CHAPTER TWENTYMalalim ang isip si Dom habang nilandas ang kahabaan ng magulong daan patungong San Diego City Mall. Papalubog na ang araw sa malayong kaluran at ang kulay kahel nitong sinag ay tumatama na lang sa itaas ng ilang parte ng nagtataasang gusali sa lungsod.Paminsan-minsang tumatama sa kaniyang mukha ang repleksyon ng araw mula sa masalaming bahagi ng ilang mga gusali dahilan upang bahagya niyang pinipikit ang mga mata, habang itinaas ang kamay at itinapat sa kaniyang noo para takpan ang kaniyang mga mata mula sa nakakasilaw na repleksyon.Palinga-linga siya sa paligid dahil kasalukuyan siyang tumatawid sa isang eskinitang dinadaanan ng maraming mga tricycle.Nasa sentro siya ngayon ng lungsod ng San Diego hindi lang upang papasok sa kanilang night class ngunit upang sunduin ang asawa.Hindi alam ni Matilda na pupunta siya ngayon dito dahil wala naman siyang cellphone upang tawagan ito. Hindi niya pa kasi kayang bumili ng Nokia 3310 dahil masyado itong mahal para sa kaniya
CHAPTER TWENTY ONEMUGTO ang mata ni Dom dahil sa kakaiyak, kaya naman hindi na siya pumasok pa sa kanilang klase.Ilang araw palang ang balik-eskwela nila pero heto siya na absent na kaagad.Pero wala na siyang gana, eh.Maliban sa nakakahiya ang kaniyang itsura ay parang nawalan din siya ng gana sa buhay.Sino rin bang hindi?Nahuli niya ang kaniyang asawang may iba.Nalaman niyang tama nga pala ang duda niya.Kaya palagi nalang itong ginagabi sa pag-uwi dahil may kinababaliwan na pala itong iba at kaya pala ito palaging pagod dahil mukhang pinapagod ito ng kabit nito.Kaya pala ito hindi sumasabay sa kaniya sa pagkain, kahit gaano kasarap ang inihanda niyang ulam araw-araw ay dahil mas masarap pala ang kinakain nito kasama ang mayaman nitong kalaguyo.At kaya pala hindi na siya nito pinagbibigyang maka-iskor dahil may pinapaiskor na pala itong iba.At napakasakit nito.Nakapakasakit.Dumagdag pa rito ang nangyari sa kanilang komprontasyon kanina, dahil ipinamukha nito sa kaniya na
CHAPTER TWENTY TWOHINDI ALAM ni Dom kung gaano siya katagal nawalan ng malay. Ngunit dahil ramdam niya pa ang hapdi ng kaniyang bibig na tumama sa matigas na lupa, pakiwari niya ay saglit lang iyon.Pero nang tumingin siya sa paligid ay wala na sina Matilda at ang lalaki nito. Mabuti nalang at walang mga nakakita sa kanilang mga kapitbahay nila, kaya hindi masyadong nakakahiya. Nakabakod din ang bahay nila kaya mahihirapan talagang managap ng balita 'yong mga tsismosang nasa paligid nila.Napailing na lamang si Dom habang dahan-dahang tumayo.Naisip niyang wala na ngang pakialam ang kaniyang asawa sa kaniya, kasi hindi na nga ito nag-abalang ilipat siya habang nawalan ng malay diba? Bagkus ay pinabayaan lang siya nitong nakalugmok sa lupa.Mabigat man ang kaniyang kalooban dahil sa sobrang sakit na dinaramdam sa oras na ito ay pinilit niya pa ring tumayo at pumasok ng bahay.Pagkapasok niya sa loob ay dagli siyang naghilamos, maliban kasi sa duming galing sa lupa na nasa kaniyang bibi
CHAPTER TWENTY THREE"INOSENTE PO AKO SIR!!" Sigaw ni Dom nang umalis na ang Jail Officer ng San Diego City Jail na naghatid sa kaniya sa isang selda.Seryoso siyang pinagtitinginan ng mga kasama habang ang iba ay nakangisi pa dahilan upang mas lalong lumakas ang sigaw at pagmamakaawa niya. Kahit hindi niya alam kung totoo ba 'yong mga naririnig niyang sabi-sabi tungkol sa mga bilanggo, na kung may bago ay pagti-trippan ng mga inmates, hindi niya pa rin maiwasang makatakot dahil may ibang masama ang tingin sa kaniya at may iba ring nakangisi na parang may masamang balak sa kaniya."Sir!!" Patuloy na sigaw niya ngunit hindi na siya nilingon ng Jail Officer hanggang sa tuluyan na itong makalabas.Napaiyak na lamang si Dom habang nakahawak sa malalaking bakal na rehas ng seldang kinaroroonan.Pinaghalong takot at lungkot ang kaniyang naramdaman sa mga oras na ito. Takot dahil hindi niya alam ang mangyayari sa kaniya sa loob ng piitang ito at kung hanggang kailan siya mananatili rito. Lun
CHAPTER TWENTY FOURDAHIL SA pagkatalo niya sa kaso ay kaagad na naka-schedule ang paglipat ni Dom sa City Penitentiary dahil doon niya igugugol ang dalampong taong hatol sa salang hindi niya ginawa.Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Dom pagkatapos maibaba ng hukuman ang desisyong guilty laban sa kaniya. Kaya naman sa loob ng ilang araw ay nakamukmok lang siya sa isang sulok ng selda, wala na siyang pakialam sa paligid. Naiintindihan naman siya ng mga kasama kaya pinabayaan na lamang siya ng mga ito, tinatawag lang siya kapag kainan na.Kumakain naman siya, dahil sa kabila nang lahat nang ito, may parte pa rin ng kaniyang utak ang ayaw sumuko. Limampong taon lang naman 'yon. Mag-39 pa lang siya kung makakalabas siya sa kulungan no'n, kaya hindi pa siguro magiging huli ang lahat kung ipagpapatuloy niya ang pag-abot sa mga pangarap."Filipe, may dalaw ka." Sa gitna ng malalim niyang pag-iisip ng kung anu-ano ay narinig niyang tinawag siya ng Jail Officer.Hindi sana siya gumalaw per
CHAPTER TWENTY FIVE[Warning! Disturbing Contents ahead! Read at your own risk]KATULAD nang sinabi ni Magno sa kaniya, para ngang naging impyerno ang buhay niya sa loob ng kulungang ito.Araw araw siyang binubully ng mga tauhan ni Magno. Walang magawa ang kaniyang mga kakusa upang tulungan siya dahil takot ang ang ito sa gang ng taong gumigipit sa kaniya.Sa tuwing kumakain sila ay kinukuha ng mga ito ang kaniyang ulam, kanin ang ang ititira sa kaniya, minsan kinukuha pa ng mga ito lahat kaya wala siyang magawa kung hindi ang tiisin na lamang ang gutom hanggang sa darating ang susunod na kainan.Kapag lumalabas naman sila upang makapaglibang o makasali sa mga activities o sa mga free tutorials sa mga gustong matuto ng mga subjects o courses sa paaralan, palagi namang naroon ang mga tauhan ni Magno. Kung hindi siya ginagawang taga laba ng mga damit ng mga ito, ginagawa naman siyang target practice, punching bag o sparring partner.Walang araw na hindi nabubogbog si Dom.Pero tiniis ni
CHAPTER TWENTY SIXPAGKATAPOS ng ginawa ni Don Ronilo kay Dom ay muli siyang dinala sa infirmary ng kulungan dahil napakataas ng kaniyang lagnat. Ngunit matapos bigyan ng gamot ay binalik din siya sa kanilang selda. Sa buong maghapon ng araw na iyon ay walang ginawa si Dom kung hindi ang humiga sa kaniyang kama.Kahit hindi siya umiiyak ay patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha, hindi dahil sa sakit o lungkot na naramdaman kung hindi dahil sa labis na galit.Isinumpa niyang hindi na niya hahayaang mangyayari sa kaniya iyon.He was greatly humiliated by what had happened. Hindi niya akalaing madungisan ang kaniyang pagkatao sa gano'ng paraan. Nakakadiri at nakakasuklam ang pangyayari na iyon na siguradong tatandaan niya sa habang buhay.Wala siyang ibang sinisi sa kahirapang sinapit kung hindi ang kaniyang taksil na asawa. Kung hindi dahil dito, wala siya sa kulungang ito ngayon. Kung hindi dahil walang pakundangang pagdiin nito sa kaniya sa korte, hindi sana siya mahahatulan ng dala
CHAPTER TWENTY SEVENNAGISING SI DOM nang nakatali ang dalawang kamay at paa habang nakahiga sa isang malambot na kama. Dahil nakaramdam ng lamig, ay bahagya niyang inangat ang ulo kaya nakita niyang wala siyang anumang saplot sa katawan.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya habang nawalan siya nang malay dahil sa sobrang galit at sama ng loob. Pero dahil sa kakaibang sakit at hapding naramdaman sa kaniyang p_wet ay alam niya na agad na may ginawa na namang hindi maganda sa kaniya si Ronilo. Dahil wala siyang malay habang ginagawa nito ang lahat ay napatiim bagang na lamang siya."Good morning sunshine. Epektibo yata ang kemikal na pinaamoy namin sa iyo, ah. Halos limang oras ka ring tulog. 'Ayan tuloy, hindi mo na naramdamang ilang beses kitang pinutukan sa mukha." Patawang bungad ni Ronilo sa kaniya nang namalayan nitong nagising na siya. Nakahiga ito sa tabi niya habang wala ring anumang saplot sa katawan.At dahil sa sinabi nito, saka niya pa naramdamang may mga likido
CHAPTER FORTY FIVE[Warning! Contains Explicit Scenes not suitable for young audience]"DOM, 'eto na po ang babaeng ni-request ninyo," magalang na wika ng Prison Director sabay muwestra ng kamay sa babaeng hawak ng dalawang Jail Guards. Nakalagay sa likuran ang dalawang kamay nito at naka-posas iyon.Kapansin-pansin din na wala man lang nakiusyuso sa paligid to think na isa itong Maximum Security Compound para sa mga lalaki pero may dinalang babae ang mga jail guards. Kaya halatadong normal lang ang ganitong gawain ng management. Ibig ding sabihin nito ay hindi ito ang unang beses na may ganitong senaryo."Mmm." habang nakatayo sa pintuan ng kaniyang quarter ay pasimpleng sinulyapan ni Dom ang babaeng dinala sa kaniya ng Director. "Good Job, Director. It's earlier than what I have expected," napangisi naman agad siya ng bahagya pagkatapos makilala ang babae sabay tapik sa balikat ng direktor.Sa susunod na araw palang ang lunes na siyang binigay nitong petsa para dalhin nito sa kaniya
CHAPTER FORTY FOURSA PAGDAAN ng maraming taon, patuloy na namumuhay si Dom sa loob ng mala-impyernong kulungan. Ngunit hindi katulad no'ng unang taon niya rito, naging marangya naman ang buhay niya sa ilalim ni Salvatore.Naging parang impyerno lang ito dahil sa kasamaang araw-araw niyang ginagawa.Hindi niya na kasi mabilang kung ilang tao na ang napatay niya rito - mula man sa kaniyang misyon o mula sa halos araw-araw na riot at away na kinakasangkutan niya.Ngunit nagbunga naman ang lahat nang kasamaang ito dahil ginawa na rin siyang right-hand-man ni Salvatore dahil sa pinakita niyang performance. Nagkaroon pa talaga siya ng sariling quarter no'ng mapatay niya ang nakatira sa quarter 2 na isang political prisoner.Isa itong korap na politiko, kalaban ni Salvatore sa mga illegal na negosyo. Naghahari-harian kasi ito sa loob simula no'ng napabagsak ni Dom ang Carsel Group na isa sa pinakakilala at kinatatakutang grupo. May mga goons at prisoner guards ito kaya naging arogante. At d
CHAPTER FORTY THREE[Warning! This chapter contains fighting scenes that depicts violence! Read at your own risk]SA NANGYARING riot na iyon, na maituturing na isa sa pinakamalaking rambulan sa kasaysayan ng Maximum Security Prison na ito ay napag-alaman nina Dom na umabot sa dalampo't apat ang napatay. Kabilang na rito ang labing siyam na dati niyang mga kakusa at limang membro ng Carsel Group - kasama na si Miguel na isa sa mga lider nito.Ngunit katulad nang mga nagdaang pangyayaring riot, pinalabas din ng Prison Management na tumakas ang mga ito dahilan upang mapatay ng mga bantay na PNP Special Action Forces matapos manlaban.Wala namang ibang nasabi ang mga prisong nasangkot sa riot na iyon dahil ang mga jail guards at ang mga lider lamang ng mga inmates ang tinanong ng media.Magiging malaki kasi itong kahihiyan ng Management kung malalaman ng lahat ang totoong nangyayari. Kasi lalabas na hindi pala kaya ng mga ito ang umawat ng mga nag-aaway na priso.Isa pa, magiging kaduda-d
CHAPTER FORTY TWO[Warning! This chapter contains disturbing scenes that depicts violence! Read at your own risk]SA SUMUNOD na mga taon sa pananatili niya sa loob ng Maximum Security Prison ay naging bihasa na si Dom sa lahat ng mga masamang pinanggagawa niya.Sisiw nalang sa kaniya ang pagbi-benta ng droga.Ang pagpatay ng mga taong kalaban ni Salvatore sa loob ng kulungan.Sa loob ng mga nagdaang taon, ay umabot na sa dalampong katao ang napatay niya, lahat ay dahil sa utos ng kaniyang Boss.No'ng unang beses niyang pagpatay ay halos hindi siya pinatulog ng kaniyang konsenya. Kahit ilang ulit niyang ipinangalandakan sa sarili na masamang tao 'yong pinatay niya ay hindi pa rin siya tinantanan ng kaniyang konsenya.Isang buwan pa ang lumipas bago siya nakapag-move on doon.At nang tumanggap na naman siya ng bagong misyon kung saan papatay na naman siya ng isang rapist na kasapi ng Carsel Group, ay gano'n pa rin ang epekto niyon sa kaniya matapos niyang mapatay ang target.Ngunit no'
CHAPTER FORTY ONE"GOOD Job, Dom," masayang wika ni Salvatore nang salubungin siya nito. "I heard what you did. And you really did a good job out there," dagdag pa nito habang napakaluwang ng ngiti.Anim na buwan na ang nakalipas simula no'ng pumayag si Dom na maging isa sa mga tauhan ni Salvatore.At sa loob ng panahon na ito ay nakapagtapos na siya ng tatlong misyon. Syempre, tatlo palang ang nagawa niya dahil ginugol niya sa training at pag-aaral ang halos kabuoan ng anim na buwang iyon.Binigyan siya ni Salvatore ng personal trainer para sa Martial Arts at combat sports. Binigyan din siya nito ng trainer sa paghawak at paggamit ng baril. May sarili rin siyang tutor na nagtuturo sa kaniya ng mga bagay na gusto niyang malaman pagdating sa academics.At sa loob lamang ng anim na buwang ginugol niya sa training at pag-aaral ay para siyang naging ibang tao kompara sa kung ano siya dati. Nagawa niyang lahat ito hindi lang dahil sa likas na matalino siya sa academics kaya madali siyang n
CHAPTER FORTY"AHH," mahinang d***g ni Dom sa bawat pagdampi ng bulak na binasa ng alcohol na kasalukuyang ginagamit ng isang magandang nurse bilang disinfectant sa kaniyang sugat.Nasa loob sila ngayon ng Quarter 1 na pagmamay-ari ng Rossi Mafia. Napakalalim kasi ng sugat ni Dom at muntik na siyang mawalan ng malay kanina.Pagkatapos magsitakbuhan no'ng mga kalaban kanina ay kaagad siyang dinala ng mga tauhan ni Salvatore sa quarter nito. At dahil isa itong high profile inmate na may koneksyon sa mismong management ng kulungang ito ay nagagawa nitong makakuha ng personal nurse na siyang mag-aasikaso sa kanila kung sakaling magkaroon sila ng sakit.Isa ito sa mga special privilege na ini-enjoy mga mga mayayamang inmates dito sa loob."Thank you so much for saving him, Boss," magalang na wika ni Damian sa middle aged na lalaking kampanteng nakaupo sa malambot na sofa ng quarter na kinaroroonan nila."It's nothing. Alam mo naman ako, ayaw ko talaga 'yong makakita ng taong pinagtutulungan
CHAPTER THIRTY NINEONE MONTH LATER..PARANG naging impyerno ang buhay ni Dom sa loob ng kulungan. Pinoprotektahan nga siya ng kaniyang mga kakusa sa pamumuno ni Damian Wayne, ang kanilang Selda Mayor, ngunit pagkalabas naman niya ay palagi nalang may umaatake sa kaniya.Bugbog lang naman ang inabot niya sa tuwing inaatake siya ng mga membro ng Carsel Group, hindi kagaya noong nakaraang buwan na nanatili talaga siya sa Prison Infirmary nang halos dalawang linggo dahil sa laki ng pinsala sa kaniyang mukha. Mabuti nalang talaga at hindi naapektuhan ang kaniyang facial features, may mga peklat nga lang iyong natira dahil sa sugat na tinamo niya.Awang awa man sa kaniya ang kaniyang mga kakusa ay hindi naman siya kayang ipagtanggol ng mga ito dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Miguel.Sa tuwing bubugbogin siya ng mga ito ay magkakaroon talaga ng riot. At sa bawat riot na ito ay palaging may nasusugat ng malubha. Wala pa namang namatay, pero 'yon na nga, napakaraming nadadamay.Ilang
CHAPTER THIRTY EIGHT[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]INIHANDA na ni Dom ang sarili sa anumang posibleng mangyayari sa kaniya nang tumapak ang kaniyang mga paa sa entrance ng Building 4 na sinasabing hawak ng Carsel Group. Ang mismong grupong naka-engkwentro niya at ng mga ka-grupo kaninang umaga.Dahil oras ng kainan ngayon para sa hapunan nila ay napakatahimik ng buong building habang naglalakad siya kasama ang mga Jail Guards na naghatid sa kaniya patungo sa kaniyang magiging selda.May mangilan-ngilang mga priso pero tahimik lang ang mga ito habang tinitigan sina Dom.Hanggang sa makarating si Dom sa kaniyang magiging selda ay gano'n pa rin ang nangyari, napakatahimik.Tinawag naman ng mga Jail Guards ang mayor ng kaniyang magiging selda upang makilala siya nito. Ilang saglit lang ay dumating ang mayor at nakangiti pa nitong ni-welcome si Dom. Pagkaalis ng mga Jail Guards ay tinulungan pa siya nitong mailagay sa lagayan ng mga da
CHAPTER THIRTY SEVEN"OHHH, akala ko bahag ang buntot ninyong lahat. So, may matapang pa pala sa inyo. Good. Good. Good. Since ilang oras na rin akong hindi nakasapak ng tao, papatulan ko na ito," nakangising wika ng lalaking nasa pinakaunahan ng grupong humarang sa kanila nang makita nitong umabante si Dom."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Carsel Group 'yang nasa harap mo gag0!" mahina ngunit matigas na banta ni Boss Choy kay Dom nang madaanan niya ito habang pasugod sa grupong nasa harapan.Ngunit walang pakialam si Dom kung sino itong nasa harapan niya. Basta malaki ang atraso ng amo ng mga ito na si Don Antonio sa kaniya. Kaya pagkarinig palang niyang galamay pala ito ng kinasusuklamang tao ay biglang dumilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng kontrol sa sarili.Sa kabila ng mahigpit na banta ng kanilang Mayor ay wala sa sariling sinugod ni Dom ang Carsel Group. Agad naman siyang sinalubong ng lider ng mga ito.Isang malakas at solid na right hook ang pinakawalan ng lider