CHAPTER TWENTY ONEMUGTO ang mata ni Dom dahil sa kakaiyak, kaya naman hindi na siya pumasok pa sa kanilang klase.Ilang araw palang ang balik-eskwela nila pero heto siya na absent na kaagad.Pero wala na siyang gana, eh.Maliban sa nakakahiya ang kaniyang itsura ay parang nawalan din siya ng gana sa buhay.Sino rin bang hindi?Nahuli niya ang kaniyang asawang may iba.Nalaman niyang tama nga pala ang duda niya.Kaya palagi nalang itong ginagabi sa pag-uwi dahil may kinababaliwan na pala itong iba at kaya pala ito palaging pagod dahil mukhang pinapagod ito ng kabit nito.Kaya pala ito hindi sumasabay sa kaniya sa pagkain, kahit gaano kasarap ang inihanda niyang ulam araw-araw ay dahil mas masarap pala ang kinakain nito kasama ang mayaman nitong kalaguyo.At kaya pala hindi na siya nito pinagbibigyang maka-iskor dahil may pinapaiskor na pala itong iba.At napakasakit nito.Nakapakasakit.Dumagdag pa rito ang nangyari sa kanilang komprontasyon kanina, dahil ipinamukha nito sa kaniya na
CHAPTER TWENTY TWOHINDI ALAM ni Dom kung gaano siya katagal nawalan ng malay. Ngunit dahil ramdam niya pa ang hapdi ng kaniyang bibig na tumama sa matigas na lupa, pakiwari niya ay saglit lang iyon.Pero nang tumingin siya sa paligid ay wala na sina Matilda at ang lalaki nito. Mabuti nalang at walang mga nakakita sa kanilang mga kapitbahay nila, kaya hindi masyadong nakakahiya. Nakabakod din ang bahay nila kaya mahihirapan talagang managap ng balita 'yong mga tsismosang nasa paligid nila.Napailing na lamang si Dom habang dahan-dahang tumayo.Naisip niyang wala na ngang pakialam ang kaniyang asawa sa kaniya, kasi hindi na nga ito nag-abalang ilipat siya habang nawalan ng malay diba? Bagkus ay pinabayaan lang siya nitong nakalugmok sa lupa.Mabigat man ang kaniyang kalooban dahil sa sobrang sakit na dinaramdam sa oras na ito ay pinilit niya pa ring tumayo at pumasok ng bahay.Pagkapasok niya sa loob ay dagli siyang naghilamos, maliban kasi sa duming galing sa lupa na nasa kaniyang bibi
CHAPTER TWENTY THREE"INOSENTE PO AKO SIR!!" Sigaw ni Dom nang umalis na ang Jail Officer ng San Diego City Jail na naghatid sa kaniya sa isang selda.Seryoso siyang pinagtitinginan ng mga kasama habang ang iba ay nakangisi pa dahilan upang mas lalong lumakas ang sigaw at pagmamakaawa niya. Kahit hindi niya alam kung totoo ba 'yong mga naririnig niyang sabi-sabi tungkol sa mga bilanggo, na kung may bago ay pagti-trippan ng mga inmates, hindi niya pa rin maiwasang makatakot dahil may ibang masama ang tingin sa kaniya at may iba ring nakangisi na parang may masamang balak sa kaniya."Sir!!" Patuloy na sigaw niya ngunit hindi na siya nilingon ng Jail Officer hanggang sa tuluyan na itong makalabas.Napaiyak na lamang si Dom habang nakahawak sa malalaking bakal na rehas ng seldang kinaroroonan.Pinaghalong takot at lungkot ang kaniyang naramdaman sa mga oras na ito. Takot dahil hindi niya alam ang mangyayari sa kaniya sa loob ng piitang ito at kung hanggang kailan siya mananatili rito. Lun
CHAPTER TWENTY FOURDAHIL SA pagkatalo niya sa kaso ay kaagad na naka-schedule ang paglipat ni Dom sa City Penitentiary dahil doon niya igugugol ang dalampong taong hatol sa salang hindi niya ginawa.Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Dom pagkatapos maibaba ng hukuman ang desisyong guilty laban sa kaniya. Kaya naman sa loob ng ilang araw ay nakamukmok lang siya sa isang sulok ng selda, wala na siyang pakialam sa paligid. Naiintindihan naman siya ng mga kasama kaya pinabayaan na lamang siya ng mga ito, tinatawag lang siya kapag kainan na.Kumakain naman siya, dahil sa kabila nang lahat nang ito, may parte pa rin ng kaniyang utak ang ayaw sumuko. Limampong taon lang naman 'yon. Mag-39 pa lang siya kung makakalabas siya sa kulungan no'n, kaya hindi pa siguro magiging huli ang lahat kung ipagpapatuloy niya ang pag-abot sa mga pangarap."Filipe, may dalaw ka." Sa gitna ng malalim niyang pag-iisip ng kung anu-ano ay narinig niyang tinawag siya ng Jail Officer.Hindi sana siya gumalaw per
CHAPTER TWENTY FIVE[Warning! Disturbing Contents ahead! Read at your own risk]KATULAD nang sinabi ni Magno sa kaniya, para ngang naging impyerno ang buhay niya sa loob ng kulungang ito.Araw araw siyang binubully ng mga tauhan ni Magno. Walang magawa ang kaniyang mga kakusa upang tulungan siya dahil takot ang ang ito sa gang ng taong gumigipit sa kaniya.Sa tuwing kumakain sila ay kinukuha ng mga ito ang kaniyang ulam, kanin ang ang ititira sa kaniya, minsan kinukuha pa ng mga ito lahat kaya wala siyang magawa kung hindi ang tiisin na lamang ang gutom hanggang sa darating ang susunod na kainan.Kapag lumalabas naman sila upang makapaglibang o makasali sa mga activities o sa mga free tutorials sa mga gustong matuto ng mga subjects o courses sa paaralan, palagi namang naroon ang mga tauhan ni Magno. Kung hindi siya ginagawang taga laba ng mga damit ng mga ito, ginagawa naman siyang target practice, punching bag o sparring partner.Walang araw na hindi nabubogbog si Dom.Pero tiniis ni
CHAPTER TWENTY SIXPAGKATAPOS ng ginawa ni Don Ronilo kay Dom ay muli siyang dinala sa infirmary ng kulungan dahil napakataas ng kaniyang lagnat. Ngunit matapos bigyan ng gamot ay binalik din siya sa kanilang selda. Sa buong maghapon ng araw na iyon ay walang ginawa si Dom kung hindi ang humiga sa kaniyang kama.Kahit hindi siya umiiyak ay patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha, hindi dahil sa sakit o lungkot na naramdaman kung hindi dahil sa labis na galit.Isinumpa niyang hindi na niya hahayaang mangyayari sa kaniya iyon.He was greatly humiliated by what had happened. Hindi niya akalaing madungisan ang kaniyang pagkatao sa gano'ng paraan. Nakakadiri at nakakasuklam ang pangyayari na iyon na siguradong tatandaan niya sa habang buhay.Wala siyang ibang sinisi sa kahirapang sinapit kung hindi ang kaniyang taksil na asawa. Kung hindi dahil dito, wala siya sa kulungang ito ngayon. Kung hindi dahil walang pakundangang pagdiin nito sa kaniya sa korte, hindi sana siya mahahatulan ng dala
CHAPTER TWENTY SEVENNAGISING SI DOM nang nakatali ang dalawang kamay at paa habang nakahiga sa isang malambot na kama. Dahil nakaramdam ng lamig, ay bahagya niyang inangat ang ulo kaya nakita niyang wala siyang anumang saplot sa katawan.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya habang nawalan siya nang malay dahil sa sobrang galit at sama ng loob. Pero dahil sa kakaibang sakit at hapding naramdaman sa kaniyang p_wet ay alam niya na agad na may ginawa na namang hindi maganda sa kaniya si Ronilo. Dahil wala siyang malay habang ginagawa nito ang lahat ay napatiim bagang na lamang siya."Good morning sunshine. Epektibo yata ang kemikal na pinaamoy namin sa iyo, ah. Halos limang oras ka ring tulog. 'Ayan tuloy, hindi mo na naramdamang ilang beses kitang pinutukan sa mukha." Patawang bungad ni Ronilo sa kaniya nang namalayan nitong nagising na siya. Nakahiga ito sa tabi niya habang wala ring anumang saplot sa katawan.At dahil sa sinabi nito, saka niya pa naramdamang may mga likido
CHAPTER TWENTY EIGHTWALANG IDEYA si Dom kung ilang oras o araw siya sa loob ng Bartolina, pero dahil sa anim na beses siyang nakakain doon, palagay niya nasa mahigit dalawang araw siya roon.Sa lahat nang pinagdadaanan ni Dom, maliban syempre sa naranasan niya sa kamay ng dating asawa at ng kalaguyo nito, ang dalawang araw niyang pamamalagi sa loob ng Bartolina ang pinaka-nakaapekto sa kaniyang pag-iisip.Halos ipagdasal niya nang mamatay nalang kaysa manatili sa napakadilim, napakasikip at napakabahong silid na iyon. Oo mabaho kasi doon na siyan umiihi, pinipigilan niya lang talaga ang sariling dumumi roon kasi kung nagkataon, hindi niya alam kung mabubuhay pa siya.Matatag ang estado ng pag-iisip ni Dom, pero sa loob ng Bartolina, naisipan talaga niyang magpakamatay dahil sa labis na paghihirap. Pisikal at emosyonal na torture ang naranasan niya roon. Kaya naiintindihan niya na ngayon kung bakit takot na takot ang lahat na mapasok dito."Dahil 'yan sa infirmary!" matigas na utos ng