Napabuntong hininga na lang si Jerome at lumabas na rin sa bahay ng kanyang ina. Habang nagmamaneho siya ay nakatanggap siya ng video footage galing sa katulong nila sa bahay at biglang humigpit ang hawak niya sa manibela nang makita niya na tumakas ang kanyang asawa. Mas lalo siyang na galit nang makita na sumakay ito sa kotse ng kanyang uncle Vince.Hindi siya makapaniwala na kayang gawin iyon ng kanyang asawa. Tumalon ito sa balcony at sumakay sa kotse ng kanyang uncle sa ganoong itsura. Humigpit ang kapit niya sa manibela ng kanyang kotse. Hindi matanggap na tinulungan pa ito ng kanyang uncle. Nais niyang kumalma kaya naman ay pinili niya na lang na bumalik sa bahay ng kanyang ina para doon pakalmahin ang sarili niya.“Oh, bakit bumalik ka?” tanong nito sa kanya.“Gusto kong magpahinga, mom.” sagot lamang ni Jerome sa kanyang ina.“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam?”“Mom, please.”“Bakit ba kasi hindi mo hiwalayan ang babaeng ‘yon? Hindi siya ang dapat sa ‘yo,” sambit ng ina niya.
NAKATAYO si Caren sa balcony ng kanilang silid. May dalawang buwan na rin nang simulan na niyang paghandaan ang kanyang pagbubuntis. Ngunit aksidente niyang makita ang mensahe na galing kay Lara. Ang secretary ng kanyang asawa. Nanginginig ang kanyang kamay habang hawak ang selpon ng asawa at ipinagpatuloy ang pagbabasa.“Masyado yatang masikip sa akin ang bago kong bili na nighties? Gusto mo bang makita ito para naman ma-check mo? Ang ganda pa naman nito, I really like it!”May ipinadala itong larawan habang suot ang sinasabi nitong nighties. May kung anong sumaksak sa puso ni Caren habang nakatitig sa larawan ng babae. Sa kahit anong anggulo ay makikita na nakakaakit ito. Nag-uumapaw ang cleavage nito sa fitted nighties na suot nito. At tama ang babae na mukhang masikip ito at maganda na talagang bumagay sa kulay ng balat niya na maputi.Humigpit ang pagkaka-hawak ni Caren sa telepono ng kanyang asawa. Sa sobrang higpit ay nais na niya itong sirain. Ngayon niya iniisip na ganito ba
INISANG lagok lang ni Caren ang alak na nasa kanyang baso. Sunod-sunod iyon at walang mintis. Sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay hindi lubos maisip ni Caren na lolokohin siya ni Jerome. Na lolokohin siya ng kanyang asawa. Sa lahat pa ng tao na puwedeng gumawa sa kanya ng masama ay ang asawa pa talaga niya. Nang makita niya itong may kaulaway na ibang babae ay parang isang libong patalim ang sinaksak sa kanyang puso. Ang mga patalim na sa tingin niya ay naging dahilan para tuluyang mawasak ang puso niya. “Sa tingin ko naman ay mahal ka ng asawa mo. Mahal ka ni Jerome, parang mahirap paniwalaan na lolokohin ka niya. Hindi kaya masyado ka lang nag-iisip ng ganyang mga bagay?” tanong ni Jane pero bakas pa rin ang pag-aalala para sa kanyang kaibigan.Mapait na ngumiti si Caren sa kanyang kaibigan. Dahil iniisip niya na hindi iyon gawa-gawa lang.“Sa tingin mo ba masyado lang akong nag-iisip? Nakita ko, nakita mismo nang dalawang mga mata ko ang ginagawa nila. I saw them, J
HINDI mapakali si Caren nang makauwi na siya sa bahay nila. Halos hindi niya maalala kung paano ba siya nakauwi. Hindi niya magawang pumasok sa loob dahil mas nababalisa siya. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bag at matagal na nakatitig sa numero ni Vince. Matagal na itong naka-save sa kanyang phone at ni minsan ay hindi niya ito tinawagan o pinadalhan man lang ng mensahe.Pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil kailangan na niya itong kausapin. Kakausapin niya tungkol sa nangyari sa kanila. Ang muntik ng mangyari.Caren to Vince: Uncle, can we pretend that nothing happened between us? I was really drunk and it was my fault dahil sa mali ang room na pinasok ko. Naghintay si Caren ng reply mula kay Vince pero wala talaga. Muli siyang nagpadala ng mensahe.Caren to Vince: Uncle?Pero nakita niya na binasa nito iyon. Wala sa sarili na napakagat siya sa daliri niya. Napansin rin niya na mukhang binura nito ang mensahe niya. Iniisip niya na baka ayaw nang pag-usapan Vince ang tung
GINAGAWA ni Caren ang lahat para makawala sa kanyang asawa na walang tigil sa paghalik sa kanyang labi. Tuwing naiisip niya na nakipaghalikan ito sa ibang babae ay umaahon ang galit sa puso niya. Nandidiri siya sa lalaking ito.“Let me go! Bitiwan mo nga ako! Ano ba, Jerome?!”Ngunit sadyang malakas si Jerome at mas idiin pa nito ang katawan sa kanya. Dahilan para tuluyang matanggal ang tuwalya na nakabalot sa kanyang katawan. Dumako ang tingin ni Jerome sa mga mapupulang marka na nasa kanyang dibdib. Kinabahan naman siya.Tiim bagang at tumalim ang mga mata ni Jerome na tila ba umakyat ang lahat ng dugo nito sa ulo dahilan para mamula ang buong mukha nito. Ramdam niya ang kakaibang tensyon dahil sa magkadikit pa rin ang kanilang mga katawan. Malakas niyang kinagat ang labi nito dahilan para dumugo ito. At para sana pakawalan na siya ng asawa.Ngunit determinado ang kanyang asawa. Gumapang ang kamay nito papunta sa maselang bahagi ng kanyang katawan dahilan para manigas siya.“Ano ba!
OO wala siyang laban sa kanyang asawa. Walang laban sa ngayon. Pero kahit na ganoon ay ayaw niyang ipakita na takot siya o nagpapasindak siya sa lalaki nasa kanyang harapan. Binawi niya ang kanyang kamay at padabog na umakyat sa may hagdan. Nang makapasok siya sa loob ng kanilang silid ay gustong magwala ni Caren. Gusto niyang ilabas ang galit niya. Naiinis siya sa kanyang sarili at paulit-ulit na tinanong kung bakit? Kung bakit ba niya minahal ang lalaking ‘yon? Kung bakit sa lahat ng lalaki ay si Jerome pa ang pinili niya noon.Binalot ng pagsisisi ang buo niyang pagkatao. She really needs to find a job para tuluyan na siyang makawala sa walang hiya niyang asawa. Pumasok siya sa banyo para maligo. Hindi naman siya nagtagal sa loob. Pagkalabas niya ay sinuot niya ang isang itim na simpleng bestida. Nais niya ng itim dahil tulad niya ay para itong walang buhay. Ayaw na niyang masyadong mag-effort pa sa pag-aayos ng sarili. Sapat na para kay Caren ang pagkapusod ng kanyang buhok.D
“Lola, ang totoo po kasi ay…..”“Pinaghahandaan na po namin, lola.” pinutol ni Jerome ang dapat na sasabihin ni Caren.Naikuyom naman ni Caren ang kanyang mga kamay. Naiinis siya dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Alam niya na hindi ito papayag na sabihin niya ang totoo na wala na siyang balak na magkaanak sa lalaki at maghihiwalay na silang dalawa.Mas lalo pang siyang nairita nang hawakan ni Jerome ang kanyang baywang. Mahigpit ang pagkakahawak nito na para bang ayaw siya nitong makawala. Noong ay gustong-gusto niya tuwing nagkakadikit ang mga katawan nila pero hindi na ngayon. Nawala na ang kilig. Hindi na ito tulad ng dati. Mas nangingibabaw na ang galit na nararamdaman niya para sa lalaki.“Lola, ang totoo po niyan ay hindi pa po talaga namin napag-uusapan ang bagay na ‘yan. Gusto ko po kasi na magtrabaho muna,” lakas loob na sambit ni Caren.Pinaningkitan ni Jerome ng mga mata ang asawa niya dahil hindi niya inaasahan na sasabihin nito sa lola niya na wala pa itong plano na mag
“Ayaw ko,” may diin na sambit ni Caren.“What?!” Kunot noo na tanong ni Jerome.“Alam ko na narnig mo ang sinabi ko. Hindi naman talaga asawa ang tingin mo sa akin. Dahil sa mga mata mo isa lang akong tauhan. Na kapag may sasabihin ka ay dapat sinusunod ko. Hindi ikaw ang dapat nagde-decide kung saan ko gustong magtrabaho.”“Bakit ba ganyan ka magsalita?”“Sa tingin mo ba talaga ay gugustuhin ko na magtrabaho kapag kasama kita? Gusto ko ng divorce at gusto ko na wala ka na sa buhay ko.” buong tapang na sambit ni Caren.Biglang naging malungkot ang mga mata ni Jerome pero binalewala lang ito ni Caren. Sa buong pagsasama nila ay nanatili siyang may bahay nito. Walang ibang ginawa kundi ang asikasuhin ang bahay at ang kanyang asawa. Sa maikling salita ay umikot ang buhay niya sa pagiging isang plain housewife.“Puwede mong sabihin na nag cheat ako pero ang tanong may ebidensya ka ba?” nakangisi na saad ni Jerome.Habang nakatingin si Caren sa lalaki na nasa kanyang harapan ay mas lalo ni
Napabuntong hininga na lang si Jerome at lumabas na rin sa bahay ng kanyang ina. Habang nagmamaneho siya ay nakatanggap siya ng video footage galing sa katulong nila sa bahay at biglang humigpit ang hawak niya sa manibela nang makita niya na tumakas ang kanyang asawa. Mas lalo siyang na galit nang makita na sumakay ito sa kotse ng kanyang uncle Vince.Hindi siya makapaniwala na kayang gawin iyon ng kanyang asawa. Tumalon ito sa balcony at sumakay sa kotse ng kanyang uncle sa ganoong itsura. Humigpit ang kapit niya sa manibela ng kanyang kotse. Hindi matanggap na tinulungan pa ito ng kanyang uncle. Nais niyang kumalma kaya naman ay pinili niya na lang na bumalik sa bahay ng kanyang ina para doon pakalmahin ang sarili niya.“Oh, bakit bumalik ka?” tanong nito sa kanya.“Gusto kong magpahinga, mom.” sagot lamang ni Jerome sa kanyang ina.“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam?”“Mom, please.”“Bakit ba kasi hindi mo hiwalayan ang babaeng ‘yon? Hindi siya ang dapat sa ‘yo,” sambit ng ina niya.
Pumasok na si Caren sa loob ng kanyang apartment at pabagsak na humiga sa kanyang kama. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod. Habang nakahiga siya iniisip niya kung bakit siya tinulungan ni Vince. Alam niya na puwedeng-puwede siyang itaboy ng lalaki pero mas pinili nito na tulungan siya.Napahawak siya sa coat nito. Parang hindi niya kayang itapon ang bagay na ito. Alam niya na mahal ito. Kaya iniisip niya na lalabhan na lang at itago. Sa susunod na pagkikita nila ay ibibigay niya ito ulit. At kung sakali man na ipatapon pa rin ito ni Vince ay doon na lang niya ito itatapon.Ngayon niya napagtanto na sobrang laki ng pagkakaiba ng kanyang asawa sa tiyuhin nito. Maybe he’s cold and arrogant pero handa rin itong tumulong kung kinakailangan. Sana lang ay hindi nito banggitin kay Jerome ang nangyari.****Nakaupo sa backseat si Vince at nakapikit siya. Nais niyang matulog ngunit hindi niya magawa dahil naiinis siya. Naiinis siya dahil hanggang ngayon ay naamoy niya pa rin ang babae sa loob
“What are you talking about, uncle?” tanong ulit ni Jerome sa kanyang tiyuhin. Nagkunwari siyang hindi niya ito naiintindihan.“Alam ko na narinig mo ang sinabi ko.” malamig na turan ni Vince.“U–Uncle,” nauutal na sambit ni Jerome.“Nalaman ko na may relasyon ka sa secretary mo. Ito ba ang dahilan kaya umalis dito ang asawa mo? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang affair mo?” kalmado pero may kakaiba sa boses ni Vince na nagbigay ng kilabot sa kanyang pamangkin.“Uncle, ‘wag mo sanang sabihin kay daddy. Aayusin ko po ito, aayusin ko ang sa amin ng asawa ko.” natatakot na sabi ni Jerome.“Natatakot ka ba na malaman nila ang ginawa mo?” “Uncle, please don’t tell anyone.” “Sana hindi mo ginawa kung natatakot ka pala na malaman nila.”“Alam ko po na mali ako. Na nagpadala ako sa tukso pero hindi na po ito mauulit pa. Hinding-hindi ko na po gagawin ang bagay na ‘yon.”Jerome is fully aware sa mangyayari kapag malaman ng mga ito ang tungkol sa pangangaliwa niya. Ma
“Hi, mom. Kumusta po ang pakiramdam mo?” tanong ni Jerome na kakarating lang ulit. Hindi pa pala ito umalis.“Jerome, okay naman ako anak.” nakangiti na sambit ng mommy ni Caren.“Mabuti naman po, sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw dito, mom.”“Okay lang, alam ko naman na busy ka. Masaya na ako na makita na okay kayong dalawa at nagmamahalan.” “Aalagaan at mamahalin ko po si Caren habang buhay.” nakangiti na sabi ni Jerome.“Iyan lang ang gusto kong marinig mula sa ‘yo.” Pagkasabi nito ay pumikit na ito para matulog.Buong gabing binantayan ni Caren at Jerome ang mommy niya. “Miss, pupunta po ako dito tuwing linggo. Pasensya ka na po kung busy ako palagi.”Nagtataka namang nakatingin ang nurse kay Care. Nais niyang magtanong ngunit mas pinili niya na manahimik at ngumiti na lang. “Tatawagan na lang kita sa results ng mommy mo.”“Salamat,” nakangiti na sabi ni Caren sa babae.Nagpaalam na siya na aalis at habang nag-aabang siya ng taxi ay biglang tumigil ang sasakyan ni Jerome
“Papunta na po ako!” nagmamadali na sabi ni Caren sa niya sa phone.“Sasamahan kita.” saad ni Jerome sa kanyang asawa.“Ako na lang. ‘Wag ka ng sumama.” naiinis naman na turan nito.“Uunahin mo pa ba ang galit mo sa akin kaysa sa mama mo?” naiinis na sambit ni Jerome.Hindi na lang umimik si Caren at hinayaan na lang niya si Jerome na hilain siya palabas sa apartment niya. Habang nasa biyahe ay tahimik sila pareho hanggang sa nakarating na sila sa hospital. Mabilis siyang bumaba sa kotse ng kanyang asawa at patakbo na pumasok sa loob.“Kumusta po ang lagay ng mommy ko?” tanong niya sa doktor.“To be honest ay hindi na maganda. At mas lalo lumala dahil dumalaw rito ang dating secretary ng papa mo at ang anak nito. Nahihilo raw siya at biglang nawalan ng malay. Tumaas ang blood pressure niya kanina.” paglalahad ng doktor.Bigla nagbago ang nararamdaman ni Caren lalo na nang marinig niya ang sinabi nang doktor. Iniisip niya kung bakit pumunta si Lyka at ang papa nito. Kung ano ba ang pa
Mabilis na lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang trabaho ni Caren kahit pa marami palagi ang ipinapagawa sa kanya ni Lyka. Ang trabaho na hindi na niya sakop ay binibigay pa nito sa kanya. “Anong ginagawa niyo? Bakit si Caren ang gumagawa ng mga bagay na ito?” mahinahon na tanong ni Lovely pero nakakunot ang noo habang nagsasalita.“Sa tingin ko po kasi ay dahil bago siya dito kaya ito ang dapat niya na matutunan.” si Lyka ang sumagot.Magsasalita na sana si Lovely pero inunahan na siya ni Caren.“Okay lang po, kayang-kaya ko naman po ito. Pumasok po ako dito para matuto.”Lihim namang napangiti si Lovely sa kanyang narinig. Ngunit kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Lyka dahil naiinis siya sa babae. Ginagawa niya ang lahat para sumuko ito pero matibay ito.“May natutunan ka naman ba sa buong linggo mo dito?” Tanong Lovely kay Caren.“Opo, nakakabisado ko na po ang mga gawain dito.” Nakangiti na sagot ni Caren.“Mabuti naman kung ganun.”“Sigurado ka ba talaga na mayroon
Maagang gumising si Caren dahil kailangan niyang makarating ng maaga sa kanyang trabaho. Lunes na ngayon at mas minabuti niya na umalis ng maaga sa kanyang apartment dahil na rin sa baka bigla siyang ma-late sa pagpasok kapag biglang bumigat ang trapiko.Saktong alas alas siyete imedya ay nakarating na siya sa Venus Corporation. Kaagad naman siyang tinuruan ng dapat niyang gawin. Dahil nagkaroon sila ng quick training. Habang tinuturo sa kanya ng isa sa mga taga-HR department ay hindi man lang ito friendly dahil sobrang seryoso ng mukha nito. Pagkatapos ng quick room tour ay bumalik sila sa office ng babae.“Have a sit,” seryoso na utos nito.Umupo naman si Caren at ngumiti sa babae.“I read your resume last time at maganda ang mga credentials mo. Pero hindi ganun katagal ang work experience mo. Malaki na rin kasi ang nagbago sa mga trabaho ngayon. Kaya magsisimula ka muna sa pinakamababa para matuto ka.” Ngumiti naman si Caren sa babae at lihim namang natuwa ang babae. Kalmado lang
“Hindi ako uuwi. Hindi ko naman kailangan ang pagpayag mo.” matapang na sambit ni Caren.Dahil sa kanyang narinig ay mas lalong nanggagalaiti si Jerome sa galit. Kaya naman pinagbantaan na naman niya ang kanyang asawa.“Baka nakakalimutan mo na ang mommy mo sa hospital at ang mga bayarin niya—”“At ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya mo kapag nalaman nila ang pangangaliwa mo? Lalo na pauwi na ang daddy mo.” putol ni Caren sa sasabihin ni Jerome.Naging tahimik ang kabilang linya. Lalo na nagpipigil ng kanyang galit si Jerome. Tama ang kanyang asawa na pauwi na ang kanyang ama. Ito na ang makakasama niya sa pagpapatakbo ng kanilang company lalo na wala talagang interes ang uncle Vince niya.Kaya ngayon ay ginagamit ito ni Caren laban sa kanya. Itinaon nito na wala siya kaya ito umalis sa kanilang bahay. Humigpit ang hawak ni Jerome sa kanyang telepono.“Hindi ko inaasahan na magiging ganito ka.” may diin na sabi nito sa babae.“Ikaw ang dahilan kaya ako naging ganito.” malungkot
Aakyat na sana sa may hagdan si Caren nang bigla siyang pigilan ni Jerome. Tumingin siya sa asawa at nakita niya na may hawak na itong bulaklak. Isang bouquet of tulips. Ito ang bulaklak na binigay sa kanyang noong nanliligaw pa lang ito.“For you,” nakangiti na sambit nito.Nakatingin lang si Caren sa bulaklak na hawak ng kanyang asawa. Wala na ang dating kilig at ngiti niya tuwing binibigyan siya nito ng bulaklak. Simula noong nalaman niya na pinagtaksilan siya ng kanyang asawa ay hindi niya nararamdaman ang sincerty at pagmamahal nito sa kanya. Everything has changed. Kung noon ay gustong-gusto niya ang bulaklak na ito ay nagbago na ang lahat. Hindi na niya kayang i-appreciate ang effort ni Jerome. “I don't like this flower, just give it to your mistress.” Malamig niyang sambit.“Pero ito ang palagi mong pinipili kapag bumibili tayo.”“That was before, hindi na ngayon.” saad ni Caren at tuluyan ng umakyat patungo sa kanyang silid.Alam niya na nagpipigil lang ng galit si Jerome k