DAISY Dumaan ang mga araw, after that chaotic night between me, Althea, and Onse. At hanggang ngayon, paminsan-minsan ko pa rin na naririnig ang mga bintang sa akin ni Onse. May konting sakit pa rin akong nararamdaman, but I forced myself to shake them off. Pati ang paghanga ko sa kanya ay pinipilit kong mawala. Tama na ang ilang taon na kahibangan ko. Ayaw ko na sayangin ang oras ko, at ang panahon ko sa kanya. Kaya, bin-lock ko siya, hindi lang ang numero niya, sa social media, pati na rin sa buhay ko. Wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin niya, o kung ano ang nararamdaman niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang lumaya sa anino niya—sa anino nila ni Althea. Hindi ko hahayaan na huminto ang buhay ko dahil sa mga binitawan niyang salita, at lalong hindi hihinto ang pag-ikot ng mundo ko, ngayong hindi na siya parte ng buhay ko. Sa trabaho ako nag-focus; kay Vincent, na inaamin ko ay nagustuhan na, hindi lang nitong utak ko, kundi pati nitong puso ko. Kung dati ang routi
As a nurse, I’d trained myself to set aside personal feelings when it came to my patients. Today was no exception, kailangan kong e-assist si Althea. Yes, siya ang nakita kong nakahiga at walang malay sa stretcher. Hindi ko ipagkakaila na galit pa rin ako sa kanya. But ang galit na ‘yon, hindi pwedeng maging hadlang sa tungkulin ko. Matapos ang sandaling pagkabigla at pagkatulala, nilapitan ko na siya, nagtanong ng ilang impormasyon sa medics na naghatid sa kanya. At saka sinimulan na ang paggamot sa kanya. I focused on what needed to be done, na parang walang hidwaan na nangyari sa amin. I cleaned her wound, applied the necessary dressings, and monitored her vital signs.Nag-instruct naman ang doctor na kailangan niya mag-undergo CAT scan. Hindi man gano’n kalubha ang sugat niya, pero dahil ulo nga ang napinsala, matindi ang pagdurugo, kaya kinakailangan pa rin ang test para masigurong maayos ang lagay niya. Ngayon ay sinimulan nang tahiin ng doctor ang sugat niya, at ako, alert
ONSEWhen I got the call that Althea had been in an accident, I didn’t hesitate. I cut short my conversation with my client and offered a brief apology. Thankfully, naintindihan naman ng client kung bakit kailangan kong umalis agad. I left without a second thought. Gusto ko na agad makita si Althea. Gusto kung alamin ang lagay niya.Habang papunta ako sa hospital, my mind was a whirlwind, my heart pounding in my chest. Parang nanlalamig ang batok ko. Takot na takot sa kung ano ang datnan ko. Nawalan daw kasi ng malay si Althea. I prayed. Paulit-ulit akong nagdasal sa diyos na sana hindi siya malubha. Sana okay siya. I wasn’t a religious man, but right then, I found myself reaching out to something greater, hoping it would keep her safe.As soon as I arrived at the emergency room, kaagad hinanap ng mga mata ko si Althea, nagtanong sa nurse na nasalubong ko kung nasaan siya. Then I finally found her on a stretcher, unconscious.I hurried to her side, taking her hand in mine. Awang-awa
Para akong natuod sa biglaang tanong ni Althea. Parang tumigas ang dila ko, at nag-lock ang panga ko. Hindi ko na mabuka ang bibig ko. Gusto kong sumagot; gustong magpaliwanag. Pero paano? Ano ang sasabihin ko? Maniniwala rin ba kaya siya sa kung ano ang isasagot ko, o magagalit lang siya at aawayin ako? Mapaklang tawa ni Althea ang bumasag ng katahimikan—tawang alam kong may bahid na inis at selos. Hinawakan ko ang kamay niya, at sasagot na sana ako, but she pulled away na awtomatikong nagpatikom sa labi ko. “You know what? Don’t bother answering. Kitang-kita naman sa mukha mo—you’re happy to see her. Laglag panga ka nga kanina.” Her voice carries an edge of sarcasm. Napabuga ako ng hangin. Sabi na nga ba. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ‘to. Kaya nga nag-aalangan akong sumagot dahil alam ko na kahit anong isasagot ko, magagalit pa rin siya. Mamasamain pa rin niya. “Althea,” I reached for her hand. Sinubukan ko pa rin na lambingin siya. Hinaplos-haplos ko rin ang kam
Sa kabila ng nakakapagod na trabaho, napapangiti pa rin ako, at dahil ‘yon kay Vincent. Ang saya niya kasing kasama. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa, sa tuwing kasama ko siya natatanggal ang pagod ko. Ngayon nga ay parehong hindi mawala ang ngiti namin habang paminsan-minsan na sumusulyap sa isa’t-isa. Magkahawak kamay na para bang, we were in our own little world, sinusulit ang oras na magkasama kami. But ang masayang moment namin ay nahinto dahil sa nakikita namin ngayon. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Vincent. May lalaki kasi, hindi kalayuan sa amin, nakaluhod at parang naninigas ang katawan. His hands braced against the pavement as if the weight of the world rested on his shoulders. Hindi namin kita ang mukha niya dahil nakayuko siya, at parang nahihirapan siyang huminga. Nagkatinginan kami ni Vincent at sa tingin lang, nagkasundo kami na tulungan ang lalaki. Kahit out na kami sa trabaho, bilang mga nurse, dala-dala pa rin namin ang ugali na tumulong sa mga nangangai
Sandaling napako ang paningin ko kay Sir Onse. Hindi ko nagawang itago ang gulat sa sinabi niya. He wanted to talk... alone? I glanced over at Vincent, who was clearly displeased by the request, a faint frown creasing his brow. I gave him a look—a quiet plea for understanding, asking for permission na pagbigyan ko si Onse sa hiling niya. Vincent, though reluctant, nodded. “I’ll wait in the car,” mahinahon nitong sabi, pero hindi maipagkakaila na may bahid ng tampo ang boses niya.Sinundan ko pa ng tingin ang bawat paghakbang niya. Nagi-guilty kasi ako. Dapat kasi, lalayo na ako kay Onse. Pero heto, isang request niya lang, pumayag na ako. He’d been so patient with me, so understanding, and yet here I was, caught between the past and the present.Mahinang tawa ni Onse ang nagbalik ng attention ko sa kanya. It was a bitter laugh, almost mocking sound. Kung kanina ay lungkot at parang nasasaktan ang tingin niya, ngayon ay parang galit na. “Ang close n’yo na,” sabi niya, his tone sharpe
Ako ang gumamot. Masakit. Tahimik kong inulit ang salitang sinabi niya na hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ko nakakalimutan ang mga sinabi niya noon; si Althea ang buhay niya; hindi maghihilom ang sugat sa puso niya. Hangga’t hindi bumalik si Althea. Tapos ngayon, sinasabi niya na ako ang gumamot? Si Althea ang gamot niya, at kung nasasaktan man siya ngayon, hindi ako ang dahilan. Pinili niyang tanggapin ang babae na pinagtaksilan siya noon, kaya siya nasasaktan ngayon. “Daisy, kailangan kita…”Mapakla akong tumawa. Nag-flashback sa akin lahat. Ang unang beses na nakita ko siya sa bahay ni Charmaine, hanggang sa muli naming pagkikita sa kasal naman ni Charmaine. Ang friendship at closeness na nabuo namin no’ng nawasak ang puso niya. Tama rin naman siya, may ambag ako sa paggamot ng sugat sa puso niya. But standing here now, the reality was undeniable: ang dami ng nagbago. And the gap between us felt too wide to bridge.I looked at him intently, searching his e
Abot tainga ang ngiti ni Vincent, at nagniningning rin ang mga mata niya habang walang kurap na tumitig sa akin. Ngayon ang kamay niya ay marahang humaplos-haplos ang pisngi ko na sumabay sa dahan-dahang paglapit ng mukha niya sa akin, at masuyo akong ginawaran ng halik. It was brief but warm, filled with the kind of tenderness I knew he’d been holding back. In the few months we’d been together, I hadn’t allowed him this close, dahil kay Onse. At ngayong tuluyan ko nang tinapos ang kahibangan ko sa kanya, itutuon ko naman ang buong atensyon ko kay Vincent. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya na ang gusto kong makasama, at hindi na si Onse.“Daisy, salamat, binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka,” sabi niya, matapos niya akong gawaran ng halik, pero hintuturo niya ay banayad namang humaplos sa labi ko. Nginitian ko siya ng matamis. “Salamat sa paghihintay, sa pagbibigay oras na iparamdam sa akin na mahalaga ako—na mahal mo ako." Matamis na ngiti at halik sa labi naman ang sa
Walang salita na binuhat ko si Daisy. Nagprotesta siya, nagpumiglas, kasabay ang pakiusap na ibaba siya, but I ignored her. Patuloy ako sa paglalakad, hindi pinapansin ang pakiusap niya na sumabay sa mahinang suntok sa dibdib ko. Nang tumagal ay idiniin naman nito ang kamay niya sa dibdib ko kasabay pa rin ang mahinang paghikbi. Sandali akong napatitig sa kanya. Gusto ko na siyang ibaba at yakapin ng mahigpit, pero ayaw ko namang isipin niya na sinamantala ko ang sitwasyon niya. Maya maya ay ibinaon nito ang mukha sa dibdib ko habang kinukuyumos ang polo ko. Doon niya bunuhos ang galit niya. Ang sama ng loob na dulot ng tarantadong si Vincent. My heart shattered with every sob. Parang tinatadtad ang puso ko sa sakit. Kinakain rin ako ng konsensya ko; hindi sana siya dumanas ng ganito, if I had cherished her feelings from the start. Hindi sana siya nagmahal ng iba at masaktan ng sobra. Nang marating namin ang kotse, agad kong binuksan ang pinto, and gently set her down in the pass
ONSE POVNandito ako sa hospital ngayon for my follow-up checkup. Mula nang ma-ospital ako, naging conscious na ako sa kalusugan ko. Kailangan healthy and fit ako, hindi pwedeng magpabaya dahil hinihintay ko pa si Daisy. Alam kong hindi tama ang maghangad ng masama sa iba, pero umaasa ako—darating ang araw, maghihiwalay din sila.While waiting, I kept myself occupied. Ni-review ko ang mga details ngkaso na hawak ko ngayon. Sa sobrang immerse ko sa ginagawa ko, halos hindi ko na naririnig ang bulungan at tawanan ng mga tao na nandito rin sa waiting area.Then I overheard something that made my heart stop. Napa-angat bigla ang ulo ko, napatingin sa dalawang nurse na dumadaan sa harap ko, mabagal na naglalakad habang nag-uusap tungkol kay Vincent na akala daw nila mabait, pero katulad din pala ng ibang lalaki. “Hindi nga ako makapaniwala. Nagawa niya na magpakasal sa iba. Hindi man lang na konsensya,” one of the nurses whispered.For a moment, naisip kong baka ibang Vincent ang pinag-u
Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng hospital lobby, nag-aalangan kasi akong pumasok. Natatakot sa kung ano ang makikita o maririnig ko sa loob. This morning, I called my supervisor to inform her of my resignation. Heto na nga at hawak ko na ang resignation letter ko, ready to be submitted. A part of me wanted to disappear quietly, to leave without facing anyone, but that wasn’t who I was. I wanted to leave this hospital with everything settled—no loose ends, no questions left unanswered.Paulit-ulit muna akong bumuga ng hangin. My trembling hands clenched as I willed myself to move forward. Bukod sa ramdam ko ang bigat ng mga paa ko, ramdam ko rin ang init ng tingin sa akin ng mga katrabaho ko. Imbes nga na bumilis ang paghakbang ko papunta sa office ng supervisor, mas bumagal pa. The moment I stepped inside the office, sumalubong naman sa akin ang tipid na ngiti ng supervisor ko, at mga mata nito ay puno rin ng simpatya. Without a word, she gestured for me the chair across her des
Kahit itinaboy ko na si Vincent, hindi pa rin siya umalis. Paulit-ulit nitong kinatok ang pinto ng kwarto ko. Each one louder and desperate. Sumabay din ang pagtawag niya sa pangalan ko, pleading to open the door.“Daisy, please... let me in. Hindi ako aalis. Kausapin mo ako.”I pressed my hands tighter over my ears. Ayaw ko nang marinig ang pagmamakaawa niya. Ayaw ko nang marinig paliwanag niya. Wala na naman kasi iyong magagawa; kasal na siya sa iba.Patuloy ang pag-agos ng mga luha ko na bumabasa sa unan na yakap ko. It felt like my heart had been shattered into a thousand pieces. Mapakla akong tumawa. Naalala ko rin kasi kung paano na wasak ang puso ko noong bumalik ang Althea sa buhay ni Onse. At ngayon naman, muling nawasak ang puso ko dahil kay Vincent. Ang malas ko. Lahat ng lalaking gusto ko, mahal ko, nawawala sa akin. “Daisy, buksan mo. ‘Wag mong gawin ‘to, please…”Every word he said only deepened the ache. Nagmistulang patalim na humihiwa sa puso ko.Kinagat ko ang nang
Before I could react, he closed the distance between us and wrapped me in a tight embrace, then he said, “surprise.” His voice was laced with excitement and tenderness. Muli na namang nanigas ang katawan ko. Lahat na klase ng emotion ay ramdam ko. Akala ko naubos na ang luha ko kanina, hindi pa pala. Bumabaha na naman ang mga luha na kahit anong pigil ko, pumapatak pa rin. Sumabay din ang pagyugyug ng balikat na para bang lumilindol. Hinahanap ko sa loob-loob ang saya dahil yakap na niya ako; nandito na siya kasama ko, pero wala akong maramdaman na saya—pain and something na hindi ko ma-explain ang bumabalot sa puso ko ngayon. “Surprise…” I tried to steady my voice, but it cracked. I was indeed surprised. Kanina pa lang sa restaurant, na surpresa na ako, at ngayon naman...hindi ko kasi in-expect na darating siya.“Daisy, I missed you.” His arms tightened around me as though he were trying to shield me from everything that had hurt me. And for a fleeting moment, hinayaan kong manati
Hindi ko na kayang tingnan sila. Malapit na ring pumatak ang luha ko na sinusubukan kong pigilin. Ang saya kasi ni Vincent habang kausap ang babae. Ni minsan hindi siya lumingon. Nasa babae lang ang atensyon niya. Sumikip ang dibdib ko; hindi na rin normal ang paghinga ko. Pakiramdam ko malapit na akong mawalan ng malay. Walang salita na tumalikod ako. Ang laki at bilis ng mga hakbang ko. Nabangga ko pa ang mga upuan na nadaanan ko, pero hindi ko pinansin; hindi ko ininda ang sakit. Ang gusto ko ay lumabas bago pa ako mag-collapse. “Besty?” Charmaine’s voice was laced with concern as I pushed my way out of the restaurant. Alam ko namang agad siyang sumunod. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyayari; hindi niya alam kung ano—sino ang nakita ko sa loob ng restaurant. Hindi niya alam na nando’n si Vincent dahil nakatalikod kasi sila sa isa’t-isa ni Vincent. I didn’t stop until, makalabas ako ng restaurant. Nang makalabas ay sumuksok ako sa isang sulok malapit sa restaurant where
It had been two weeks since Vincent left for Australia on a business trip with his mother. Sa labing apat na araw na ‘yon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay, mag-worry, at mag-isip. Ganito ang nararamdaman ko dahil sa loob ng mga araw na ‘yon, he’d only called me four times. At sa apat na beses na iyon, our conversations had been brief, rushed, and ended with him falling asleep halfway through. Naiintindihan ko naman. Tinatanggap ko agad ang mga paliwanag at paghingi niya ng tawad na walang pag-alinlangan. Alam ko naman kasi na pagod siya, at he was busy. His schedule was packed with endless meetings. ‘Yon ang sabi niya, no’ng huling nag-usap kami. At saka, ‘yong time difference kasi, ang clocked out ko ay nine in the evening, past midnight na ‘yon sa Australia. Natural na makatulog talaga siya.Pero ngayon, ewan na. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang intindihin. Dapat ko pa bang tanggapin ng walang reklamo ang mga paliwanag niya na sa tingin ko ay mga excu
I was about to speak, sasagutin ang salitang sandaling nagpagulo ng utak ko, but the sound of a car pulling up interrupted me. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog na ‘yon, and there it was—Vincent’s car coming to a smooth stop just outside the hospital. Nginitian ko siya. I’m grateful for his impeccable timing, even though my emotions were a tangled mess. Maya maya ay nilingon ko naman si Onse. Sinalubong ang matiim nitong titig sa akin, as if he were bracing himself for what I was about to say. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga. “Masaya po ako, Sir Onse,” sabi ko sa mahinahon na boses. At saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. Na-surprise kasi sa reaction ko ngayon. Dapat kasi ay nag-uumapaw ang saya. Dapat ay excitement ang pinapakita ko, pero hindi ‘e, kalmadong-kalmado ako habang sinasalubong pa rin ang mga mata niya na walang kurap na tumitig sa akin. Ang titig niya, parang ako lang ang nakikita niya. Parang ako lang ang sentro ng mundo niya, at salita
DAISYHindi ako maperme sa kinatatayuan ko. Maya’t maya rin ang pag-check ko sa oras. Kanina ko pa kasi hinihintay si Vincent dito sa lobby ng hospital. Nababagot pero nag-aalala rin ako. He had never been this late before. Mahigit isang oras na, since the time he promised to pick me up. I tried calling him, but hindi niya sinasagot ang tawag ko. I’d sent countless messages, too, but there was still no reply. Two days ago, he had dinner with his family. Ang saya-saya niya habang kinukwento sa akin, his mother and stepfather were finally treating him better. Ang saya ko for him. Nagpasalamat pa nga siya akin dahil nagdilang anghel daw ako. Kaya nga kami lalabas ngayon para e-celebrate ang magandang nangyayari sa buhay niya.Kaya lang medyo naiinis na ako. Nakakapagod maghintay sa taong hindi mo alam kung darating pa ba o hindi na. Ang excitement ko, napapalitan ng impatience. Napabuga na lang ako ng hangin habang mabagal na naglalakad papunta sa waiting area at pabagsak na umupo. My f