Chapter: CHAPTER 108Nang makarating na sina Selina sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Zayn. Pumatak ang luha sa mga mata niya dahil kailangan niyang magpanggap na hindi niya alam ang totoo. Na hindi niya alam na si Zayn ang nasa harapan niya.“Tristan,” umiiyak niya itong niyakap.“Mommy, nasaan po si Zayn?” “Naiwan na siya sa daddy niya. Ginawa niya ang lahat para makabalik ako dito at makasama ko kayo. Nagpakabait ka ba habang wala ako?” tanong ni Selina sa bata.“Opo, nagpakabait po ako. I miss you po, mommy. I miss you so much po,” sabi nito sa kanya.“I miss you too, anak.” umiiyak na sambit niya.Aaminin ni Selina na pangarap niyang makasama ang anak niya ngunit hindi niya pinangarap na isa sa mga anak niya ang mawawala sa kanya. Sobrang sakripisyo ang ginawa ni Tristan para lang makasama niya ngayon si Zayn. Pero hindi niya dapat hayaan na mawala ng tuluyan sa kanya ang kanyang anak. Pinapangako niya sa sarili niya na babawiin niya ito mula kay Zack.“Mommy, saan ka po galing? Sinaktan ka po
Last Updated: 2024-12-05
Chapter: CHAPTER 107“Ako miserable?” tanong ni Zack sa kanyang sarili dahil sa narinig niya mula sa bata na nasa kanyang harap.“Oo, miserable ka! Hindi ka masaya sa buhay mo kaya gusto mo rin na ganun ang mommy ko. Na ganun kami, pinapaniwala mo si Zayn sa isang kasinungalingan kahit pa ang totoo ay ang mommy ko ang mommy niya. Makasarili ka, sarili mo lang ang iniisip mo at mahalaga sa ‘yo. I hate you! I hate you so much!” sigaw nito sa kanya.“Tristan,” may diin na sambit ni Zack sa pangalan nito.“Kung iniisip mo na sasabihin ko sa ‘yo kung nasaan si Zayn ay hindi ko ‘yun gagawin. Mas gugustuhin ko pa na mabulok dito para naman makasama ng mommy ko ang kapatid ko. Ang anak na ipinagkait mo sa kanya. Isa kang masamang tao, makasarili at madamot ka.”“Tristan, I’m still your father.” saad niya.“You’re not my dad. Wala akong daddy na kasing sama mo. Kinamumuhian kita, mas gugustuhin ko pa na lumaki na walang daddy kaysa ikaw ang maging daddy ko. Si Zayn lang ang anak mo at hindi mo ako anak,” sambit ni
Last Updated: 2024-11-20
Chapter: CHAPTER 106“Go na, mom.” sabi ni Tristan kay Selina.“I can’t, hindi kita iiwan dito.” sambit ni Selina.“Umalis ka na, mom. Trust me, hahanapin kita. Mahal na mahal kita, mommy. Sabihin mo rin kay Trina na mahal ko siya.” nakangiti na sabi ni Tristan ngunit may luha ang kanyang mga mata.“Tristan, don’t do this.” sabi ni Selina.“I have to do this mom. Tama na po, tama na po na nahihirapan ka. Simula noon hanggang ngayon ay nahihirapan ka pa rin ng dahil sa amin. Kaya tama na po,” umiiyak na sabi ni Tristan.“Baby, don’t say that. Mas mahalaga pa rin sa akin na safe kayo. Dibale ng ako ang mahirapan. Huwag lang kayo, i’m sorry Tristan. I’m sorry, anak.”“Mom, alis ka na po please.” “What are you waiting for? Leave now,” sabi ni Zack na kakapasok lang ulit sa silid.Ilang minuto na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin lumalabas si Selina kaya muli na naman siyang umakyat sa silid nito.“Hindi ako aalis, hayaan mong umalis ang anak ko. Ako na lang ang pahirapan mo pero hindi ko hahayaan na maiwa
Last Updated: 2024-11-18
Chapter: CHAPTER 105“What are you talking about? Anong hindi ikaw si Zayn? Itigil mo na ito—”“You heard me. Hindi ako si Zayn at kahit kailan ay hindi ako si Zayn. Dahil ako si—”“Ano bang sinasabi mo? Tanong ni Zack sa kanyang anak dahil naguguluhan siya.“Hindi ako si Zayn.”“Tigilan mo na ito,” sabi ni Zack.“I’m telling the truth, hindi ako si Zayn.”“Tristan, stop it.” umiiyak na sambit ni Selina sa kanyang anak.“No, mom. I think it’s time for him to know the truth. I’m sorry, mom pero ginagawa ko ito para sa ‘yo.” umiiyak na sambit ni Tristan.“Please, don’t do this.” sambit ni Selina pero wala ng balak na umatras si Tristan.“What are you talking about? Stop this nonsense now.” sabi niya.“Hindi ako si Zayn dahil isa lang naman ako sa mga anak mo na inabandona mo.”“What the–”“Hindi ka naniniwala? Sa tingin mo magaling na talaga ang tunay na Zayn. Ang anak mong iyakin na inaapi ng tiyahin niya. Sa tingin mo ako talaga siya? Hindi ako si Zayn dahil ako si Tristan. Tristan ang tunay kong pangalan.
Last Updated: 2024-11-16
Chapter: CHAPTER 104“Tristan?” sambit ni Selina dahil nakita niya ang kanyang anak.Hindi siya nagkakamali dahil si Tristan ang nakikita niya ngayon. Mabilis siyang lumapit sa may mini balcony. Nais niyang kumpirmahin kung si Tristan ba talaga ang nakikita niya at hindi si Zayn. pinagmasdan niya ito ng mabuti at hindi talaga siya makapaniwala na narito ang anak niya.“Tristan, ikaw ba ‘yan?” tanong niya sa kanyang anak na ngayon ay umiiyak. Nag-unahan rin na pumatak ang kanyang mga luha. Nais niya itong yakapin ng mahigpit pero hindi niya magawa dahil nakakulong siya dito.“Mommy,” umiiyak na sambit nito.“Anong ginagawa mo dito? Baka makita ka niy–”“Shh… ‘wag ka pong maingay, mommy.” sabi nito sa kanya.“Umalis ka na dito. Baka makita ka niya, hindi ka niya puwedeng makita. Please, umalis ka na anak.” pagtataboy niya sa kanyang anak dahil natatakot siya na baka makita ito ni Zack at tuluyan ng mawala sa kanya ang dalawa niyang anak. Hindi na niya kakayanin pa kapag lahat ng anak niya ay nawala sa kanya
Last Updated: 2024-11-14
Chapter: CHAPTER 103Lumipas ang mga araw. Walang nagbago sa pakikitungo ni Tristan kay Zack. Sasagot lang siya kapag tatanungin siya nito pero hindi na niya ito pinapansin o kinakausap kapag nakasagot na siya. Katunayan ay pinipilit lang niya ang sarili niya na kausapin ito kahit na ang totoo ay galit talaga siya sa lalaki. Ngayon niya kasi napatunayan na ubod ito ng sinungaling at walang puso. Hindi niya tuloy maiwasan na makaramdam ng awa sa tunay na Zayn kung ganito ang ama na kasama nito. Naisip ni Tristan na maswerte pa rin siya na ang mommy niya. Na maswerte at masaya sila ni Trina sa piling ng kanilang ina. Ang kanyang mommy na miss na miss na niya. Kaya biglang naging malungkot ang kanyang mga mata habang nakatingin sa tv na narito sa may living room.Napapansin rin ito ni Zack at nag-aalala na siya. Alam niya na may kakaiba sa anak niya. Hindi ito ang anak niya noong mga nakaraang araw. Ang lamig nito sa kanya na kulang na lang ay hindi siya nito kausapin na para bang wala itong pakialam kung
Last Updated: 2024-11-14
Chapter: CHAPTER 18Napabuntong hininga na lang si Jerome at lumabas na rin sa bahay ng kanyang ina. Habang nagmamaneho siya ay nakatanggap siya ng video footage galing sa katulong nila sa bahay at biglang humigpit ang hawak niya sa manibela nang makita niya na tumakas ang kanyang asawa. Mas lalo siyang na galit nang makita na sumakay ito sa kotse ng kanyang uncle Vince.Hindi siya makapaniwala na kayang gawin iyon ng kanyang asawa. Tumalon ito sa balcony at sumakay sa kotse ng kanyang uncle sa ganoong itsura. Humigpit ang kapit niya sa manibela ng kanyang kotse. Hindi matanggap na tinulungan pa ito ng kanyang uncle. Nais niyang kumalma kaya naman ay pinili niya na lang na bumalik sa bahay ng kanyang ina para doon pakalmahin ang sarili niya.“Oh, bakit bumalik ka?” tanong nito sa kanya.“Gusto kong magpahinga, mom.” sagot lamang ni Jerome sa kanyang ina.“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam?”“Mom, please.”“Bakit ba kasi hindi mo hiwalayan ang babaeng ‘yon? Hindi siya ang dapat sa ‘yo,” sambit ng ina niya.
Last Updated: 2024-10-12
Chapter: CHAPTER 17Pumasok na si Caren sa loob ng kanyang apartment at pabagsak na humiga sa kanyang kama. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod. Habang nakahiga siya iniisip niya kung bakit siya tinulungan ni Vince. Alam niya na puwedeng-puwede siyang itaboy ng lalaki pero mas pinili nito na tulungan siya.Napahawak siya sa coat nito. Parang hindi niya kayang itapon ang bagay na ito. Alam niya na mahal ito. Kaya iniisip niya na lalabhan na lang at itago. Sa susunod na pagkikita nila ay ibibigay niya ito ulit. At kung sakali man na ipatapon pa rin ito ni Vince ay doon na lang niya ito itatapon.Ngayon niya napagtanto na sobrang laki ng pagkakaiba ng kanyang asawa sa tiyuhin nito. Maybe he’s cold and arrogant pero handa rin itong tumulong kung kinakailangan. Sana lang ay hindi nito banggitin kay Jerome ang nangyari.****Nakaupo sa backseat si Vince at nakapikit siya. Nais niyang matulog ngunit hindi niya magawa dahil naiinis siya. Naiinis siya dahil hanggang ngayon ay naamoy niya pa rin ang babae sa loob
Last Updated: 2024-07-12
Chapter: CHAPTER 16“What are you talking about, uncle?” tanong ulit ni Jerome sa kanyang tiyuhin. Nagkunwari siyang hindi niya ito naiintindihan.“Alam ko na narinig mo ang sinabi ko.” malamig na turan ni Vince.“U–Uncle,” nauutal na sambit ni Jerome.“Nalaman ko na may relasyon ka sa secretary mo. Ito ba ang dahilan kaya umalis dito ang asawa mo? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang affair mo?” kalmado pero may kakaiba sa boses ni Vince na nagbigay ng kilabot sa kanyang pamangkin.“Uncle, ‘wag mo sanang sabihin kay daddy. Aayusin ko po ito, aayusin ko ang sa amin ng asawa ko.” natatakot na sabi ni Jerome.“Natatakot ka ba na malaman nila ang ginawa mo?” “Uncle, please don’t tell anyone.” “Sana hindi mo ginawa kung natatakot ka pala na malaman nila.”“Alam ko po na mali ako. Na nagpadala ako sa tukso pero hindi na po ito mauulit pa. Hinding-hindi ko na po gagawin ang bagay na ‘yon.”Jerome is fully aware sa mangyayari kapag malaman ng mga ito ang tungkol sa pangangaliwa niya. Ma
Last Updated: 2024-07-11
Chapter: CHAPTER 15 “Hi, mom. Kumusta po ang pakiramdam mo?” tanong ni Jerome na kakarating lang ulit. Hindi pa pala ito umalis.“Jerome, okay naman ako anak.” nakangiti na sambit ng mommy ni Caren.“Mabuti naman po, sorry po kung ngayon lang ako nakadalaw dito, mom.”“Okay lang, alam ko naman na busy ka. Masaya na ako na makita na okay kayong dalawa at nagmamahalan.” “Aalagaan at mamahalin ko po si Caren habang buhay.” nakangiti na sabi ni Jerome.“Iyan lang ang gusto kong marinig mula sa ‘yo.” Pagkasabi nito ay pumikit na ito para matulog.Buong gabing binantayan ni Caren at Jerome ang mommy niya. “Miss, pupunta po ako dito tuwing linggo. Pasensya ka na po kung busy ako palagi.”Nagtataka namang nakatingin ang nurse kay Care. Nais niyang magtanong ngunit mas pinili niya na manahimik at ngumiti na lang. “Tatawagan na lang kita sa results ng mommy mo.”“Salamat,” nakangiti na sabi ni Caren sa babae.Nagpaalam na siya na aalis at habang nag-aabang siya ng taxi ay biglang tumigil ang sasakyan ni Jerome
Last Updated: 2024-07-09
Chapter: CHAPTER 14“Papunta na po ako!” nagmamadali na sabi ni Caren sa niya sa phone.“Sasamahan kita.” saad ni Jerome sa kanyang asawa.“Ako na lang. ‘Wag ka ng sumama.” naiinis naman na turan nito.“Uunahin mo pa ba ang galit mo sa akin kaysa sa mama mo?” naiinis na sambit ni Jerome.Hindi na lang umimik si Caren at hinayaan na lang niya si Jerome na hilain siya palabas sa apartment niya. Habang nasa biyahe ay tahimik sila pareho hanggang sa nakarating na sila sa hospital. Mabilis siyang bumaba sa kotse ng kanyang asawa at patakbo na pumasok sa loob.“Kumusta po ang lagay ng mommy ko?” tanong niya sa doktor.“To be honest ay hindi na maganda. At mas lalo lumala dahil dumalaw rito ang dating secretary ng papa mo at ang anak nito. Nahihilo raw siya at biglang nawalan ng malay. Tumaas ang blood pressure niya kanina.” paglalahad ng doktor.Bigla nagbago ang nararamdaman ni Caren lalo na nang marinig niya ang sinabi nang doktor. Iniisip niya kung bakit pumunta si Lyka at ang papa nito. Kung ano ba ang pa
Last Updated: 2024-07-08
Chapter: CHAPTER 13Mabilis na lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang trabaho ni Caren kahit pa marami palagi ang ipinapagawa sa kanya ni Lyka. Ang trabaho na hindi na niya sakop ay binibigay pa nito sa kanya. “Anong ginagawa niyo? Bakit si Caren ang gumagawa ng mga bagay na ito?” mahinahon na tanong ni Lovely pero nakakunot ang noo habang nagsasalita.“Sa tingin ko po kasi ay dahil bago siya dito kaya ito ang dapat niya na matutunan.” si Lyka ang sumagot.Magsasalita na sana si Lovely pero inunahan na siya ni Caren.“Okay lang po, kayang-kaya ko naman po ito. Pumasok po ako dito para matuto.”Lihim namang napangiti si Lovely sa kanyang narinig. Ngunit kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Lyka dahil naiinis siya sa babae. Ginagawa niya ang lahat para sumuko ito pero matibay ito.“May natutunan ka naman ba sa buong linggo mo dito?” Tanong Lovely kay Caren.“Opo, nakakabisado ko na po ang mga gawain dito.” Nakangiti na sagot ni Caren.“Mabuti naman kung ganun.”“Sigurado ka ba talaga na mayroon
Last Updated: 2024-07-06