DAISY
Hinatid ako ni Vincent sa bahay, at dahil ang lakas pa rin ng ulan, I invited him inside na hindi ko sana ginawa dahil mag-isa lang ako sa bahay. Nasa Canada na rin kasi si Mama kasama si Reynan at pamilya nito. Dapat sana ay kasama ko sila ngayon, umuwi lang kasi ako para um-attend sa kasal ni Charmaine. I am planning to stay only for a short vacation. Then, everything with Sir Onse happened—our friendship, our late-night talks, the way he leaned on me when things fell apart with Althea. It made me stay longer than I had planned. But then Althea came back. Ngayon, hindi ko na alam kung mananatili pa ba ako o aalis na lang. “Vincent magkape ka muna.” Tumango-tango lang si Vincent at ngumiti. I excused myself to freshen up, leaving him in the living room, where the comforting smell of coffee filled the space. As I showered, the cold water ran over me, mirroring the numbness I felt inside. I wished I could stay in the bathroom forever, letting the cold wash over me until my body was as numb as my heart. Kaya lang, nasa labas nga si Vincent, naghihintay sa akin, and I couldn’t leave him there for too long. I forced myself to get dressed and rejoin him. When I returned, Vincent was sitting on the couch, a cup of coffee in his hands. He looked up as I entered the room, his eyes locking onto mine with an intensity that made me pause. I hesitated, then took a seat on the chair across him. There was a silence between us, broken only by the soft hum of the rain against the windows. “Thank you for bringing me home,” I said, offering him a small, polite smile. I didn’t want to give him the wrong impression, at ayaw ko rin na isipin niya na ungrateful ako. He smiled back at me—that warm, sweet smile I’d come to know so well. “It was nothing, Daisy. I wasn’t about to let you walk in the rain. Besides,” he added, his voice dropping slightly, “I wouldn’t want the woman I care about catching a cold.” Ang ayos ng pagkakaupo ko kanina. Comportable na ako, ngayon bumalik ang pagkailang ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina sa kotse na tumatak; hindi lang sa utak ko kundi pati na sa puso ko. "Vincent...” “Don’t worry, Daisy. Hindi naman kita minamadali. I am willing to wait; hanggang handa ka na buksan ang puso mo para sa iba.” There it was again—that feeling, that weight in the air between us. Vincent had been hinting at his feelings for months now, and I had always deflected, too wrapped up in my own feelings for Sir Onse to consider him. Imbes na sumagot ako, I looked down at my hands, twisting my fingers together. I didn’t want this conversation. Hindi ngayon na wasak pa ang puso ko. Ayaw kong maging katulad ko si Vincent, maging remedy or rebound. Vincent cleared his throat softly, drawing my attention back to him. He was still looking at me, his eyes soft, but there was something else there too—a determination. “Daisy,” he began, his voice steady. “I think you know how I feel about you, right? ” Napalunok ako. Paanong hindi ko malaman na may gusto nga siya sa akin. Panay paramdam niya, kahit hindi ko pinapansin. I didn’t respond. “I know you’ve been through a lot with Sir Onse,” he continued, his tone careful, like he was picking his words with precision. “But... Daisy, don’t you think it’s time to let go? To move on from him? He’s never going to love you the way you want him to.” Ayon, nasapol na naman ako. His words are sharp, direct, and brutally honest. Sumikip ang dibdib ko at parang maiiyak na naman. Pero maya maya, I looked up at him. I forced myself to meet Vincent’s gaze. His eyes were kind, but there was a sadness in them too, like he hated saying these things to me but knew they needed to be said. “I know you care about him. Kitang-kita ko sa mga mata mo, sa tuwing hinahatid o sinusundo ka niya,” Vincent continued, his voice softer, “but how long are you going to keep doing this to yourself? You deserve more, Daisy. You deserve someone who sees you.” I couldn’t look at him anymore. I stared at the floor, my hands trembling slightly. Everything he said was true, but admitting that out loud felt like ripping open a wound. “I... I just thought,” I whispered, my voice barely audible, “that if I stayed long enough... if I were there for him... maybe he’d see me differently.” Hinawakan niya ang kamay ko na hinayaan ko lang. “He won’t, Daisy, kasi may mahal siyang iba.” Nakagat ko naman ang labi ko, trying to hold back the tears that were threatening to fall. I had spent so long hoping, waiting, and convincing myself that if I could just be there for Sir Onse, if I could just show him how much I cared, maybe he’d realize I was the one he needed. And now, Althea had come back; my dreams had shattered. “I’m not trying to hurt you,” Vincent said softly, leaning forward in his chair, his gaze never leaving mine. “I just... I care about you, Daisy. And I hate seeing you like this. You deserve to be happy.” Tumayo si Vincent at umupo sa tabi ko, at saka marahan na hinaplos-halos ang kamay ko. “Let me make you happy, Daisy. Just... give me a chance.” Hindi pa rin ako makasagot. Pero napapaisip naman sa sinasabi niya. Hindi naman siguro masama kung bigyan ko nga siya ng pagkakataon o ang sarili ko. But could I? Could I let go of Sir Onse? The idea of us? It felt like losing a part of myself, like letting go of a dream I had held onto for so long. But what was that dream worth if it only ever brought me pain? I sighed softly, pulling my hand away from Vincent’s. “I don’t know, Vincent,” I whispered, my voice thick with emotion. “Pero sige, I will give you a chance.”DAISY Matapos ang ilang linggong walang tulog at puro iyak, sa wakas, nabuksan na rin ang isip ko. Natauhan na ako. It was time to stop waiting for someone who would never love me. Time to stop living in the shadows of a love that was never mine to begin with. Masaya na siya kasama ang mahal niya, kaya ako, bukas na bukas na rin ang puso para sa iba at maging masaya kagaya niya. For the first time, I agreed to go on a date with Vincent. It was a small step, para sa tuluyang pagbubukas ng puso ko. Ngayon nga ay nakatayo ako sa harap ng salamin, getting ready for our first official date, and I couldn’t help but feel a mix of emotions. There was excitement, takot, at may pangamba. Oo, handa na nga akong buksan ang puso ko para kay Vincent, but no matter how hard I tried to push Sir Onse out of my mind, he remained there—like an uninvited guest who refused to leave. I sighed, shaking my head at my reflection. Tinapik-tapik ko ang noo ko para tuluyang mawala sa utak ko si Sir Ons
Wala na akong nagawa kung hindi panoorin na lang si Daisy kasama si Vincent na parang sinasamantala ang pagkakataon na mahawakan na naman siya. Ewan ko ba, may pakiramdam ako na sinasadya ni Vencent na hawakan ng gano’n si Daisy para galitin ako. At nagawa nga niya. Sinisindihan niya ang galit ko. Gusto ko na nga silang habulin. Gusto kong agawin si Daisy mula sa kanya, at gusto kong sapakin siya at pagsabihan na layuan si Daisy. Pero ano ba ang karapatan ko para gawin ang bagay na ‘yon? Anong karapatan ko na manghimasok sa mga affairs ni Daisy? Gaya nga ng tanong niya kanina, anong pakialam ko? Kahit nagngitngit ang kalooban ko, I returned to the table na parang walang nangyari, but my thoughts were spinning. Si Daisy pa rin ang laman ng utak ko. I tried to push it out of my head at mag-focus na lang kay Althea, but it felt impossible. “Babe, are you okay?" tanong nito, at banayad na hinawakan ang kamay ko. Paulit-ulit akong tumatango at ngumiti. “Yes, I’m fine. Masaya ako na ka
My heart stopped, and my mind raced, realizing na mali ang nasabi ko. Bulong lang ‘yon, pero alam kong narinig ni Althea. Gaya ko, hindi na rin siya gumagalaw; hindi nakakapagsalita, at nanatili lang sa kandungan ko. Then she pushed me away. Hinagilap ang mga saplot niya at tahimik iyong sinuot, at pagkatapos ay hinarap ako.Kung kanina ay gulat ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay galit na. Galit na hindi ko alam kung paano pawiin, kung paano mawala.“What did you just say?” Nanginginig ang boses niya na sumabay sa marahas niyang paghinga dahil sa pinipigil na emosyon. Katulad niya, hindi ko na rin halos mahabol ang marahas kong paghinga. Panic rising in my throat. I couldn’t move, couldn’t speak. Gusto kong mag-sorry; gustong magpaliwanag, kaya lang paano? Bilang lalaki, alam kong walang excuse ang ginawa ko—ang sinabi ko. Alam kong nasaktan ko ng sobra si Althea sa puntong ‘to.“I…” Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko, pero nilapat ko naman ang palad ko sa pisngi na
DAISYPara akong lutang nang lumabas kami ni Vincent sa restaurant. Sa sobrang lutang ko, maski ang sawayin siya sa ginagawang paghaplos-haplos sa baywang ko ay hindi ko nagawa. Hinayaan ko lang siya na parang nagugustuhan ang ginagawa niya. Pero hindi; hindi ko nagugustuhan. Si Sir Onse naman kasi, panira! Masaya na sana ako kanina. komportable na akong kasama si Vincent; biglang sulpot naman siya. Gulat na gulat ako kanina: hindi ko akalain na magkikita pa ulit kami matapos ang ilang linggo na walang kahit anong communication. Kaya lang, imbes na matutuwa ako sa muli naming pagkikita, hindi ‘e—nainis ako; hindi ko nagustuhan ang paghawak niya sa braso ko na sobrang higpit. Masakit. Ramdam ko ang pagbaon ng mga daliri niya sa manipis kong braso. Ang mas nakakainis pa, ang mga tanong niya wala sa ayos; wala sa lugar. Bakit ba siya nagagalit? Anong pakialam niya kung makipag-date ako sa ibang lalaki. Siya nga ‘e, agad-agad na tinanggap si Althea kahit niloko siya noon. Tapos ako p
“Sandali," sabi ko, habang binubuksan ang gate. At nang mabuksan ko, malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko—sampal mula kay Althea. Ang lakas na muntik kong ikatumba. Sa sobrang gulat, hindi kaagad ako nakapagsalita; hindi ako makagalaw. Napahawak lang ako sa pisngi kong parang sinisilaban. Ang init. Ang hapdi. Ang sakit. Parang sandaling nawala ang pandinig ko. Hindi pa man ako nakabawi sa pagkabigla, umalingawngaw naman ang nanggagalaiting sigaw ni Althea. “You—! You shameless woman!” And before I could react, inabot naman niya ang ulo ko. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa scalp ko bago niya hinila ang buhok ko. Wala akong nagawa kundi ang humikbi lang. I was too shocked to fight back. Nagawa ko lang hawakan ang kamay niya nang hindi ko na matiis ang sakit sa anit kong parang natuklap na. Sumabay rin ang hampas ng isang kamay niya sa mukha ko ang pagsabunot sa buhok ko. “Ano ba, Ms. Althea! Tama na po!" Daïng at hikbi ang kasama ng pakiusap ko. Sakabila ng
Onse’s concern for Althea was undeniable, as he quickly helped her to her feet. Pero ang tingin niya sa akin ay parang pana na pinupuntariya ang puso ko. “How could you, Daisy?!” Dinuro-duro niya ako na para bang hindi niya ako kilala; hindi niya ako nakasama ng ilang buwan para isipin na magagawa kong manakit na walang dahilan.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagulat na nga ako sa biglang pagdating niya, nagulat pa ako sa inaasta niya; hindi ko in-expect na agad niya akong sisihin na hindi man lang inaalam kung ano ang totoong nangyari. At saka, ano ba ang nangyayari at pareho silang sumugod rito?“Paano mo nagawang manakit? Kailan ka pa naging ganito ka bayolente?" His accusations spilled from his lips. Tinapunan niya rin ng matalim na tingin si Vincent na para bang sinisisi niya ito dahil hindi ako inawat sa pananakit ko sa pinakamamahal niyang girlfriend. Imbes na sumagot ako, magpaliwanag o e-defend ang sarili; nanahimik ako. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya, ang pag
ONSENakauwi na ako sa condo kasama si Althea, at ngayon nga ay katabi ko na siya sa kama. Yakap-yakap ko, pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita, tanging ang mahinang hikbi niya lang ang maririnig sa loob ng kwarto. I pressed my lips on her forehead, mahigpit na yakap naman ang sagot niya. After the chaos that had happened between her and Daisy, nagkabati kami. She realized na hindi ko kinukunsinti ang pananakit sa kanya ni Daisy, kahit pa malalim ang pagkakaibigan namin. Now we are back to being us.“Onse…” Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagsalita rin si Althea. She pressed her cheek against my chest and began talking about the fight with Daisy. “Kung alam ko lang na aabot sa gano’n ang sitwasyon, hindi na lang sana ako nagpunta sa bahay ni Daisy," her voice soft but edged with raw emotion.Hindi ako umimik, pero kamay ko naman ay marahan na humaplos-haplos sa buhok niya. Gusto kong maramdaman niya na kahit hindi ako umiimik, handa naman akong makinig sa sasabihin niy
The realization hit me hard when I discovered Daisy had blocked me. Hindi lang number ko, pati na rin sa mga social media. I intended to explain and apologize, but she cut me off completely. Kalooban ko tumututol sa ginagawa niya; hindi ako mapanatag. And yes, masakit ang ginawa niya; hindi ako makapaniwala na magagawa niya akong despatsahin sa buhay niya. But, ito ang gusto niya; so be it. Maybe it was for the best.Hindi na ako sumubok na muling kontakin siya, o ang mag-isip ng posibilidad na magkita kami ay iniwasan ko. Nakakalungkot mang isipin na umabot kami sa puntong ‘to, pero tinanggap ko—I lost my friend; my remedy. Ang hirap pala tanggapin, inaamin ko; hindi madali, pero wala na akong magagawa—bin-lock ako; she wants me out of her life, kasi may Vincent na siya.Para mawala sa isip ko si Daisy, at ang mga nangyari, I threw myself into work. I barely left the office. Sinisiguro kong puno ang calendar ko ng mga appointments. Tanggap lang ako ng tanggap ng clients. Kahit a
Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng hospital lobby, nag-aalangan kasi akong pumasok. Natatakot sa kung ano ang makikita o maririnig ko sa loob. This morning, I called my supervisor to inform her of my resignation. Heto na nga at hawak ko na ang resignation letter ko, ready to be submitted. A part of me wanted to disappear quietly, to leave without facing anyone, but that wasn’t who I was. I wanted to leave this hospital with everything settled—no loose ends, no questions left unanswered.Paulit-ulit muna akong bumuga ng hangin. My trembling hands clenched as I willed myself to move forward. Bukod sa ramdam ko ang bigat ng mga paa ko, ramdam ko rin ang init ng tingin sa akin ng mga katrabaho ko. Imbes nga na bumilis ang paghakbang ko papunta sa office ng supervisor, mas bumagal pa. The moment I stepped inside the office, sumalubong naman sa akin ang tipid na ngiti ng supervisor ko, at mga mata nito ay puno rin ng simpatya. Without a word, she gestured for me the chair across her des
Kahit itinaboy ko na si Vincent, hindi pa rin siya umalis. Paulit-ulit nitong kinatok ang pinto ng kwarto ko. Each one louder and desperate. Sumabay din ang pagtawag niya sa pangalan ko, pleading to open the door.“Daisy, please... let me in. Hindi ako aalis. Kausapin mo ako.”I pressed my hands tighter over my ears. Ayaw ko nang marinig ang pagmamakaawa niya. Ayaw ko nang marinig paliwanag niya. Wala na naman kasi iyong magagawa; kasal na siya sa iba.Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko na bumabasa sa unan na yakap ko. It felt like my heart had been shattered into a thousand pieces. Mapakla akong tumawa. Naalala ko rin kasi kung paano na wasak ang puso ko noong bumalik ang Althea sa buhay ni Onse. At ngayon naman, muling nawasak ang puso ko dahil kay Vincent. Ang malas ko. Lahat ng lalaking gusto ko, mahal ko, nawawala sa akin. “Daisy, buksan mo. ‘Wag mong gawin ‘to, please…”Every word he said only deepened the ache. Nagmistulang patalim na humihiwa sa puso ko.Kinagat ko ang nang
Before I could react, he closed the distance between us and wrapped me in a tight embrace, then he said, “surprise.” His voice was laced with excitement and tenderness. Muli na namang nanigas ang katawan ko. Lahat na klase ng emotion ay ramdam ko. Akala ko naubos na ang luha ko kanina, hindi pa pala. Bumabaha na naman ang mga luha na kahit anong pigil ko, pumapatak pa rin. Sumabay din ang pagyugyug ng balikat na para bang lumilindol. Hinahanap ko sa loob-loob ang saya dahil yakap na niya ako; nandito na siya kasama ko, pero wala akong maramdaman na saya—pain and something na hindi ko ma-explain ang bumabalot sa puso ko ngayon. “Surprise…” I tried to steady my voice, but it cracked. I was indeed surprised. Kanina pa lang sa restaurant, na surpresa na ako, at ngayon naman...hindi ko kasi in-expect na darating siya.“Daisy, I missed you.” His arms tightened around me as though he were trying to shield me from everything that had hurt me. And for a fleeting moment, hinayaan kong manati
Hindi ko na kayang tingnan sila. Malapit na ring pumatak ang luha ko na sinusubukan kong pigilin. Ang saya kasi ni Vincent habang kausap ang babae. Ni minsan hindi siya lumingon. Nasa babae lang ang atensyon niya. Sumikip ang dibdib ko; hindi na rin normal ang paghinga ko. Pakiramdam ko malapit na akong mawalan ng malay. Walang salita na tumalikod ako. Ang laki at bilis ng mga hakbang ko. Nabangga ko pa ang mga upuan na nadaanan ko, pero hindi ko pinansin; hindi ko ininda ang sakit. Ang gusto ko ay lumabas bago pa ako mag-collapse. “Besty?” Charmaine’s voice was laced with concern as I pushed my way out of the restaurant. Alam ko namang agad siyang sumunod. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyayari; hindi niya alam kung ano—sino ang nakita ko sa loob ng restaurant. Hindi niya alam na nando’n si Vincent dahil nakatalikod kasi sila sa isa’t-isa ni Vincent. I didn’t stop until, makalabas ako ng restaurant. Nang makalabas ay sumuksok ako sa isang sulok malapit sa restaurant where
It had been two weeks since Vincent left for Australia on a business trip with his mother. Sa labing apat na araw na ‘yon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay, mag-worry, at mag-isip. Ganito ang nararamdaman ko dahil sa loob ng mga araw na ‘yon, he’d only called me four times. At sa apat na beses na iyon, our conversations had been brief, rushed, and ended with him falling asleep halfway through. Naiintindihan ko naman. Tinatanggap ko agad ang mga paliwanag at paghingi niya ng tawad na walang pag-alinlangan. Alam ko naman kasi na pagod siya, at he was busy. His schedule was packed with endless meetings. ‘Yon ang sabi niya, no’ng huling nag-usap kami. At saka, ‘yong time difference kasi, ang clocked out ko ay nine in the evening, past midnight na ‘yon sa Australia. Natural na makatulog talaga siya.Pero ngayon, ewan na. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang intindihin. Dapat ko pa bang tanggapin ng walang reklamo ang mga paliwanag niya na sa tingin ko ay mga excu
I was about to speak, sasagutin ang salitang sandaling nagpagulo ng utak ko, but the sound of a car pulling up interrupted me. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog na ‘yon, and there it was—Vincent’s car coming to a smooth stop just outside the hospital. Nginitian ko siya. I’m grateful for his impeccable timing, even though my emotions were a tangled mess. Maya maya ay nilingon ko naman si Onse. Sinalubong ang matiim nitong titig sa akin, as if he were bracing himself for what I was about to say. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga. “Masaya po ako, Sir Onse,” sabi ko sa mahinahon na boses. At saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. Na-surprise kasi sa reaction ko ngayon. Dapat kasi ay nag-uumapaw ang saya. Dapat ay excitement ang pinapakita ko, pero hindi ‘e, kalmadong-kalmado ako habang sinasalubong pa rin ang mga mata niya na walang kurap na tumitig sa akin. Ang titig niya, parang ako lang ang nakikita niya. Parang ako lang ang sentro ng mundo niya, at salita
DAISYHindi ako maperme sa kinatatayuan ko. Maya’t maya rin ang pag-check ko sa oras. Kanina ko pa kasi hinihintay si Vincent dito sa lobby ng hospital. Nababagot pero nag-aalala rin ako. He had never been this late before. Mahigit isang oras na, since the time he promised to pick me up. I tried calling him, but hindi niya sinasagot ang tawag ko. I’d sent countless messages, too, but there was still no reply. Two days ago, he had dinner with his family. Ang saya-saya niya habang kinukwento sa akin, his mother and stepfather were finally treating him better. Ang saya ko for him. Nagpasalamat pa nga siya akin dahil nagdilang anghel daw ako. Kaya nga kami lalabas ngayon para e-celebrate ang magandang nangyayari sa buhay niya.Kaya lang medyo naiinis na ako. Nakakapagod maghintay sa taong hindi mo alam kung darating pa ba o hindi na. Ang excitement ko, napapalitan ng impatience. Napabuga na lang ako ng hangin habang mabagal na naglalakad papunta sa waiting area at pabagsak na umupo. My f
Matapos makatanggap ng magkasunod na sampal, saka lang na-realize ni Althea kung sino ang inataki niya. Ngayon ay umawang na ang labi at nanlalaki ang mga mata habang dinuduro ng kapatid ko na nanggagalaiti sa galit. Ngayon ko lang nakita ang kapatid ko na magalit ng ganito. Ang lakas ng sampal na tumama sa pisngi ni Althea. Iba pala talaga magalit ang mga taong mabait. Ang lambing din nitong kapatid ko at pino pa kumilos. Siya ‘yong tipong nagpaparaya lang at tatanggapin lang kung ano ang ibabato sa kanya, pero ngayon, ibang-iba siya.Si Althea naman, matapos ma-realize na si Charmaine pala ang inataki niya, biglang kumalma. Ang gulat na ekspresyon niya kanina, ngayon ay napalitan ng hiya. Ni ang hawakan ang pisngi niya na may bakas ng palad ni Charmaine ay hindi niya nagawa. Gumalaw lang ang labi nito na parang may gustong sabihin, but words never came out. She knew well enough that Charmaine had disliked her from the start and had repeatedly warned me not to trust Althea. Charmai
Banayad na haplos sa pisngi ko ang gumising sa pagtulog ko. It was my sister, Charmaine. Her touch was filled with warmth and concern. Hinawakan ko rin at pisngi niya at nginitian ng matamis."Kuya Onse. Mabuti naman at gising ka na. Pinag-alala mo ako. Alam mo ba ‘yon?" sabi niya. Boses niya, magkahalong inis at pag-aalala. “Ano ba ang pumasok sa utak mo at nagpabaya ka sa sarili?” Sunod-sunod na ang tanong niya na hindi ko alam kung alin ang unang sasagutin. Ibubuka ko pa lang kasi ang bibig ko, may tanong na naman siya. Ano raw ba ang nangyari? Kumusta na raw ang pakiramdam ko. Ang sabi raw kasi ng doctor ay dehydrated ako at hypertensive pa. Hindi ko naman kasi sinabi sa pamilya ko ang kondisyon ko. Ayaw kong mag-alala pa sila. At saka kaya ko naman ang sarili; hindi ko naman naisip na aabot sa ganito.“Kuya Onse, magpahinga ka naman. Isipin mo naman ang sarili mo. Hindi ka na po bumabata. ‘Wag puro trabaho. At saka ‘wag mong e-invest ang sarili sa taong walang kwenta…”Mapait ako