Share

CHAPTER 5

OO wala siyang laban sa kanyang asawa. Walang laban sa ngayon. Pero kahit na ganoon ay ayaw niyang ipakita na takot siya o nagpapasindak siya sa lalaki nasa kanyang harapan.   

Binawi niya ang kanyang kamay at padabog na umakyat sa may hagdan. Nang makapasok siya sa loob ng kanilang silid ay gustong magwala ni Caren. Gusto niyang ilabas ang galit niya. Naiinis siya sa kanyang sarili at paulit-ulit na tinanong kung bakit? Kung bakit ba niya minahal ang lalaking ‘yon? Kung bakit sa lahat ng lalaki ay si Jerome pa ang pinili niya noon.

Binalot ng pagsisisi ang buo niyang pagkatao. 

She really needs to find a job para tuluyan na siyang makawala sa walang hiya niyang asawa. Pumasok siya sa banyo para maligo. Hindi naman siya nagtagal sa loob. Pagkalabas niya ay sinuot niya ang isang itim na simpleng bestida. Nais niya ng itim dahil tulad niya ay para itong walang buhay. Ayaw na niyang masyadong mag-effort pa sa pag-aayos ng sarili. Sapat na para kay Caren ang pagkapusod ng kanyang buhok.

Dahil kahit pa dumalo siya ay hindi naman siya napapansin ng mga ito. Kahit pa ang mga galaw niya ay limitado na para bang nasasakal siya tuwing kasama niya ang pamilya ng kanyang asawa.

Pagbaba niya ay tumayo na si Jerome sa pakakaupo nito sa sofa. At kagaya pa rin ng dati ay makisig pa rin ito. Pero wala na ang epekto nito sa kanya. Wala na ang kilig na nararamdaman niya para sa kanyang asawa. Ang dating kilig at pagmamahal niya ay parang nawala na sa isang iglap lamang. 

“Tara na,” malamig na turan ni Jerome.

Habang nasa biyahe sila papunta sa kanilang dadaluhan na dinner ay tahimik sila pareho. Walang may nais na magsalita sa kanilang dalawa.

Nang makarating na sila sa bahay ng grandparents ni Jerome ay baba na sana siya pero may biglang humarang na Range Rover at sa mismong tapat pa nila. Kumunot kaagad ang noo ni Jerome ng mapagtanto nito na kay Vince ang kotse.

Sa pagkakaalam niya ay hindi gaanong nag-uusap ang dalawa. Dahil na rin kay Jerome, because he wants to distance himself from his uncle. 

Si Vince ang dapat na magma-manage ng Fordman corporation pero tinanggihan niya ito. Inakala ng lahat na mabibigo ito dahil nagtayo ito ng sariling negosyo. Pero may lihim pala itong galing at umunlad ang itinayo nitong negosyo na ngayon ay kahanay na ng Fordman corporation.

Sa loob ng maikling taon ay nagkaroon na ito ng mahigit sa sampung branches at masasabing matagumpay nga falaga ito. Hindi lang kayang aminin ni Jerome na may pagkakataon na naiinggit ito sa kanyang tiyuhin. Sa success na tinatamasa nito. Na parang bang  effortless lang ito sa kanyang uncle.

Kakaiba rin ang ugali na mayroon ang Uncle Vince niya. Masyadong mailap at kapag may ayaw ito ay ayaw niya talaga. Hindi ito basta-basta pumupunta sa mga pagtitipon pero hindi niya lubos akalain at nagtataka pa na narito ito ngayon. Ang alam niya ay may sama pa ito ng loob sa kanya dahil sa ginawa niya noon na isyu na i-kinalugi ng Fordman Corp. Nawala sa isipan ni Jerome na nasa tabi lang niya ang asawa at hindi niya nakita na namutla na ito dahil nakita nito si Vince.

Mabilis namang bumaba si Jerome sa kanyang sasakyan upang batiin ang kanyang uncle. “Hi, uncle. Narito ka rin pala.” nakangiti pa siya sa binata.

Lumingon lang ito at naging kaswal lang ang tingin na may kasamang pag-tango. Ni hindi man lang siya ngumiti. Pagkatapos ay pumasok na agad ito sa loob ng mansyon. Samantala nakahinga naman ng maluwag si Caren dahil natakot siya nang makita niya itong muli. Alam niya ang ugali nito masyado itong prangka at walang kinatatakutan.

Kahit na ganoon ay balak pa rin ni Caren na kausapin ng maayos ang tiyuhin ng kanyang asawa. Nais pa rin niyang linawin ang lahat ng mga nangyari. Binalingan siya ni Jerome kaya naman bumaba na rin siya sa kotse at naka-sunod sa kanyang asawa na pumasok sa may garden area. Narito na rin ang ibang pang mga kamag-anak ni Jerome at napansin niya na kausap si Vince ng matandang Fordman. Hindi niya inakala na ganito pala ito sa pamilya itong. Naging center of attraction ito. Na kay Vince ang mga mata ng mga narito. Na para bang binabantayan ang bawat galaw nito. He looks powerful and his aura is like a king.

Jerome noticed na nakatingin ang kanyang asawa sa tiyuhin. Kaya mas dumikit ito sa kanya.

“Kakaiba yata ang tingin mo kay uncle? You like him?” mariin na tanong niya sa asawa.

“Ano naman ngayon? Bawal bang tumingin?” mataray na sambit ni Caren.

“Hindi ko gusto na tumitingin ka sa ibang lalaki lalong-lalo na sa uncle ko.” 

“Are you jealous?” 

“Sa tingin mo? Hindi ba halata?” naiinis na bulalas nito.

Kung noon ito nangyayari ay baka kiligin pa siya pero iba na ngayon. Hindi na siya kinikilig dahil naiinis na siya. Naiirita siya sa mga narinig niya mula sa kanyang asawa. 

“Ayaw ko na may ibang babae sa buhay mo pero nakipag-siping ka sa kanila.” mahina pero puno ng diin na turan niya.

“Talaga bang kailangan mo pang ungkatin ang bagay na ‘yan dito? Hindi mo ba kayang hintayin na makauwi tayo? Huwag ngayon, Caren.” may pagbabanta na saad ni Jerome habang nagpipigil ng galit.

“Mind your own business at hayaan mo ako dito. Para tahimik ang buhay mo at para hindi ko ungkatin ang kasalanan na ginawa mo sa akin. Ikaw ang may gusto na sumama ako dito kaya panindigan mo.”

Ngumiti si Caren na para bang okay lang ang lahat kahit na ang totoo ay pinipilit lang niya ang kanyang sarili. She tried her best para kausapin pa rin ng maayos ang mga nakakatanda at ngumingiti siya ng ubod ng tamis sa mga ito. Kailangan niyang magpanggap na mabuting maybahay ng isang CEO ng Fordman Corp.

“Caren, Jerome halika kayong dalawa. Dito tayo, maupo na kayong dalawa.” tawag sa kanila ni Diana. The matriarch of the Forman family. Nakangiti ito habang tinatawag ang dalawa.

“Kumusta po kayo, lolo at lola?” magalang na tanong niya habang nakangiti.

“Mabuti naman ako, Caren. Halika ka dito sa tabi ko at dito kana umupo. Masaya ako na nakapunta kayo ngayong gabi. Higit na masaya ako dahil matagal na kayong masayang nagsasama ni Jerome. Ang saya lang na makita na matibay pa rin ang pagsasama niyo hanggang ngayon.” 

Maliit siyang napangiti at hindi niya sinasadya na mapatingin kay Vince na ngayon ay tahimik lang na nakaupo malapit sa kanila. Hindi nagtagal ay nagsalita ulit ang matanda.

“Itong si Jerome ay magaling sa paghawak ng negosyo at in next one or two years ay makikita natin na may anak na sila ni Caren. How about you, Vince? Wala ka pa rin bang balak na mag-asawa o magpakilala man lang ng girlfriend mo sa amin?”

Napansin niya na sumulyap sa kanila si Vince at bahagyang ngumiti. Nagtaka siya dahil alam niya na pilit lang ang ngiti na ibinigay nito sa kanya.

“Maganda ang apo niyo pero kakayanin na ba niyang mabuntis sa ganyang pangangatawan?” saad nito. 

Lihim namang napalunok si Caren dahil parang nanuyo ang lalamunan niya sa narinig niya mula kay Vince. Para kasing may iba ang ibig sabihin na hindi niya mawari.

Nakaramdam naman ng kakaiba si Jerome dahil alam niya na may halong malisya ang tingin na ipinukol ng kanyang tiyuhin sa kanyang asawa. Sa tingin niya ay interesado ito kay Caren kaya naman pasimple siyang humawak sa baywang ng asawa at bahagya niya itong pinisil. At nagbigay iyon ng inis kay Caren.

“Ginagawa mo bang biro ito? Wala ka bang plano na magkapamilya? O magkaanak man lang?” kunot noo na tanong ni Lola Diana.

“Hindi ko pa alam. Pero malay natin mamaya ay bigla akong may makilala na gusto kong maging asawa. Puwede ko naman siya agad ipakilala sa inyo para magpakasal na kami agad.” nakangisi na sagot nito sa matanda.

“Mamaya? Sa tingin mo makakahanap ka ng matinong babae sa bar? Puro ka laro kaya dapat talaga na makipag blind date kana sa mga apo ng kumare ko. And please lang pumunta ka at magseryoso. Ako ang nahihiya sa mga ginagawa mo sa blind dates mo,” pakiusap ng matanda.

“Sorry pero wala akong balak na pumunta kaya mas mabuti na ‘wag na kayong mag-abala pa. Masasayang lang ang oras nila sa akin because I’m not interested.”

“Ewan ko sa ‘yo! Kailan ka pa ba magbabago! Mapapaaga ang buhay ko sa ‘yo na bata ka! Hindi naman mahirap ang hinihiling ko,” galit na saad ni Lola Diana at napapapikit pa ito.

“Bakit hindi na lang ang panganay kong pamangkin ang pilitin mo na gumawa ng apo? Kaysa ako ang kinukulit mo na mag-asawa eh wala pa naman akong balak.” nakataas ang kilay na saad ni Vince habang nakatingin kay Jerome.

Walang magawa ang matanda dahil alam naman niya na matigas ang ulo ni Vince at masyado itong independent. Wala itong pinapakinggan dahil ang tanging mahalaga lang sa kanya ay ang sarili nitong kagustuhan. Hindi ito basta-bastang madidiktahan ng mga dapat niyang gawin. Kaya useless lang ang pamimilit.

“Caren, may balak ka na bang magkaanak?” nakangiti na tanong nito sa kanya na para bang puno ng pag-asa ang mga mata nito sa kanyang magiging sagot.

“Lola, ang totoo po kasi  ay…..”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
naawa ako kay caren hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status