Third Person's POV
"Bakit ka nga pala dumalaw? Akala ko busy ka ngayon? Wala ka nang inaasikaso? Wala ka ng tatrabahuin?"
"Kailangan talagang sunod-sunod ang tanong? Bakit? Disappointed ka dahil hindi si dok. ang maghahatid sa 'yo pauwi? New crush mo? Bakit hindi mo sabihin sa 'kin? Bakit hindi mo naikwento na lumalandi ka lang pala sa ospital? Sana sinabi mo agad na dahil sa crush mo kaya ka naging nurse na napakataliwas sa kinuha mong kurso, e... 'di sana hindi na lang kita pinigilan ano?"
Napahawak si Sheiha sa sentido dahil sa sunod-sunod na tanong na iyon ng pinsan. Hindi niya ma-reached ang mga pinagsasabi nito. Ano nga ulit 'yon? Sabagay, kasalanan naman niya dahil siya ang nagsimula nito.
"Tama na, sumasakit ang ulo ko, Bryly."
Brimme tsked, "Ayan, may pahatid-hatid pa kasing nalalaman. Sheiha, tandaan mo kung bakit ka nandoon. Saka bakit mo kasama ang Clinton na 'yon?!"
Napabuntong-hininga siya saka tumingin sa labas ng bintana. Hanggang ngayon ay hindi pa pala alam ng pinsan na nakauwi na pala si Clinton galing sa kung saang lupalop man ito ng mundo. Pero sigurado ba talaga siyang hindi alam ng pinsan ang bagay na 'yun? Nasisigurado niyang alam nito na nandito na ang ex-boyfriend nito sa pinas.
"Hindi naman dahil nakaraan mo siya at hindi maganda ang koneksiyon niyo, ay hindi ko na siya maaaring maging kaibigan," aniyang nakatingin pa rin sa labas ng bintana.
Dahil sa nangyari kanina, nawalan na talaga siya ng gana sa lahat. Na kahit ang makipagbiruan sa pinsan ay hindi niya muna magagawa kahit araw-araw na siyang nasanay sa pamimilosopo nito. At alam naman ng huli kapag nasa hindi siya maayos na lagay.
"'Yong nangyari kanina..."
Napangisi si Sheiha. Tama siya, walang makakalampas na kahit anong impormasyon sa pinsan. Na kahit pa pinakamaliit na insekto sa buong mundo ay makikita nito.
"Wala na tayong magagawa, nangyari naman na, e."
Napabuntong-hininga na naman siya saka ginulo ang buhok. Wala na talaga siyang magagawa dahil nangyari na ang hindi naman dapat nangyari! That was her chance to make her plan but what have she done?! What have she done?! She just save the monster who killed her family. Kaya wala na siyang pamilya ay dahil sa hinayupak na 'yon! Kailan ba aayon ang tadhana sa kaniya? Kailan niya pa magagawa ang bagay na matagal na niyang ninanais makamtan?!
"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. I told, ako na ang bahala sa lahat pero ayaw mong makinig."
Nakakunot ang noo ni Sheiha na lumingon sa pinsan, "At anong gagawin ko? Hihilata? Hindi lang pamilya mo ang pinatay ng lalaking 'yon! Pamilya ko rin sila!"
"Dahil sa kalambutan niyang puso mo, anong nangyari? Muntik ka ng mamatay noon dahil sa pangingialam mo. Ngayon naman ito. Sheiha naman, ikaw na lang ang pamilya ko kaya tama na. Kaya please, kami na ang bahala sa kaniya. Huwag ka nang makialam pa."
Huminga siya ng malalim, "I want just to know something, Brimme. Hindi naman masama 'yun 'di ba?"
"Masama 'yun kung pipilitin mo pa ring isipin na tama ang ginagawa mo kahit hindi naman. Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo. Leave this to us..."
"Palagi mo akong inaalala na baka mapahamak ako. Paano ka naman? Brimme, ilang taon ka na sa trabaho mong 'yan para rito pero anong nangyari? Wala. Kahit anong lagay ng buhay mo sa peligro, walang nangyayari. Feeling ko nga, piniperahan ka lang niyang boss mo. Sa tagal mo na riyan, wala ka pa ring kahit na anong lead tungkol sa taong 'yon."
"Patients is a Virue, Sheiha. Naghihintay lang ako ng magandang pagkakataon. Huwag kang masyadong mainipin, mas makakasama sa atin 'yan. Lalo na sayo, dahil padalos-dalos ka."
Naiinis siyang tumingin ulit sa bintana. Ramdam niyang walang tiwala ang pinsan sa kaniya pagdating sa bagay na ito. Oo at ilang beses na siyang pumalpak pero nasisiguro niyang hindi na sa pagkakataon na ito. Si Brimme na lang ang pamilya niya kaya naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Lalo pa't muntik na siyang mamatay noon dahil sa katigasan ng ulo at pagkamainipin niya. That was one of the things she wouldn't forget the rest of her life.
"Anong gusto mong hapunan?" tanong ng pinsan habang naghuhubad sila ng sapatos sa labas ng pinto.
"Wala akong gana, ikaw na lang ang kumain ng hapunan." Pagkasalpak niya sa shinelas ay naglakad na siya papasok nang hindi nililingon ang pinsan.
Napailing na lang si Brimme dahil sa inasta ng pinsan. Nagtatampo na naman ito sa kaniya dahil sa naging diskusyon kanina. Mahirap pa naman itong paamuhin lalo pa't may nangyari kanina.
"Kung nandito lang sana sila tita at tito... Pero wala na akong magagawa para maibalik ang pamilyang nawala na."
Ngumiti siya saka tumingin sa langit. Bilog ang buwan ngayon pero walang kahit na isang bituin na makikitang nakapalibot dito. Uulan pa ata ngayong gabi.
"Baka dahil sa katigasan ng ulo ng baby natin, ma, pa, tita, tito... e magkakasama na tayo riyan." Huminga siya ng malalim saka pinunasan ang isang luhang tumakas sa pagpipigil niyang umiyak dahil naaalala na naman niya ang pamilya, "Siguro sa susunod nating pagkikita, magkakasama na tayo... Hindi na tayo maghihiwalay pa."
Naiinis na pinagsusuntok ni Sheiha ang malaking stuff toy niyang walang kamuwang-muwang sa kung saan nanggagaling ang inis niya. Kung ano ang dahilan at rason.
"Hoy, Doraemon! Bakit hindi ka pa mamatay, hah?! Kanina pa kita sinusuntok pero bakit nakangiti ka pa rin?! Nang-aasar ka ba? Hah?!" Sinuntok na naman niya ang kawawang bagay na iyon.
Napalunok siya saka hinawakan ang kumukulong tiyan niya ngayon. Bakit ba tinanggihan niya ang hapunan ni Brimme? Ilang ulit siya nitong tinawag pero hindi siya nagpatinag. Pinanindigan niya talaga ang pride niya dahil nababanas din siya sa pinsan. Pero mas naiinis siya sa sarili dahil sa pagiging ipokrita.
"Tarantadong, pride kasi to! Tarantado ka, Doraemon!" Sinuntok na naman niya ang kawawang nilalang.
Napakasarap sa pakiramdam na may pinagbubuntungan ka ng inis. Pero kung nakakapagsalita lamang ang bagay na pinagbubuntungan niya ngayon at nakakagalaw, kanina pa siya nito piniktusan. Worst, ay baka pagsusuntukin din siya.
"Bakit ang gwapo ni Lee Min Ho?"
Sheiha tsked and get-up. Wala na siyang magagawa kung hindi lunukin ang pride niya. Lumabas siya ng kwarto niya saka bumaba ng hagdan patungo sa first floor ng bahay nila. Nilingon pa niya ang kwarto ni Brimme na nasa dulo ng pasilyo ng second floor. Siguro tulog naman na 'yon dahil madaling araw na. O' hindi kaya ay umalis na naman ito kagabi. Pero wala naman siyang narinig na papaalis na sasakyan. Siguro nga ay tulog na ito.
"Ay, putspa ng kabayo!"
Agad siyang napahawak sa dibdib dahil sa gulat. Pagkapindot kasi niya ng ilaw sa kusina ay nandoon nakasandig sa lababo si Brimme at prenting nakahalukipkip habang nagkakape.
"A-Ang aga mo naman g-gumising."
"Hindi ako natulog."
"Ah, hehehe... Hindi ka natulog?" Para niyang tangang ganong kahit kasasabi lang ng pinsan ang tanong niya.
"Alam kong bababa ka dahil sa gutom. Ayan, tuloy mo lang ang pagiging matigasin ang ulo, ah? Hindi na ako magtatakang sa susunod na ibabalita sa Tv, ay ikaw na patay na."
Hindi maaninag ni Sheiha na nagbibiro ang pinsan. Seryuso nitong inilapag sa sink ang pinagkapihan saka hinugasan ito. Nakasunod lang siya sa bawat kilos ng pinsan hanggang sa iligpit nito ang hinugasan at walang lingong nilampasan siya.
"Matutulog ka na ba?!" sigaw niya rito pero parang wala itong narinig at deretso lang sa pag-akyat ng hagdan.
"Nagalit ko ata..."
Hindi ata lang Sheiha. Nagalit mo talaga. Nagkibit-balikat lang siya saka hinandaan ang sarili ng makakain. Galit kasi sa kaniya ang tagapaghanda niya ngayon kaya self serve muna siya.
Habang kumakain si Sheiha, may nararamdaman siya na para bang may mga matang nakatingin sa kaniya. Sinilip niya ang pintuan ng kusina, baka kasi si Brimme at bumalik lang. Pero wala siyang nakitang anino ng pinsan. Nakakunot ang noo niyang tumayo at tinungo ang pintuan para silipin ang sala. Baka kasi bumaba lang si Brimme at nagtungo sa kusina. Pero bago pa man siya makasilip ay may nagtakip na ng bibig niya at pilit siyang pinapatahimik!
"Hey, hey! It's me... Don't shout, please don't shout."
Hinihingal siyang kumawala rito at akmang susuntukin ito ngunit agad nitong nailagan iyon at nahawakan ang kamay niya. Doon naman siya naghirap na makawala.
"Bitaw! Tatawagin ko ang pinsan ko! Bali-bali mga buto–"
"Si Clinton 'to!"
Hinubad ng binata ang mask at bonet na suot. Nakakunot-noo naman si Sheiha na tinitigan ang lalaki.
"Anong ginagawa mo ditong, ugok ka?!" Bulyaw niya rito.
Napangiwi naman ito saka siya giniya papasok ng kusina at pinaupo sa kaninang inuupuan niya.
"Dumadalaw lang."
"Gago! Madaling araw na tapos dumadalaw? Sinong niloloko mo?" Umingos siya at nagpatuloy na sa pagkain. Akala naman niya kung sino. Natakot tuloy siya ng medyo slight lang.
Umupo ito kaharap niya saka nangalumbabang nakatingin sa kinakain niya.
"Nagugutom ka?" Tumango ito, "Serve yourself. Sari-sarili kami rito." At nagpatuloy siya sa pagkain.
Naiinis naman ang isang tumayo at pinaghandaan ang sarili saka bumalik sa pwesto niya kaninang kaharap siya at kumain.
"Ano nga ba talaga ang ginagawa mo rito? Para kang magnanakaw sa gabing madilim."
"May magnanakaw ba ng umaga?"
"Meron kaya!"
Nagkibit-balikat lang ito saka sumubo,
"Ito ang bagong misyon ko, ang bantayan kayong dalawa."
"Misyon? Naninilip ka tapis misyon?!"
"Bakit? May masisilip ba sayo? Mas may masisilip pa nga ako kay Brimme, e."
Hindi siya makapaniwalang tiningnan ito, "Bastos!"
Ito naman ang hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya,
"Ako pa ang bastos?" Tinuro nito ang sarili, "Nagsasabi lang ako ng totoo. Tingnan mo nga iyang sarili mo. Mas malaki pa iyong kay Brimme saka alam kong malambot 'yun, hehehe."
Napangiwi si Sheiha na tiningnan ang kaibigan. Ang bastos talaga nito. Kapag pumunta ka ba ng ibang bansa para mag-aral ay nagiging manyak ka?
"Ano nga ang ginagawa mo rito ng madaling araw!" bulyaw niya sa inis.
"Misyon nga! Abay ang kulit!"
"Huwag mo nga akong pinagloloko riyan! Bibigwasan kita!"
"Mahilig ka nang magmura ngayon, a?"
"At ang manyak mo na ngayon, ah?"
"Anong nangyari sayo?"
"Anong nangyari sayo?"
"Ginagaya mo ba ako, babae?" naiinis na nitong tanong.
"Ginagaya mo ba ako, lalaki?" nakangisi niyang tanong.
"Ikaw–" aabutin na sana siya nito kaso nakailag siya at napasandig sa inuupuan.
"Ikaw na nga ang parang manyak na naninilip sa madaling araw tapos mananakit ka pa ng may-ari nitong bahay na pinakain ka? Abay ang kapal ng mukha."
Nababanas na bumalik ng upo si Clinton at sunod-sunod sumubo ng kanin na may kaldereta.
"Para ka ng si Brimme magsalita ngayon."
"Para ka na ring manyak magsalita ngayon." Nakangisi niyang balik.
Nakikita na niyang nagsimula na naman itong mainis sa kaniya kaya mas napangisi siya. Ang hilig talaga nitong mang-asar pero kapag siya ang inasar ay napakadaling mapikon.
"Bakit madaling araw ka na pala kumain? Hindi ito oras ng kain."
"Hindj ba obvious? Nagutom syempre. Saka kumakain ka rin naman ngayon, a?"
"Aba't–"
"Shieha? Sinong kausap mo?"
Parehong nanlalaki ang mga mata nila ng marinig ang boses na iyon ni Brimme. Nakalimutan niyang gising din pala ang pinsan! Ang tanga mo, Sheiha!
"Gago, pababa si Brimme!" sabi ni Sheiha at napatayo na.
"Sheiha?"
Natataranta naman si Clinton sa kung saan magtatago. Binuksan niya iyong kabinet na nasa ilalim ng sink. Saktong wala itong laman pero ang problema...
"Sh't, hindi ako kasya!"
"Ang laki mo kasing tao!"
Tumingin sila sa palibot ng kusina para malaman kung saan itatago ang malaking damulag.
"Sa ilalim ng lamesa!" mahinang bulyaw niya sa kasama.
Dahil sa pagkataranta ay nauntok ang ulo ni Clinton sa mesa. Napangiwi siya saka pilit na pinapatago ang binata sa ilalim ng kusina.
"Sheiha? Sinong kausap mo?"
Gulat siyang napaangat ng tingin sa pinsan mula sa pagkakayuko sa ilalim ng lamesa. Nakakunot-noo itong akmang sisilipin ang ilalim ng lamesa ng pigilan niya.
"Ah, wala... wala naman..."
"May naririnig ako kaninang kausap mo." Seryuso ang mukha nito habang sinasabi niyon."
"Ah, kinakausap ko ang sarili ko habang kumakain."
"So, dalawang plato ang gamit mo habang kumakain?"
Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sa kinainan ni Clinton saka napapikit ng mariin.
"Ah, e... O-Oo... hehehe... ganoon na nga."
"Kaninong mask at bonet 'to?" Tinuro nito ang nakalapag sa lamesang mga gamit ni Clinton.
Napangiwi siya. Hindi tanga ang pinsan para hindi malaman na may kasama siyang ibang alien. Pero hindi naman niya hahayaan na mag-kruz ang landas ng dalawa. Lalo pa sa sitwasyon na ito na bad mood ang pinsan.
"Hindi mo ba nakita na dala ko 'yan, kanina?"
Nagpapasalamat siya dahil hindi siya nauutal. Napalunok siya nang mas sumeryuso ang mukha ni Brimme. Humalukipkip ito saka tiningnan siya ng mariin.
"Lalabas ka O' ako ang magpapalabas sayo?"
"Hah? Nakalabas naman–"
"Tahimik!"
Hindi natapos ang sasabin sana niya dahil sa sigaw ng pinsan. Gulat siyang nakatingin dito. Hindi na talaga ito maganda.
"Clinton, lalabas ka o' ako ang magpapalabas sa 'yo?" Nagbabantang ani ng pinsan.
Patay.....
Sheiha Fajardo's POVPalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang taong kaharap na napakahalatang nag-iiwasan pero pilit na tinitingnan ng palihim ang isa't isa.Kumagat ako sa hawak na mansanas habang pinabaling-baling ang ulo. Ang isa ay nakahalukipkip habang nakasandal sa sofa. Ang isa naman ay nakatukod ang siko sa sandalan at doon nangalumbaba habang nagbibilang 'kuno' ng tupa sa kesame.'Anong nakain ng mga 'to?'Napangiwi ako nang pilit sinisilip ng binatang nakapangalumbaba ang dalagang hindi maipinta ang mukhang nakahalukipkip na nakasandal sa sofa.Tsk, tsk, tsk...Dahan-dahan akong tumayo para iwan sila, "Aalis...muna...ako...kasi–""Dito ka lang!"Na agad ding napabalik sa inuupuan dahil sa galit na ekspresiyon ni Brimme."Sabi ko nga, hindi ako aalis. Saka hindi ko pa tapos kainin itong appl
Sheiha Fajardo's POVDinampot ko kung ano lang ang mahawakan ng mga kamay tapos tulak na ulit sa cart. Naiinis ako. Nababanas ako. Gusto kong manuntok pero dahil mabait ako, mas magpapakabait pa ako kaya restrain lang self.Nginitian ko ang bawat taong nakakasalubong ko rito sa grocery store. Na kahit langgam ay magsisilapitan dahil sa tamis niyon. Gusto kong mambalibag ng mga paninda. Kahit isang lata lang para kahit papaano ay mawala itong inis ko.Alam naman ni Brimme na hindi ko gusto ang mag-grocery! Nakapadaming iba't ibang brand tapos kailangan ko pang mamili ng trusted. Alam kong pinaparusahan ako ng pinsan kong 'yon dahil sa ex boyfriend niyang kulukoy! Kapag ako talaga nakita ko ang jowa ko noon baka siya ang pagbuntungan ko ng galit."Miss, pinapatay niyo na po iyang fudge bar... nadudurog na po," sabi ng isang lalaking stuff.Napangiwi ako saka dahan-dahan ibinalik ang fudge
Sheiha Fajardo's POV"Doc, ano pong ginagawa niyo rito?" Nakangiting tanong ko kay Andrius na kanina pa nakakunot ang noo.Katangahan mo na naman, Sheiha! Anong meron sa tanong mong 'yan at palagi mong tinatanong? Kahit napaka-obvious naman nang sagot?Hindi naman niya narinig ang tawag ni Dane sa 'kin kanina, 'di ba? Sana hindi, dahil kapag nagkataon na narinig niya, bulilyaso lahat ng plano ko."Grocery."Napatango-tango ako saka isa-isa silang tiningnan, "Paano ba 'yan, nice meeting you all. Mauuna na ako dahil baka nag-aalburuto na ang tigre na alaga ko sa bahay.""You have a tiger on your house?!" Gulat na tanong ni Shane.Natawa ako,"Hindi naman literal na tigre, mahal.""Is it Brimme?" tanong naman ni Dane.Nakanguso akong tumango-tango. Napatango naman siya. Nagtanguan kaming d
Sheiha Fajardo's POVPagkabukas ni Brimme ng gate ay pagtataka agad ang siyang naging ekspresiyon niya.Kailangan ko pa siyang tawagin dahil ni-lock niya mula sa loob ang gate. Para ata siguruhing hindi ako makakapasok kapag hindi ko dala iyong mga juice niya. Ano bang meron sa juice at napakaadik ng isang 'to?"Good day," bati ni Andrius kay Brimme."Same..."Binigyan ako ni Brimme ng nagtatanong na tingin. Napabuntong-hininga ako saka nagkibit-balikat."Ewan," sagot ko na lang.Paano ba naman kasi. Ang kargador ng mga pinamili ko ay si Andrius. Siya na nga ang bumili lahat ng mga dala namin, siya pa ang nagbayad. Silbi, dobleng grasya, dobleng libre ang dumating sa 'kin ngayong araw na ito. Pinagpala ka nga naman. Akala ko kamalasan ang magiging bungad kapag nakita ko ang dalawang ex ko ngayon —ex-boyfriend, saka ex-crush— hin
Sheiha Fajardo's POV"Bakit hindi ka naka-uniform?""Eh?"Tiningnan ko ang suot ko. Isang high waisted jeans na pinaresan ng isang white T-shirt na may print na 'Pretty'. Naka-tack in ito sa jeans. Pinaresan ng converse shoes."Uniform? May nag-u-uniform kapag magre-resign? 'di ba naka-casual lang sila?"Nakita ko ang pagkunot ng noo sa mukha ni Brimme. Siguro nakalimutan niya iyong sinasabi ko noong nakaraan. Huminga ako ng malalim saka nginitian siya."Magre-resign na ako sa—""Alam ko."Ako naman ang napakunot-noo."Pero hindi ko aakalain na gagawin mo talaga 'yun. I thought you're just bluffing," dagdag niya."Well..." Umupo ako sa katapat na inuupuan niyang sofa, "Nangako na ako sayo na magpapakabait na ako.""At ito ang pagpapakabait
Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko?Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan.Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin n
Sheiha Fajardo's POV"Paano ba 'yan, nandiyan na ang sundo ko," sabi ni Lian habang nakahawak sa strap ng bag niya.Tiningnan ko ang paparating na magarang sasakyan, saka napangiti. Naalala ko kasi bigla iyong mga panahon na hinahatid ako ni papa sa school gamit ang kotse namin. Habang nag-aaway kami ni Brimme sa likuran, sila mama at papa naman ay nagtatawanan dahil sa kakulitan namin. Salitan ang mga magulang ko at mga magulang ni Brimme sa paghahatid sa amin. Kapag walang trabaho si papa ay siya ang maghahatid, kapag si tito naman ang wala, siya ang naghahatid sa 'min. Pero mostly, si tito dahil palaging busy si papa."Sasabay na ako sa 'yo, pwede? May bibilhin kasi ako sa mall, magpapakuha na lang ako roon," May hinahalungkat si Dolly sa bag niya habang sinasabi 'yun.Agad namang tumango si Lian,"Ikaw, Sheiha. Hindi ka sasama?"Umiling ako saka siya nginitia
Sheiha Fajardo's POVNaipilig ko ang ulo habang hawak ang batok. Hindi ko maintindihan—hindi, wala akong maintindihan. Wala akong maunawaan sa mga nangyayari."Bakit walang laman ang vault? Anong ibig sabihin nun?"Wala akong magawa kung hindi ang tanungin ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa malaman ko ang sagot. Hindi man sinasabi ni Brimme ang iba pang detalye, alam kong may mas malaki pang kaganapan ang nangyayari ngayon."Pero bakit kami binigyan ni papa ng kwintas na may nakatagong susi? Bakit bigla na lang siyang nawala pagkatapos ibigay iyon kay Bryly?"Bakit nga ba? Kahit sa tanong na iyon ay wala akong sagot. Noong tinanong ko naman si Brimme tungkol dito ay wala rin siyang alam."Bakit hanggang ngayon hindi siya nagbibigay ng pahiwatig kung buhay pa nga siya gaya ng sinasabi ni Bryly? Na hindi talaga siya kinidnap, na sa palag
Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!
Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i
Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i
Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa
Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k
Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached
Andrius Lexton's POV"Mukhang huli na tayo," sabi ni Clinton habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon."Wala akong makita na nanlaban sila or what. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa loob..." sabi naman ni Brimme na kagagaling lang sa loob ng maliit na bahay."Are you sure that they are here?" Lumapit ako sa may pintuan at yumuko."Oo, may mga bangko at lamesa sa likod. Doon siya nakaupo sa litrato habang nakatingin sa kalangitan 'di ba?"Kinuha ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig. The paper was crashed, and it looks like someone step on it."Damn, bakit nila nalaman na pupunta tayo rito? Sinong traydor sa ating tatlo, hah?!" Hindi ko pinansin ang patutsada ni Clinton at binuksan ang nakalukot na papel.'Someone that close to your heart.'That's what
Sheiha Fajardo's POVNakakunot-noo akong nakatingin kay Dane at iyong nakamaskarang lalaki na nag-uusap sa malayo, na tinatawag nilang Mr. Kang."Alam mo ate, pangalawang kita ko na sa lalaking 'yan."Nilingon ko si Zana sa tabi ko na katulad ko, nakatingin din siya sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang alipores na si Aaron. Bigla-bigla lang kasi iyong sumusulpot na parang kabute sa kung saan-saan.I hummed, "Talaga? Saan iyong una?"Tumango siya, "Nakita ko siyang kausap ni papa. Hindi ko na maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero sigurado akong siya 'yun."Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki habang nakahalukipkip. Naipilig ko ang ulo at pilit inisip kung saan ko nakita ang lalaking 'yun. He seems familiar to me, though I can't recall where did I saw this man. But still, I'm not sure if it was just deja vù, or I did se
Sheiha Fajardo's POVNapahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell."Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki."Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami."Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? M