Home / Romance / Daisy His Remedy / Daisy His Remedy 6 "Date"

Share

Daisy His Remedy 6 "Date"

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

DAISY

Matapos ang ilang linggong walang tulog at puro iyak, sa wakas, nabuksan na rin ang isip ko. Natauhan na ako. It was time to stop waiting for someone who would never love me. Time to stop living in the shadows of a love that was never mine to begin with. Masaya na siya kasama ang mahal niya, kaya ako, bukas na bukas na rin ang puso para sa iba at maging masaya kagaya niya.

For the first time, I agreed to go on a date with Vincent. It was a small step, para sa tuluyang pagbubukas ng puso ko. Ngayon nga ay nakatayo ako sa harap ng salamin, getting ready for our first official date, and I couldn’t help but feel a mix of emotions. There was excitement, takot, at may pangamba.

Oo, handa na nga akong buksan ang puso ko para kay Vincent, but no matter how hard I tried to push Sir Onse out of my mind, he remained there—like an uninvited guest who refused to leave.

I sighed, shaking my head at my reflection. Tinapik-tapik ko ang noo ko para tuluyang mawala sa utak ko si Sir Onse. "It’s time to let go, Daisy," I whispered to myself. "Vincent deserves a chance. I deserve a chance."

Ilang ulit akong bumuga ng hangin, pinapakalma ang sarili, binubura ang kung anong kakaibang nararamdaman sa loob ko.

Hanggang sa makarinig ako ng bosina sa labas na agad namang nagpangiti sa akin. Nadaig ang takot at pangamba sa excitement na nararamdaman ko. Kaagad akong dumungaw sa bintana, sinigurado kung si Vincent ba talaga ang dumating, at hindi nga ako nagkamali, siya na nga ang dumating.

Ang tamis ng ngiti niya nang makita ako, agad pang kumaway na ginantihan ko naman. Sabay senyas na bababa na ako.

“Good evening, Daisy,” sabi niya sabay abot ng bouquet of red roses na agad ko namang tinanggap.

“Good evening, Vincent. Thank you for this,” sagot ko, sabay ngiti at inamoy ang bulaklak.

Gusto kong maging masaya at memorable ang unang date namin, kahit paminsan-minsan ay ginugulo pa rin ni Sir Onse ang utak at puso ko.

"Shall we?" tanong niya, habang ang titig ay nakapako pa rin sa akin—titig na parang tumatagos hanggang kaluluwa ko.

Tumango-tango ako. Nagmamadali naman niyang binuksan ang pinto ng kotse na para bang takot na magbago ang isip ko. Being a gentleman, tinulungan niya ako na ikabit ang seatbelt na ikinatuwa ko naman.

Ngayon ay patakbo naman siyang nagpunta sa driver seat. Napapangiti na rin lang ako habang pinagmamasdan siya; kitang-kita kasi sa mga galaw at ngiti niya ang sayang nararamdaman—saya na nakakahawa.

The evening went smoothly. Vincent took me to a charming little restaurant by the bay, a place that felt both intimate and lively at the same time. The soft glow of candlelight illuminated our table, casting a warm hue over his face. He was charming, attentive, and made me laugh in a way that felt easy and natural.

For a brief moment, I allowed myself to enjoy his company without the weight of Sir Onse’s presence looming over me.

ONSE

For weeks, I poured all my time into Althea. After everything we’d been through, after the months apart, gusto kong ibigay sa kanya ang buong oras ko, at makalimutan ang nangyari sa amin. I wanted to make sure she felt secure, at maalis na ang pagdududa niya tungkol sa amin ni Daisy. Kaya nga kahit miss ko na si Daisy, tinitiis ko. I avoided calling or texting her. Ayaw kong bigyan pa ng sama ng loob si Althea. Lagi ko rin pinapaalala sa kanya, that Daisy was nothing more than a younger sister to me. That’s all. At gusto ko na iyon ang tumatak sa utak niya.

Si Althea naman, kagaya ko ay ginagawa rin ang lahat para ibalik ang dati naming closeness. Kapag napansin niyang malalim ang iniisip ko o down ako, gumagawa siya ng paraan na bumalik ang sigla ko. Nilalambing niya ako, at madalas nilalandi. She was more affectionate than ever, more playful in bed, exploring new ways to keep our excitement alive. I enjoyed it, I won’t lie. It felt good—exciting even.

Naputol ang pag-iisip ko nang magbukas ang pinto ng opisina. Si Althea ang dumating na agad nagpangiti sa akin. Niligpit ko na rin ang mga documents na pinag-aaralan ko; bagong kaso na hinahawakan ko.

“How’s your day, babe?” tanong niya kasabay ng halik sa labi ko na tinugon ko naman ng buong puso.

“Tiring, but now that you’re here, lahat ng pagod ko nawala,” sabi ko sa pagitan ng halik namin. Kamay ko, marahan nang pumisil-pisil sa baywang niya at humagod pataas sa buong likod niya.

"Oh, enough...Hindi ka naman mahamon, 'e" higikhik ni Althea na nakikiliti dahil sa labi kong bumaba na sa leeg niya. "Dinner muna tayo, later na ang desert, okay?"

Napakagat labi na lang ako, at napapikit na lang dahil sa kamay niyang maharan na humimas sa alaga kong nag-aalburoto na.

Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi na sumabay sa paglingkis ng mga kamay niya sa braso ko, at agad na akong hinila palabas ng opisina. Nagpaubaya na lang din ako.

We arrived at one of our favorite restaurants by the bay, with candlelight, soft music, and just the right amount of intimacy. Panay pa ang palitan namin ng tingin ni Althea habang papasok sa restaurant at parehong hindi mawala ang ngiti sa labi.

But then I saw them—Daisy and Vincent. Awtomatikong nawala ang ngiti ko. Nag-init ang batok ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, ang alam ko lang, hindi ko gusto ang nakikita ko.

They were seated at a table across the room, laughing. Para sila lang ang tao sa loob ng restaurant. Humigpit ang paghawak ko sa baywang ni Althea. She didn’t mind; she leaned into me, oblivious to the sudden shift in my mood.

“Table for two,” sabi niya sa waitress, habang ako naman ay nakatulala na lang. Lahat ng galaw ni Daisy ay binabantayan ko. Kung paano siya ngumiti, kung paano niya tingnan si Vincent. At sa nakikita ko, masaya siya kasama ito.

Something about it made my chest tighten. I tried to focus on Althea. Pinipilit ang sarili na ngumiti. Nag-order ng food, but my eyes kept drifting back to Daisy and Vincent na parehong hindi mawala ang ngiti sa labi.

Muntik na akong tumayo at pupunta sa direksyon nila nang bahagyang inilapit ni Vincent ang mukha niya at hinawakan ang kamay nito.

A surge of jealousy hit me hard. Naging marahas ang paghinga ko. Sandali ko na lang ipinikit ang mga mata ko, pero agad namang dumilat dahil sa kamay ni Althea na banayad na hinaplos ang kamay ko. "Anong problema? Pagod ka ba? Inaantok?"

Umiling-iling ako at ngumiti. "I'm fine, medyo pagod lang, pero kaya ko pa naman mag-desert mamaya."

Mahina niyang hinampas ang kamay ko at ngumiti ng matamis.

Sa kabila ng magulong nararamdaman ko ngayon, ayaw ko namang masira ang gabi namin ni Althea, kaya kahit nag-aalburuto ang kalooban ko, sinubukan ko pa ring maging masaya.

I excused myself, telling Althea I was heading to the restroom. Pero ang totoo, gusto kong sundan si Daisy na alam kong pupunta ng restroom.

I found myself standing near the restroom, waiting for her. I didn’t even know what I was going to say. Ang alam ko lang, ayaw ko sa nakikita ko kanina na ginagawa nila ni Vincent.

“Daisy!” I grabbed her arm, pulling her to the side.

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. “S-sir Onse?” Sinubukan niya na kalasin ang kamay ko na mahigpit na humawak sa braso niya.

Imbes na bitiwan ko siya, my grip tightened na para bang ayaw ko na siyang pakawalan. “What the hell are you doing with Vincent?” I asked, my voice harsher than I intended.

Daisy blinked, bakas ang pagkalito sa hitsura niya. “Hindi pa po ba obvious, sir? We’re on a date,” sagot niya, at sinubukan na naman kalasin ang kamay ko na lalong humigpit ang paghawak sa braso niya dahil sa sagot niya na hindi ko nagustuhan.

“Date? Kailan pa kayo naging close? Kailan ka pa nagpaligaw?” Ang tigas ng boses ko. Parang hindi ko na magawang kontrolin ang galit ko na nga siyang iuwi at ilayo kay Vincent.

She raised an eyebrow, her expression hardening. “Why do you care, Sir Onse? Hindi na ako bata na kailangang magpaalam sa kuya ko na makipag-date.”

"Kuya?" Her words were like a slap in the face, and for a moment, I had no response.

Hindi na sana ako nagulat sa sagot niya, dahil ako naman ang palaging nagsasabi that she's like a sister to me. Pero ngayon ko lang nalaman, hindi ko pala gusto na tratuhin niya bilang kapatid. “I just... I don’t like seeing you with him.”

“Bakit, sir? Vincent is kind. Mabuti siyang tao at he’s good for me,” mahinahon niyang sabi. "Hindi naman siguro masama kung gustuhin ko siya."

I released her arm, stepping back as the realization hit me. "Ano nga bang pakialam ko sa kung sinong lalaki ang gustuhin niya.

“Kasama mo ba si Ms. Althea, sir? Bumalik ka na sa kanya. Focus on her. 'Wag kang gagawa ng dahilan na magalit siya,” sabi niya na parang tinataboy ako.

Before I could respond, Vincent appeared, wrapping an arm around her waist na nagpakuyom sa mga kamay ko at pagtagis ng bagang ko. Gusto kong hilahin si Daisy palayo sa kanya at bigyan siya ng isang sapak.

sweetjelly

Sa mga bumabasa nito. Sana magustuhan n'yo ang kwento ni Daisy at Onse. 'Wag sana kayong mahiya o makalimot na mag-comment. Salamat sa mga bumasa sa free chapter. Sana ipagpatuloy n'yo ang pagbabasa.

| 3
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Fe Gillesania
ang Ganda netong story miss author
goodnovel comment avatar
Nan
Ayan Ang katangahan mo ,Ngayon alam mo na Ang sakit namararamdam .At bakit Naman mag seselos na Hindi Naman nya girlfriend si Daisy.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 7 "Frustration"

    Wala na akong nagawa kung hindi panoorin na lang si Daisy kasama si Vincent na parang sinasamantala ang pagkakataon na mahawakan na naman siya. Ewan ko ba, may pakiramdam ako na sinasadya ni Vencent na hawakan ng gano’n si Daisy para galitin ako. At nagawa nga niya. Sinisindihan niya ang galit ko. Gusto ko na nga silang habulin. Gusto kong agawin si Daisy mula sa kanya, at gusto kong sapakin siya at pagsabihan na layuan si Daisy. Pero ano ba ang karapatan ko para gawin ang bagay na ‘yon? Anong karapatan ko na manghimasok sa mga affairs ni Daisy? Gaya nga ng tanong niya kanina, anong pakialam ko? Kahit nagngitngit ang kalooban ko, I returned to the table na parang walang nangyari, but my thoughts were spinning. Si Daisy pa rin ang laman ng utak ko. I tried to push it out of my head at mag-focus na lang kay Althea, but it felt impossible. “Babe, are you okay?" tanong nito, at banayad na hinawakan ang kamay ko. Paulit-ulit akong tumatango at ngumiti. “Yes, I’m fine. Masaya ako na ka

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 8 "Mistake"

    My heart stopped, and my mind raced, realizing na mali ang nasabi ko. Bulong lang ‘yon, pero alam kong narinig ni Althea. Gaya ko, hindi na rin siya gumagalaw; hindi nakakapagsalita, at nanatili lang sa kandungan ko. Then she pushed me away. Hinagilap ang mga saplot niya at tahimik iyong sinuot, at pagkatapos ay hinarap ako.Kung kanina ay gulat ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon ay galit na. Galit na hindi ko alam kung paano pawiin, kung paano mawala.“What did you just say?” Nanginginig ang boses niya na sumabay sa marahas niyang paghinga dahil sa pinipigil na emosyon. Katulad niya, hindi ko na rin halos mahabol ang marahas kong paghinga. Panic rising in my throat. I couldn’t move, couldn’t speak. Gusto kong mag-sorry; gustong magpaliwanag, kaya lang paano? Bilang lalaki, alam kong walang excuse ang ginawa ko—ang sinabi ko. Alam kong nasaktan ko ng sobra si Althea sa puntong ‘to.“I…” Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko, pero nilapat ko naman ang palad ko sa pisngi na

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 9 "Kiss"

    DAISYPara akong lutang nang lumabas kami ni Vincent sa restaurant. Sa sobrang lutang ko, maski ang sawayin siya sa ginagawang paghaplos-haplos sa baywang ko ay hindi ko nagawa. Hinayaan ko lang siya na parang nagugustuhan ang ginagawa niya. Pero hindi; hindi ko nagugustuhan. Si Sir Onse naman kasi, panira! Masaya na sana ako kanina. komportable na akong kasama si Vincent; biglang sulpot naman siya. Gulat na gulat ako kanina: hindi ko akalain na magkikita pa ulit kami matapos ang ilang linggo na walang kahit anong communication. Kaya lang, imbes na matutuwa ako sa muli naming pagkikita, hindi ‘e—nainis ako; hindi ko nagustuhan ang paghawak niya sa braso ko na sobrang higpit. Masakit. Ramdam ko ang pagbaon ng mga daliri niya sa manipis kong braso. Ang mas nakakainis pa, ang mga tanong niya wala sa ayos; wala sa lugar. Bakit ba siya nagagalit? Anong pakialam niya kung makipag-date ako sa ibang lalaki. Siya nga ‘e, agad-agad na tinanggap si Althea kahit niloko siya noon. Tapos ako p

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 10 "Rage"

    “Sandali," sabi ko, habang binubuksan ang gate. At nang mabuksan ko, malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko—sampal mula kay Althea. Ang lakas na muntik kong ikatumba. Sa sobrang gulat, hindi kaagad ako nakapagsalita; hindi ako makagalaw. Napahawak lang ako sa pisngi kong parang sinisilaban. Ang init. Ang hapdi. Ang sakit. Parang sandaling nawala ang pandinig ko. Hindi pa man ako nakabawi sa pagkabigla, umalingawngaw naman ang nanggagalaiting sigaw ni Althea. “You—! You shameless woman!” And before I could react, inabot naman niya ang ulo ko. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa scalp ko bago niya hinila ang buhok ko. Wala akong nagawa kundi ang humikbi lang. I was too shocked to fight back. Nagawa ko lang hawakan ang kamay niya nang hindi ko na matiis ang sakit sa anit kong parang natuklap na. Sumabay rin ang hampas ng isang kamay niya sa mukha ko ang pagsabunot sa buhok ko. “Ano ba, Ms. Althea! Tama na po!" Daïng at hikbi ang kasama ng pakiusap ko. Sakabila ng

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 11 "Dismay"

    Onse’s concern for Althea was undeniable, as he quickly helped her to her feet. Pero ang tingin niya sa akin ay parang pana na pinupuntariya ang puso ko. “How could you, Daisy?!” Dinuro-duro niya ako na para bang hindi niya ako kilala; hindi niya ako nakasama ng ilang buwan para isipin na magagawa kong manakit na walang dahilan.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nagulat na nga ako sa biglang pagdating niya, nagulat pa ako sa inaasta niya; hindi ko in-expect na agad niya akong sisihin na hindi man lang inaalam kung ano ang totoong nangyari. At saka, ano ba ang nangyayari at pareho silang sumugod rito?“Paano mo nagawang manakit? Kailan ka pa naging ganito ka bayolente?" His accusations spilled from his lips. Tinapunan niya rin ng matalim na tingin si Vincent na para bang sinisisi niya ito dahil hindi ako inawat sa pananakit ko sa pinakamamahal niyang girlfriend. Imbes na sumagot ako, magpaliwanag o e-defend ang sarili; nanahimik ako. Pinagmamasdan ang bawat galaw niya, ang pag

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 12 "Blocked"

    ONSENakauwi na ako sa condo kasama si Althea, at ngayon nga ay katabi ko na siya sa kama. Yakap-yakap ko, pero ni isa sa amin ay walang nagsasalita, tanging ang mahinang hikbi niya lang ang maririnig sa loob ng kwarto. I pressed my lips on her forehead, mahigpit na yakap naman ang sagot niya. After the chaos that had happened between her and Daisy, nagkabati kami. She realized na hindi ko kinukunsinti ang pananakit sa kanya ni Daisy, kahit pa malalim ang pagkakaibigan namin. Now we are back to being us.“Onse…” Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagsalita rin si Althea. She pressed her cheek against my chest and began talking about the fight with Daisy. “Kung alam ko lang na aabot sa gano’n ang sitwasyon, hindi na lang sana ako nagpunta sa bahay ni Daisy," her voice soft but edged with raw emotion.Hindi ako umimik, pero kamay ko naman ay marahan na humaplos-haplos sa buhok niya. Gusto kong maramdaman niya na kahit hindi ako umiimik, handa naman akong makinig sa sasabihin niy

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 13 "Realization"

    The realization hit me hard when I discovered Daisy had blocked me. Hindi lang number ko, pati na rin sa mga social media. I intended to explain and apologize, but she cut me off completely. Kalooban ko tumututol sa ginagawa niya; hindi ako mapanatag. And yes, masakit ang ginawa niya; hindi ako makapaniwala na magagawa niya akong despatsahin sa buhay niya. But, ito ang gusto niya; so be it. Maybe it was for the best.Hindi na ako sumubok na muling kontakin siya, o ang mag-isip ng posibilidad na magkita kami ay iniwasan ko. Nakakalungkot mang isipin na umabot kami sa puntong ‘to, pero tinanggap ko—I lost my friend; my remedy. Ang hirap pala tanggapin, inaamin ko; hindi madali, pero wala na akong magagawa—bin-lock ako; she wants me out of her life, kasi may Vincent na siya.Para mawala sa isip ko si Daisy, at ang mga nangyari, I threw myself into work. I barely left the office. Sinisiguro kong puno ang calendar ko ng mga appointments. Tanggap lang ako ng tanggap ng clients. Kahit a

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 14 "Calm"

    DAISY Dumaan ang mga araw, after that chaotic night between me, Althea, and Onse. At hanggang ngayon, paminsan-minsan ko pa rin na naririnig ang mga bintang sa akin ni Onse. May konting sakit pa rin akong nararamdaman, but I forced myself to shake them off. Pati ang paghanga ko sa kanya ay pinipilit kong mawala. Tama na ang ilang taon na kahibangan ko. Ayaw ko na sayangin ang oras ko, at ang panahon ko sa kanya. Kaya, bin-lock ko siya, hindi lang ang numero niya, sa social media, pati na rin sa buhay ko. Wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin niya, o kung ano ang nararamdaman niya. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang lumaya sa anino niya—sa anino nila ni Althea. Hindi ko hahayaan na huminto ang buhay ko dahil sa mga binitawan niyang salita, at lalong hindi hihinto ang pag-ikot ng mundo ko, ngayong hindi na siya parte ng buhay ko. Sa trabaho ako nag-focus; kay Vincent, na inaamin ko ay nagustuhan na, hindi lang nitong utak ko, kundi pati nitong puso ko. Kung dati ang routi

Latest chapter

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 34 "Despair"

    Before I could react, he closed the distance between us and wrapped me in a tight embrace, then he said, “surprise.” His voice was laced with excitement and tenderness. Muli na namang nanigas ang katawan ko. Lahat na klase ng emotion ay ramdam ko. Akala ko naubos na ang luha ko kanina, hindi pa pala. Bumabaha na naman ang mga luha na kahit anong pigil ko, pumapatak pa rin. Sumabay din ang pagyugyug ng balikat na para bang lumilindol. Hinahanap ko sa loob-loob ang saya dahil yakap na niya ako; nandito na siya kasama ko, pero wala akong maramdaman na saya—pain and something na hindi ko ma-explain ang bumabalot sa puso ko ngayon. “Surprise…” I tried to steady my voice, but it cracked. I was indeed surprised. Kanina pa lang sa restaurant, na surpresa na ako, at ngayon naman...hindi ko kasi in-expect na darating siya.“Daisy, I missed you.” His arms tightened around me as though he were trying to shield me from everything that had hurt me. And for a fleeting moment, hinayaan kong manat

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 33 "Shattered Heart"

    Hindi ko na kayang tingnan sila. Malapit na ring pumatak ang luha ko na sinusubukan kong pigilin. Ang saya kasi ni Vincent habang kausap ang babae. Ni minsan hindi siya lumingon. Nasa babae lang ang atensyon niya. Sumikip ang dibdib ko; hindi na rin normal ang paghinga ko. Pakiramdam ko malapit na akong mawalan ng malay. Walang salita na tumalikod ako. Ang laki at bilis ng mga hakbang ko. Nabangga ko pa ang mga upuan na nadaanan ko, pero hindi ko pinansin; hindi ko ininda ang sakit. Ang gusto ko ay lumabas bago pa ako mag-collapse. “Besty?” Charmaine’s voice was laced with concern as I pushed my way out of the restaurant. Alam ko namang agad siyang sumunod. Hindi nga niya alam kung ano ang nangyayari; hindi niya alam kung ano—sino ang nakita ko sa loob ng restaurant. Hindi niya alam na nando’n si Vincent dahil nakatalikod kasi sila sa isa’t-isa ni Vincent. I didn’t stop until, makalabas ako ng restaurant. Nang makalabas ay sumuksok ako sa isang sulok malapit sa restaurant where

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 32 "Infectious Smile"

    It had been two weeks since Vincent left for Australia on a business trip with his mother. Sa labing apat na araw na ‘yon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang maghintay, mag-worry, at mag-isip. Ganito ang nararamdaman ko dahil sa loob ng mga araw na ‘yon, he’d only called me four times. At sa apat na beses na iyon, our conversations had been brief, rushed, and ended with him falling asleep halfway through. Naiintindihan ko naman. Tinatanggap ko agad ang mga paliwanag at paghingi niya ng tawad na walang pag-alinlangan. Alam ko naman kasi na pagod siya, at he was busy. His schedule was packed with endless meetings. ‘Yon ang sabi niya, no’ng huling nag-usap kami. At saka, ‘yong time difference kasi, ang clocked out ko ay nine in the evening, past midnight na ‘yon sa Australia. Natural na makatulog talaga siya.Pero ngayon, ewan na. Hindi ko na alam kung dapat ko pa ba siyang intindihin. Dapat ko pa bang tanggapin ng walang reklamo ang mga paliwanag niya na sa tingin ko ay mga excu

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 31 "Business Trip"

    I was about to speak, sasagutin ang salitang sandaling nagpagulo ng utak ko, but the sound of a car pulling up interrupted me. Nilingon ko ang pinanggalingan ng tunog na ‘yon, and there it was—Vincent’s car coming to a smooth stop just outside the hospital. Nginitian ko siya. I’m grateful for his impeccable timing, even though my emotions were a tangled mess. Maya maya ay nilingon ko naman si Onse. Sinalubong ang matiim nitong titig sa akin, as if he were bracing himself for what I was about to say. Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga. “Masaya po ako, Sir Onse,” sabi ko sa mahinahon na boses. At saka muling nagpakawala ng buntong-hininga. Na-surprise kasi sa reaction ko ngayon. Dapat kasi ay nag-uumapaw ang saya. Dapat ay excitement ang pinapakita ko, pero hindi ‘e, kalmadong-kalmado ako habang sinasalubong pa rin ang mga mata niya na walang kurap na tumitig sa akin. Ang titig niya, parang ako lang ang nakikita niya. Parang ako lang ang sentro ng mundo niya, at salita

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 30 "The Words"

    DAISYHindi ako maperme sa kinatatayuan ko. Maya’t maya rin ang pag-check ko sa oras. Kanina ko pa kasi hinihintay si Vincent dito sa lobby ng hospital. Nababagot pero nag-aalala rin ako. He had never been this late before. Mahigit isang oras na, since the time he promised to pick me up. I tried calling him, but hindi niya sinasagot ang tawag ko. I’d sent countless messages, too, but there was still no reply. Two days ago, he had dinner with his family. Ang saya-saya niya habang kinukwento sa akin, his mother and stepfather were finally treating him better. Ang saya ko for him. Nagpasalamat pa nga siya akin dahil nagdilang anghel daw ako. Kaya nga kami lalabas ngayon para e-celebrate ang magandang nangyayari sa buhay niya.Kaya lang medyo naiinis na ako. Nakakapagod maghintay sa taong hindi mo alam kung darating pa ba o hindi na. Ang excitement ko, napapalitan ng impatience. Napabuga na lang ako ng hangin habang mabagal na naglalakad papunta sa waiting area at pabagsak na umupo. My f

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 29 "Crossed The Line"

    Matapos makatanggap ng magkasunod na sampal, saka lang na-realize ni Althea kung sino ang inataki niya. Ngayon ay umawang na ang labi at nanlalaki ang mga mata habang dinuduro ng kapatid ko na nanggagalaiti sa galit. Ngayon ko lang nakita ang kapatid ko na magalit ng ganito. Ang lakas ng sampal na tumama sa pisngi ni Althea. Iba pala talaga magalit ang mga taong mabait. Ang lambing din nitong kapatid ko at pino pa kumilos. Siya ‘yong tipong nagpaparaya lang at tatanggapin lang kung ano ang ibabato sa kanya, pero ngayon, ibang-iba siya.Si Althea naman, matapos ma-realize na si Charmaine pala ang inataki niya, biglang kumalma. Ang gulat na ekspresyon niya kanina, ngayon ay napalitan ng hiya. Ni ang hawakan ang pisngi niya na may bakas ng palad ni Charmaine ay hindi niya nagawa. Gumalaw lang ang labi nito na parang may gustong sabihin, but words never came out. She knew well enough that Charmaine had disliked her from the start and had repeatedly warned me not to trust Althea. Charmai

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 28 "Attacked"

    Banayad na haplos sa pisngi ko ang gumising sa pagtulog ko. It was my sister, Charmaine. Her touch was filled with warmth and concern. Hinawakan ko rin at pisngi niya at nginitian ng matamis."Kuya Onse. Mabuti naman at gising ka na. Pinag-alala mo ako. Alam mo ba ‘yon?" sabi niya. Boses niya, magkahalong inis at pag-aalala. “Ano ba ang pumasok sa utak mo at nagpabaya ka sa sarili?” Sunod-sunod na ang tanong niya na hindi ko alam kung alin ang unang sasagutin. Ibubuka ko pa lang kasi ang bibig ko, may tanong na naman siya. Ano raw ba ang nangyari? Kumusta na raw ang pakiramdam ko. Ang sabi raw kasi ng doctor ay dehydrated ako at hypertensive pa. Hindi ko naman kasi sinabi sa pamilya ko ang kondisyon ko. Ayaw kong mag-alala pa sila. At saka kaya ko naman ang sarili; hindi ko naman naisip na aabot sa ganito.“Kuya Onse, magpahinga ka naman. Isipin mo naman ang sarili mo. Hindi ka na po bumabata. ‘Wag puro trabaho. At saka ‘wag mong e-invest ang sarili sa taong walang kwenta…”Mapait ako

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 27 "Coldness"

    Sa wakas tuluyan na rin akong nakalabas, hindi lang sa kwarto, kundi pati na rin sa buhay ni Althea. Heto nga, mga curious na tingin naman ang binabato sa akin ng mga taong nakarinig ng away namin ni Althea. Mga tingin nila, may bahid ng panghuhusga, pero mas nangibabaw ang pagkairita. Nakakaistorbo nga kasi ang mga sigaw ni Althea na hanggang ngayon ay um-echo pa rin sa hallway. Anong klase nga bang babae si Althea? Hindi niya ba naisip na nandito siya sa hospital, pero kung magwala siya ay parang nasa sariling pamamahay. Nahihiya man akong masalubong ang mga tingin ng lahat, I kept moving, determined to find Daisy. I needed to apologize to her for the mess Althea had dragged her into.Ang bilis kong narating ang emergency room, pero hindi ko makita si Daisy, kaya nagtanong na ako sa kasamahan niya, at ang sabi nga nito ay lumabas si Daisy. Sigurado raw na magpapahupa ng sama ng loob. I ran a hand through my hair, my frustration growing as I headed to the nurse’s lounge. But she w

  • Daisy His Remedy   Daisy His Remedy 26 "Foolish"

    ONSETinapunan ko ng matalim na tingin si Althea. "Akala ko ba magbabago ka na. Akala ko, hindi mo na naguguluhin si Daisy." Hindi ko na na-kontrol ang sarili at nasinghalan ko na siya na ikinapikit ng mga mata niya. “You promised you wouldn’t mess with Daisy again, Althea. Ano na naman itong ginawa mo?" dagdag ko, sabay lingon kay Daisy na malapit nang mawala sa paningin ko.Imbes na sumagot, sinubukan niyang kalasin ang kamay ko na maghigpit na humawak sa braso niya. “Onse, nasasaktan ako. Bitiwan mo na ako, please," pagmamakaawa niya. Tears welled in her eyes. Pero hindi maitago ng mga luha niya ang galit sa mga mata niya. Nandon’n din ang tingin na parang nagsasabi na siya ang biktima at si Daisy ang nanakit. Ganitong-ganito rin niya ako tingnan no’ng sumugod siya sa bahay ni Daisy. Napamura na lang ako ng tahimik. Nagtataka kasi ako kung bakit hindi ko nakita ang ugaling pinapakita niya ngayon. Back then, ang tingin ko sa kanya perpekto, maganda, marunong rumespeto ano man ang e

DMCA.com Protection Status