/ Romance / Daisy His Remedy / Daisy His Remedy 11 "Dismay"

공유

Daisy His Remedy 11 "Dismay"

작가: sweetjelly
last update 최신 업데이트: 2024-10-29 22:09:07
"Althea..." bulalas ni Onse. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Parang bata nga nitong tinulungan si Althea na tumayo, ang matalim naman ang tingin sa akin.

“How could you, Daisy?!” Dinuro-duro niya ako na parang hindi niya ako kilala; hindi niya ako nakasama ng ilang buwan para isipin na magagawa kong manakit nang walang dahilan.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagulat na nga ako sa biglang pagdating niya, nagulat pa ako sa inaasta niya; hindi ko in-expect na agad niya akong sisisihin na hindi man lang inaalam kung ano ang totoong nangyari. At saka, ano ba ang nangyayari at pareho silang sumugod rito?

“Paano mo nagawang manakit? Kailan ka pa naging ganito ka bayolente?"

Wow! Ang galing niyang mag-akusa. Parang alam na alam niya kung ano ang nangyari. Hindi lang ako ang tinapunan niya ng matalim na tingin, pati na rin si Vincent. Ang klase ng tingin niya ay parang sinisisi nito si Vincent sa hindi pag-awat sa akin.

Imbes na sumagot ako, magpaliwanag o e-defend ang saril
sweetjelly

Salamat sa mga nag-subscribe, nagbigay ng gems at sa lahat ng bumabasa nito. Sa mga new follower, thank you. Bigyan n'yo rin sana ng ratings at feedback ang book na 'to.

| 4
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (4)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
welcome po. Salamat din po sa pagbabasa(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡
goodnovel comment avatar
Nan
Ang sinabi ni Daisy sana maliwanagan Ang utak nilang 2
goodnovel comment avatar
Nan
Mabuti Ang ginawa ni Daisy si Althea Ang sinugud dahil dahil Kay Onse na nabanggit nito Ang pangalan ni Daisy habang nag love meeking tapos siya pa Ang sinesi .Mabuti sapol silang dalawa sa sinabi ni Onse
댓글 모두 보기

관련 챕터

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 12 "Blocked"

    ONSE Nakauwi na ako sa condo kasama si Althea, at ngayon nga ay katabi ko na siya sa kama. Yakap-yakap ko, pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita, tanging ang mahinang hikbi niya lang ang maririnig sa loob ng kwarto. I pressed my lips on her forehead, mahigpit na yakap naman ang sagot niya. After the chaos that had happened between her and Daisy, nagkabati kami. She realized na hindi ko kinukunsinti ang pananakit sa kanya ni Daisy, kahit pa malalim ang pagkakaibigan namin. Now we are back to being us. “Onse…” Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagsalita rin si Althea. “Kung alam ko lang na aabot sa gano’n ang sitwasyon, hindi na lang sana ako nagpunta sa bahay ni Daisy," humikbi nitong sabi. Hindi ako umimik, pero kamay ko naman ay marahan na humaplos-haplos sa buhok niya. Gusto kong maramdaman niya na handa akong makinig, handang maniwala sa mga sasabihin niya. “Inaamin ko, I went there because I was mad. I was upset—sa’yo…sa kanya. Ang sakit kasi ng ginawa mo. B

    최신 업데이트 : 2024-10-30
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 13 "Realization"

    The realization hit me hard when I discovered Daisy had blocked me. Hindi lang number ko, pati na rin sa mga social media. Intensyon kong kausapin siya, magpaliwanag at humingi ng tawad sa pagiging impulsive ko, pero nagawa niyang e-block ako. Kalooban ko nagpoprotesta sa ginagawa niya; hindi ako mapanatag. And yes, nasasaktan ako; hindi ako makapaniwala na magagawa niyang putulin ang aming ugnayan. Sa bagay may Vincent na nga siya na laging bumuntot at nagpapasaya sa kanya. Hinayaan ko siya sa gusto niya, hindi na rin ako sumubok na kontakin siya, o ang mag-isip na makipagkita sa kanya ay iniiwasan ko. Nakakalungkot mang isipin na umabot kami sa puntong ‘to, pero tanggap ko na—I lost my friend; my remedy at ako ang dahilan. Para mawala sa isip ko si Daisy, at ang mga nangyari, binuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. I barely left the office. Sinisiguro kong puno ang calendar ko ng mga appointments. Tanggap lang ako ng tanggap ng clients. Kahit anong kaso pa ‘yan, basta ka

    최신 업데이트 : 2024-10-30
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 14 "Calm"

    DAISY Dumaan ang mga araw, after that chaotic night between me, Althea, and Onse. At hanggang ngayon, paminsan-minsan ko pa rin na naririnig ang mga bintang sa akin ni Onse. May konting sakit pa rin akong nararamdaman, but I forced myself to shake them off. Pati ang paghanga ko sa kanya ay pinipilit kong mawala. Tama na ang ilang taon na kahibangan ko. Ayaw ko na sayangin ang oras ko, at ang panahon ko sa kanya. Kaya, bin-lock ko siya, hindi lang ang numero niya, sa social media, pati na rin sa buhay ko. Wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin niya, o kung ano ang nararamdaman niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang lumaya sa anino niya—sa anino nila ni Althea. Hindi ko hahayaan na huminto ang buhay ko dahil sa mga binitawan niyang salita, at lalong hindi hihinto ang pag-ikot ng mundo ko, ngayong hindi na siya parte ng buhay ko. Sa trabaho ako nag-focus; kay Vincent, na inaamin ko ay nagustuhan na, hindi lang nitong utak ko, kundi pati nitong puso ko. Kung dati ang routi

    최신 업데이트 : 2024-10-31
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 15 "Althea"

    Bilang nurse, hinasa ko ang sarili na 'wag dalhin ang mga personal na issues sa mga pasyente ko. Gaya ngayon, kailangan kong e-assist si Althea kahit galit ako sa kanya. Oo, siya ang nakahiga sa strecher, duguan at walang malay.Nagtanong muna ako ng ilang detalye at impormasyon sa medics na naghatid sa kanya, at saka ko naman sinimulan na ang paggamot sa sugat niya.I cleaned her wound, applied the necessary dressings, and monitored her vital signs.Nag-instruct naman ang doctor na kailangan niya mag-undergo CAT scan. Hindi man gano’n kalubha ang sugat niya, pero dahil ulo nga ang napinsala, matindi ang pagdurugo, kaya kinakailangan pa rin ang test para masigurong maayos ang lagay niya.Ngayon ay sinisimulan nang tahiin ng doctor ang sugat niya, at ako, alertong in-assist siya.At hanggang na tapos nang tahiin ng doctor ang sugat, hindi pa rin siya nagkakamalay. Naisip ko naman na mas mabuti muna ang gano’n para matapos ko ang ginagawa ko na walang mangyaring sagabal. Baka kasi, magwa

    최신 업데이트 : 2024-11-02
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 16 "Doubt"

    ONSENang matanggap ko ang tawag mula sa ospital na aksidente si Althea, hindi na ako nagsayang ng oras na puntahan siya. Iniwan ko ang kliyente na ka-meeting ko.Mabuti na lang at naintindihan naman nito ang sitwasyon ko. Nagpaalam ako at nangakong e-reschedule na lang ang aming meeting at pumayag naman siya.Gusto ko na agad makita si Althea. Gusto kung alamin ang lagay niya. Hindi ako mapakali habang papunta sa ospital, utak ko kung ano-ano na ang naiisip na posibleng nangyari. Hindi ko na rin halos mahabol ang hininga ko. Kabadong-kabado ako. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang pag-alala sa kalagayan ni Althea.Dahil nga sa pag-aalala ko, sumakit na ang batok. Nanlamig ang mga kamay ko. Ang sabi kasi ng tumawag ay may sugat sa ulo si Althea, tumama raw ang ulo dahilan kung bakit ito nawalan ng malay. Doon ako kinabahan. Nawala siya ng malay, so posiblen malubha ang lagay niya.Kaya heto, paulit-ulit akong napadasal sa diyos na sana okay siya, Sana hindi siya malubha. I wasn’t a rel

    최신 업데이트 : 2024-11-02
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 17 "Imaginary"

    Nandito na kami sa kwarto ni Althea. Kalalabas lang din ng porter na naghatid sa kanya, at ako ay inalalayan namang siyang humiga. “Magpahinga ka na para lumakas ka agad,” sabi ko sa kanya na matiim na titig ang sagot niya. Kanina ko pa napansin, matapos niyang iwanan si Daisy ng nagbabantang tingin ay hindi na mawala ang tingin niya sa akin. Pero isinawalang bahala ko lang. Heto nga at inalagaan ko pa rin siya. “Masaya ka ba na makita siya?” biglang tanong niya na ikinagulat ko. Naudlot ang pag-kumot ko sa kanya na parang bang naninigas ang buto ko at hindi na makagalaw. Hindi ko rin maibuka ang bibig ko, parang nag-lock ang panga ko, at naninigas ang dila.“Anong klaseng tanong naman ‘yan?” “Masaya ka nga; hindi ka makasagot.” Nag-iwas siya ng tingin. Napabuga na lang ako ng hangin. Umiiwas na nga akong mapatingin kay Daisy, para walang gulo at hindi siya mag-isip ng masama, pero walang silbi pala. Talagang hindi ko ma-control ang isip niya, at lalong hindi ko siya mapipilit na

    최신 업데이트 : 2024-11-03
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 18 "Alone"

    DAISY Sa kabila ng tagpo sa nakakagulat at nakakairitang tagpo sa emergency room kanina, heto at napapangiti pa rin ako, dahil ‘yon kay Vincent. Nakarating na rin sa kanya na na-aksidente si Althea at ako ang nag-assist. Alam niyang medyo eritable ako, pero nagagawa pa rin niya akong patawanin. Kapag kasama ko siya, parang lahat ng nasa paligid ko ang saya. Dati, na-guguwapohan lang ako sa kanya, ngayon ang cute niya na rin. Ngayon nga ‘e, ang ganda ng ngiti, nangingislap ang mga matang tumititig sa akin. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay na sakto namang inangat niya at nilapat sa labi niya. Napangiti na lamang ako. Ang lambing-lambing talaga niya. Ang saya niya pang kasama. “ Naiinis ka pa rin ba?” tanong niya matapos paulit-ulit na halikan ang kamay ko. “Medyo naiinis pa…” “Gano’n ba? So, ibig sabihin, kulang pa ang effort ko na burahin ang inis mo.” “Vincent, ano ba?” Napalinga-linga ako, habang hinarang ang kamay ko sa mukha niya. Akmang hahalikan ba naman ako. “Aka

    최신 업데이트 : 2024-11-04
  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 19 "Sorry"

    Gulat akong napatitig kay Sir Onse. Tama ba ang rinig ko? Gusto niya akong makausap... alone? Maya maya ay napalingon naman ako kay Vincent. Tumitig ako sa mga mata niya, titig na payagan akong makausap si Sir Onse. Nag-aalangan niya naman akong tiningnan, pero tumango naman ng bahagya. Nginitian ko siya ng matamis. “I’ll wait in the car,” mahinahon nitong sabi, pero hindi maipagkakaila na may bahid tampo ang boses niya.Sinundan ko na lamang siya ng tingin, hindi maganda sa pakiramdam na hilingin sa kanya na iwanan muna kami nitong si Sir Onse, na-gui-guilty ako, pero wala naman sigurong masama kung makinig sa sasabihin niya. Nang makapasok si Vincent sa kotse, saka ko naman binalingan ng tingin si Sir Onse. Na huling-huli ko na nakititig sa akin. Agad pang nag-iwas ng tingin, tumikhim at nag kamot ng ulo.“Umalis na si Vincent, magsalita ka na. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, para makauwi na kami ni Vincent,” walang paligoy-ligoy kong sabi.Titig at mahinang tawa naman ang sa

    최신 업데이트 : 2024-11-04

최신 챕터

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 104 "Wakas"

    Onse Isang buwan na ang lumipas matapos ang bangungot na nagdulot sa amin ng takot—takot na si Althea ang dahilan. Ngayon ay unti-unti nang bumalik sa dati ang lahat. Wala nang banta at panganib na nag-aabang sa amin. Nakulong na si Althea, habang buhay niyang pagbabayaran ang mga kasalanang nagawa, at ang mas satisfying, hindi lang parusa ng tao ang natanggap niya, pati parusa ng diyos. Dahil babae nga siyang hindi mapakali at iba’t-ibang lalaki ang sinamahan, nagkasakit siya—cervical cancer at nasa huling yugto na. Si Vincent naman ay namuhay na ng payapa kasama ang asawa sa ibang bansa. Sa wakas ay tanggap na niya na tapos na sila ni Daisy at may kanya-kanya na silang mga buhay. Ako naman, nangakong bubuharahin ang lahat ng mga bahid ng takot na paminsan-minsan pa ring gumigising sa amin sa kalagitnaan ng pagtulog. Sa tulong ni Charmaine at Danreve, at ng aming mga pamilya, tuluyan nang bumalik ang sigla ni Daisy. Hindi na rin sumumpong ang memory lapses niya na ipinagpa

  • Daisy His Remedy   Daisy Hi Remedy 103 "Relief"

    Onse Habang pauwi, panay pa rin ang sulyap ni Danreve sa akin sa rear view mirror. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, o kung ano gusto niyang sabihin. Paminsan-minsan rin niyang tinatapunan ng tingin si Daisy. Gustong-gusto ko nang magtanong kung ano ang iniisip niya, pero kinakabahan naman ako sa kung ano ang kanyang sasabihin. Baka kasi magdulot na naman ng kaba sa asawa ko. Ilang sandali pa ay rinig na namin ang mahinang hilik ni Daisy na nagpangiti naman sa akin. Kahit paano ay nakaramdam ako ng ginhawa. Sa kabila ng mga nangyari, hindi siya bumigay. Naging matatag siya kahit nalagay na sa panganib ang buhay. Sana lang, hindi na bumalik ang memory lapses niya. “Ano ba, bro? Kanina ka pa!" Hindi na ako nakatiis at sinita ko na nga kaibigan kong ayaw pa rin akong tantanan ng tingin. “Sabihin mo na ang laman ng utak mo, nakakatakot na ang klase ng tingin mo," dagdag ko na tipid na ngiti naman ang sagot niya. “Nakakatakot agad? Masaya lang ako, kasi walang masama

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 102 "Safe"

    Pikit mata kong niyakap si Daisy, habang pigil ang hininga, pero agad ko ring naidilat ang mga mata nang makaramdam ng tapik sa balikat. Kumawala ang hiningang kanina ay napigil ko. Napako ang tingin sa kaibigan kong bakas ang pag-alala sa mukha. Ang putok ng baril kanina ay hindi galing sa baril ni Althea, kundi galing sa baril bodyguard ni Danreve na hanggang ngayon ay nakatutok pa rin sa maliit na bintana. "Are you two okay?" tanong ni Danreve, habang gumagala ang mga mata sa amin ni Daisy, naghahanap ng pinsala o tama sa aming katawan. Umiling-iling ako. Gusto kong sumagot na hindi ako okay. Halos mapugto ang hininga ko nang makita si Daisy na nakalambitin sa bintana. Hanggang ngayon nga ay kinakapos pa rin ako sa hininga. Hindi ko pa magawang luwagan ang pagyakap kay Daisy na parang batang kumapit sa batok ko at binaon ang mukha sa dibdib ko. “Asawa ko,” pabulong kong sabi. Gaya ko, nanginginig din ang buong katawan niya at kinakapos sa hininga. “It’s over. You’re safe

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 101 "Relief"

    “Kuya, magpahinga ka naman muna,” mahinahong sabi ni Charmaine.Kanina pa nila ako sinisitang mag-asawa. Gusto nilang magpahinga ako. Pero paano ako makapaghinga? Hindi ko pa alam kung nasaan si Daisy. Wala pa ring balita sa kanya. Para sa akin ang magpahinga ay pagsasayang ng oras. Nandito nga ako ngayon sa hospital kasama sila, pero maya’t maya naman ay may kausap ako sa cellphone. Nagtatanong kung may balita na ba, kung may lead na kung sino ang dumukot kay Daisy. Kahit ilang segundo ay hindi ako tumigil na gumawa ng paraan para matunton si Daisy. “Hangga’t hindi pa nahahanap si Daisy, hindi ako magpapahinga,” sagot ko sa kapatid kong napabuntong-hininga na lang habang inalo-alo naman ni Danreve. “Alis na muna ako." Lalabas na sana ako, pero nahinto nang mag-ring ang cellphone ko na agad kong sinagot. Tawag mula sa police station ang natanggap ko na sandaling nagpatulala sa akin. Dinukot raw si Vincent ng mga armadong lalaki, at kasalukuyang sinusundan ng mga pulis.Hindi tung

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 100 " Althea's Scheme"

    Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na kalabog sa labas ng kwarto. Sigurado ako, nakaramdam si Althea na walang nangyayari sa amin ni Vincent sa loob, kaya gumawa na sila ng paraan na mabuksan ang pinto. Ilang beses ko pang narinig ang kalampag at ang huli ay malakas na kalabog. Tanda na nabuksan at napasok na nila ang kwarto. At ngayon nga ay naririnig ko na ang nangyayaring commotion. “Nasaan si Daisy?" nanggagalaiting sigaw ni Althea na sumabay sa pamimilipit ni Vincent. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Iniharang ang naninigas kong katawan sa pinto. Kada sigaw, utos ni Althea, at daing ni Vincent ay tumatagos dito sa loob ng banyo na nagpapapikit sa mga mata ko. Hindi ko alam kung alin ang tatakpan ko, tainga ko ba para hindi marinig paghihirap ni Vincent o bibig. Sa huli ay bibig ko ang tinakpan ko sa nanginginig kong mga kamay. Muntik na kasing kumawala ang paghikbi ko, kaya sinusubukan pigilin. Kada sigaw at daing ni Vincent ay nag-so-sorry ako. Wala n

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 99 "Escape"

    Vincent’s jaw clenched as his eyes flicked to me, then to Althea. Tumawa naman ng malakas si Athea. “Oh, Vincent, bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit parang nagulat ka? Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? To be with Daisy, ang pinakamamahal mo!” Nakagat ko ang labi ko. Sunod-sunod na namang pumatak ang mga luha ko. “This isn’t what I wanted, Althea. Pakawalan mo siya!” singhal niya. Akmang lalapit sa akin, pero agad siyang hinawakan ng mga tauhan ni Althea. “You’re insane.”“Am I?” Tumaas ang isang kilay ni Athea, sumilay na naman ang kakaibang ngiti sa labi niya. “Mga tao nga naman, sila pa ‘yong tinulungan, sila pa ang galit. Napaka-ungrateful.” “Tigilan mo na ‘to, Althea. Pakawalan mo na si Daisy!” “Anong titigilan? Hindi pa nga tayo nagsisimula, tapos tigil na?” nakakaloko na naman siyang tumawa. ‘Yong tawa na parang biro lang sa kanya ang mga nangyayari ngayon. Parang pinaglalaruan niya kami. “Akin na…” sabi ni Althea sa tauhan niya na alerto nama

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 98 "Make Him Suffer"

    “Yes, It’s me, your biggest nightmare!" Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na hahantong ang selos ni Althea sa ganito. “Althea, bakit mo ba ‘to ginagawa? Pakawalan mo ako!" “Shut up!” singhal niya. Ang tinis ng boses niya, ang sakit sa tainga. Hindi pa siya kontento na singhalan ako, dinuro-duro niya pa ako sa puntong halos itusok na niya ang daliri sa mga mata ko. Sandaling tumigil ang paghinga ko habang nakatingin sa nanlilisik nitong mga mata. Kung dati ay puno ng kaartehan ang kada salita niya at kada galaw, ngayon ay nawala ‘yon lahat. Galit at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata niya. Galit na sa tingin ko ay handang pumatay.“ ‘Yan nga, tumahimik ka! Hindi uubra ang pagtapang-tapangan mo ngayon!” Malakas na tawa ang tumapos sa salita niyang ‘yon.Punong-puno ng takot ang dibdib ko. Pero hindi pwede na lagi na lang akong magpapadala sa takot. “Althea, tigilan mo na ‘to, please. Pakawalan mo na ako.” Pakiusap ko, sa kabila ng nakakatakot na hitsur

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 97 "Trapped In A Nightmare"

    I woke up in an unfamiliar bed, feeling like I was trapped in a nightmare. Hindi ako makagalaw. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Ang dilim pa nitong kwarto na kinaroroonan ko. Napahikbi ako na sumabay sa malakas na kabog ng puso ko. Sinubukan kong alisin ang tali sa kamay ko. Hinila-hila ang mga paa ko at hinablot ng paulit-ulit mga kamay, hindi alintana ang sakit na nararamdaman ko. Desperado akong makawala—desperadong magising sa masamang bangungot na parang pumapatay sa akin ngayon.“Ayoko rito!" Pakawalan n’yo ako!” Nanghihina kong sigaw, pero hindi pa rin tumigil sa paghablot sa kamay ko. Kada hablot, kada ikot sa mga kamay ko, kada tadyak ng may kasamang determinasyon na makakatakas ako. Pero walang silbi ang ginagawa ko. Kahit binuhos ko na ang buong lakas ko, ayaw pa rin maputol ng tali, ayaw matanggal. Ang hapdi na ng pulsuhan ko, ang sakit-sakit ng mga paa ko. Tumingala ako, pilit inaainag ang tali sa kamay ko. Lalo lang akong nanlumo nang makitang makapal na lubid ang m

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 96 "Kidnap"

    OnseNandito na ako sa courtroom, pero kahit anong gawin ko, hindi ako makapag-focus. Nahahati ang utak ko—kay Daisy sa mga tanong na binato sa kliyente ko sa ginawang cross-examination. Nagagawa ko pa namang sitahin ang mga misleading na tanong, pero halatang humihina ang depensa ko.Hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko ang pag-aalala. Siguro, ganito ang nararamdaman ni Daisy sa tuwing hindi niya ako kasama, kinakain ang buong sistema niya ng takot. Kasama nga niya si Charmaine at Danreve, pero nag-aalala pa rin ako. Nang matapos ang court hearing, agad-agad akong umalis, ni ang kausapin ang kliyente ko ay hindi ko na ginawa. Nangako ako kay Daisy na susunod ako.Ang bilis ng mga hakbang ko papunta sa parking area, at dire-diretsong nag-drive papunta sa hospital. Ilang minuto lang nakarating na ako. Dali-dali naman akong nagpunta sa clinic. Mga hakbang ko ang bilis at ang laki. Gusto ko kasi na marinig mula sa doctor ni Daisy na nasa maayos ba na lagay ang baby namin.Heto na

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status