Share

Daisy His Remedy
Daisy His Remedy
Author: sweetjelly

Daisy His Remedy 1 "Heartbreak"

“Remedy? Or a rebound?!" 

Parang malakas na sampal na tumama sa mukha ko ang mga salitang ‘yon na nagpaparalisa sa buo kong katawan. Pati ang paghinga ko ay napigil ko. I couldn’t move, but humigpit naman ang pagkakahawak sa bote ng red wine na dala ko.

“Now, you can't say anything, because deep down, you know it's true. Naging panakip butas mo ang Daisy na ‘yon!"

Sa isang iglap, parang nawalan ng lakas ang kamay ko, at kusang dumulas ang bote na kanina ay mahigpit ang pagkakahawak ko. Huli na ng mahimasmasan ako, tuluyan nang bumagsak ang bote sa sahig at naglikha ng malakas na ingay.

“Daisy!” Onse exclaimed, rushing toward me. He looked startled, almost guilty.

Katulad ko, alam kong hindi niya inaasahan na mangyayari ang eksenang ‘to; hindi niya inaasahan na darating agad ako, at marinig ang pagtatalo nila na ako ang dahilan. Hindi ko na magawang salubungin ang mga mata niya—ang mga mata nila. Kaagad akong umiwas, yumukod, to pick up the broken pieces of the bottle that now littered the floor.

“I-I’m sorry… I didn’t mean to… Nagulat lang ako. Hindi ko alam kasama mo, Ms. Althea, Sir Onse.” Nagkanda buhol-buhol ang dila ko. Nabubulol at nanginginig ang boses. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko; hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nahihiya ako. Naiinis. Nasasaktan. Gusto ko na ngang kuyumusin na lang ang mga bubog na nagkalat sa sahig nang maibsan naman ang hiya na nararamdaman ko ngayon.

My hands trembled as I carefully gathered the sharp fragments, trying not to cut myself on the jagged edges.

Ang sakit-sakit ng puso ko ngayon, parang tinadtad ng pinong-pino, parang tinutusok-tusok ng maraming karayum, pero pinipilit kong ‘wag bumigay—pinipilit na ’wag pumatak ang luha sa mga mata kong nag-iinit na; hindi ako iiyak sa harap nila—hindi ako iiyak sa harap ni Sir Onse, kasi hindi naman ako dapat nasasaktan ng ganito, dahil wala namang kami.

Damn it! Why did she have to come back so soon? It’s only been five months, at heto na naman siya, barging into Sir Onse’s life as she had never left. 

Ang tanga ko kasi; alam ko naman na talagang darating ang araw na ‘to. Babalik si Althea—ex-fiancée ni Sir Onse na pinagtaksilan siya noon, pero mahal na mahal pa rin niya hanggang ngayon. 

Hindi ko makakalimutan ang gabing ‘yon—ang pinakamasayang gabi sana ng pamilya nila, kasi kasal ng nakababata niyang kapatid na best friend ko. Pero ang masayang gabi ay nauwi sa gabi ng hinagpis ni Sir Onse.

At ako na bida-bida, porke’t nakita ko siyang nasaktan, umiyak, inabot ko na ang kamay ko, kasama pati ang balikat at puso ko. 

Crush ko nga kasi siya. Noong gabing ‘yon, handa na sana akong tapusin ang pagkahumaling sa kanya, kaya lang nagbago ang isip ko. 

Naawa kasi ako sa kanya. Nagawa niyang baguhin ang sarili. Nagawa niyang magpakatino. Playboy nga kasi siya noon, ayaw niya magpatali sa kahit sinong babae, pero nagawa niyang magbago. Nagmahal ng totoo ngunit nasaktan naman ng todo. Kaya ako na handa na rin sanang mag-move on sa nararamdaman ko sa kanya, lumambot ang puso. Kaya heto, sa sitwasyong ‘to ako dinala ng desisyon ko. Puso ko durog na durog gaya nitong basag na bote na pinupulot ko. 

“Daisy, umalis ka…” 

"Opo, aalis po ako. Pasensya na po talaga." Agad kong singit sa pagsasalita ni Sir Onse. Tipid pa akong ngumiti, pinipilit itago ang sakit na nararamdaman ko sa pilit na ngiti na pinakita ko sa kanila.

Sa totoo lang, kanina ko pa gustong umalis, pero hindi ko alam kung paano. At heto na nga, pinapaalis na niya ako—tinataboy na niya ako. Masakit, but this is my chance na makaalis sa napakasakit na tagpong ‘to. 

I stood up, clutching the broken glass in my hands. I didn’t dare look back at him—or Althea. Shame and heartbreak weighed me down, and I didn’t have the strength to face them.

Kasabay ng pagsara ng pinto ng unit ni Sir Onse, rumagasa na parang baha ang mga luha sa pisngi ko. Paulit-ulit kong pinahid, pero kahit anong pahid ang ginawa ko, walang silbi, patuloy pa rin na pumapatak ang mga luha ko na nagpalabo sa paningin ko. Binato ko sa trash bin na nadaanan ko ang basag na bote na pinulot ko kanina at nagpatuloy sa paglalakad. 

Gusto ko na agad makaalis sa condo na ‘to, pero dahil sa malabong paningin, at tuhod kong nanginginig, hindi ko magawang bilisan ang lakad ko; hindi ko rin magawang iangat ang ulo ko dahil nahihiya akong makita ng mga tao ang hinagpis ko. 

Each step I took felt like a slow, agonizing march, na sumabay sa mahina kong paghikbi at pagtaas baba ng balikat ko. The deeper I went into my heartbreak, the harder it became to hold back my tears.

When I finally made it out of the condo, dilim at malakas na ulan naman ang sumalubong sa akin—ulan na parang nakikisimpatya sa nararamdaman ko na ngayon ay bumasa sa kabuuan ko. The cold drops hit my face, mingling with my tears, masking them. At least now, no one would be able to tell that I was crying.

Tumingala ako, letting the rain wash over me as if it could cleanse me of the pain. But it couldn’t. The tears flowed, blending with the rain as they rolled down my cheeks.

I walked aimlessly, my mind lost in a haze of grief, hanggang sa makarinig ako ng busina ng kotse sa likuran ko. I turned my head just as a black car pulled beside me. At first, I didn’t pay any attention, but then I heard a familiar voice call out to me.

“Daisy...” I glanced over, and there he was—Nurse Vincent, my colleague from the hospital. He was sitting in the driver's seat. “Get in; you’re soaked,” he said gently, pushing the front passenger door. “Come on, don’t make me ask twice.”

I forced a small smile, my feet dragging me toward the car. Sasakay na sana ako, but a hand grabbed my arm, pulling me away from the open car door.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status