mula kanina," naiinis niyang anas."Paki mo ba?"Rinig kong mapabuntong-hininga na lamang siya at wala siyang nagawa kundi ang umalis sa kwarto. Napaawang pa ang bibig ko ng malakas niyang sinara ang pinto.Wow, ah? Siya pa ang galit.Dapat nga ako, eh. Kasi sinigawan niya ako at sa harap pa talaga ng mga kaibigan niya. Wa
“Gusto mong gumala?”Gulat akong napatingin sa kaniya ng bigla niya akong inaayang lumabas kami ng bahay. Samantala ng isang araw ay sinubukan kong takasan siya ay nagalit siya kaya hindi niya ako pinayagan na lumabas ng bahay kahit sa may garden lang ang punta ko.Tuloy pa din naman ang plano koong takasan siya dahil hindi ko naman alam kung ano talaga ang balak niya sa akin. Aba, malay ko ba pagkatapos nito ay pwede niya akong ipatapon na lang. Or pwede din niya akong ibenta at pagkakitaan.“Bakit? Anong meron?” taka kong tanong. “Hindi ba’t ayaw mo akong palabasin ng bahay? Wala kang tiwala sa akin dahil tatakasan lang kita kapag nakalabas ako.”“Wala lang. Bakit? Ayaw mo ba?”Hindi naman sa ayaw. Gusto ko din naman makalabas ng bahay at maggalagala. ‘Yung pupunta sa mall. Na-miss ko ang gawain kong iyon.“S-Sigurado ka ba?” Hindi ko makapaniwalang tanong ko.Nasa may terrace ako habang nagsusulat. Nami-miss ko ang trabaho ko bilang isang journalist. Kaya heto at nagsusulat ako ng