ONSE
Walang pagsidlan ang saya na nararamdaman ko. Althea was finally back. Lahat ng sama ng loob, galit, agad nawala nang magkita kami. The relief of knowing she had chosen me after all the heartbreak was overwhelming. Kung ano man ang nabasag sa loob ko noon, agad-agad nabuo dahil sa pagbabalik niya. Sure, she had made a mistake—falling for another guy’s sweet words—but I convinced myself that it was just a slip moment of weakness. After all, Althea is younger than me, and that gap always made me a little insecure. I worried that one day she might get bored of me or fall for someone her age. Nangyari nga ‘yon. But now, none of that matters. She was back, and that’s all I needed. Sisiguraduhin ko na hindi na ulit siya hahanap ng iba. Katatapos nga lang namin mag-usap. At sabi niya darating siya. Gusto niya raw bumawi sa mga kasalanan na nagawa niya. Sa sobrang tuwa ko, nag-send ako ng message kay Daisy na pumunta rito sa condo ngayon at may mahalagang nangyari na kailangan naming e-celebrate. Kaya lang, ilang minuto na ay wala pa rin akong reply na natanggap mula kay Daisy. Kaya heto, tinawagan ko na siya. Gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Gusto ko alam niya kung ano ang dahilan ng celebration namin. She had been my rock through the toughest moments of my life, the person I could always count on. She listened when I vented and stayed by my side when I didn’t know how to cope with Althea’s betrayal. Daisy had been a huge part of my healing process. In short, she’s my remedy. It felt right that she be part of this moment, too. As Daisy’s phone rings, siya namang pagbukas ng pinto ng unit ko, at pumasok si Althea. Nakangiti. Syempre, masaya siya dahil birthday niya pa rin ang passcode ko. At sa ngiti pa lang niya ay agad nagliwanag, hindi lang ang mukha ko, kundi ang mundo ko. Pati ng itong unit ko nagkaroon ulit ng buhay. Mahigpit na yakap ang salubong ko sa kanya. Dahil sa pagdating niya hindi na nagawang sabihin kay Daisy ang dahilan kung pinapapunt ko siya. Inigaw rin kasi ni Althea ang phone ko at in-off. Nagulat ako sa ginawa niya at akmang babawiin ko ang phone, pero nilayo niya, at saka hinila ako papunta sa couch. Ipinulupot niya ang mga kamay sa batok ko at idiin ang sarili. “Sino ba ang kausap mo?” tanong niya, bakas ang tampo at selos sa pagsasalita niya, pero halatang naglalambing lang naman. "Mas mahalaga ba 'yon kay sa akin?" Kasabay ng tanong niya ay ang paglapat ng labi niya sa leeg ko, hinalik-halikan ng pinong-pino. Hinapit ko naman ang bawyang. Na-miss ko 'to. Ang yakap niya, ang halik niya, at lambing siya. Napakagat labi ako. Hinawakan ang pisngi niya, at mapusok kong hinalikan na tinugon naman niya ng mapusok din. Bawat haplos ay "Sino 'yong kausap mo,“ hingal niyang tanong nang sa wakas ay natapos ang mapusok na halik. Ngayon ay pinalandas naman nito ang palad sa dibdib ko. Kagat-labi, bakas ang pagsabik. Pinigil ko ang kamay niya, pero pinapak ko naman ang leeg niya. "It was Daisy. I wanted to tell her the good news. I invited her to celebrate with us.” Awtomatikong nahinto ang paglikot ng kamay ni Althea na nagsisimula nang tanggalin ang sinturon Ang mukha nitong sabik na sabik kanina ay wala na. Napalitan ng inis. “What?" Ayon na nga at tumaas na ang boses niya. “Why would you do that, Onse? This is our moment! Tayo lang dapat ang mag-celebrate; hindi siya kasali!” "Althea, 'wag kang magalit, please. Dapat masaya tayo." Tinulak niya ako. "Gusto mong maging masaya tayo, kaya in-invite mo si Daisy? Hindi ko alam gusto mo pala ng threesome!" Nanlaki ang mga mat ko. Sandaling natahimik. “ No, Althea. Hindi gano'n. 'Wag kang mag-isip ng masama. Kaibigan ko lang si Daisy,” paliwanag ko. Hinaplos-haplos ko rin ang mga braso niiya, pinapakalma siya. “She helped me get through everything—” “I don’t care!” singhal niya na ikinatahimik ko. “Sabi mo nga, crush ka niya noon pa. Sinamantala niya ang pagkakataon na mapalapit sa'yo no'ng nawala ako. She’s overstepping, and you’re letting her!” Napisil ko ang noo ko. Hindi ito ang gusto kong mangyari. Dapat masaya kami ngayon at hindi nag-aaway. Hindi ko naman kasi naiisip na magagalit siya. Akala ko maiintindihan niya. “Althea, crush nga niya ako noon, pero hanggang do'n lang 'yon. Walang ibang namamagitan sa amin para magalit ka ng ganyan—” “Walang ibang namamagitan? Ang bilis nga niyang pumasok sa buhay mo nang nawala ako, ‘di ba?” “Althea, tama na, please. Kababati lang natin. Hindi dapat tayo nag-aaway ng ganito. Daisy is just my friend." Nanatili akong kalmado sa kabila ng inis niya. Hindi nilubayan ng haplos ang likod niya. "Inaamin ko, she’s been a great help, noong panahon na halos sumuko na ako. She’s my remedy, but hanggang doon lang ‘yon.” “Remedy? Or should I say, a rebound?!" Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ni minsan, hindi ko na isip na gawin kay Daisy 'yon. Pero naging rebound ko nga ba siya? “Now, you can't say anything, because deep down, you know it's true. Naging panakip butas mo ang Daisy na ‘yon!" Pagbagsak ng bote sa sahig ang sumunod sa sinabing ‘yon ni Althea na nagpakabog ng dibdib ko. My heart sank when I saw Daisy standing near the door, her face pale, her eyes wide with shock. Patinay na narinig niya ang sinabi ni Althea, at alam kong nasasaktan siya. Nahagod ko ang buhok ko. This wasn’t how I wanted her to find out about, sa pagbabalik ni Althea. Ngayon ay napako na ang tingin ni Daisy sa basag na bote sa sahig. Without a word, she kneeled, her hands trembling as she gathered the pieces. “Daisy, umalis ka..." Hindi ko sadyang masabi ang gano'n. Hindi 'yon ang intensyon ko. Ang gusto lang sabihin ay hayaan na lang niya ang basag na bote, pero agad siyang tumayo, nagpaalam at agad umalis. Gusto ko sana siyang sundan. Gusto kong sabihin na hindi ako galit, at hindi ko siya pinapaalis, pero pinigilan ako ni Althea. “Dito ka lang, Onse,” madiin na sabi ni Althea. “Hayaan mo na siya. Ngayon mo patunayan na ako lang ang mahal mo, at ako ang pinipili mo, hindi ang Daisy na ‘yon.” Humawak siya sa braso ko. Namumungay ang mga mata, nagpapaawa na 'wag kong sundan si Daisy. Tipid naman akong ngumiti. Pero ang totoo, gusto pa sanang magpaliwanag, mag-explain, that it wasn’t about choosing between them—it was just about making sure Daisy was okay. Pero dahil ayaw ko na mag-away kami at mag-isip pa siya ng masama, nanatili ako sa kanya. Kaya lang, biglq namang lumakas ang ulan. at alam ko na kapag ganito kalakas ang ulan ay pahirapan ang makasakay. Hindi na ako mapalagay. Ayaw kong magalit si Althea, pero nag-aalala ako kay Daisy. "Babalik ako, just wait for me, okay?" sabi ko kasabay ang pagbitiw sa kanya. I grabbed the umbrella and rushed out the door. Gusto kong masiguro na okay si Daisy. I had to know she wasn’t out there, alone in the storm. Pero mapakla akong napangiti. Bumagal pa ang paghakbang ko. Alalang-alala ako sa kanya, tapos makita ko lang pala siya na sinusundo ng iba. Tumiim ang panga ko nang makitang pasakay na. Kanina bumagal ang paghakbang ko, ngayon ay ang bilis. Agad kong narating ang kinatatayuan niya at hinila siya palayo sa kotse. Ang nakakainis lang, imbes na sumama sa akin siya sa akin, at pumayag na ako ang maghatid sa kanya. Nagmatigas pa . Hindi pa siya pumalag nang humawak si Vincent sa baywang niya. Hindi ko gusto ang ginawa ng lalaki. Ayaw ko ang klase ng paghawak niya sa baywang ni Daisy. Iba ang dating, may ibang ibig sabihin. Napako ang paningin ko sa kamay niyang na kampanting humawak sa baywang ni Daisy. Humigpit din ang paghawak ko sa payong. Gustong sitahin ang lalaki—gusto kong komprontahin si Daisy kung bakit siya pumayag na hawakan ng lalaki. Dahil ba sa ulan. Dahil ba nabasa siya at nilalamig. Gusto kong hilahin si Daisy palayo sa kanya, pero ano ba ang karapatan ko. Kahit pa sabihin na magkaibigan kami at nakababatang kapatid ang turing ko sa kanya, hindi pa rin tama na mangingialam ako sa mga affairs niya. Nasa tamang edad na nga siya. Kaya lang hindi ko maintindihan ang sarili. Seeing her with another guy stirred something inside me. Hindi ko alam kung ano 'to, ang alam ko lang at sigurado ako, hindi maganda sa pakiramdam. Lalo pa akong naiinis sa pagmamatigas at pagsagot-sagot niya sa akin, kaya imbes na pilitin pa siya na sumama sa akin, walang salita na umalis ako sa harap nila, pero nagpupuyos naman sa galit ang kalooban ko.DAISY Hinatid ako ni Vincent sa bahay, at dahil malakas pa rin ng ulan, I invited him inside na hindi ko sana ginawa dahil mag-isa lang ako sa bahay. Nasa Canada na rin kasi si Mama kasama si Reynan at pamilya nito. Dapat sana ay kasama ko sila ngayon, umuwi lang kasi ako para um-attend ng kasal ni Charmaine. Wala akong plano na magtagal. But then, everything with Sir Onse happened—our friendship, our late-night talks, the way he leaned on me when things fell apart with Althea. It made me stay longer than I had planned. Ngayong bumalik na si Althea, hindi ko na alam kung mananatili pa ba ako o aalis na lang. “Vincent magkape ka muna," sabi ko habang inaabot ang kape na nakangiting tinanggap naman ni Vincent. " Salamat, Daisy," sabi niya sabay tiingin sa basa kong damit na ikinailang ko. "Ayos na ako rito, magpalit ka muna, at baka magkasakit ka." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Akala ko kasi iba ang nasa utak niya. Nakalimutan kong mabait nga pala 'to si Vincent at gen
DAISY Matapos ang ilang linggong walang tulog at puro iyak, sa wakas, nabuksan na rin ang isip ko. Natauhan na ako. It was time to stop waiting for someone who would never love me. Time to stop living in the shadows of a love that was never mine to begin with. Masaya na siya kasama ang mahal niya, kaya ako, bukas na bukas na rin ang puso para sa iba at maging masaya kagaya niya. For the first time, I agreed to go on a date with Vincent. It was a small step, para sa tuluyang pagbubukas ng puso ko. Ngayon nga ay nakatayo ako sa harap ng salamin, getting ready for our first official date, and I couldn’t help but feel a mix of emotions. There was excitement, takot, at may pangamba. Oo, handa na nga akong buksan ang puso ko para kay Vincent, but no matter how hard I tried to push Sir Onse out of my mind, he remained there—like an uninvited guest who refused to leave. I sighed, shaking my head at my reflection. Tinapik-tapik ko ang noo ko para tuluyang mawala sa utak ko si Sir Ons
Wala na akong nagawa kung hindi panoorin na lang si Daisy kasama si Vincent na parang sinasamantala ang pagkakataon na mahawakan na naman siya. Ewan ko ba, may pakiramdam ako na sinasadya ni Vencent na hawakan ng gano’n si Daisy para galitin ako. At nagawa nga niya. Sinisindihan niya ang galit ko. Gusto ko na nga silang habulin. Gusto kong agawin si Daisy mula sa kanya, at gusto kong sapakin siya at pagsabihan na layuan si Daisy. Pero ano ba ang karapatan ko para gawin ang bagay na ‘yon? Anong karapatan ko na manghimasok sa mga affairs ni Daisy? Gaya nga ng tanong niya kanina, anong pakialam ko? Kahit nagngitngit ang kalooban ko, I returned to the table na parang walang nangyari, but my thoughts were spinning. Si Daisy pa rin ang laman ng utak ko. I tried to push it out of my head at mag-focus na lang kay Althea, but it felt impossible. “Babe, are you okay?" tanong nito, at banayad na hinawakan ang kamay ko. Paulit-ulit akong tumatango at ngumiti. “Yes, I’m fine. Masaya ako na ka
My heart stopped, and my mind raced, realizing na mali ang nasabi ko. Bulong lang ‘yon, pero alam kong narinig ni Althea. Gaya ko, hindi na rin siya gumagalaw; hindi nakakapagsalita, at nanatili lang sa kandungan ko. Then she pushed me away. Hinagilap ang mga saplot niya at tahimik iyong sinuot, at pagkatapos ay hinarap ako.Kung kanina ay gulat ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay galit na. Galit na hindi ko alam kung paano pawiin, kung paano mawala.“What did you just say?” Nanginginig ang boses niya na sumabay sa marahas niyang paghinga dahil sa pinipigil na emosyon. Katulad niya, hindi ko na rin halos mahabol ang marahas kong paghinga. Panic rising in my throat. I couldn’t move, couldn’t speak. Gusto kong mag-sorry; gustong magpaliwanag, kaya lang paano? Bilang lalaki, alam kong walang excuse ang ginawa ko—ang sinabi ko. Alam kong nasaktan ko ng sobra si Althea sa puntong ‘to.“I…” Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko, pero nilapat ko naman ang palad ko sa pisngi na
DAISYPara akong lutang nang lumabas kami ni Vincent sa restaurant. Sa sobrang lutang ko, maski ang sawayin siya sa ginagawang paghaplos-haplos sa baywang ko ay hindi ko nagawa. Hinayaan ko lang siya na parang nagugustuhan ang ginagawa niya. Pero hindi; hindi ko nagugustuhan. Si Sir Onse naman kasi, panira! Masaya na sana ako kanina. komportable na akong kasama si Vincent; biglang sulpot naman siya. Gulat na gulat ako kanina: hindi ko akalain na magkikita pa ulit kami matapos ang ilang linggo na walang kahit anong communication. Kaya lang, imbes na matutuwa ako sa muli naming pagkikita, hindi ‘e—nainis ako; hindi ko nagustuhan ang paghawak niya sa braso ko na sobrang higpit. Masakit. Ramdam ko ang pagbaon ng mga daliri niya sa manipis kong braso. Ang mas nakakainis pa, ang mga tanong niya wala sa ayos; wala sa lugar. Bakit ba siya nagagalit? Anong pakialam niya kung makipag-date ako sa ibang lalaki. Siya nga ‘e, agad-agad na tinanggap si Althea kahit niloko siya noon. Tapos ako p
“Sandali," sabi ko, habang binubuksan ang gate. At nang mabuksan ko, malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko—sampal mula kay Althea. Ang lakas na muntik kong ikatumba. Sa sobrang gulat, hindi kaagad ako nakapagsalita; hindi ako makagalaw. Napahawak lang ako sa pisngi kong parang sinisilaban. Ang init. Ang hapdi. Ang sakit. Parang sandaling nawala ang pandinig ko. Hindi pa man ako nakabawi sa pagkabigla, umalingawngaw naman ang nanggagalaiting sigaw ni Althea. “You—! You shameless woman!” And before I could react, inabot naman niya ang ulo ko. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa scalp ko bago niya hinila ang buhok ko. Wala akong nagawa kundi ang humikbi lang. I was too shocked to fight back. Nagawa ko lang hawakan ang kamay niya nang hindi ko na matiis ang sakit sa anit kong parang natuklap na. Sumabay rin ang hampas ng isang kamay niya sa mukha ko ang pagsabunot sa buhok ko. “Ano ba, Ms. Althea! Tama na po!" Daïng at hikbi ang kasama ng pakiusap ko. Sakabila ng
Onse’s concern for Althea was undeniable, as he quickly helped her to her feet. Pero ang tingin niya sa akin ay parang pana na pinupuntariya ang puso ko. “How could you, Daisy?!” Dinuro-duro niya ako na para bang hindi niya ako kilala; hindi niya ako nakasama ng ilang buwan para isipin na magagawa kong manakit na walang dahilan.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagulat na nga ako sa biglang pagdating niya, nagulat pa ako sa inaasta niya; hindi ko in-expect na agad niya akong sisihin na hindi man lang inaalam kung ano ang totoong nangyari. At saka, ano ba ang nangyayari at pareho silang sumugod rito?“Paano mo nagawang manakit? Kailan ka pa naging ganito ka bayolente?" His accusations spilled from his lips. Tinapunan niya rin ng matalim na tingin si Vincent na para bang sinisisi niya ito dahil hindi ako inawat sa pananakit ko sa pinakamamahal niyang girlfriend. Imbes na sumagot ako, magpaliwanag o e-defend ang sarili; nanahimik ako. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya, ang pag
ONSENakauwi na ako sa condo kasama si Althea, at ngayon nga ay katabi ko na siya sa kama. Yakap-yakap ko, pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita, tanging ang mahinang hikbi niya lang ang maririnig sa loob ng kwarto. I pressed my lips on her forehead, mahigpit na yakap naman ang sagot niya. After the chaos that had happened between her and Daisy, nagkabati kami. She realized na hindi ko kinukunsinti ang pananakit sa kanya ni Daisy, kahit pa malalim ang pagkakaibigan namin. Now we are back to being us.“Onse…” Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagsalita rin si Althea. She pressed her cheek against my chest and began talking about the fight with Daisy. “Kung alam ko lang na aabot sa gano’n ang sitwasyon, hindi na lang sana ako nagpunta sa bahay ni Daisy," her voice soft but edged with raw emotion.Hindi ako umimik, pero kamay ko naman ay marahan na humaplos-haplos sa buhok niya. Gusto kong maramdaman niya na kahit hindi ako umiimik, handa naman akong makinig sa sasabihin niy
Onse Isang buwan na ang lumipas matapos ang bangungot na nagdulot sa amin ng takot—takot na si Althea ang dahilan. Ngayon ay unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Wala nang banta at panganib na nag-aabang sa amin. Nakulong na si Althea, habang buhay niyang pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa, at ang mas satisfying, hindi lang kasi parusa ng tao ang natanggap niya, pati parusa ng diyos. Dahil babae nga siyang hindi mapakali at iba’t-ibang lalaki ang sinamahan, nagkasakit siya—cervical cancer at nasa huling yugto na. Si Vincent naman ay namuhay na ng payapa kasama ang asawa sa ibang bansa. Sa wakas ay tanggap na niya na tapos na sila ni Daisy at may kanya-kanya na silang mga buhay. Ako naman, nangakong bubuharahin ang lahat ng mga bahid ng takot na paminsan-minsan pa ring gumigising sa amin sa kalagitnaan ng pagtulog. Sa tulong ni Charmaine at Danreve, at ng aming mga pamilya, tuluyan nang bumalik ang sigla ni Daisy. Hindi na rin sumumpong memory lapses niya na ipinagpasal
Habang pauwi, panay pa rin ang sulyap ni Danreve sa akin sa rear view mirror. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, o kung ano gusto niyang sabihin. Paminsan-minsan rin niyang tinatapunan ng tingin si Daisy. Gustong-gusto ko nang magtanong kung ano ang iniisip niya, pero kinakabahan naman ako sa kung ano ang kanyang sasabihin. Baka kasi magdulot na naman ng kaba sa asawa ko. Ilang sandali pa ay rinig na namin ang mahinang hilik ni Daisy na nagpangiti naman sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sa kabila ng mga nangyari, hindi siya bumigay. Naging matatag siya kahit nalagay na sa panganib ang buhay. Sana lang, hindi na bumalik ang memory lapses niya. “Ano ba, bro? Kanina ka pa!" Hindi na ako nakatiis at sinita ko na nga kaibigan kong ayaw pa rin ako tantanan ng tingin. “Sabihin mo na ang laman ng utak mo, nakakatakot na ang klase ng tingin mo," dagdag ko na tipid na ngiti naman ang sagot niya. “Nakakatakot agad? Masaya lang ako, kasi walang masamang nangyari kay Da
Pikit mata kong niyakap si Daisy, habang pigil ang hininga, pero agad ko ring naidilat ang mga mata nang makaramdam ng tapik sa balikat. Kumawala ang hiningang kanina ay napigil ko. Napako ang tingin ko sa kaibigan kong bakas ang pag-alala sa mukha.Ang putok ng baril kanina ay hindi galing sa baril ni Althea, kundi galing sa baril bodyguard ni Danreve na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin ang mga baril sa maliit na bintana."Are you two okay?" tanong ni Danreve, habang gumagala ang mga mata niya sa amin ni Daisy, naghahanap ng pinsala.Umiling-iling ako. Gusto kong sumagot na hindi ako okay. Halos mapugto ang hininga ko nang makita si Daisy na nakalambitin sa bintana. Hanggang ngayon nga ay kinakapos pa rin ako sa hininga. Hindi ko pa magawang luwagan ang pagyakap kay Daisy na parang batang kumapit sa batok ko at binaon ang mukha sa dibdib ko.“Asawa ko,” pabulong kong sabi. Gaya ko, nanginginig din ang buong katawan niya at kinakapos sa hininga. “It’s over. You’re safe now.” Hinap
“Kuya, magpahinga ka naman muna,” mahinahong sabi ni Charmaine.Kanina pa nila ako sinisitang mag-asawa. Gusto nilang magpahinga ako. Pero paano ako makapaghinga? Hindi ko pa alam kung nasaan si Daisy. Wala pa ring balita sa kanya. Para sa akin ang magpahinga ay pagsasayang ng oras. Nandito nga ako ngayon sa hospital kasama sila, pero maya’t maya naman ay may kausap ako sa cellphone. Nagtatanong kung may balita na ba, kung may lead na kung sino ang dumukot kay Daisy. Kahit ilang segundo ay hindi ako tumigil na gumawa ng paraan para matunton si Daisy. “Hangga’t hindi pa nahahanap si Daisy, hindi ako magpapahinga,” sagot ko sa kapatid kong napabuntong-hininga na lang habang inalo-alo naman ni Danreve. “Alis na muna ako." Lalabas na sana ako, pero nahinto nang mag-ring ang cellphone ko na agad kong sinagot. Tawag mula sa police station ang natanggap ko na sandaling nagpatulala sa akin. Dinukot raw si Vincent ng mga armadong lalaki, at kasalukuyang sinusundan ng mga pulis.Hindi tung
Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Sigurado ako, nakaramdam si Althea na walang nangyayari sa amin ni Vincent sa loob, kaya gumawa na sila ng paraan na mabuksan ang pinto. Ilang beses ko pang narinig ang kalampag at ang huli ay malakas na kalabog. Tanda na nabuksan at napasok na nila ang kwarto. At ngayon nga ay naririnig ko na ang nangyayaring commotion. “Nasaan si Daisy?" nanggagalaiting sigaw ni Althea na sumabay sa pamimilipit ni Vincent. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Iniharang ang naninigas kong katawan sa pinto. Kada sigaw, utos ni Althea, at daing ni Vincent ay tumatagos dito sa loob ng banyo na nagpapapikit sa mga mata ko. Hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko, tainga ko ba para hindi marinig paghihirap ni Vincent o bibig. Sa huli ay bibig ko ang tinakpan ko sa nanginginig kong mga kamay. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko, kaya sinusubukan pigilin. Kada sigaw at daing ni Vincent ay nag-so-sorry ako. Wala n
Vincent’s jaw clenched as his eyes flicked to me, then to Althea. Tumawa naman ng malakas si Athea. “Oh, Vincent, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? To be with Daisy, ang pinakamamahal mo!” Nakagat ko ang labi ko. Sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha ko. “This isn’t what I wanted, Althea. Pakawalan mo siya!” singhal niya. Akmang lalapit sa akin, pero agad siyang hinawakan ng mga tauhan ni Althea. “You’re insane.”“Am I?” Tumaas ang isang kilay ni Athea, sumilay na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya. “Mga tao nga naman, sila pa ‘yong tinulungan, sila pa ang galit. Napaka-ungrateful.” “Tigilan mo na ‘to, Althea. Pakawalan mo na si Daisy!” “Anong titigilan? Hindi pa nga tayo nagsisimula, tapos tigil na?” nakakaloko na naman siyang tumawa. ‘Yong tawa na parang biro lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Parang pinaglalaruan niya kami. “Akin na…” sabi ni Althea sa tauhan niya na alerto nama
“Yes, It’s me, your biggest nightmare!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na hahantong ang selos ni Althea sa ganito. “Althea, bakit mo ba ‘to ginagawa? Pakawalan mo ako!" “Shut up!” singhal niya. Ang tinis ng boses niya, ang sakit sa tainga. Hindi pa siya kontento na singhalan ako, dinuro-duro niya pa ako sa puntong halos itusok na niya ang daliri sa mga mata ko. Sandaling tumigil ang paghinga ko habang nakatingin sa nanlilisik nitong mga mata. Kung dati ay puno ng kaartehan ang kada salita niya at kada galaw, ngayon ay nawala ‘yon lahat. Galit at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit na sa tingin ko ay handang pumatay.“ ‘Yan nga, tumahimik ka! Hindi uubra ang pagtapang-tapangan mo ngayon!” Malakas na tawa ang tumapos sa salita niyang ‘yon.Punong-puno ng takot ang dibdib ko. Pero hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. “Althea, tigilan mo na ‘to, please. Pakawalan mo na ako.” Pakiusap ko, sa kabila ng nakakatakot na hitsur
I woke up in an unfamiliar bed, feeling like I was trapped in a nightmare. Hindi ako makagalaw. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Ang dilim pa nitong kwarto na kinaroroonan ko. Napahikbi ako na sumabay sa malakas na kabog ng puso ko. Sinubukan kong alisin ang tali sa kamay ko. Hinila-hila ang mga paa ko at hinablot ng paulit-ulit mga kamay, hindi alintana ang sakit na nararamdaman ko. Desperado akong makawala—desperadong magising sa masamang bangungot na parang pumapatay sa akin ngayon.“Ayoko rito!" Pakawalan n’yo ako!” Nanghihina kong sigaw, pero hindi pa rin tumigil sa paghablot sa kamay ko. Kada hablot, kada ikot sa mga kamay ko, kada tadyak ng may kasamang determinasyon na makakatakas ako. Pero walang silbi ang ginagawa ko. Kahit binuhos ko na ang buong lakas ko, ayaw pa rin maputol ng tali, ayaw matanggal. Ang hapdi na ng pulsuhan ko, ang sakit-sakit ng mga paa ko. Tumingala ako, pilit inaainag ang tali sa kamay ko. Lalo lang akong nanlumo nang makitang makapal na lubid ang m
OnseNandito na ako sa courtroom, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makapag-focus. Nahahati ang utak ko—kay Daisy sa mga tanong na binato sa kliyente ko sa ginawang cross-examination. Nagagawa ko pa namang sitahin ang mga misleading na tanong, pero halatang humihina ang depensa ko.Hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko ang pag-aalala. Siguro, ganito ang nararamdaman ni Daisy sa tuwing hindi niya ako kasama, kinakain ang buong sistema niya ng takot. Kasama nga niya si Charmaine at Danreve, pero nag-aalala pa rin ako. Nang matapos ang court hearing, agad-agad akong umalis, ni ang kausapin ang kliyente ko ay hindi ko na ginawa. Nangako ako kay Daisy na susunod ako.Ang bilis ng mga hakbang ko papunta sa parking area, at dire-diretsong nag-drive papunta sa hospital. Ilang minuto lang nakarating na ako. Dali-dali naman akong nagpunta sa clinic. Mga hakbang ko ang bilis at ang laki. Gusto ko kasi na marinig mula sa doctor ni Daisy na nasa maayos ba na lagay ang baby namin.Heto na