“Sandali," sabi ko, habang binubuksan ang gate. At nang mabuksan ko, malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko—sampal mula kay Althea. Ang lakas na muntik kong ikatumba. Sa sobrang gulat, hindi kaagad ako nakapagsalita; hindi ako makagalaw. Napahawak lang ako sa pisngi kong parang sinisilaban. Ang init. Ang hapdi. Ang sakit. Parang sandaling nawala ang pandinig ko. Hindi pa man ako nakabawi sa pagkabigla, umalingawngaw naman ang nanggagalaiting sigaw ni Althea. “You—! You shameless woman!” And before I could react, inabot naman niya ang ulo ko. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa scalp ko bago niya hinila ang buhok ko. Wala akong nagawa kundi ang humikbi lang. I was too shocked to fight back. Nagawa ko lang hawakan ang kamay niya nang hindi ko na matiis ang sakit sa anit kong parang natuklap na. Sumabay rin ang hampas ng isang kamay niya sa mukha ko ang pagsabunot sa buhok ko. “Ano ba, Ms. Althea! Tama na po!" Daïng at hikbi ang kasama ng pakiusap ko. Sakabila ng
Onse’s concern for Althea was undeniable, as he quickly helped her to her feet. Pero ang tingin niya sa akin ay parang pana na pinupuntariya ang puso ko. “How could you, Daisy?!” Dinuro-duro niya ako na para bang hindi niya ako kilala; hindi niya ako nakasama ng ilang buwan para isipin na magagawa kong manakit na walang dahilan.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagulat na nga ako sa biglang pagdating niya, nagulat pa ako sa inaasta niya; hindi ko in-expect na agad niya akong sisihin na hindi man lang inaalam kung ano ang totoong nangyari. At saka, ano ba ang nangyayari at pareho silang sumugod rito?“Paano mo nagawang manakit? Kailan ka pa naging ganito ka bayolente?" His accusations spilled from his lips. Tinapunan niya rin ng matalim na tingin si Vincent na para bang sinisisi niya ito dahil hindi ako inawat sa pananakit ko sa pinakamamahal niyang girlfriend. Imbes na sumagot ako, magpaliwanag o e-defend ang sarili; nanahimik ako. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya, ang pag
ONSENakauwi na ako sa condo kasama si Althea, at ngayon nga ay katabi ko na siya sa kama. Yakap-yakap ko, pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita, tanging ang mahinang hikbi niya lang ang maririnig sa loob ng kwarto. I pressed my lips on her forehead, mahigpit na yakap naman ang sagot niya. After the chaos that had happened between her and Daisy, nagkabati kami. She realized na hindi ko kinukunsinti ang pananakit sa kanya ni Daisy, kahit pa malalim ang pagkakaibigan namin. Now we are back to being us.“Onse…” Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagsalita rin si Althea. She pressed her cheek against my chest and began talking about the fight with Daisy. “Kung alam ko lang na aabot sa gano’n ang sitwasyon, hindi na lang sana ako nagpunta sa bahay ni Daisy," her voice soft but edged with raw emotion.Hindi ako umimik, pero kamay ko naman ay marahan na humaplos-haplos sa buhok niya. Gusto kong maramdaman niya na kahit hindi ako umiimik, handa naman akong makinig sa sasabihin niy
The realization hit me hard when I discovered Daisy had blocked me. Hindi lang number ko, pati na rin sa mga social media. I intended to explain and apologize, but she cut me off completely. Kalooban ko tumututol sa ginagawa niya; hindi ako mapanatag. And yes, masakit ang ginawa niya; hindi ako makapaniwala na magagawa niya akong despatsahin sa buhay niya. But, ito ang gusto niya; so be it. Maybe it was for the best.Hindi na ako sumubok na muling kontakin siya, o ang mag-isip ng posibilidad na magkita kami ay iniwasan ko. Nakakalungkot mang isipin na umabot kami sa puntong ‘to, pero tinanggap ko—I lost my friend; my remedy. Ang hirap pala tanggapin, inaamin ko; hindi madali, pero wala na akong magagawa—bin-lock ako; she wants me out of her life, kasi may Vincent na siya.Para mawala sa isip ko si Daisy, at ang mga nangyari, I threw myself into work. I barely left the office. Sinisiguro kong puno ang calendar ko ng mga appointments. Tanggap lang ako ng tanggap ng clients. Kahit a
DAISY Dumaan ang mga araw, after that chaotic night between me, Althea, and Onse. At hanggang ngayon, paminsan-minsan ko pa rin na naririnig ang mga bintang sa akin ni Onse. May konting sakit pa rin akong nararamdaman, but I forced myself to shake them off. Pati ang paghanga ko sa kanya ay pinipilit kong mawala. Tama na ang ilang taon na kahibangan ko. Ayaw ko na sayangin ang oras ko, at ang panahon ko sa kanya. Kaya, bin-lock ko siya, hindi lang ang numero niya, sa social media, pati na rin sa buhay ko. Wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin niya, o kung ano ang nararamdaman niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang lumaya sa anino niya—sa anino nila ni Althea. Hindi ko hahayaan na huminto ang buhay ko dahil sa mga binitawan niyang salita, at lalong hindi hihinto ang pag-ikot ng mundo ko, ngayong hindi na siya parte ng buhay ko. Sa trabaho ako nag-focus; kay Vincent, na inaamin ko ay nagustuhan na, hindi lang nitong utak ko, kundi pati nitong puso ko. Kung dati ang routi
As a nurse, I’d trained myself to set aside personal feelings when it came to my patients. Today was no exception, kailangan kong e-assist si Althea. Yes, siya ang nakita kong nakahiga at walang malay sa stretcher. Hindi ko ipagkakaila na galit pa rin ako sa kanya. But ang galit na ‘yon, hindi pwedeng maging hadlang sa tungkulin ko. Matapos ang sandaling pagkabigla at pagkatulala, nilapitan ko na siya, nagtanong ng ilang impormasyon sa medics na naghatid sa kanya. At saka sinimulan na ang paggamot sa kanya. I focused on what needed to be done, na parang walang hidwaan na nangyari sa amin. I cleaned her wound, applied the necessary dressings, and monitored her vital signs.Nag-instruct naman ang doctor na kailangan niya mag-undergo CAT scan. Hindi man gano’n kalubha ang sugat niya, pero dahil ulo nga ang napinsala, matindi ang pagdurugo, kaya kinakailangan pa rin ang test para masigurong maayos ang lagay niya. Ngayon ay sinimulan nang tahiin ng doctor ang sugat niya, at ako, alert
ONSEWhen I got the call that Althea had been in an accident, I didn’t hesitate. I cut short my conversation with my client and offered a brief apology. Thankfully, naintindihan naman ng client kung bakit kailangan kong umalis agad. I left without a second thought. Gusto ko na agad makita si Althea. Gusto kung alamin ang lagay niya.Habang papunta ako sa hospital, my mind was a whirlwind, my heart pounding in my chest. Parang nanlalamig ang batok ko. Takot na takot sa kung ano ang datnan ko. Nawalan daw kasi ng malay si Althea. I prayed. Paulit-ulit akong nagdasal sa diyos na sana hindi siya malubha. Sana okay siya. I wasn’t a religious man, but right then, I found myself reaching out to something greater, hoping it would keep her safe.As soon as I arrived at the emergency room, kaagad hinanap ng mga mata ko si Althea, nagtanong sa nurse na nasalubong ko kung nasaan siya. Then I finally found her on a stretcher, unconscious.I hurried to her side, taking her hand in mine. Awang-awa
Para akong natuod sa biglaang tanong ni Althea. Parang tumigas ang dila ko, at nag-lock ang panga ko. Hindi ko na mabuka ang bibig ko. Gusto kong sumagot; gustong magpaliwanag. Pero paano? Ano ang sasabihin ko? Maniniwala rin ba kaya siya sa kung ano ang isasagot ko, o magagalit lang siya at aawayin ako? Mapaklang tawa ni Althea ang bumasag ng katahimikan—tawang alam kong may bahid na inis at selos. Hinawakan ko ang kamay niya, at sasagot na sana ako, but she pulled away na awtomatikong nagpatikom sa labi ko. “You know what? Don’t bother answering. Kitang-kita naman sa mukha mo—you’re happy to see her. Laglag panga ka nga kanina.” Her voice carries an edge of sarcasm. Napabuga ako ng hangin. Sabi na nga ba. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ‘to. Kaya nga nag-aalangan akong sumagot dahil alam ko na kahit anong isasagot ko, magagalit pa rin siya. Mamasamain pa rin niya. “Althea,” I reached for her hand. Sinubukan ko pa rin na lambingin siya. Hinaplos-haplos ko rin ang kam
Before I could react, he closed the distance between us and wrapped me in a tight embrace, then he said, “surprise.” His voice was laced with excitement and tenderness. Muli na namang nanigas ang katawan ko. Lahat na klase ng emotion ay ramdam ko. Akala ko naubos na ang luha ko kanina, hindi pa pala. Bumabaha na naman ang mga luha na kahit anong pigil ko, pumapatak pa rin. Sumabay din ang pagyugyug ng balikat na para bang lumilindol. Hinahanap ko sa loob-loob ang saya dahil yakap na niya ako; nandito na siya kasama ko, pero wala akong maramdaman na saya—pain and something na hindi ko ma-explain ang bumabalot sa puso ko ngayon. “Surprise…” I tried to steady my voice, but it cracked. I was indeed surprised. Kanina pa lang sa restaurant, na surpresa na ako, at ngayon naman...hindi ko kasi in-expect na darating siya.“Daisy, I missed you.” His arms tightened around me as though he were trying to shield me from everything that had hurt me. And for a fleeting moment, hinayaan kong manat
Hindi ko na kayang tingnan sila. Malapit na ring pumatak ang luha ko na sinusubukan kong pigilin. Ang saya kasi ni Vincent habang kausap ang babae. Ni minsan hindi siya lumingon. Nasa babae lang ang atensyon niya. Sumikip ang dibdib ko; hindi na rin normal ang paghinga ko. Pakiramdam ko malapit na akong mawalan ng malay. Walang salita na tumalikod ako. Ang laki at bilis ng mga hakbang ko. Nabangga ko pa ang mga upuan na nadaanan ko, pero hindi ko pinansin; hindi ko ininda ang sakit. Ang gusto ko ay lumabas bago pa ako mag-collapse. “Besty?” Charmaine’s voice was laced with concern as I pushed my way out of the restaurant. Alam ko namang agad siyang sumunod. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyayari; hindi niya alam kung ano—sino ang nakita ko sa loob ng restaurant. Hindi niya alam na nando’n si Vincent dahil nakatalikod kasi sila sa isa’t-isa ni Vincent. I didn’t stop until, makalabas ako ng restaurant. Nang makalabas ay sumuksok ako sa isang sulok malapit sa restaurant where
It had been two weeks since Vincent left for Australia on a business trip with his mother. Sa labing apat na araw na ‘yon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay, mag-worry, at mag-isip. Ganito ang nararamdaman ko dahil sa loob ng mga araw na ‘yon, he’d only called me four times. At sa apat na beses na iyon, our conversations had been brief, rushed, and ended with him falling asleep halfway through. Naiintindihan ko naman. Tinatanggap ko agad ang mga paliwanag at paghingi niya ng tawad na walang pag-alinlangan. Alam ko naman kasi na pagod siya, at he was busy. His schedule was packed with endless meetings. ‘Yon ang sabi niya, no’ng huling nag-usap kami. At saka, ‘yong time difference kasi, ang clocked out ko ay nine in the evening, past midnight na ‘yon sa Australia. Natural na makatulog talaga siya.Pero ngayon, ewan na. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang intindihin. Dapat ko pa bang tanggapin ng walang reklamo ang mga paliwanag niya na sa tingin ko ay mga excu
I was about to speak, sasagutin ang salitang sandaling nagpagulo ng utak ko, but the sound of a car pulling up interrupted me. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog na ‘yon, and there it was—Vincent’s car coming to a smooth stop just outside the hospital. Nginitian ko siya. I’m grateful for his impeccable timing, even though my emotions were a tangled mess. Maya maya ay nilingon ko naman si Onse. Sinalubong ang matiim nitong titig sa akin, as if he were bracing himself for what I was about to say. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga. “Masaya po ako, Sir Onse,” sabi ko sa mahinahon na boses. At saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. Na-surprise kasi sa reaction ko ngayon. Dapat kasi ay nag-uumapaw ang saya. Dapat ay excitement ang pinapakita ko, pero hindi ‘e, kalmadong-kalmado ako habang sinasalubong pa rin ang mga mata niya na walang kurap na tumitig sa akin. Ang titig niya, parang ako lang ang nakikita niya. Parang ako lang ang sentro ng mundo niya, at salita
DAISYHindi ako maperme sa kinatatayuan ko. Maya’t maya rin ang pag-check ko sa oras. Kanina ko pa kasi hinihintay si Vincent dito sa lobby ng hospital. Nababagot pero nag-aalala rin ako. He had never been this late before. Mahigit isang oras na, since the time he promised to pick me up. I tried calling him, but hindi niya sinasagot ang tawag ko. I’d sent countless messages, too, but there was still no reply. Two days ago, he had dinner with his family. Ang saya-saya niya habang kinukwento sa akin, his mother and stepfather were finally treating him better. Ang saya ko for him. Nagpasalamat pa nga siya akin dahil nagdilang anghel daw ako. Kaya nga kami lalabas ngayon para e-celebrate ang magandang nangyayari sa buhay niya.Kaya lang medyo naiinis na ako. Nakakapagod maghintay sa taong hindi mo alam kung darating pa ba o hindi na. Ang excitement ko, napapalitan ng impatience. Napabuga na lang ako ng hangin habang mabagal na naglalakad papunta sa waiting area at pabagsak na umupo. My f
Matapos makatanggap ng magkasunod na sampal, saka lang na-realize ni Althea kung sino ang inataki niya. Ngayon ay umawang na ang labi at nanlalaki ang mga mata habang dinuduro ng kapatid ko na nanggagalaiti sa galit. Ngayon ko lang nakita ang kapatid ko na magalit ng ganito. Ang lakas ng sampal na tumama sa pisngi ni Althea. Iba pala talaga magalit ang mga taong mabait. Ang lambing din nitong kapatid ko at pino pa kumilos. Siya ‘yong tipong nagpaparaya lang at tatanggapin lang kung ano ang ibabato sa kanya, pero ngayon, ibang-iba siya.Si Althea naman, matapos ma-realize na si Charmaine pala ang inataki niya, biglang kumalma. Ang gulat na ekspresyon niya kanina, ngayon ay napalitan ng hiya. Ni ang hawakan ang pisngi niya na may bakas ng palad ni Charmaine ay hindi niya nagawa. Gumalaw lang ang labi nito na parang may gustong sabihin, but words never came out. She knew well enough that Charmaine had disliked her from the start and had repeatedly warned me not to trust Althea. Charmai
Banayad na haplos sa pisngi ko ang gumising sa pagtulog ko. It was my sister, Charmaine. Her touch was filled with warmth and concern. Hinawakan ko rin at pisngi niya at nginitian ng matamis."Kuya Onse. Mabuti naman at gising ka na. Pinag-alala mo ako. Alam mo ba ‘yon?" sabi niya. Boses niya, magkahalong inis at pag-aalala. “Ano ba ang pumasok sa utak mo at nagpabaya ka sa sarili?” Sunod-sunod na ang tanong niya na hindi ko alam kung alin ang unang sasagutin. Ibubuka ko pa lang kasi ang bibig ko, may tanong na naman siya. Ano raw ba ang nangyari? Kumusta na raw ang pakiramdam ko. Ang sabi raw kasi ng doctor ay dehydrated ako at hypertensive pa. Hindi ko naman kasi sinabi sa pamilya ko ang kondisyon ko. Ayaw kong mag-alala pa sila. At saka kaya ko naman ang sarili; hindi ko naman naisip na aabot sa ganito.“Kuya Onse, magpahinga ka naman. Isipin mo naman ang sarili mo. Hindi ka na po bumabata. ‘Wag puro trabaho. At saka ‘wag mong e-invest ang sarili sa taong walang kwenta…”Mapait ako
Sa wakas tuluyan na rin akong nakalabas, hindi lang sa kwarto, kundi pati na rin sa buhay ni Althea. Heto nga, mga curious na tingin naman ang binabato sa akin ng mga taong nakarinig ng away namin ni Althea. Mga tingin nila, may bahid ng panghuhusga, pero mas nangibabaw ang pagkairita. Nakakaistorbo nga kasi ang mga sigaw ni Althea na hanggang ngayon ay um-echo pa rin sa hallway. Anong klase nga bang babae si Althea? Hindi niya ba naisip na nandito siya sa hospital, pero kung magwala siya ay parang nasa sariling pamamahay. Nahihiya man akong masalubong ang mga tingin ng lahat, I kept moving, determined to find Daisy. I needed to apologize to her for the mess Althea had dragged her into.Ang bilis kong narating ang emergency room, pero hindi ko makita si Daisy, kaya nagtanong na ako sa kasamahan niya, at ang sabi nga nito ay lumabas si Daisy. Sigurado raw na magpapahupa ng sama ng loob. I ran a hand through my hair, my frustration growing as I headed to the nurse’s lounge. But she w
ONSETinapunan ko ng matalim na tingin si Althea. "Akala ko ba magbabago ka na. Akala ko, hindi mo na naguguluhin si Daisy." Hindi ko na na-kontrol ang sarili at nasinghalan ko na siya na ikinapikit ng mga mata niya. “You promised you wouldn’t mess with Daisy again, Althea. Ano na naman itong ginawa mo?" dagdag ko, sabay lingon kay Daisy na malapit nang mawala sa paningin ko.Imbes na sumagot, sinubukan niyang kalasin ang kamay ko na maghigpit na humawak sa braso niya. “Onse, nasasaktan ako. Bitiwan mo na ako, please," pagmamakaawa niya. Tears welled in her eyes. Pero hindi maitago ng mga luha niya ang galit sa mga mata niya. Nandon’n din ang tingin na parang nagsasabi na siya ang biktima at si Daisy ang nanakit. Ganitong-ganito rin niya ako tingnan no’ng sumugod siya sa bahay ni Daisy. Napamura na lang ako ng tahimik. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi ko nakita ang ugaling pinapakita niya ngayon. Back then, ang tingin ko sa kanya perpekto, maganda, marunong rumespeto ano man ang e