Share

CHAPTER 3

HINDI mapakali si Caren nang makauwi na siya sa bahay nila. Halos hindi niya maalala kung paano ba siya nakauwi. Hindi niya magawang pumasok sa loob dahil mas nababalisa siya. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bag at matagal na nakatitig sa numero ni Vince. Matagal na itong naka-save sa kanyang phone at ni minsan ay hindi niya ito tinawagan o pinadalhan man lang ng mensahe.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil kailangan na niya itong kausapin. Kakausapin niya tungkol sa nangyari sa kanila. Ang muntik ng mangyari.

Caren to Vince: Uncle, can we pretend that nothing happened between us? I was really drunk and it was my fault dahil sa mali ang room na pinasok ko.

 Naghintay si Caren ng reply mula kay Vince pero wala talaga. Muli siyang nagpadala ng mensahe.

Caren to Vince: Uncle?

Pero nakita niya na binasa nito iyon. Wala sa sarili na napakagat siya sa daliri niya. Napansin rin niya na mukhang binura nito ang mensahe niya. Iniisip niya na baka ayaw nang pag-usapan Vince ang tungkol sa nangyari na ‘yon. She felt relieved. Mas mabuti na iyon kaysa maging sanhi ng problema.

Ngayon lamang niya napansin na umaga na pala. Nang makapasok na siya ay bumungad agad sa kanya si Jerome. Nakaupo ito sa may sofa. Nagkatinginan silang dalawa at halatang puyat ito. Base na rin sa nakikita ni Caren sa mga mata nito. Pero wala siyang pakialam.

“Love, saan ka pumunta? Marami akong missed calls sa ‘yo. Bakit kahit isa ay hindi mo man lang sinagot?” malumanay na tanong nito sa kanya.

Naglalakad palapit kay Caren ang asawa at balak nitong hawakan ang kanyang kamay. Ngunit iniwas niya ito. Natigilan ito at halatang nagulat sa kanyang ginawa. Bumuka ang bibig nito para magsalita pero inunahan niya ito. Ayaw niyang may sabihin pa ito.

“Hindi ba ako puwedeng lumabas kapag gusto ko? Pero kapag ikaw ay puwede?”

    

Natigilan si Jerome sa kanyang narinig mula sa kanyang asawa. Sa mahabang panahon ng kanilang pagsasama ay hindi siya kinausap ng ganito ni Caren kaya nagtataka niya itong tiningnan. Napansin niya na may kakaiba sa mga mata ng kanyang asawa kaya hinapit niya ang baywang nito para sana yakapin.

“Alam mo na diba?” 

Kalmado lang ito na para bang alam na nito na darating ang araw na malalaman niya ang totoo. Hindi na kayang pigilan ni Caren ang kanyang emosyon. Mabilis niyang binato ng unan si Jerome. Ang unan sa kanilang couch. Umahon ang lahat ng galit at hinanakit na nararamdaman niya para sa lalaki. Bumalik sa alaala niya ang tagpo na ayaw na niyang balikan pa.

Nabalewala ang masaya nilang pagsasama sa loob ng mahabang panahon. Ang pagsasama na akala niya masaya at perpekto ay ngayon may lamat na. Hindi niya alam kung ito ba ang una o baka may iba pang babae ang asawa niya na kalaro sa kama. Masakit, sobrang sakit na para bang marami siyang pagkukulang sa lalaki.

“Bakit? Bakit mo ba ito ginawa sa akin? Bakit kailangan mo pang gawin ang mga bagay na ‘yon? Kung wala ka ng pagmamahal sa akin ay puwede mo naman sabihin sa akin. Puwede mo akong hiwalayan ng maayos. Pero ginago mo ako!” umiiyak na turan ni Caren.

She believed na isang masayang pagsasama ang mayroon sila ngunit ito pala ay puno lang ng kasinungalingan. She never imagined na magkakaroon ng third party sa relasyon nilang mag-asawa. The truth hits her, wala pa lang mas masakit pa sa katotohanan na kanina lang ay sumampal sa kanya.

“Patawarin mo ako, love.” niyakap siya ni Jerome.

“Don’t touch me! Nakakadiri ka!” hiyaw niya habang tinutulak palayo sa kanya ang kanyang asawa. Ayaw niyang hawakan siya nito.

“Akala ko ako lang? Pero hindi pa ba ako sapat sa ‘yo? Am I not enough for you? Ni minsan hindi ako tumingin sa iba kasi para sa akin ikaw lang. Na sapat kana sa akin. Because you’re more than enough for me. Pero bakit hindi mo ‘yon kayang gawin? Mahirap bang gawin ‘yon para sa akin?”

Jerome clinched his fist dahil sa nakikita niya sa mga mata ng asawa. Umiiyak ito at makikita sa mga mata nito ang galit. At ang galit na iyon ay dahil sa kanya.

“Mahal kita, that was a mistake. Pagkakamali at aksidente lang ang nangyari sa amin ng babaeng ‘yon. Ikaw, ikaw lang ang mahal ko.”

Disappointed na ngumiti si Caren sa kanyang asawa. She couldn’t believe na para bang ang dali lang sabihin ang mga ‘yon sa harapan niya. Na para bang okay lang ang lahat. Na para bang kailangan niya itong tanggapin agad.

“So, you’re saying na puwede rin akong makipags*x sa iba? At sasabihin ko na pagkakamali at aksidente lang ang lahat? Na hindi ko sinasadya at sasabihin ko sa ‘yo na kalimutan na lang natin, kasi… Kasi ikaw naman ang mahal ko, gano’n ba dapat? Ganun ba dapat ‘yon?”

“Do it and I’ll make sure na ikaw at ang lalaki mo ay magiging isang malamig na bangkay.” saad nito habang malamig at walang emosyon ang mga mata nito.

Kasing lamig ng nararamdaman ni Caren ang tingin na ipinukol niya sa kanyang asawa. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito sa kanya. Ayaw nitong pagtaksilan pero ito ang unang nagtaksil sa kanya. “Walang hiya talaga!”  saad niya sa kanyang isipan.

Gustong-gusto niya itong murahin at saktan para maibsan ang nararamdaman niya ngayon ngunit hindi niya magawa. Dahil hindi sila magkapareho.

“Do you still remember kung ano ang sinabi ko noong nag-propose ka sa akin? Naalala mo pa ba ‘yon?”

Sinabi niya na kapag niloko siya ay hinding-hindi niya ito patatawarin at iiwan niya ito agad. Aalis siya ng walang pasabi. Ito ang mga salitang sinambit niya noon kay Jerome.

Kaagad namang nagbago ang ekspresyon ni Jerome. “Hindi ko kayang mawala ka sa akin!”

Caren wiped her tears. At tumingin ng malamig sa kanyang asawa. 

“Pero ginawa mo na. Hinayaan mo na mangyari ito sa atin. Pumayag ka man o hindi ay iiwan pa rin kita. My decision is final. Hihiwalayan na kita dahil hindi mo deserve na patawarin.”

  

Iniwan niya si Jerome at mabilis na umakyat sa kanilang silid. At pinanood lamang siya nito habang paakyat sa may hagdanan. Dumiretso si Caren sa banyo para maligo dahil hindi na niya kaya ang panglalagkit ng katawan at ang amoy ng alak. 

Habang sinasabon niya ang kanyang katawan ay napatingin siya sa salamin. Bahagya siyang natigilan ng makita ang mapupulang marka na nasa kanyang dibdib. Napabuntong hininga siya at kaagad na naalala kung saan ba niya nakuha ang mga ito. Kagagawan ito ni Vince. Nagbanlaw na siya ng katawan at kumuha ng towel para punasan ang mga ito. Namula na ang paligid ng kanyang malusog na dibdib sa kanyang ginagawa na pagkuskos. Nais niya na sa kahit ganitong paraan ay mawala ang bakas nito. Ang bakas ng labi ni Vince.

Nang matapos na siya ay lumabas na siya sa banyo. At bumungad sa kanya si Jerome na ngayon ay nakaupo sa kanilang kama. Hindi niya mawari kung ano ba ang iniisip nito o may iniisip ba ito? Nilagpasan lang niya ito at nagkunwari siyang hindi niya ito nakita. Kung sa bagay ay malapit na rin naman silang maghiwalay kaya ano pa ang saysay na makipag-plastikan siya sa lalaki.

Tumingin si Jerome sa gawi ng kanyang asawa  nakita niya na nakatapis lamang ng tuwalya si Caren. Nakatalikod ito sa kanya at tumutulo pa ang basa nitong buhok. Amoy na amoy niya ang mabangong halimuyak nito sa buong silid. Ang amoy na inaakit siya.

Dumako ang tingin niya sa matambok na pang-upo ng kanyang asawa na natatakpan ng puting towel. Kitang-kita rin niya ang mapuputi at nakakaakit nitong binti kahit pa hindi ito kalakihan. Bumigat ang kanyang paghinga. Na para bang ayaw niyang lubayan ng tingin ang kanyang magandang asawa.

Hindi lumingon si Caren kaya hindi niya nakikita ang paraan ng pagtingin sa kanya ng kanyang asawa. Ngunit nararamdaman niya ito. Alam pa rin niya na kahit hindi siya lumingon ay nasa kanya nakatingin ang mga mata ni Jerome. Patuloy siyang naghahanap ng damit niya sa closet. Akmang kukuha na siya ng pambahay ay mga matipunong braso ang pumulupot sa kanyang katawan. Dahilan para matigilan siya.

“Love,” pabulong na anas ni Jerome na punong-puno ng pagnanasa sa kanyang boses.   

Simula kanina ay pinag-iisipan na niya ang dapat gawin at kung paano niya makukumbinsi si Caren na ‘wag ituloy ang kanilang divorce. He’s desperate now dahil ayaw niya itong mawala. Ang una niyang naisip ay kausapin ito ulit ng maayos pero hindi niya kayang pigilan ang nasa pagitan ng kanyang mga hita.  Kaya naisip niya ang paraan para hindi siya nito tuluyang iwan is to have a child with her. Na kailangan na niya itong buntisin.

Kung noon ay mabilis na naapektuhan si Caren sa pang-aakit ng kanyang asawa sa kanya ay kabaliktaran na ngayon ang nangyayari. Wala na siyang nararamdaman na katiting na init para kay Jerome ang tanging nararamdaman niya ay galit at pandidiri. Nandidiri siya tuwing iniisip niya ang ginagawa nito sa ibang babae. Kaya naman mabilis siyang kumawala sa lalaki at masamang tingin ang ipinukol niya dito.

 “Huwag mo akong hawakan gamit ang marumi mong mga kamay!”

Biglang umiba ang ekspresyon na makikita sa mga mata ni Jerome. He hold her hands at seryosong sinabi na. “Diba gusto mo na magka-baby na tayo. Gawin na natin, gawin na natin ngayon. Handa na akong maging ama.” saad nito.

“That was before noong hindi mo pa ako niloko. Gusto kong magkaroon ng anak pero hindi na sa’yo.” saad ni Caren at itinulak niya ang asawa.

Masama ito sa pandinig ni Jerome kaya naman hinila niya si Caren at mabilis na binalibag sa kama at pumatong sa kanyang asawa. Hindi niya ito hahayaan na makawala sa kanya.

“Say that again at malilintikan ka sa akin ngayon!”

Makikita ang galit sa mga mata nito ngunit balewala na ito kay Caren.

“Hindi magbabago ang desisyon ko. Dahil tuwing nakikita kita ay naaalala ko lang ang ginawa mo sa akin at mas gugustuhin ko pa na mawala na sa mundong ito kaysa ipagbuntis ang anak mo. Pinatay mo na ang pangarap ko na magkaroon ng masayang pamilya na kasama ka.”

Walang pasabing sinalakay ni Jerome ang labi ng kanyang asawa para iparamdam na hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Na dapat siya ang masusunod at hindi si Caren.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ang ganda nmn ng story na to komplikado masyado mapapaisip kna lng kng ano susuanod na mangyayare
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status