ONSEWhen I got the call that Althea had been in an accident, I didn’t hesitate. I cut short my conversation with my client and offered a brief apology. Thankfully, naintindihan naman ng client kung bakit kailangan kong umalis agad. I left without a second thought. Gusto ko na agad makita si Althea. Gusto kung alamin ang lagay niya.Habang papunta ako sa hospital, my mind was a whirlwind, my heart pounding in my chest. Parang nanlalamig ang batok ko. Takot na takot sa kung ano ang datnan ko. Nawalan daw kasi ng malay si Althea. I prayed. Paulit-ulit akong nagdasal sa diyos na sana hindi siya malubha. Sana okay siya. I wasn’t a religious man, but right then, I found myself reaching out to something greater, hoping it would keep her safe.As soon as I arrived at the emergency room, kaagad hinanap ng mga mata ko si Althea, nagtanong sa nurse na nasalubong ko kung nasaan siya. Then I finally found her on a stretcher, unconscious.I hurried to her side, taking her hand in mine. Awang-awa
Para akong natuod sa biglaang tanong ni Althea. Parang tumigas ang dila ko, at nag-lock ang panga ko. Hindi ko na mabuka ang bibig ko. Gusto kong sumagot; gustong magpaliwanag. Pero paano? Ano ang sasabihin ko? Maniniwala rin ba kaya siya sa kung ano ang isasagot ko, o magagalit lang siya at aawayin ako? Mapaklang tawa ni Althea ang bumasag ng katahimikan—tawang alam kong may bahid na inis at selos. Hinawakan ko ang kamay niya, at sasagot na sana ako, but she pulled away na awtomatikong nagpatikom sa labi ko. “You know what? Don’t bother answering. Kitang-kita naman sa mukha mo—you’re happy to see her. Laglag panga ka nga kanina.” Her voice carries an edge of sarcasm. Napabuga ako ng hangin. Sabi na nga ba. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ‘to. Kaya nga nag-aalangan akong sumagot dahil alam ko na kahit anong isasagot ko, magagalit pa rin siya. Mamasamain pa rin niya. “Althea,” I reached for her hand. Sinubukan ko pa rin na lambingin siya. Hinaplos-haplos ko rin ang kam
Sa kabila ng nakakapagod na trabaho, napapangiti pa rin ako, at dahil ‘yon kay Vincent. Ang saya niya kasing kasama. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa, sa tuwing kasama ko siya natatanggal ang pagod ko. Ngayon nga ay parehong hindi mawala ang ngiti namin habang paminsan-minsan na sumusulyap sa isa’t-isa. Magkahawak kamay na para bang, we were in our own little world, sinusulit ang oras na magkasama kami. But ang masayang moment namin ay nahinto dahil sa nakikita namin ngayon. Saglit pa kaming nagkatinginan ni Vincent. May lalaki kasi, hindi kalayuan sa amin, nakaluhod at parang naninigas ang katawan. His hands braced against the pavement as if the weight of the world rested on his shoulders. Hindi namin kita ang mukha niya dahil nakayuko siya, at parang nahihirapan siyang huminga. Nagkatinginan kami ni Vincent at sa tingin lang, nagkasundo kami na tulungan ang lalaki. Kahit out na kami sa trabaho, bilang mga nurse, dala-dala pa rin namin ang ugali na tumulong sa mga nangangai
Sandaling napako ang paningin ko kay Sir Onse. Hindi ko nagawang itago ang gulat sa sinabi niya. He wanted to talk... alone? I glanced over at Vincent, who was clearly displeased by the request, a faint frown creasing his brow. I gave him a look—a quiet plea for understanding, asking for permission na pagbigyan ko si Onse sa hiling niya. Vincent, though reluctant, nodded. “I’ll wait in the car,” mahinahon nitong sabi, pero hindi maipagkakaila na may bahid ng tampo ang boses niya.Sinundan ko pa ng tingin ang bawat paghakbang niya. Nagi-guilty kasi ako. Dapat kasi, lalayo na ako kay Onse. Pero heto, isang request niya lang, pumayag na ako. He’d been so patient with me, so understanding, and yet here I was, caught between the past and the present.Mahinang tawa ni Onse ang nagbalik ng attention ko sa kanya. It was a bitter laugh, almost mocking sound. Kung kanina ay lungkot at parang nasasaktan ang tingin niya, ngayon ay parang galit na. “Ang close n’yo na,” sabi niya, his tone sharpe
Ako ang gumamot. Masakit. Tahimik kong inulit ang salitang sinabi niya na hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ko nakakalimutan ang mga sinabi niya noon; si Althea ang buhay niya; hindi maghihilom ang sugat sa puso niya. Hangga’t hindi bumalik si Althea. Tapos ngayon, sinasabi niya na ako ang gumamot? Si Althea ang gamot niya, at kung nasasaktan man siya ngayon, hindi ako ang dahilan. Pinili niyang tanggapin ang babae na pinagtaksilan siya noon, kaya siya nasasaktan ngayon. “Daisy, kailangan kita…”Mapakla akong tumawa. Nag-flashback sa akin lahat. Ang unang beses na nakita ko siya sa bahay ni Charmaine, hanggang sa muli naming pagkikita sa kasal naman ni Charmaine. Ang friendship at closeness na nabuo namin no’ng nawasak ang puso niya. Tama rin naman siya, may ambag ako sa paggamot ng sugat sa puso niya. But standing here now, the reality was undeniable: ang dami ng nagbago. And the gap between us felt too wide to bridge.I looked at him intently, searching his e
Abot tainga ang ngiti ni Vincent, at nagniningning rin ang mga mata niya habang walang kurap na tumitig sa akin. Ngayon ang kamay niya ay marahang humaplos-haplos ang pisngi ko na sumabay sa dahan-dahang paglapit ng mukha niya sa akin, at masuyo akong ginawaran ng halik. It was brief but warm, filled with the kind of tenderness I knew he’d been holding back. In the few months we’d been together, I hadn’t allowed him this close, dahil kay Onse. At ngayong tuluyan ko nang tinapos ang kahibangan ko sa kanya, itutuon ko naman ang buong atensyon ko kay Vincent. Gusto kong iparamdam sa kanya na siya na ang gusto kong makasama, at hindi na si Onse.“Daisy, salamat, binigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka,” sabi niya, matapos niya akong gawaran ng halik, pero hintuturo niya ay banayad namang humaplos sa labi ko. Nginitian ko siya ng matamis. “Salamat sa paghihintay, sa pagbibigay oras na iparamdam sa akin na mahalaga ako—na mahal mo ako." Matamis na ngiti at halik sa labi naman ang sa
ONSE"Bakit ngayon ka lang bumalik?" Matinis na boses ni Althea ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng kwarto. Dahil sa gulat, hindi agad ako nakasagot. “Kanina pa ako naghihintay, Onse!" she shouted. Though her fury startled me, nanatili naman akong kalmado. Without a word, I set the takeout box on the table beside her, at saka umupo sa gilid ng kama niya. Siya naman, matalim ang tingin sa akin.“Bumili ako ng pagkain para sa’yo,” I said softly, hoping na humupa na ang galit niya.“Bumili ng pagkain? Three hours kang nawala, Onse. Tapos bumili ka lang ng pagkain?” Hinampas niya ang balikat ko na hinayaan ko lang “Ang sabihin mo, nakipagkita ka sa malanding si Daisy!” Naipikit ko ang mga mata ko. Ayon na naman ang walang katapusang accusation niya. I could see the insecurity in her eyes that often fueled these outbursts.Maya maya ay naikuyom ko na lang ang kamao ko. Gusto kong kontrahin ang mga sinasabi niya. Gusto kong sabihin, how exhausting her constant suspicions were. Kaya lang
Dagsa pa rin ang pasyente sa emergency room. Ngayon nga ay puro mahinang usapan mula sa mga pasyente, mga bantay, at mga medical staff ang maririnig. Ito ang pang-araw-araw na buhay na nakasanayan ko na. I tried to steady my hands as I prepared the IV. Paminsan-minsan ko ring sinusulyapan ang batang pasyente na hawak ko ang kamay ngayon. Wala ring kurap na tumitig sa akin ang mga mata nitong bakas ang takot sa mukha. I leaned in closer, my voice soft as I reassured her. “It’s okay, sweetie. ‘Wag kang matakot. Mabilis lang ‘to,” sabi ko, habang nginingitian siya ng matamis. Tumango-tango siya, kahit nanginginig ang maliit nitong kamay na hawak ko, ready to insert the IV. Nang biglang may bumangga sa likuran ko. The needle slipped, at bumaon ang karayom sa ibang parte ng kamay ng bata. The little girl cried in pain. She yanked her hand away, tears filling her eyes as she looked at me, fear mixed with betrayal in her gaze. “Oh no, sweetie, I’m so sorry,” bulong ko, at akmang e-
DaisyNangako ako na manatili sa bahay at hintayin lang ang pag-uwi ng asawa ko. But staying in the house was beginning to drive me crazy. It felt like I was a prisoner—a criminal too afraid to step outside for fear of being caught by the police.This is so frustrating. Wala naman kaming ginagawang masama, pero kami ang nagtatago. Kaya nag-decide ako pumunta sa firm para makita at makasama ang asawa ko.Siguro naman mag-aatubili na si Vincent or Althea na lumapit o gawan ako ng masama dahil sa mga kasama kong bodyguard. Feeling ko nga dinaig ko pa si Charmaine sa pagiging senyorita, kahit saan ako magpunta, may sumusunod na bodyguard. Bago kami tumuloy sa firm, we stopped at a restaurant that served home-cooked meals. Onse and I had been eating nothing but greasy food lately, so naisip ko na kailangan naman naming kumain ng masustansya. Heto na nga at kababalik lang ng bodyguard na inutusan kong bumili ng pagkain. Tinola, pinakbet, at atsara ang pinabili ko. Habang bumabyahe, hind
Sa kabila ng nangyaring tension kahapon, heto at tuloy pa rin kami sa pang araw-araw na gawain. Ang galit, takot, at pag-aalala, dala-dala ko pa rin, kahit nandito na ako sa trabaho. I had no choice; kailangan kong pumasok dahil sa kasong hinahawakan ko. Gusto ko na nga sanang isama na lang si Daisy, para lagi ko siyang nakikita at nababantayan. Kahit kasi nagdagdag ng bodyguard si Danreve, hindi pa rin ako mapanatag. Ngayon nga ay kaharap ko ang maraming files, pero utak ko naman si Daisy ang laman. Kinukumbense ko na lang ang sarili na walang mangyayaring masama sa asawa ko. Mababantayan siya ng mabuti ng mga bodyguard. At saka nangako nga siya na hindi na muna lalabas. Maging ang kapatid ko ay hindi ko muna pinayagan na pumunta sa bahay. Ayaw kong madamay siya sa gulo. Ang dami-dami na niyang pinagdaanan, ayaw kong dagdagan pa iyon. Hindi nga lang kasi si Althea at Vincent ang gumugulo sa amin ni Daisy. May mas demonyo pa kay sa kanila—si governor. Bukas na nga ang verdict sa ka
The headlights bore down on me like a beast. I froze as I processed what was happening. Hindi ako pwedeng magkamali, kotse ni Vincent ang humaharurot at pinupuntariya ako. Naikuyom ko ang kamao ko, nagpupuyos sa galit ang kalooban ko. Puso ko ang lakas na rin ng kabog sa puntong naririnig ko na ang tïbok. Utak ko nagsasabi na tinatakot lang ako ni Vincent, gumaganti lang siya sa ginawa ko kanina, pero habang papalapit ang kotse, na-realize ko na hindi niya intensyon na takutin ako. Layunin niya talaga na sagasaan ako, tuloy-tuloy kasi ang mabilis nitong pagpapatakbo.“Damn it!” I growled, adrenaline surging. Agad-agad akong tumalon sa bukas na kanal na nasa likuran ko. Mabuti na lang at walang lamang tubig ang kanal, pero marami namang basura. Tumama pa ang siko ko sa magaspang na semento na ikinadaing ko, pero agad ring akong tumahimik.Rinig na rinig ko kasi ang tunog ng gulong ng kotse na naglikha ng ingay–ang sakit sa tainga dahil sa biglaang paghinto, at ngayon ay tunog naman n
Bago matapos ang taon, gusto kong magpasalamat sa lahat na bumabasa at sumusuporta sa mga akda ko. Bukas na po ako mag-update. Happy New Year sa ating lahat.
Hindi mawala ang tingin ko kay Daisy na natutulog sa tabi ko. Dapat ay masaya kami ngayon. Hindi ganito na kahit tulog na siya ay bakas pa rin ang tension sa mukha niya. Nakakagalit. Nasira na naman ang mga plano ko dahil sa mga taong walang magawa sa buhay na gusto kaming sirain. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko sa surveillance camera—ang biglaang pagyakap ni Vincent, ang pagdikit ng mukha niya sa leeg ni Daisy, ang pagtatalo nila, lahat ng ‘yon ay nagpakukulo ng dugo ko. Nakuyom ko na naman ang kamao ko; hindi ko pa mapigil ang mapatiim bagang. Awang-awa ako sa asawa ko. Vincent made her cry, and for that, I couldn’t forgive him. Kahit pa sabihin na nakaganti ng siko at sampal si Daisy, hindi pa rin ‘yon sapat na kabayaran sa sakit at takot na idinulot niya sa asawa ko. Pigil akong bumuga ng hangin. Mahimbing na nga ang tulog ni Daisy, pero ako, hindi makatulog, hindi ako mapanatag. Dibdib ko nag-aalburoto pa rin. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Hindi ko
Wala sa sariling pinulot ko ang mga larawan, tulalang pumasok sa kotse, at nanghihinang sinara ang pinto. Dumagdag pa sa panghihina ko ang nang-aasar na tawa ni Althea. Gusto ko siyang singalan, gustong kong tumahimik siya, pero para kasing nawalan ako ng lakas na harapin siya. Sa manibela ko binuhos ang galit ko, ang sakit na nararamdaman ko, mahigpit ko iyong hinawakan sa puntong bumakat na lahat ng ugat ko sa kamay, at halos lumuwa na ang mga buto sa kamay ko. Gusto na rin sanang makalayo na. Ayaw ko nang makita ang mapangkutyang mukha ni Althea, but I couldn’t bring myself to start the engine. Instead, I stared at the pictures again. Sa larawan, parang ang lambing nila. Yakap ng lalaki si Daisy sa likuran. Para na namang mapugto ang hininga ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata saka paulit-ulit na umiling-iling. Hindi ‘to magagawa ni Daisy—my Daisy, wouldn’t do something like this. ‘Yon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili, pero ‘yong doubt, hindi basta-basta mawawala.
ONSEAng ganda na naman ng araw ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Lahat nakikiayon sa sayang nararamdaman ko. Pagpasok ko palang sa firm ay mga ngiti na ng mga kasamahan ko ang bumungad sa akin.Simula nang maipanalo ko ang high-profile r*pe case against the governor’s son, dumagsa pa ang maraming kleyente sa firm, may mga pumasok na bagong investors at dumami rin ang mga benefactor sa mga charity institution na sinusuportahan ng aming firm.Pero ang nagpapasaya lalo ng araw ko ay balitang pinakahihintay ko—Althea’s disbarment had finally been approved.‘Yong satisfaction na nararamdaman ko, hindi ko ma-explain. Pumipintig-pintig ang puso ko na para bang umindak sa tuwa. Hindi na muling makakaapak si Althea s courtroom bilang isang lawyer. Noon, ako ang tumulong sa kanya, ma reduce lang ang araw ng supension niya, pero sa huli ako rin pala ang nagpapaalis sa kanya sa pagiging abogado. Malinaw pa sa alaala ko ang rason ng supension niya. A client’s wife had filed a complaint, acc
Kanina pa habang nag-uusap kami ni Onse, ramdam ko na parang may mga matang nakatanaw sa amin, pero dahil nasa kalsada nga kami, may mga taong dumadaan, may mga kapitbahay na alam kong humahaba ang mga leeg masipat lang kung ano ang ginagawa namin ni Onse, isinawalang-bahala ko ang nararamdaman ko. Kinukumbinsi ang sarili na dahil lang sa mga nangyari sa amin ni Onse nitong mga nakaraan kaya ganito ang nararamdaman ko. But…the sudden embrace happened. Gulat na gulat ako, pero alerto namang kumilos ang katawan ko. Siniko ko ng malakas ang lapastangan na yumakap sa akin, at agad akong lumingon sa namimilipit na lalaki–si Vincent. Kapa nito ang sikmura na siniko ko habang ang mga mata ay walang kurap na tumitig sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang bang anumang oras ay sasabog na. Mas tumindi pa ang kabang nararamdaman ko habang nakatingin kay Vincent, hindi kasi sakit ang nakikita ko sa mukha niya—galit. Nag-aapoy ang mga mata niya na nagpaatras sa akin at nagpanga
Daisy Matamis na ngiti ng gwapo kong asawa ang bumungad sa akin pagmulat ko. Patagilid siyang nakahiga at nakatukod ang siko, titig sa mukha ko. “Good morning, my beautiful wife,” sabi nito. Ang lambing ng boses niya na nagpapagalaw naman sa mga insekto ko sa tiyan. Bago pa man ako makapagsalita, he leaned down and kissed me on the lips. Nakagat ko ang labi ko. Nahiya ako. Kagigising ko pa nga lang. I tried to cover my face with my hands, but he chuckled, pulling my hands away gently. “Why are you hiding?” Kagat-kagat naman niya ang pang-ibabang labi, at ang mata ay nagpalipat-lipat sa mga mata ko at sa labi. “Don’t tell me, matapos ng nangyari sa atin kagabi, nahiya ka pa…” Muli niyang inilapit ang mukha sa akin. Hindi ko na hiyaan na lumapat na naman ng labi niya sa akin. Idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya. Hoping na hindi niya makita ang namumula kong mukha. Hindi nga niya nakita ang mukha ko, pero niyakap naman ako ng mahigpit, at ngayon ay hinalik-halikan na ang tukto