Home / Romance / Cold and Ruthless / 24: The Past Part 9

Share

24: The Past Part 9

Author: UnknownPN93
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER TWENTY FOUR

DAHIL SA pagkatalo niya sa kaso ay kaagad na naka-schedule ang paglipat ni Dom sa City Penitentiary dahil doon niya igugugol ang dalampong taong hatol sa salang hindi niya ginawa.

Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Dom pagkatapos maibaba ng hukuman ang desisyong guilty laban sa kaniya. Kaya naman sa loob ng ilang araw ay nakamukmok lang siya sa isang sulok ng selda, wala na siyang pakialam sa paligid. Naiintindihan naman siya ng mga kasama kaya pinabayaan na lamang siya ng mga ito, tinatawag lang siya kapag kainan na.

Kumakain naman siya, dahil sa kabila nang lahat nang ito, may parte pa rin ng kaniyang utak ang ayaw sumuko. Limampong taon lang naman 'yon. Mag-39 pa lang siya kung makakalabas siya sa kulungan no'n, kaya hindi pa siguro magiging huli ang lahat kung ipagpapatuloy niya ang pag-abot sa mga pangarap.

"Filipe, may dalaw ka." Sa gitna ng malalim niyang pag-iisip ng kung anu-ano ay narinig niyang tinawag siya ng Jail Officer.

Hindi sana siya gumalaw pero pumasok ang dalawang kasama nito at pilit siyang ipinatayo pagkatapos mai-posas ang dalawang kamay. Hinila siya ng mga ito palabas ng selda kaya napilitan siyang sumunod na lamang sa mga ito.

Naiintindihan niyang habang nasa ganito siyang sitwasyon, wala siyang ibang magagawa kung hindi ang sumunod nalang.

Pagkarating nila ng visitation area, ay parang biglang dumilim ang paningin ni Dom dahil sa galit nang makita ang kaniyang dalaw.

Kung wala lang siguro sa tabi niya ang dalawang jail guards, kanina niya pa ito sinugod. Wala siyang pakialam kung babae ito, dahil nanggagalaiti na siyang saktan ito dahil sa pagsira nito sa buhay niya.

"Ano pang kailangan mo?! Nagtagumpay kanang sirain ang buhay ko. Kaya ano pang ipinunta mo rito?!" Tiim ang bagang na tanong niya rito. Pilit niyang hininaan ang boses pero lumitaw pa rin ang katigasan ng tuno niyon.

"Hindi ko ginustong mangyari ang lahat nang ito. Kaya narito ako ngayon upang manghingi ng kapatawaran sa iyo." Seryoso naman tugon nito.

"Kapatawaran? Hindi ginusto ang lahat nang ito? Hindi ka ba nabaliw dahil sa kinang ng pera ng bago mong kalaguyo? Nakalimutan mo bang ikaw ang nagdiin sa akin upang mahatulan ng dalawampong taong pagkakulong? Alam na alam mong wala akong kasalanan, pero anong ginawa mo?! Ha!?" Pasigaw na tugon niya sabay galit na galit na binayo ng kaniyang kamao sa sementadong mesa na namagitan sa kanilang dalawa.

"Wala akong magawa dahil 'yon ang gusto ni Antonio." Tugon naman nito na parang naluluha.

"Inaamin kong kasalanan ko kung bakit sumama ako sa kaniya. Pero binigyan niya ako at ang pamilya ko ng marangyang buhay. Bagay na matagal na naming pinangarap.. Ayokong mawala itong lahat sa amin kaya napipilitan akong sundin ang lahat nang gusto niya." Dagdag pa nito habang tuluyan nang tumulo ang mga luha.

"Napakamakasarili mo!! Hindi mo ba naisip na may sarili rin akong pangarap?! May pangarap ako na tulad mo ay gusto ko ring maabot!! Hindi mo ba naisip na gusto ko ring mamuhay nang malayo sa kinagisnan kong buhay sa mundong ito?! Ha?! Pero ano? Anong ginawa n'yo?! Sinira ninyo ang buhay ko!! Bakit? Ano bang kasalanan ko? Ha?" Halos magwawala na siya habang sinasabi ang mga ito. Pero dahil pinipigilan siya ng dalawang guards sa kaniyang gilid ay hindi niya ito magawa.

Siguro, naramdaman ng dalawa na mukhang personal at seryoso na ang usapan nilang dalawa, at awkward na rin para sa mga ito ang kasalukuyang sitwasyon. Kaya kumuha ang isang guard ng mahabang kadena, itinali nila ito sa malapit na poste na yari sa bakal at ni-lock, tapos ay kinonekta nila ang kabilang dulo nito sa posas na nasa kamay ni Dom. Sinigurado nilang hindi niya maabot si Matilda, at pagkatapos ay umalis muna sila ng visitation area.

"Hindi ko 'to ginusto. Si Antonio ang lumapit sa akin sa pamamagitan ng kaniyang mga tauhan. Ilang beses ko silang tinanggihan. Pero nahulog din agad ako sa bitag niya.. Inaamin kong nasilaw ako sa pera kaya hinayaan ko siyang gamitin ang aking katawan. Pero ang lahat nang 'yon ay para maibigay ko ang mga bagay na pinangarap ng aking mga magulang. Mga bagay na hindi ko na maibibigay sa kanila dahil mag-asawa na tayo.. Masama ba iyon?" Sabi nito sa kaniya at ikinuwento rin nito ang lahat, kung paano sila nagkatagpo ni Antonio at sa anong paraan.

Walang pakialam si Dom dito, pero nakinig pa rin siya sa kwento ng asawa. Siguro, dahil umaasa siyang may mabigat itong dahilan, kaya nito nagawa ang lahat nang ito sa kaniya, ngunit sa kabuoan ng isinalaysay nito ay wala siyang makitang gano'n.

Ayon kay Matilda, nalaman ni Antonio na kumunsulta siya sa isang abogado kaya inunahan na siya nito. May pera si Antonio kaya nabayaran nito ang lahat nang mga sangkot kaya napalabas ang search warrant laban sa kaniya.

"Selosong tao si Antonio, at pinagseselosan ka no'n kaya niya nagawa ang lahat nang ito sa iyo. Hindi niya matanggap isang hampas-lupang katulad mo ang nakakuha ng aking virginity. Hindi matanggap na ilang beses mo na akong inangkin bago siya. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n siya. Pero wala akong magagawa. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang mga magulang ko at mga kapatid ko ngayon. At ayokong pawiin ang lahat nang iyon sa kanila. Kaya pumayag ako sa kagustuhan ni Antonio na ipakulonh ka. Mas mainam na rin ito kaysa sa ipapatay ka niya." Mahabang sabi ni Matilda.

"Wala akong pakialam sa mga dahilan mo!! Hindi mo maitatagong mukha kang pera!! Bayaran ka!! Wala kang dangal!! Marumi kang babae! Makasarili ka!! Kaya umalis kana sa harapan ko! Wala akong planong patawarin ka, dito o sa kabilang buhay!" Matigas niyang tugon dito habang pinukol ito ng matalim na tingin. Sinubukan niya ring abutin ito para sana bigyan ng kahit na isang libong sampal man lang, pero hindi niya ito maabot, kaya ang sementong mesa nalang ang pinagbabayo niya ng suntok.

Sinubukan niyang iparamdam dito kung gaano ito kasama at karumi sa pamamagitan ng pagtawag dito ng iba't ibang masasama at maruruming pangalan. Nakita niya namang nasaktan ito, pero hindi pa rin iyon sapat upang maipalabas ang lahay nang sama ng loob niya. At hindi pa rin nito maiwawaglit ang katutuhanang sinira na nito ang kaniyang buhay.

Kaya kahit na anong gawin niyang pagpukol ng masasakit na salita rito, hindi pa rin iyon sapat upang maibsan ng kahit na kaunti ang galit at puot niya rito.

"Darating din ang araw na makakaganti ako sa inyo. Handa akong isangla ang aking kaluluwa kay satanas maiparanas lang sa inyo ang lahat nang paghihirap na maaring maranasan ng tao!! Hindi sapat ang kamatayan bilang kabayaran nang lahat nang ginawa ninyo sa akin!!" Galit na galit na aniya.

"Guards! Ilayo niyo na ako rito!!" Sigaw niya sa dalawang jail guards na nakatayo hindi malayo sa kanila.

Agad namang lumapit ang dalawa, at pagkatapos makuha ang kadenang nakakonekta sa posas sa kaniyang mga kamay ay hinatid na siya nito pabalik ng selda nito.

"Kung may bibisita sa akin, pakiusap, paalisin niyo nalang." Pakiusap niya sa dalawang guards matapos siya nitong maihatid sa selda niya.

Hindi naman nagsalita ang dalawa, ngunit tinanguan naman siya ng mga ito bilang tugon.

Nang mga sumunod na araw ay wala nang dumalaw pa kay Dom. Hindi niya alam kung meron ba o wala kasi nandyan naman ang ilang taong malapit sa kaniya, tulad nina Tomas at mga kasamahan niya sa trabaho at ibang kaibigan niya sa kanilang paaralan. Siguro, sinunod lamang ng dalawang guards ang kaniyang kagustuhang paalisin nalang ang sinumang dadalaw sa kaniya.

Wala naman na kasing mangyayari kung may dadalaw sa kaniya o wala. Hindi naman na nito mababago ang katutuhanang makukulong siya ng dalampong taon.

Hindi nagtagal, dumating na rin ang araw na ililipat na siya sa City Penitentiary. Lulan ng isang sasakyan ay ihinatid siya ng City Police pa roon. At dahil nasa Lungsod lang ng San Diego ang kulungang iyon, hindi rin sila natagalan sa byahe.

Pagkatapos ng mga proseso ay sinamahan na siya ng mga City Police upang humarap sa warden ng kulungang ito.

Dahil sunod-sunuran lang siya ay naging madali naman ang lahat. Nang makaharap niya ang warden ng kulungan ay pinaliwanag lang nito ang lahat nang alituntunin ng Penitentiary sa kaniya.

Sinabi nito ang lahat ng bawal, tulad ng pagdadala ng mga patalim. Pagsi-sigarilyo. Pagpuslit ng mga illegal na droga, mga inuming nakakalasing. Pakikipag-away sa kapwa at iba pang bawal sa loob ng kulungan.

Maluwang ang kulungang ito. Nasa sampung ektarya ito at napapalibutan ng matataas na pader na may live barbed wires sa tutok. Sa harapan nito ay naroon ang main building na kinaroroonan ng opisina ng warden at ng mga tauhan nito. Naroon narin ang visitation area, kitchen at ang infirmary. Sa likuran ng main building, ay may sampung buildings na naglalaman ng mga selda ng mga priso. Nakapangalan ito alphabetical mula letter A to letter J.

Dahil sa lawak ng kulungang ito ay malayang makakagala ang mga priso sa loob ng ilang oras sa tuwing lalabas sila upang makapaglibang o makasali sa iba't ibang gawain dito sa loob.

May magtuturo kasi sa kanila ng mga skills na maaari nilang pagkakitaan habang nasa loob ng kulungan, tulad ng sculpture, pagpipinta, paggawa ng mga alahas, key chains at iba pa. Mayroon ding mga mangangaral na pumupunta rito upang mangaral ng salita ng diyos.

May maluwang din na palaruan sa loob na maaring gamitin ng mga priso upang makapaglibang sila.

At dahil mga tao silang merong karapan sa kabila ng pagiging PDL (Persons Deprived of Liberty), ay may unyon din sila sa loob ng kulungan. Ang unyon na ito ang magiging boses ng mga inmates sa kung ano ang gusto nilang iparating sa mga namamahala sa kulungan o sa mismong Gobyerno. Ang unyon na ito ay pinamumunuan ng mga lider sa loob ng iba't ibang quarters o mas kilalang mayor, at ang pinakapuno nila ay tinatawag nilang pangulo.

Habang nakikinig, ay parang nabunutan naman ng maliit na tinik si Dom. Akala niya kasi magiging boring ang buhay niya sa loob ng darating na dalampong taon.

Nakahinga rin siya nang maluwang nang malamang ang mga mayor pala ng kulungan ay mga lider ng unyon na boses ng mga bilanggo. Akala niya kasi ito ang mga siga rito sa loob.

Matapos ang briefing na iyon ay ibinigay na kay Dom ang kaniyang kahel na uniporme bilang priso. At ihinatid na siya ng mga Jail Officer patungo sa kaniyang magiging selda.

Habang naglalakas sa mahabang pasilyo ay binati naman siya ng mga taong nasa loob ng seldang nadadaanan. Tinatawag pa siya ng ilan sa mga ito at may papito pa ang iba na akala mo ay isa siyang magandang babae.

Hindi naman ito pinansin ni Dom hanggang sa nakarating na sila sa kaniyang selda.

Maya tatlong inmate na sa loob ng selda, kaya pang-apat siya. Pagpasok niya ay tahimik lang na nakatingin ang mga ito sa kaniya. Wala naman siyang naramdamang kakaiba sa titig ng mga ito kaya hindi na siya masyadong kinabahan.

Nang isinarang muli ang pintuan ng selda nila ay napatingin nalang si Dom sa mga Jail Officer na naglakad paalis.

Naroon pa rin ang kalungkutan. Pero hindi na siya umiyak dahil wala rin namang magandang maidulot iyon. Hindi rin nito mababago ang sitwasyon, kaya tinanggap nalang niyang wala na siyang magagawa sa ngayon kung hindi ang tanggaping magiging tahanan niya ang kulungang ito at mananatili siya rito sa loob ng dalampong taon.

Mababait naman ang kaniyang mga kakusa. Hindi siya ginalaw ng mga ito hindi katulad ng mga makikita sa mga palabas. Pinaalam din ng mga ito sa kaniya ang tungkol sa dalawang magkalabang grupo rito sa loob, at binigyan din siya ng payo ng mga ito na umiwas sa dalawang grupong 'yon hangga't maaari.

Tinandaan naman ito ni Dom.

Ngunit sadyang pinaglalaruan talaga siya ng tadhana. Dahil nang oras na ng kainan ay bigla siyang nilapitan ng isang inmate.

"Gusto kang makausap ni Boss Magno." Anito dahilan upang pinukol siya ng nag-aalalang tingin ng tatlong mga kakusa.

At dahil ayaw niyang may magagalit sa kaniya ay sumama nalang siya sa inmate.

Ang Magno na sinabi ng inmate ay isa sa mga taong nabanggit ng mga kakusa niya na dapat niyang iwasan. Isa kasi itong Gangster at may kalaban ito rito sa loob. Ilang beses na ring nakapatay ng tao ang mga ito, kaya kinatatakutan sila ng halos lahat nang mga inmates.

Hinatid si Dom ng isang inmate sa isang Building ng Penitentiary kung saan naroon ang mga high profile inmates. Mga kriminal na may malalaking kaso o mga mayayaman o mga political prisoners.

Pagpasok ni Dom sa building, ay para lang siyang pumasok sa isang condominium dahil wala siyang makikitang selda rito. Tanging mga silid lamang na tulad ng sa condominiums na may magagarang pintuan, ang kaibahan lang nito ay natatakpan iyon ng malalaking bakal na rehas. Pero kung titingnan sa malayo, para lang iyong grills kaya hindi pa rin ito mukhang kulungan.

Nang makarating sila sa Cell No. 8 ng building ay agad na kumakot ang kasama niyang inmate sa pintuan nito, at maya-maya lang ay binuksan iyon ng isa pang in mate na agad nagpapasok sa kanila.

Hindi naman mapigilan ni Dom ang mapailing dahil sa hindi pantay na pagtrato ng mga inmates. Kasi sa kanilang selda, nilo-lock sila ng mga Jail Officers sa loob at saka lang iyon bubuksan kung kainan na o kung pinapalabas sila. Pero dito, parang malayang makakalabas ang mga nasa loob.

Ito ba ang benepisyo ng pagiging mayaman o malaking tao sa lipunan? Na kahit isang kriminal ay VIP pa rin ang treatment sa loob ng kulungan?

"Welcome to the City Penitentiary."

Napatigil naman siya sa pag-iisip ng kung ano nang marinig niya ang isang pamilyar na boses. At nang tingnan niya ang banda kung saan iyon nanggaling ay biglang nagsalubong ang kaniyang kilay.

"Magno David.." Mahinang bulong niya habang ikinuyom ang mga kamao.

Ang tao kasing nasa harapan niya ay walang iba kung hindi si  Magno David, ang taong tumistego laban sa kaniya sa korte dahil kung bakit nahatulan siyang guilty.

Isa ito sa mga taong dapat sisihin kung bakit siya narito ngayon.

Pero nang maisip ang payo ng mga kakusa ay huminga nalang siya ng malalim, at sinubukang ikalma ang sarili.

Maliban sa hindi pwedeng kantiin ang taong nasa harapan niya, ayaw rin niyang magkaroon ng masamang record dito sa loob dahil baka madagdagan pa ang kaso niya, lalo pa't isa itong VIP Inmate.

"So, you're finally here, huh. The man who dared to cross Don Antonio's path." Patawang sabi nito sa kaniya sabay tayo at lumapit sa kaniya. "Ano kayang reward ang matatanggap ko kay Don Antonio kung gagawin kong impyerno ang buhay mo dito sa loob?" Dagdag pa nito dahilan upang bigla siyang kabahan.

Related chapters

  • Cold and Ruthless   25: The Past Part 10

    CHAPTER TWENTY FIVE[Warning! Disturbing Contents ahead! Read at your own risk]KATULAD nang sinabi ni Magno sa kaniya, para ngang naging impyerno ang buhay niya sa loob ng kulungang ito.Araw araw siyang binubully ng mga tauhan ni Magno. Walang magawa ang kaniyang mga kakusa upang tulungan siya dahil takot ang ang ito sa gang ng taong gumigipit sa kaniya.Sa tuwing kumakain sila ay kinukuha ng mga ito ang kaniyang ulam, kanin ang ang ititira sa kaniya, minsan kinukuha pa ng mga ito lahat kaya wala siyang magawa kung hindi ang tiisin na lamang ang gutom hanggang sa darating ang susunod na kainan.Kapag lumalabas naman sila upang makapaglibang o makasali sa mga activities o sa mga free tutorials sa mga gustong matuto ng mga subjects o courses sa paaralan, palagi namang naroon ang mga tauhan ni Magno. Kung hindi siya ginagawang taga laba ng mga damit ng mga ito, ginagawa naman siyang target practice, punching bag o sparring partner.Walang araw na hindi nabubogbog si Dom.Pero tiniis ni

  • Cold and Ruthless   26: The Past Part 11

    CHAPTER TWENTY SIXPAGKATAPOS ng ginawa ni Don Ronilo kay Dom ay muli siyang dinala sa infirmary ng kulungan dahil napakataas ng kaniyang lagnat. Ngunit matapos bigyan ng gamot ay binalik din siya sa kanilang selda. Sa buong maghapon ng araw na iyon ay walang ginawa si Dom kung hindi ang humiga sa kaniyang kama.Kahit hindi siya umiiyak ay patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha, hindi dahil sa sakit o lungkot na naramdaman kung hindi dahil sa labis na galit.Isinumpa niyang hindi na niya hahayaang mangyayari sa kaniya iyon.He was greatly humiliated by what had happened. Hindi niya akalaing madungisan ang kaniyang pagkatao sa gano'ng paraan. Nakakadiri at nakakasuklam ang pangyayari na iyon na siguradong tatandaan niya sa habang buhay.Wala siyang ibang sinisi sa kahirapang sinapit kung hindi ang kaniyang taksil na asawa. Kung hindi dahil dito, wala siya sa kulungang ito ngayon. Kung hindi dahil walang pakundangang pagdiin nito sa kaniya sa korte, hindi sana siya mahahatulan ng dala

  • Cold and Ruthless   27: The Past Part 12

    CHAPTER TWENTY SEVENNAGISING SI DOM nang nakatali ang dalawang kamay at paa habang nakahiga sa isang malambot na kama. Dahil nakaramdam ng lamig, ay bahagya niyang inangat ang ulo kaya nakita niyang wala siyang anumang saplot sa katawan.Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kaniya habang nawalan siya nang malay dahil sa sobrang galit at sama ng loob. Pero dahil sa kakaibang sakit at hapding naramdaman sa kaniyang p_wet ay alam niya na agad na may ginawa na namang hindi maganda sa kaniya si Ronilo. Dahil wala siyang malay habang ginagawa nito ang lahat ay napatiim bagang na lamang siya."Good morning sunshine. Epektibo yata ang kemikal na pinaamoy namin sa iyo, ah. Halos limang oras ka ring tulog. 'Ayan tuloy, hindi mo na naramdamang ilang beses kitang pinutukan sa mukha." Patawang bungad ni Ronilo sa kaniya nang namalayan nitong nagising na siya. Nakahiga ito sa tabi niya habang wala ring anumang saplot sa katawan.At dahil sa sinabi nito, saka niya pa naramdamang may mga likido

  • Cold and Ruthless   28: The Past Part 13

    CHAPTER TWENTY EIGHTWALANG IDEYA si Dom kung ilang oras o araw siya sa loob ng Bartolina, pero dahil sa anim na beses siyang nakakain doon, palagay niya nasa mahigit dalawang araw siya roon.Sa lahat nang pinagdadaanan ni Dom, maliban syempre sa naranasan niya sa kamay ng dating asawa at ng kalaguyo nito, ang dalawang araw niyang pamamalagi sa loob ng Bartolina ang pinaka-nakaapekto sa kaniyang pag-iisip.Halos ipagdasal niya nang mamatay nalang kaysa manatili sa napakadilim, napakasikip at napakabahong silid na iyon. Oo mabaho kasi doon na siyan umiihi, pinipigilan niya lang talaga ang sariling dumumi roon kasi kung nagkataon, hindi niya alam kung mabubuhay pa siya.Matatag ang estado ng pag-iisip ni Dom, pero sa loob ng Bartolina, naisipan talaga niyang magpakamatay dahil sa labis na paghihirap. Pisikal at emosyonal na torture ang naranasan niya roon. Kaya naiintindihan niya na ngayon kung bakit takot na takot ang lahat na mapasok dito."Dahil 'yan sa infirmary!" matigas na utos ng

  • Cold and Ruthless   29: The Past Part 14

    CHAPTER TWENTY NINENAKARAAN ang dalawang araw, pinatawag na si Dom sa opisina ng Warden. May koneksyon daw ito sa ginawang imbestigasyon tungkol sa nangyari noong nakaraang araw na may kinalaman kay Dom at ng isang babaeng priso.Mataas ang kompyansa ni Dom na lalabas ang katutuhanan dahil nasa kaniyang panig naman 'yong nurse. May naitago rin itong ebidensya laban sa babae, kaya kung hindi ito aamin sa balak nitong gawin sa kaniya ay may bala silang gugulat dito.Hindi alam ni Dom kung pupunta ba 'yong nurse, pero dahil seryosong bagay ito at kailangan nila ng mga saksing magkapagbigay ng testimonya sa kung ano talaga ang tunay na nangyari, naniniwala siyang susulpot iyon sa summon na ito ng Warden.Kasama ang dalawang Jail Officers na siyang sumundo sa kaniya sa kanilang selda, ay seryosong naglakad si Dom palabas ng malaking building ng kulungang kinaroroonan. Pinagtitinginan sila ng ibang presong nasa loob ng mga seldang makikita sa gilid ng pasilyong dinadaanan nila. Dinig na di

  • Cold and Ruthless   30: The Past Part 15

    CHAPTER THIRTYTULAD nang utos ng Warden, isang buwan ngang ikinulong si Dom sa loob ng madilim at mabahong Bartolina.Pisikal at emosyonal na paghihirap ang dinaanan ni Dom sa buong buwang pananatili rito.Nando'n ang pangangalay ng kaniyang buong katawan lalong lalo na ang kaniyang mga tuhod at paa mula sa pagtayo at sa pagtiklop niyon habang natutulog at nakaupo siya.Wala nang epekto sa kaniya ang kadiliman at ang sikip ng maliit na silid dahil sa loob lamang ng unang linggo niya rito ay parang nasanay na siya agad.Ang hindi niya lang nakayanan ay ang baho ng pinaghalong dumi at ihi niya. Oo, napipilitan siyang dumumi sa loob ng Bartolina dahil minsa hindi niya na talaga kayang pigilan pa iyon.Buong araw sa buong linggo niyang sinisinghut ang baho ng sariling dumi. Minsan nasusuka na siya, kaya minsan dumagdag pa iyon sa baho sa loob na mas nagpapahirap ng kaniyang kalagayan. Halos wala na rin siyang ganang kumain dahil dito.Pagkalipas naman ng isang linggo ay inililipat siya sa

  • Cold and Ruthless   31: The Past Part 16

    CHAPTER THIRTY ONEKAPAG ang pasensya ng isang taong tahimik at mapagkumbaba ay nasagad at naubos, dalawang bagay lamang ang maaari nitong kahahantungan. Kung hindi ang sariling buhay ang tatapusin at kikitilin, ay buhay ng iba ang siguradong matutuldukan.Ganito ang nangyayari kay Dom ngayon.Pasensyoso siyang tao.Mabait.Maka-dios.Pero anong nangyari? Paghihirap ang naging ganti ng kaniyang pagiging mabuti.Tao lang din naman siyang may pangarap. Isa lang siya sa mga taong nangarap makamit ang mga pinangarap. Pero anong nangyari? Kulungan ang bagsak niya.Magpasensya naman siya. Tiniis niya ang lahat nang mga pagpapahirap na ibinabato ng buhay. Pero sobra naman itong naranasan niya. Sagad na sagad na ito at talagang ubos na ang napakahaba niyang pasensya.Nagpakumbaba naman siya, dahil buong buhay niya ay sanay siyang gano'n. Pero anong ginawa sa kaniya ng iba? Anong ginawa sa kaniya ng kaniyang mismong asawa? Tinapakan ang kaniyang pagtao. Ginawa siyang tapakan upang maabot nito

  • Cold and Ruthless   32: The Past Part 17

    CHAPTER THIRTY TWODAHIL sa presensya ng dalawang higher ups ay hindi nagawang maparusahan ng warden si Dom. Kaya naman malaya siyang nakabalik sa infirmary matapos siyang i-dismiss ng mga ito.Hindi naman sa nabura na 'yong pangalan niya sa listahan ng suspects na nanakit kay Janet, pero nagawa niyang makaiwas sa direktang kaparusahan mula sa warden. Siguro, aabot ng ilang araw ang imbistigasyon. At kung ano man ang magiging resulta no'n, wala na siyang pakialam.Handa siyang papasok ulit sa bartolina, ang mahalaga nakaganti na siya sa babae.Totoong natakot siya dahil sa naging resulta ng ginawa niya. Naroon ang pag-alala na baka ano nang nangyari rito. Nakaramdam siya ng konsensya dahil sa ginawa.Pero naniniwala naman siyang masasanay rin siguro siya rito sa katagalan. Lalo pa't marami pa siyang gustong paghigantihan.Nand'yan pa sina Magno at mga tauhan nitong palaging nagpapahirap sa kaniya. Si Ronilo na bumaboy sa kaniya at sina Don Antonio at Matilda - ang mga taong siyang pan

Latest chapter

  • Cold and Ruthless   45: The Past Part 30

    CHAPTER FORTY FIVE[Warning! Contains Explicit Scenes not suitable for young audience]"DOM, 'eto na po ang babaeng ni-request ninyo," magalang na wika ng Prison Director sabay muwestra ng kamay sa babaeng hawak ng dalawang Jail Guards. Nakalagay sa likuran ang dalawang kamay nito at naka-posas iyon.Kapansin-pansin din na wala man lang nakiusyuso sa paligid to think na isa itong Maximum Security Compound para sa mga lalaki pero may dinalang babae ang mga jail guards. Kaya halatadong normal lang ang ganitong gawain ng management. Ibig ding sabihin nito ay hindi ito ang unang beses na may ganitong senaryo."Mmm." habang nakatayo sa pintuan ng kaniyang quarter ay pasimpleng sinulyapan ni Dom ang babaeng dinala sa kaniya ng Director. "Good Job, Director. It's earlier than what I have expected," napangisi naman agad siya ng bahagya pagkatapos makilala ang babae sabay tapik sa balikat ng direktor.Sa susunod na araw palang ang lunes na siyang binigay nitong petsa para dalhin nito sa kaniya

  • Cold and Ruthless   44: The Past Part 29

    CHAPTER FORTY FOURSA PAGDAAN ng maraming taon, patuloy na namumuhay si Dom sa loob ng mala-impyernong kulungan. Ngunit hindi katulad no'ng unang taon niya rito, naging marangya naman ang buhay niya sa ilalim ni Salvatore.Naging parang impyerno lang ito dahil sa kasamaang araw-araw niyang ginagawa.Hindi niya na kasi mabilang kung ilang tao na ang napatay niya rito - mula man sa kaniyang misyon o mula sa halos araw-araw na riot at away na kinakasangkutan niya.Ngunit nagbunga naman ang lahat nang kasamaang ito dahil ginawa na rin siyang right-hand-man ni Salvatore dahil sa pinakita niyang performance. Nagkaroon pa talaga siya ng sariling quarter no'ng mapatay niya ang nakatira sa quarter 2 na isang political prisoner.Isa itong korap na politiko, kalaban ni Salvatore sa mga illegal na negosyo. Naghahari-harian kasi ito sa loob simula no'ng napabagsak ni Dom ang Carsel Group na isa sa pinakakilala at kinatatakutang grupo. May mga goons at prisoner guards ito kaya naging arogante. At d

  • Cold and Ruthless   43: The Past Part 28

    CHAPTER FORTY THREE[Warning! This chapter contains fighting scenes that depicts violence! Read at your own risk]SA NANGYARING riot na iyon, na maituturing na isa sa pinakamalaking rambulan sa kasaysayan ng Maximum Security Prison na ito ay napag-alaman nina Dom na umabot sa dalampo't apat ang napatay. Kabilang na rito ang labing siyam na dati niyang mga kakusa at limang membro ng Carsel Group - kasama na si Miguel na isa sa mga lider nito.Ngunit katulad nang mga nagdaang pangyayaring riot, pinalabas din ng Prison Management na tumakas ang mga ito dahilan upang mapatay ng mga bantay na PNP Special Action Forces matapos manlaban.Wala namang ibang nasabi ang mga prisong nasangkot sa riot na iyon dahil ang mga jail guards at ang mga lider lamang ng mga inmates ang tinanong ng media.Magiging malaki kasi itong kahihiyan ng Management kung malalaman ng lahat ang totoong nangyayari. Kasi lalabas na hindi pala kaya ng mga ito ang umawat ng mga nag-aaway na priso.Isa pa, magiging kaduda-d

  • Cold and Ruthless   42: The Past Part 27

    CHAPTER FORTY TWO[Warning! This chapter contains disturbing scenes that depicts violence! Read at your own risk]SA SUMUNOD na mga taon sa pananatili niya sa loob ng Maximum Security Prison ay naging bihasa na si Dom sa lahat ng mga masamang pinanggagawa niya.Sisiw nalang sa kaniya ang pagbi-benta ng droga.Ang pagpatay ng mga taong kalaban ni Salvatore sa loob ng kulungan.Sa loob ng mga nagdaang taon, ay umabot na sa dalampong katao ang napatay niya, lahat ay dahil sa utos ng kaniyang Boss.No'ng unang beses niyang pagpatay ay halos hindi siya pinatulog ng kaniyang konsenya. Kahit ilang ulit niyang ipinangalandakan sa sarili na masamang tao 'yong pinatay niya ay hindi pa rin siya tinantanan ng kaniyang konsenya.Isang buwan pa ang lumipas bago siya nakapag-move on doon.At nang tumanggap na naman siya ng bagong misyon kung saan papatay na naman siya ng isang rapist na kasapi ng Carsel Group, ay gano'n pa rin ang epekto niyon sa kaniya matapos niyang mapatay ang target.Ngunit no'

  • Cold and Ruthless   41: The Past Part 26

    CHAPTER FORTY ONE"GOOD Job, Dom," masayang wika ni Salvatore nang salubungin siya nito. "I heard what you did. And you really did a good job out there," dagdag pa nito habang napakaluwang ng ngiti.Anim na buwan na ang nakalipas simula no'ng pumayag si Dom na maging isa sa mga tauhan ni Salvatore.At sa loob ng panahon na ito ay nakapagtapos na siya ng tatlong misyon. Syempre, tatlo palang ang nagawa niya dahil ginugol niya sa training at pag-aaral ang halos kabuoan ng anim na buwang iyon.Binigyan siya ni Salvatore ng personal trainer para sa Martial Arts at combat sports. Binigyan din siya nito ng trainer sa paghawak at paggamit ng baril. May sarili rin siyang tutor na nagtuturo sa kaniya ng mga bagay na gusto niyang malaman pagdating sa academics.At sa loob lamang ng anim na buwang ginugol niya sa training at pag-aaral ay para siyang naging ibang tao kompara sa kung ano siya dati. Nagawa niyang lahat ito hindi lang dahil sa likas na matalino siya sa academics kaya madali siyang n

  • Cold and Ruthless   40: The Past Part 25

    CHAPTER FORTY"AHH," mahinang d***g ni Dom sa bawat pagdampi ng bulak na binasa ng alcohol na kasalukuyang ginagamit ng isang magandang nurse bilang disinfectant sa kaniyang sugat.Nasa loob sila ngayon ng Quarter 1 na pagmamay-ari ng Rossi Mafia. Napakalalim kasi ng sugat ni Dom at muntik na siyang mawalan ng malay kanina.Pagkatapos magsitakbuhan no'ng mga kalaban kanina ay kaagad siyang dinala ng mga tauhan ni Salvatore sa quarter nito. At dahil isa itong high profile inmate na may koneksyon sa mismong management ng kulungang ito ay nagagawa nitong makakuha ng personal nurse na siyang mag-aasikaso sa kanila kung sakaling magkaroon sila ng sakit.Isa ito sa mga special privilege na ini-enjoy mga mga mayayamang inmates dito sa loob."Thank you so much for saving him, Boss," magalang na wika ni Damian sa middle aged na lalaking kampanteng nakaupo sa malambot na sofa ng quarter na kinaroroonan nila."It's nothing. Alam mo naman ako, ayaw ko talaga 'yong makakita ng taong pinagtutulungan

  • Cold and Ruthless   39: The Past Part 24

    CHAPTER THIRTY NINEONE MONTH LATER..PARANG naging impyerno ang buhay ni Dom sa loob ng kulungan. Pinoprotektahan nga siya ng kaniyang mga kakusa sa pamumuno ni Damian Wayne, ang kanilang Selda Mayor, ngunit pagkalabas naman niya ay palagi nalang may umaatake sa kaniya.Bugbog lang naman ang inabot niya sa tuwing inaatake siya ng mga membro ng Carsel Group, hindi kagaya noong nakaraang buwan na nanatili talaga siya sa Prison Infirmary nang halos dalawang linggo dahil sa laki ng pinsala sa kaniyang mukha. Mabuti nalang talaga at hindi naapektuhan ang kaniyang facial features, may mga peklat nga lang iyong natira dahil sa sugat na tinamo niya.Awang awa man sa kaniya ang kaniyang mga kakusa ay hindi naman siya kayang ipagtanggol ng mga ito dahil masyadong marami ang mga tauhan ni Miguel.Sa tuwing bubugbogin siya ng mga ito ay magkakaroon talaga ng riot. At sa bawat riot na ito ay palaging may nasusugat ng malubha. Wala pa namang namatay, pero 'yon na nga, napakaraming nadadamay.Ilang

  • Cold and Ruthless   38: The Past Part 23

    CHAPTER THIRTY EIGHT[Warning! Contains Disturbing Contents that depicts violence! Read at your own risk]INIHANDA na ni Dom ang sarili sa anumang posibleng mangyayari sa kaniya nang tumapak ang kaniyang mga paa sa entrance ng Building 4 na sinasabing hawak ng Carsel Group. Ang mismong grupong naka-engkwentro niya at ng mga ka-grupo kaninang umaga.Dahil oras ng kainan ngayon para sa hapunan nila ay napakatahimik ng buong building habang naglalakad siya kasama ang mga Jail Guards na naghatid sa kaniya patungo sa kaniyang magiging selda.May mangilan-ngilang mga priso pero tahimik lang ang mga ito habang tinitigan sina Dom.Hanggang sa makarating si Dom sa kaniyang magiging selda ay gano'n pa rin ang nangyari, napakatahimik.Tinawag naman ng mga Jail Guards ang mayor ng kaniyang magiging selda upang makilala siya nito. Ilang saglit lang ay dumating ang mayor at nakangiti pa nitong ni-welcome si Dom. Pagkaalis ng mga Jail Guards ay tinulungan pa siya nitong mailagay sa lagayan ng mga da

  • Cold and Ruthless   37: The Past Part 22

    CHAPTER THIRTY SEVEN"OHHH, akala ko bahag ang buntot ninyong lahat. So, may matapang pa pala sa inyo. Good. Good. Good. Since ilang oras na rin akong hindi nakasapak ng tao, papatulan ko na ito," nakangising wika ng lalaking nasa pinakaunahan ng grupong humarang sa kanila nang makita nitong umabante si Dom."Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Carsel Group 'yang nasa harap mo gag0!" mahina ngunit matigas na banta ni Boss Choy kay Dom nang madaanan niya ito habang pasugod sa grupong nasa harapan.Ngunit walang pakialam si Dom kung sino itong nasa harapan niya. Basta malaki ang atraso ng amo ng mga ito na si Don Antonio sa kaniya. Kaya pagkarinig palang niyang galamay pala ito ng kinasusuklamang tao ay biglang dumilim ang kaniyang paningin at nawalan siya ng kontrol sa sarili.Sa kabila ng mahigpit na banta ng kanilang Mayor ay wala sa sariling sinugod ni Dom ang Carsel Group. Agad naman siyang sinalubong ng lider ng mga ito.Isang malakas at solid na right hook ang pinakawalan ng lider

DMCA.com Protection Status