Sheiha Fajardo's POV
"Bakit hindi ka naka-uniform?"
"Eh?"
Tiningnan ko ang suot ko. Isang high waisted jeans na pinaresan ng isang white T-shirt na may print na 'Pretty'. Naka-tack in ito sa jeans. Pinaresan ng converse shoes.
"Uniform? May nag-u-uniform kapag magre-resign? 'di ba naka-casual lang sila?"
Nakita ko ang pagkunot ng noo sa mukha ni Brimme. Siguro nakalimutan niya iyong sinasabi ko noong nakaraan. Huminga ako ng malalim saka nginitian siya.
"Magre-resign na ako sa—"
"Alam ko."
Ako naman ang napakunot-noo.
"Pero hindi ko aakalain na gagawin mo talaga 'yun. I thought you're just bluffing," dagdag niya.
"Well..." Umupo ako sa katapat na inuupuan niyang sofa, "Nangako na ako sayo na magpapakabait na ako."
"At ito ang pagpapakabait na naisip mo? Ang mag-resign sa trabaho?"
Tumango ako,
"Para safe ako. I won't meddle in your business on finding evidences towards getting justice. This way, hindi mo na kailangang mag-alala sa 'kin na baka magpadalos-dalos na naman ako sa pagkilos lalo pa at kasama ko ang taong 'yun."
"Kahit saan ka man magtrabaho, Sheiha ay mag-aalala at mag-aalala pa rin ako. Hindi dahil sa malayo ka sa kaniya ay ligtas ka na. Hindi ibig sabihin niyon na kapag lumayo ka ay hindi ka pa rin nila hahanapin at susundan. Nalaman ko kay Clinton na napalapit agad ang loob sayo ng lalaking 'yun pagkatapos mo siyang tulungan. He even is demanding everyone to get you, para makausap ka. Pero hindi ka nila maabot-abot kasi hinaharangan ni Clinton. Kapag umalis ka ngayon, baka pag-ugatan pa ito ng pagdududa. After that incident, you didn't show off."
"Sabihin na lang natin na na-trauma ako kaya hindi ko na kayang manatili sa ospital. Saka hindi naman 'yun ang talagang kurso ko."
"Sabihin na nating ganiyan nga, pero paano kung ipahanap ka? Ipa-background check? Let's consider all the possibilities, Sheiha."
"Hindi naman nila malalaman lalo pa at hindi totoo ang binigay kong identity papers sa kanila. Kapag mag-background check man sila, mas hindi nila malalaman kung sino talaga ako dahil napakaraming Sheena Gozon sa buong Pilipinas."
Huminga siya ng malalim,
"Sheiha... sa kamay ng lalaking 'yun ay walang nakakalusot."
Naniningkit ang mga mata ko,
"Bakit buhay pa tayo ngayon kung hindi tayo nakalusot sa mga kamay niya?"
There is something on the way she acted. Hindi siya ganito, e. Para siyang hindi mapakali sa mga ginagawa, sa mga sinasabi. I know that Brimme is a calm person but when it comes to me, kapag may kinalaman ang usapin sa 'kin ay nailalabas nito lahat ng emosyon niya.
Tiningnan niya ako deretso sa mata,
"Stay there and be safe."
"What do you mean by that? Lalayo na nga ako sa gulo 'di ba?"
"Hindi mo naiintindihan..."
"Kaya nga ipaintindi mo!"
Nagsimula nang umusbong ang inis ko. Naging madali na akong mainis nitong mga nakalipas na taon. Iyong dating Sheiha na napakahaba ng pasensya ay unti-unti nang nawawala. Nagsisimula na naman ako...
"Kagabi, when me and Clinton was talking. May nakita kaming mga aninong umaaligid sa bahay."
Gulat akong nag-angat nang tingin sa kaniya. Kapag kuwan ay pinakalma ang sarili. Biglang umusbong kasi ang kaba ko.
"B-Baka naman mga kasama niyo 'yun tapos binabantayan lang tayo? Sabi ni Clinton na may bagong misyon siya at iyon ay ang bantayan tayo."
Umiling siya,
"Kapag sinabi niyang siya lang, nag-iisa lang talaga siya. Hindi naman niya ako kailangang bantayan dahil kaya ko naman ang sarili ko. Tinutulungan lang niya akong bantayan ka. We called our superior to asked about this thought but he didn't order anyone except Clinton to do this job."
Bigla ay napasandal ako sa inuupuan, nanghihina. Hindi naman sana mangyayari na naman itong naiisip ko.
"Ang nakakapagtaka rin ay hindi galing sa lalaking 'yun ang mga taong umaaligid dito sa bahay," dagdag pa niya na mas lalong nagpagulo sa isip ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"We thought that there is someone who's watching us from afar. I don't want to tell this to you but you need to know, so that you won't be left out on the dark anymore."
"Spill it."
"May pagkakataon na nararamdaman kong may sumusunod sa 'kin. Lalo pa't umaalis ako ng gabi o madaling araw para sa misyon namin. Simula pa ito noong lumipat tayo rito. Ayokong sabihin sayo dahil alam kong napapagod ka ng magpalipat-lipat ng matitirhan. Pero hindi rin ito ang point ko kaya pinili kong manatili." Tumigil muna siya sa pagsasalita. Siguro iniisip nito kung sasabihin ba nito ang lahat o hindi.
Pero sa pagkakataon na ito, kailangan ko ng ekplinasyon sa lahat ng nangyayari. Lalo pa't madali akong magpadalos-dalos sa mga ikinikilos ko. Hindi ko na gustong maulit pa iyong noon dahil alam kong this time, hindi na ako binigyan ng isa pang pagkakataon para mabuhay.
"Brimme, hindi ko na kayang maiwan sa dilim na walang alam, walang nalalaman na pintong palabas. Kahit ngayon lang, pagkatiwalaan mo 'ko. Pero kung may kinalaman 'yan sa trabaho mo, don't bother. Baka ako pa ang dahilan para mapahamak ka. Hindi na ako magiging pabigat sa 'yo 'di ba? Kaya sisikapin kong hindi na maging pasakit sa ulo mo."
Naiintindihan ko kapag sinasabi niyang may kinalaman ang trabaho niya sa mga bagay. Na kahit gustong-gusto kong malaman ang lahat ng detalye ay limitado lang ang kaya niyang ibahagi at kailangan kong malaman. Lalo pa at isang pribado ang trabaho ni Brimme na kahit ako ay hindi alam kung ano. Sinabi niyang hindi iyon ilegal kaya maniniwala ako sa kaniya. Basta legal ay walang problema sa 'kin. Ang nagiging problema lang ay iyong halos buwis buhay nilang mga misyon. May isang beses ngang umuwi si Brimme ritong puno ng pasa at may tama pa ng baril sa tiyan. Noong tinanong ko kung ano ang nangyari, sinabi lang niyang trabaho.
"Hindi ko alam kung kakampi ba natin o kaaway ang taong nasa likod ng mga ito. Wala pa naman siyang ginagawa bukod sa pagmamasid. Pero isa lang ang nasisiguro ko, kung sino man ang taong 'yun, mukhang may kinalaman siya sa pagkawala ni papa."
Nanlalaki ang mga mata ko,
"P-Paano mo nasabi?"
Si papa ay iyong lalaking nagligtas sa amin, sampung taon na ang nakakalipas. Siya ang kumupkop sa 'min at tinulungan kaming makapag-aral ni Brimme. Siya ang nagsilbing magulang namin buhat noong naganap ang trahedya. Siya ang tumulong para hindi kami matunton ng dating amo niya. Kumalas kasi siya sa grupo, hindi ko alam kung paano.
"Noong magda-dalawang linggo pa lang tayo rito, may isang package ang dumating. When I was about to leave the house, may nakita akong isang box sa harap ng main door. Akala ko na baka delekado ang isang 'yun kaya dinala ko kay superior para maimbestigahan at malaman kung kanino galing," Pagkukwento niya.
"Hindi mo muna binuksan?" Umiling siya, "Tama ang ginagawa mo. Baka may bomba sa loob tapos pagbukas mo ay biglang sumabog, naging tusta ka pa."
Napailing na lang si Brimme at napahawak sa sentido. Pinapasakit ko na naman ang ulo niya panigurado. Pero may gusto pa akong malaman. Matagal nang naka-stuck itong tanong na ito sa isip ko at hindi lang ako palaging nabibigyan ng pagkakataon para maitanong ito sa kaniya.
"Teka, matanong ko lang." Nang tumango siya ay nagsalita ako, "Kapag ba umaalis ka ay iniiwan mo akong mag-isa rito?"
Nag-aalala kasi ako. Kaya ko naman depensahan ang sarili ko pero hanggang basics lang ang kaya ko. Hindi katulad ni Brimme na halos lahat ng martial arts ay alam. Paano kung expert ang pumasok sa bahay habang wala siya? Paano na ako?
"Ano?! Syempre hindi. May pinapadala si superior dito na tao para bantayan ka."
Napatango-tango ako,
"Ang bait ng superior mo. Pakilala mo sa 'kin 'yan kapag may pagkakataon, a?"
Napailing ito,
"Lahat na lang gusto mong makilala. Ano? Itutuloy ko pa ba, o hindi na?"
"Sorry, sorry. Sige ituloy mo na. So... anong kasunod? "
"Walang trace sa kung saan at kanino galing ang box. Noong chineck ko ang cctv sa gate ay wala kaming nakita bukod sa biglang paglitaw ng box."
"Ano 'yun? Wow, magic?"
"Sheiha!"
"Oh, ito naman ang daling ma-high blood." Ngumiti ako, "Magtitino na ako."
Napabuntong-hininga na lamang si Brimme saka umiling. Alam niyang wala siyang magagawa kung hindi ang ituloy ang kwento. Nasimulan na niya kaya kailangan niya itong tapusin. Ang motto kasi niya sa buhay ay,
"Kapag nasimulan mo na, dapat mong tapusin. Huwag mong hintayin na ang iba pa ang tatapus sa labang sinimulan mo."
Ang gara 'di ba? Wala akong ganoon dahil pasaway ako. Gusto ko lang magliwalaw—sana— kaso hindi pwede.
"The video was cut." Napatango-tango ako, that explains why.
"Pero paano mo nga nalaman na ang taong 'yun ay may kinalaman sa pagkawala ni papa?"
"Two years ago, ang huling kita natin kay papa. Bago siya nawala, may ibinigay siya sa 'king kwentas."
May inilabas siyang kwentas mula sa leeg niya. Isa itong silver chains na may infinity pendant. Simple pero kakaiba dahil may dalawang batong ruby sa mga butas ng infinity sign. Ngayon ko lang ito nakita. Hindi kasi palasuot ng kwentas si Brimme o kahit na anong burloloy sa katawan. Kaya hindi ko napansin na may suot-suot siyang ganito.
Hinubad niya ito saka binaliktad. May hinila siyang isang bagay na nakakabit sa likod nito. Isang kurting susi!
"Ang laman ng box ay isang vault. May kalakihan. Siguro kasing laki ng lata sa iniinom mong Nido."
"Tapos iyan ang susi sa vault?" sabi ko sabay turo sa kwentas.
Tiningnan siya ako,
"Hindi."
Napakunot ako ng noo,
"Eh? Kung hindi naman pala ay bakit mo nabuksan ang vault?"
"Dahil dito."
May inilabas siyang isa pang kwentas mula sa bulsa. Katulad ito ng isa pero ang kulay ng batong nasa mga butas ng infinity sign ay green gems stone, emerald. Binigay niya sa 'kin ang kwentas na agad ko namang tinanggap.
Binaliktad ko ang pendant at doon nakita ko ang isang kurting susi. Hinila ko at nakita ko ang pangalan kong naka-engrave sa ibabaw ng kinalalagyan ng susi. May sealed ito para hindi nahuhulog ang susi.
"Binigay 'yan ni papa sa 'kin. Para raw 'yan sa 'ting dalawa. Hindi ko alam noong una kung para saan 'yan pero ngayon alam ko na kung para saan iyang sa 'yo."
"A-Anong laman ng vault?"
"Bago ko sabihin sa 'yo ang lahat, may tanong ako."
Agad akong tumango,
"Go ahead."
"Noong nangyari sa 'yo ang trahedyang 'yon, may nakita ka bang mukha bago ka nawalan ng malay? O, bago ka mawalan ng malay ay may nakita ka bang ibang tao bukod sa mga nanakit sa 'yo? Kung kaya mo nang maalala, paano ka nakaligtas?" tanong niya.
Pilit kong inisip ang nangyari sa 'kin, dalawang taon na ang nakakalipas. Simula una hanggang sa mawalan ako ng malay. Hanggang sa madatnan ako ni Brimme habang nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili kong dugo.
"A-Ano... Bukod sa mga lalaking naka-bonet sa panahong 'yun, may isa pang lalaking dumating. Naiiba siya sa lahat. He seems superior more than anyone. He's intimidating even though I only saw his back. Naka-suit siya that time. He's standing with all his might without an effort to do so. May sinasabi siya sa mga lalaki pero hindi ko marinig. Namalayan ko na lang na kaming dalawa na lang ang nasa loob ng bahay na 'yun... Then after that..." Tumingin ako kay Brimme.
"After that...?"
"Narinig ko ang sapatos niyang papalapit sa 'kin. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil bukod sa malabo ang paningin ko, madilim pa ang paligid. Naramdaman kong hinawakan niya ang mukha ko ang let me close my eyes," pagpapatuloy ko.
"May sinabi siya sa 'yo?"
Tumango ako,
"Sleep tight, my dear...? My dear ba 'yun, o my love? Hindi ko na maalala. Pero isa lang ang sigurado ako, may gusto sa 'kin ang lalaking 'yun."
Biglang tumango si Brimme at akmang babatukan ako nang sinalag ko ang mga kamay sa 'kin.
"Hindi ka naman mabiro!"
Dinuro niya ako, "Ikaw, Sheiha umayos ka!" Ramdam ko ang panggigil niya.
Bumalik siya sa pag-upo at uminom sa juice niyang nasa bote. Bakit ba ang hilig ng taong 'to sa juice?
"Ano pala ang laman ng box?"
Seryoso niyang inilapag sa maliit na lamesa ang juice na iniinom. Umayos siya ng upo saka humalukipkip.
"Wala. Walang laman ang vault."
Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko?Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan.Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin n
Sheiha Fajardo's POV"Paano ba 'yan, nandiyan na ang sundo ko," sabi ni Lian habang nakahawak sa strap ng bag niya.Tiningnan ko ang paparating na magarang sasakyan, saka napangiti. Naalala ko kasi bigla iyong mga panahon na hinahatid ako ni papa sa school gamit ang kotse namin. Habang nag-aaway kami ni Brimme sa likuran, sila mama at papa naman ay nagtatawanan dahil sa kakulitan namin. Salitan ang mga magulang ko at mga magulang ni Brimme sa paghahatid sa amin. Kapag walang trabaho si papa ay siya ang maghahatid, kapag si tito naman ang wala, siya ang naghahatid sa 'min. Pero mostly, si tito dahil palaging busy si papa."Sasabay na ako sa 'yo, pwede? May bibilhin kasi ako sa mall, magpapakuha na lang ako roon," May hinahalungkat si Dolly sa bag niya habang sinasabi 'yun.Agad namang tumango si Lian,"Ikaw, Sheiha. Hindi ka sasama?"Umiling ako saka siya nginitia
Sheiha Fajardo's POVNaipilig ko ang ulo habang hawak ang batok. Hindi ko maintindihan—hindi, wala akong maintindihan. Wala akong maunawaan sa mga nangyayari."Bakit walang laman ang vault? Anong ibig sabihin nun?"Wala akong magawa kung hindi ang tanungin ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa malaman ko ang sagot. Hindi man sinasabi ni Brimme ang iba pang detalye, alam kong may mas malaki pang kaganapan ang nangyayari ngayon."Pero bakit kami binigyan ni papa ng kwintas na may nakatagong susi? Bakit bigla na lang siyang nawala pagkatapos ibigay iyon kay Bryly?"Bakit nga ba? Kahit sa tanong na iyon ay wala akong sagot. Noong tinanong ko naman si Brimme tungkol dito ay wala rin siyang alam."Bakit hanggang ngayon hindi siya nagbibigay ng pahiwatig kung buhay pa nga siya gaya ng sinasabi ni Bryly? Na hindi talaga siya kinidnap, na sa palag
Sheiha Fajardo's POV"Salamat ng marami," sabi ko at lumabas na ng kotse niya. Pero nagtaka ako nang lumabas din siya at sumabay sa paglalakad ko."I also have an appointment here." Tumingin ito sa 'kin, "I didn't know that you work here."Nagkibit-balikat ako, "Hindi ka naman nagtatanong.""Do I have to? Wala bang magagalit?"Ngumiti ako. Sometimes, life is good to us. Kung sino pa ang taong nagawan mo nang masama noon, siya pa ang umiintindi sa'yo ngayon. Things may be difficult for us in first, but through the process of letting go, moving on and forgiving both parties, you can achieve the peace you've been longed for.Same old, Dane. Nothing change, huh? He doesn't want to interfere others businesses kung hindi naman siya kasali rito. He keep his mouth shut and pretend not to know. Saka lang siya kikilos kung may kinalaman sa kaniya ang bagay na 'yun.&nbs
Sheiha Fajardo's POVKadiliman. Ito na naman ang bumungad sa 'kin. Kailan ba ito mawawala? Kailan ba ito matatapos? Kailan ko na naman kaya makikita ang liwanag?Minsan, napapagod na rin akong kamuhian ang dilim. Napapagod na akong punahin ito at hanapin ang liwanag. Minsan nga naiisip ko, ang kadilimang bumabalot sa 'kin ngayon ay siyang naging sandalan ko mula pa noon. Bakit ba palagi kong hinahanap ang liwanag? Kung nandito naman ang dilim na nagsisilbing tahanan ko mula pa noon. Siguro tama nga na hindi ko na hanapin pa ang liwanag kung ang kadiliman naman ang palaging yumayakap sa 'kin.I want to feel at east, kahit ngayon lang.Kumapa-kapa ako sa dilim. Ang disadvantages lang ng kadiliman ay wala kang makikitang kahit na ano. Para bang puno ito ng mga lihim. Na kahit anong hanap mo nito ay hindi mo malalaman kung nasaan dahil sa wala kang makita. Kapag sobra namang maliwanag, nakikita mo lahat. Mga kas
Sheiha Fajardo's POVNagising na lang ako na nasa kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at agad na hinawakan ang batok ko. Hindi ko alam pero para itong nangangalay. Iginalaw-galaw ko ang uloHinanap ko ang cellphone ko dahil kanina pa 'to tumutunog. Nakita ko ito sa side table. Pilit ko itong inaabot na hindi umaalis sa pwesto ko.Sinagot ko ang tawag at inilagay sa tainga ko, pero agad ko itong nailayo dahil sa napakalakas ng boses sa kabilang linya."Clinton naman!" bulyaw ko sa kabilang linya."Shit, Sheiha! Saan ka ba nanggaling?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Nagpa-panic din siya, "Kanina ka pa hinahanap ni Brimme! Sa palagay ko nagwawala na 'yun sa kung saan."Napakunot-noo ako, "Ano ba ang nangyari?"Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong manakit. Hinilot-hilot ko ito para kahit papaano ay mawala ang sakit.
Third Person's POVPagkatapos ng isang putok ay namayani ang katahimikan sa buong lugar. Sa nanginginig na katawan ni Sheiha, pinilit niyang inaninag ang mga kasamang katulad niya ay pinakikiramdaman ang nagaganap sa paligid. Hindi man nakikita ng mga mata niya buhat sa dilim ng kinaroroonan, nahihinuha niyang may hindi magandang nangyayari."B-Brimme..."Hindi niya mawari kung ano ang siyang lumabas sa bibig niya. Salita ba 'yun o' hangin lang?She halted from where she is when a hand suddenly grip her mouth to keep her quiet. She was frozen in place.An air coming from the person behind her's breath was extant. Releasing a gentle cold air. She is certain that the person behind her, shutting her was a man. His strength is strong."You should keep your mouth shut if you want you and your friends to leave this cave still breathing," the man behind him whisper in
Third Person's POV"Kailangan ba talagang bente-kuwatro oras natin silang bantayan? Wala pa tayong tulog, dalawang araw na," reklamo ng isang kasamahan niya.He just hummed and lean on the tree. In front of him was a girl who picks vegetables from a little garden. She happily sang a song while putting every vegetables she got in a basket."Bakit kaya sila tinatago ni bossing dito, nuh? Sabagay... napakaganda nila. Medyo may pagkabata lang niyang isa, siguro menor de edad pa 'yan. Iyong isa naman na kakadala lang natin dito, sa hula ko nasa bente na ang edad, matangkad kasi pero napakabata ng mukha," Ang binatang nakikinig ay kanina pa naririndi sa pinagsasabi ng kasama. "Ano kayang skin care ang gamit nila—""Tatahimik ka o puputulin ko 'yang dila mo para tuluyan ka nang hindi makapagsalita?" Bakas sa mukha nito ang inis."Ito na... Oh? Paalis na siya!" Agad nilang sinundan
Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!
Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i
Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i
Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa
Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k
Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached
Andrius Lexton's POV"Mukhang huli na tayo," sabi ni Clinton habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon."Wala akong makita na nanlaban sila or what. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa loob..." sabi naman ni Brimme na kagagaling lang sa loob ng maliit na bahay."Are you sure that they are here?" Lumapit ako sa may pintuan at yumuko."Oo, may mga bangko at lamesa sa likod. Doon siya nakaupo sa litrato habang nakatingin sa kalangitan 'di ba?"Kinuha ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig. The paper was crashed, and it looks like someone step on it."Damn, bakit nila nalaman na pupunta tayo rito? Sinong traydor sa ating tatlo, hah?!" Hindi ko pinansin ang patutsada ni Clinton at binuksan ang nakalukot na papel.'Someone that close to your heart.'That's what
Sheiha Fajardo's POVNakakunot-noo akong nakatingin kay Dane at iyong nakamaskarang lalaki na nag-uusap sa malayo, na tinatawag nilang Mr. Kang."Alam mo ate, pangalawang kita ko na sa lalaking 'yan."Nilingon ko si Zana sa tabi ko na katulad ko, nakatingin din siya sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang alipores na si Aaron. Bigla-bigla lang kasi iyong sumusulpot na parang kabute sa kung saan-saan.I hummed, "Talaga? Saan iyong una?"Tumango siya, "Nakita ko siyang kausap ni papa. Hindi ko na maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero sigurado akong siya 'yun."Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki habang nakahalukipkip. Naipilig ko ang ulo at pilit inisip kung saan ko nakita ang lalaking 'yun. He seems familiar to me, though I can't recall where did I saw this man. But still, I'm not sure if it was just deja vù, or I did se
Sheiha Fajardo's POVNapahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell."Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki."Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami."Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? M