Share

Chapter 13

Author: EJ QUINO
last update Last Updated: 2021-11-08 17:33:00

Sheiha Fajardo's POV

Pagkabukas ni Brimme ng gate ay pagtataka agad ang siyang naging ekspresiyon niya. 

Kailangan ko pa siyang tawagin dahil ni-lock niya mula sa loob ang gate. Para ata siguruhing hindi ako makakapasok kapag hindi ko dala iyong mga juice niya. Ano bang meron sa juice at napakaadik ng isang 'to? 

"Good day," bati ni Andrius kay Brimme.

"Same..."

Binigyan ako ni Brimme ng nagtatanong na tingin. Napabuntong-hininga ako saka nagkibit-balikat.

"Ewan," sagot ko na lang.

Paano ba naman kasi. Ang kargador ng mga pinamili ko ay si Andrius. Siya na nga ang bumili lahat ng mga dala namin, siya pa ang nagbayad. Silbi, dobleng grasya, dobleng libre ang dumating sa 'kin ngayong araw na ito. Pinagpala ka nga naman. Akala ko kamalasan ang magiging bungad kapag nakita ko ang dalawang ex ko ngayon —ex-boyfriend, saka ex-crush— hindi naman pala. Hayahay ang buhay ko kapag palagi kong nakakatagpo ang dalawang 'to.

"Magkano lahat ang nabayaran mo?" agad na tanong ni Brimme, pagkapasok pa lang namin sa kusina. 

Pinatuloy ni Brimme si Andrius sa kusina, dala nito lahat ng pinamili. Nasisiguro kong may naiwan pa sa kotse niya. Siya ang pumili ng lahat ng 'yan. Simula sa karne ng baboy, manok, baka at saka isda. Hanggang sa pagpili ng iba't ibang klase ng gulay at prutas.

Patamad kong inilapag ang listahan at perang binigay niya. Bente pesos lang ang bawas sa dalawang libong pinadala niya. Iyon lang pamasahe ko papuntang grocery store kanina.

"May dalawang anghel ang nagbayad ng mga 'yan. Magpasalamat na lang tayo." 

Pabagsak akong umupo sa upuan dahil sa pagod. Kahit wala naman akong ginagawa ay parang naubos lahat ng lakas ko. Siguro dahil wala pa akong tulog. I'm so exhausted na... My mind, body and soul. Kawawa naman si me.

"This would be all," Pumasok si Andrius dala ang dalawang malalaking platic ng mga gulay. Inilapag niya ito sa lamesa saka nagpaalam. 

"Bakit ganiyan ka makatingin?" 

Umingos si Brimme, saka inayos ang mga pinamili.

"Dito mo na pakainin ang isang 'yon. Mahiya ka naman, siya na nga ang nagbayad at nagbuhat ng dapat ay ikaw ang gumagawa."

"Aba'y sinabi kong ako na pero mapilit siya. Kasalanan ko ba 'yon?" Napanguso ako saka pumangalumbaba.

"Kasalanan ng katamadan mo. Sige na, pabalikin mo na."

"Nakaalis na 'yun," tamad kong sagot saka humikab.

"I forgot to bring this."

Napaangat ako ng tingin sa dumating. May dala itong isang medium size na plastic na puno ng mga instant noodles.

Ngumiti si Brimme, "Salamat, doc. Naabala ka pa namin. Dumito ka na muna, maghahanda lang ako ng pananghalian." 

"Even though I love to, but I have an operation this afternoon. Maybe next time..." Tumingin ito sa relong pambisig, "I don't have much time left. I am bidding my goodbye for now."

Nag-wave lang ako saka pasalampak na pumangalumbaba ulit. Gusto ko na ngayong matulog. 

"Hindi mo man lang ako pinakilala."

Napataas ang isang kilay ko saka tiningnan si Brimme na nag-aayos ng gulay sa loob mg ref.

"Nagtatampo yarn?"

Sinarado nito ang ref at nakahalukipkip na hinarap ako. Seryoso ang mukha nito kaya alam kong kailangan kong magpakatino.

"Sheiha, buhat ba noong namatay sila tita at tito, nawala na rin ang mga manners mo?"

Umayos ako ng upo saka yumuko. Nahihiya ako dahil tama siya. Kahit ako sa sarili ko ay napapansin ko rin 'yun. Palagi na akong nagmumura. Na noon ay si Brimme ang gumagawa. Kung noon ay parang tambay sa kanto si Brimme sa paraan ng pananalita niya, pero ngayon ay kabaligtaran ang nangyayari. Siya na ang umaawat sa bibig ko kapag nagmumura ako. Palagi na lang din akong tinatamad. Pero hindi na ako nag-abalang ayusin. Para saan pa?

"Umakyat ka na saka matulog," tumalikod si Brimme at nangalikot ulit sa ref. "Tatawagin na lang kita kapag handa na ang pananghalian."

Magsasalita pa sana ako kaso pinigilan ko na lang ang sarili ko. Basta ganito si Brimme, better be quiet ka na lang. When she's in a bad mood, which is always naman, it's better to shut your mouth. Hindi naman siya nagbubunton ng galit sa iba. Hindi rin siya showy when it comes to her feelings. It's just that, kapag may nakikitang mali si Brimme, sinasabi niya talaga. She can't filter her mouth, she would gladly say it blunt. Alam niya kung paano lumugar pero kapag nakikita o nararamdaman niyang sumusobra ka na talaga, even if it is not her business, she will interfer and say that your wrong. 

Siya na lang ang nag-iisang meron ako. Kaya as much as possible, ginagawa ko ang lahat para lang hindi kami mag-away. Normal lang naman kapag nag-aaway basta ba alam niyong sa huli, magkakaayos kayo. Iyong hindi niyo palilipasin ang isang araw para hindi makahingi ng tawad at maayos ang dapat na maayos. Our parents taught that to us. Kasi sa buhay, hindi palaging nandiyan ang mga magulang natin para sa 'tin. Hindi palaging may kasama tayo para ipagpatuloy ang mga buhay natin. Minsan, kailangan nating mag-isang tahakin ang landas na para sa 'tin at sila naman sa kanila.

"I'm sorry..." 

Nakita kong tumango siya pero nagpatuloy pa rin sa ginagawa. She became my mother and father. Kahit alam kong kailangan din niya ng may mag-aalaga sa kaniya. Ngunit ito ako, pasakit sa ulo. Hindi ko namamalayan na lahat ng kinikilos ko, ay sumusobra na. Na dumating sa puntong wala nang magawa si Brimme kung hindi ipaalam sa akin ang mga ginagawa ko. Pero wala naman akong ginagawang hakbang para ayusin ang mga pagkakamali ko. I never reflect myself. Mas pinagpapatuloy ko pa ang mga pagkakamaling 'yon.

"I'll stop. Para sa 'yo, titigil na ako. Simula bukas, maghahanap ako ng trabaho. Walang kinalaman sa kahit na ano puwera lang sa kinabukasan natin. Huwag ka ng mag-alala..." 

Lumapit ako sa kaniya saka niyakap siya mula sa likod.

"Sisikapin kong hindi na pasakit sa ulo mo. Alam kong sumusobra na ako... kaya gusto kong magbago na. I would gladly accept my mistakes now." Naramdaman kong tumigil si Brimme sa ginagawa, "Magre-resign na ako saka maghahanap ulit ng trabaho. Hindi na ako magpapabigat sa 'yo—"

"Sinong nagsabing pabigat ka?"

Humilig ako sa likod ni Brimme,

"Feeling ko lang. All this years, hindi mo lang sinasabi pero alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyo natin."

"Nahihirapan ako pero hindi ako sumusuko, kasi alam kong mawawala rin ang hirap na 'to. Pasasaan pa't malapit na tayo sa hustisya? Saka huwag puro na lang ako ang isipin mo, Sheiha... Alam kong nahihirapan ka na rin sa sitwasyon natin ngayon kaya ka nagmamadali." 

Humarap siya sa 'kin at niyakap ako. Sa dibdib niya na ako nakahilig. Ang sarap sa pakiramdam kapag may kayakap ka. Napakalambot... hmmm...

"Pero huwag kang mag-aalala, sinisigurado kong malapit na nating makamtan ang hustisya."

Tumango-tango ako, 

"Inaantok na ako, Bryly..."

Naramdaman kong natawa ito dahil sa pag-vibrate ng dibdib niya. Humiwalay ako saka tiningnan siya.

"Hindi na mangyayari ang nangyari sa 'kin noon, pangako ko 'yan sayo." 

Ngumiti siya,

"Pinky promise?"

"Pinky promise..."

Pinagsalikop namin ang dalawang maliliit naming daliri to sealed our promise. 

Hindi pa man sa ngayon, alam kong makakamtan din namin ang hustisya. Tama si Brimme, hindi namin kailangang magmadali. Dapat nga ay matuto na ako sa nangyari noon sa 'kin. Because of that accident, muntik nang maiwang mag-isa si Brimme. I shouldn't let that happen again, and for me to fulfill my promise to her, I should sacrifice what I have now.

I need to sacrifice that thing again.

EJ QUINO

Watch out, because some mysteries are about to reveal itself.

| Like

Related chapters

  • Chasing that Light   Chapter 1 4

    Sheiha Fajardo's POV"Bakit hindi ka naka-uniform?""Eh?"Tiningnan ko ang suot ko. Isang high waisted jeans na pinaresan ng isang white T-shirt na may print na 'Pretty'. Naka-tack in ito sa jeans. Pinaresan ng converse shoes."Uniform? May nag-u-uniform kapag magre-resign? 'di ba naka-casual lang sila?"Nakita ko ang pagkunot ng noo sa mukha ni Brimme. Siguro nakalimutan niya iyong sinasabi ko noong nakaraan. Huminga ako ng malalim saka nginitian siya."Magre-resign na ako sa—""Alam ko."Ako naman ang napakunot-noo."Pero hindi ko aakalain na gagawin mo talaga 'yun. I thought you're just bluffing," dagdag niya."Well..." Umupo ako sa katapat na inuupuan niyang sofa, "Nangako na ako sayo na magpapakabait na ako.""At ito ang pagpapakabait

    Last Updated : 2021-11-09
  • Chasing that Light   Chapter 15

    Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko?Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan.Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin n

    Last Updated : 2021-11-10
  • Chasing that Light   Chapter 16

    Sheiha Fajardo's POV"Paano ba 'yan, nandiyan na ang sundo ko," sabi ni Lian habang nakahawak sa strap ng bag niya.Tiningnan ko ang paparating na magarang sasakyan, saka napangiti. Naalala ko kasi bigla iyong mga panahon na hinahatid ako ni papa sa school gamit ang kotse namin. Habang nag-aaway kami ni Brimme sa likuran, sila mama at papa naman ay nagtatawanan dahil sa kakulitan namin. Salitan ang mga magulang ko at mga magulang ni Brimme sa paghahatid sa amin. Kapag walang trabaho si papa ay siya ang maghahatid, kapag si tito naman ang wala, siya ang naghahatid sa 'min. Pero mostly, si tito dahil palaging busy si papa."Sasabay na ako sa 'yo, pwede? May bibilhin kasi ako sa mall, magpapakuha na lang ako roon," May hinahalungkat si Dolly sa bag niya habang sinasabi 'yun.Agad namang tumango si Lian,"Ikaw, Sheiha. Hindi ka sasama?"Umiling ako saka siya nginitia

    Last Updated : 2021-11-11
  • Chasing that Light   Chapter 17

    Sheiha Fajardo's POVNaipilig ko ang ulo habang hawak ang batok. Hindi ko maintindihan—hindi, wala akong maintindihan. Wala akong maunawaan sa mga nangyayari."Bakit walang laman ang vault? Anong ibig sabihin nun?"Wala akong magawa kung hindi ang tanungin ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa malaman ko ang sagot. Hindi man sinasabi ni Brimme ang iba pang detalye, alam kong may mas malaki pang kaganapan ang nangyayari ngayon."Pero bakit kami binigyan ni papa ng kwintas na may nakatagong susi? Bakit bigla na lang siyang nawala pagkatapos ibigay iyon kay Bryly?"Bakit nga ba? Kahit sa tanong na iyon ay wala akong sagot. Noong tinanong ko naman si Brimme tungkol dito ay wala rin siyang alam."Bakit hanggang ngayon hindi siya nagbibigay ng pahiwatig kung buhay pa nga siya gaya ng sinasabi ni Bryly? Na hindi talaga siya kinidnap, na sa palag

    Last Updated : 2021-11-13
  • Chasing that Light   Chapter 18

    Sheiha Fajardo's POV"Salamat ng marami," sabi ko at lumabas na ng kotse niya. Pero nagtaka ako nang lumabas din siya at sumabay sa paglalakad ko."I also have an appointment here." Tumingin ito sa 'kin, "I didn't know that you work here."Nagkibit-balikat ako, "Hindi ka naman nagtatanong.""Do I have to? Wala bang magagalit?"Ngumiti ako. Sometimes, life is good to us. Kung sino pa ang taong nagawan mo nang masama noon, siya pa ang umiintindi sa'yo ngayon. Things may be difficult for us in first, but through the process of letting go, moving on and forgiving both parties, you can achieve the peace you've been longed for.Same old, Dane. Nothing change, huh? He doesn't want to interfere others businesses kung hindi naman siya kasali rito. He keep his mouth shut and pretend not to know. Saka lang siya kikilos kung may kinalaman sa kaniya ang bagay na 'yun.&nbs

    Last Updated : 2021-11-14
  • Chasing that Light   Chapter 19

    Sheiha Fajardo's POVKadiliman. Ito na naman ang bumungad sa 'kin. Kailan ba ito mawawala? Kailan ba ito matatapos? Kailan ko na naman kaya makikita ang liwanag?Minsan, napapagod na rin akong kamuhian ang dilim. Napapagod na akong punahin ito at hanapin ang liwanag. Minsan nga naiisip ko, ang kadilimang bumabalot sa 'kin ngayon ay siyang naging sandalan ko mula pa noon. Bakit ba palagi kong hinahanap ang liwanag? Kung nandito naman ang dilim na nagsisilbing tahanan ko mula pa noon. Siguro tama nga na hindi ko na hanapin pa ang liwanag kung ang kadiliman naman ang palaging yumayakap sa 'kin.I want to feel at east, kahit ngayon lang.Kumapa-kapa ako sa dilim. Ang disadvantages lang ng kadiliman ay wala kang makikitang kahit na ano. Para bang puno ito ng mga lihim. Na kahit anong hanap mo nito ay hindi mo malalaman kung nasaan dahil sa wala kang makita. Kapag sobra namang maliwanag, nakikita mo lahat. Mga kas

    Last Updated : 2021-11-15
  • Chasing that Light   Chapter 20

    Sheiha Fajardo's POVNagising na lang ako na nasa kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at agad na hinawakan ang batok ko. Hindi ko alam pero para itong nangangalay. Iginalaw-galaw ko ang uloHinanap ko ang cellphone ko dahil kanina pa 'to tumutunog. Nakita ko ito sa side table. Pilit ko itong inaabot na hindi umaalis sa pwesto ko.Sinagot ko ang tawag at inilagay sa tainga ko, pero agad ko itong nailayo dahil sa napakalakas ng boses sa kabilang linya."Clinton naman!" bulyaw ko sa kabilang linya."Shit, Sheiha! Saan ka ba nanggaling?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Nagpa-panic din siya, "Kanina ka pa hinahanap ni Brimme! Sa palagay ko nagwawala na 'yun sa kung saan."Napakunot-noo ako, "Ano ba ang nangyari?"Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong manakit. Hinilot-hilot ko ito para kahit papaano ay mawala ang sakit.

    Last Updated : 2021-11-16
  • Chasing that Light   Chapter 21

    Third Person's POVPagkatapos ng isang putok ay namayani ang katahimikan sa buong lugar. Sa nanginginig na katawan ni Sheiha, pinilit niyang inaninag ang mga kasamang katulad niya ay pinakikiramdaman ang nagaganap sa paligid. Hindi man nakikita ng mga mata niya buhat sa dilim ng kinaroroonan, nahihinuha niyang may hindi magandang nangyayari."B-Brimme..."Hindi niya mawari kung ano ang siyang lumabas sa bibig niya. Salita ba 'yun o' hangin lang?She halted from where she is when a hand suddenly grip her mouth to keep her quiet. She was frozen in place.An air coming from the person behind her's breath was extant. Releasing a gentle cold air. She is certain that the person behind her, shutting her was a man. His strength is strong."You should keep your mouth shut if you want you and your friends to leave this cave still breathing," the man behind him whisper in

    Last Updated : 2021-11-19

Latest chapter

  • Chasing that Light   Chapter 33

    Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!

  • Chasing that Light   Chapter 32

    Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i

  • Chasing that Light   Chapter 31

    Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i

  • Chasing that Light   Chapter 30

    Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa

  • Chasing that Light   Chapter 29

    Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k

  • Chasing that Light   Chapter 28

    Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached

  • Chasing that Light   Chapter 27

    Andrius Lexton's POV"Mukhang huli na tayo," sabi ni Clinton habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon."Wala akong makita na nanlaban sila or what. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa loob..." sabi naman ni Brimme na kagagaling lang sa loob ng maliit na bahay."Are you sure that they are here?" Lumapit ako sa may pintuan at yumuko."Oo, may mga bangko at lamesa sa likod. Doon siya nakaupo sa litrato habang nakatingin sa kalangitan 'di ba?"Kinuha ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig. The paper was crashed, and it looks like someone step on it."Damn, bakit nila nalaman na pupunta tayo rito? Sinong traydor sa ating tatlo, hah?!" Hindi ko pinansin ang patutsada ni Clinton at binuksan ang nakalukot na papel.'Someone that close to your heart.'That's what

  • Chasing that Light   Chapter 26

    Sheiha Fajardo's POVNakakunot-noo akong nakatingin kay Dane at iyong nakamaskarang lalaki na nag-uusap sa malayo, na tinatawag nilang Mr. Kang."Alam mo ate, pangalawang kita ko na sa lalaking 'yan."Nilingon ko si Zana sa tabi ko na katulad ko, nakatingin din siya sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang alipores na si Aaron. Bigla-bigla lang kasi iyong sumusulpot na parang kabute sa kung saan-saan.I hummed, "Talaga? Saan iyong una?"Tumango siya, "Nakita ko siyang kausap ni papa. Hindi ko na maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero sigurado akong siya 'yun."Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki habang nakahalukipkip. Naipilig ko ang ulo at pilit inisip kung saan ko nakita ang lalaking 'yun. He seems familiar to me, though I can't recall where did I saw this man. But still, I'm not sure if it was just deja vù, or I did se

  • Chasing that Light   Chapter 25

    Sheiha Fajardo's POVNapahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell."Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki."Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami."Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? M

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status