Sheiha Fajardo's POV
"Doc, ano pong ginagawa niyo rito?" Nakangiting tanong ko kay Andrius na kanina pa nakakunot ang noo.
Katangahan mo na naman, Sheiha! Anong meron sa tanong mong 'yan at palagi mong tinatanong? Kahit napaka-obvious naman nang sagot?
Hindi naman niya narinig ang tawag ni Dane sa 'kin kanina, 'di ba? Sana hindi, dahil kapag nagkataon na narinig niya, bulilyaso lahat ng plano ko.
"Grocery."
Napatango-tango ako saka isa-isa silang tiningnan, "Paano ba 'yan, nice meeting you all. Mauuna na ako dahil baka nag-aalburuto na ang tigre na alaga ko sa bahay."
"You have a tiger on your house?!" Gulat na tanong ni Shane.
Natawa ako,
"Hindi naman literal na tigre, mahal."
"Is it Brimme?" tanong naman ni Dane.
Nakanguso akong tumango-tango. Napatango naman siya. Nagtanguan kaming dalawa hanggang sa nauwi sa tawanan. Hindi naman cold itong ex ko. Sadyang tahimik lang. Kapag naman hindi gusto ang kaharap, he would act as an introvert guy and avoid all of them. Lalo pa't habulin ang taong 'to ng mga haliparot, at mga linta.
"Well, can I visit you just like the old days?"
Nag-isip muna ako. Wala namang masama kung hahayaan kong dumalaw si Dane sa 'kin, 'di ba? Saka may pinagsamahan naman kami. Hindi naman ibig sabihin niyon na kapag pumayag ako ay kami na ulit. It's all been in the past. Hindi rin ibig sabihin na kung dadalaw ang ex mo ay magiging kayo ulit. Unless, kung liligawan ka niya ulit and what so ever. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Humihingi lang naman siya ng permisyo para makapunta ulit sa bahay.
"Sige ba, walang problema. Basta magdala ka lang ng makakain, ayos na."
Dahan-dahan siyang tumango saka hinawakan ang dala kong push cart.
"That would be fine. Let me push this for you."
"Naku, ako. Hindi naman 'yan mabigat, e."
"I insist."
Wala na akong nagawa dahil tinulak na niya ito patungo ng counter. Gusto ko pa sanang sabihin na huwag na lang dahil may dalang push cart din si Shane na kasama niya. Pero paano ko pa sasabihin, e nakalayo na? Nakakahiya rin namang sumigaw.
"Pasensya na... dahil sa 'kin naiwan ka pa tuloy niya." Hinging paumanhin ko kay Shane.
Nakangiti siyang umiling,
"Nah, it's fine. We just bump into each other lang naman diyan sa harap. Tumulong lang siyang kunan ako ng juice."
"Tulungan na lang kitang itulak to—"
"Let me,"
Sabay kaming lumingon kay Andrius nang bigla itong magsalita sa likuran namin. Nakalimutan ko pa lang nandito ang isang 'to. Ang gwapong doktor, na-left out. Tatawa na ba ako?
Kinuha nito ang push cart ni Shane saka itinulak ito papunta sa counter. Sa likuran siya ni Dane pumwesto.
"Anong meron ngayon? Gentleman day ba?" takang tanong ni Shane.
Nagkibit-balikat ako,
"Siguro?"
Natawa na lang kaming dalawa.
"Ay, teka. Nakalimutan kong kumuha ng four season flavor."
Dinampot ko ang apat na malalaking bote ng four season flavor na juice at niyakap ang mga ito para magkasya sa mga braso ko.
"Give me the two," ani ni Shane.
Binigay ko naman sa kaniya ang dalawa. Sabay kaming naglakad habang bitbit ang mga juice. Wala naman palang problema kahit makita ako ng ex ko. Siguro nakalimutan na niya 'yung nangyari noon. Hindi naman totally kamalasan ang araw na 'to. Nakita ko ang dalawang ex ko ngayon. Ang ex-boyfriend ko at ex-crush ko.
"La, la la, la la..." kanta ni Shane sa tabi ko.
Tiningnan ko siya. Maganda siya, may maputi at makinis na balat. May mahabang buhok saka matangkad. Kung titingnan ay magkasing tangkad lang kami. Naka-dress siya ngayon na bagay na bagay sa kaniya.
Tiningnan ko ang napakalaking hoodie na suot ko. Kulay baby blue ito na may print na maliit na dinosaur sa dibdib ko. Ngayon ko lang napagtanto. Kaya pala ako nakilala ni Dane ay dahil sa hoodie na 'to. Na kahit halos hindi na makalabas ang mga kamay ko sa haba ng sleeves nitong damit na 'to, at umabot sa tuhod sa mahahaba kong binti ang laylayan. Nakilala niya pa rin ako kahit na halos kainin na ako ng damit na ito. Dahil nga... sa kaniya ang damit na 'to.
Ang laki kasi niyang tao. Na magmumukha kang duwende kapag magkatabi kayo. Pareho lang sila ng ex-crush ko na malalaking tao. Napakahaba ng mga biyas.
"Ito pa..."
Nilagay namin ni Shane ang mga juice na dala saka tumabi sa gilid nila. Kumapit sa braso ko si Shane at pumirmi lang sa kinatatayuan namin. Nagmukha akong bata sa tabi niya. Isang napaka-cute na bata. May instant kaibigan na ako. Mukha namang mabait itong Shane kaya ayos lang.
"I remember back then that you wan't to wear my clothes than yours."
Napanguso ako,
"Sa gusto ko ng malalaki, e."
"Napaka-cute mo, Sheiha."
Mas nagpa-cute pa ako sa harap ni Shane. Natatawa naman nitong kinurot ang pisngi ko na siyang kinangiwi ko.
"Masakit! I hate being pinch on the face. Feeling ko kasi lalaki ang pisngi ko."
Natatawa nitong inulit ang ginawa,
"Napaka-cute mo talaga! Nakakagigil ka."
"Tama na!"
Inilayo ko ang mukha ko sa kamay niya at itinago ito sa loob ng hood ng hoodie. My hands are guarding the door. Incase a pinching monster intrude, I could easily pricked it.
"Hindi na..." natatawa nitong ani.
I doubt it. Kaya hindi ko inilabas ang ulo ko. How I hate to be pinch in the face. Nakanguso akong sumilip. Nagseselpon na ngayon si Shane kaya nasisiguro kong safe na ako.
Hinintay ko na lang si Dane na makapagbayad sa counter. He offer na siya na lang daw ang magbayad. I keep on insisting na ako na pero makulit siya. Kaya hinayaan ko na lang. Besides, para makatipid na rin. Since last month ay nagtitipid na kami. It's Brimme's idea. Hindi daw iyong puro lakwasta lang kami ng pera. Wala pa akong permanent talagang trabaho dahil pansamantala lang naman ang trabaho ko ngayon. At wala rin akong alam na lugar na safe kami. That's why we concealed our identity pero may mga ilang tao pa rin na nakakaalam kung sino talaga kami. Those are the trusted ones.
"Salamat..."
"It's nothing. Anyway, ihahatid na kita."
Umiling ako,
"Naku hindi na, mamalengke pa ako sa talipapa."
"T-Talipapa?" Bigla siyang natigilan at nautal.
Natatawa naman akong tumango,
"Kaya huwag mo na akong samahan." Bumaling ako kay Shane, "Mauna na ako."
"Pwede naman kahit sa labas lang ako," so persistent Damon Dane Sanchez.
"Nah, magiging contaminated pa rin kapag ihahatid mo na ako pauwi."
"Yeah, you have a point."
"Next time na lang. Baka may kailangan ka pang puntahan, what so ever?"
Pareho kaming natawa,
"Yeah, I definitely have you next time, when so ever?"
We bid our farewells. Si Shane na lang ang hinatid ni Dane. Mas madami kasi ang pinamili nun kaysa sa 'kin.
Kinuha ko ang mga plastic saka binitbit ito. Pagkatagilid ko ay muntik ko nang mabitawan ang mga dala sa pagtalon ko sa gulat.
"Nandito ka pa pala, dok?"
Akala ko kasi ay nauna na ito. Hindi kasi nagsasalita. Well, normal lang naman talaga para sa kaniya ang hindi magsalita. Kung magsalita man ay mabibilang lang sa daliri ang mga salitang lumalabas sa bibig.
"If you like, I'll accompany you to where you're going."
Umiling ako saka ngumiti,
"Hindi na po, baka makaabala lang ako sa inyo. Wala po ba kayong trabaho ngayon?"
"Leave."
"Po...?"
"I'm on my leave."
Napatango-tango ako,
"Ah, ganoon po ba?"
Hindi siya sumagot bagkus ay kinuha ang mga dala kong plastic. Aangal pa sana ako but he cut me off.
"Saan ka nakatira?"
"Pupunta pa po ako sa Talipapa."
"Pupunta ka roon without a bra?"
Kumunot ang noo ko. Hanggang sa nanlaki ang mga mata ko saka yumuko para tingnan ang ano ko. Dinama ko ang mga boobs ko, ata tama nga siya! I'm not wearing a bra! Paano ba naman kasi, bigla lang akong tinapunan ni Brimme ng hoodie sabi isuot ko daw. Kahit nagtataka man ay ginawa ko ang sinabi niya saka sinundan siya sa labas ng bahay. Ayun na pala, pinabibili niya na ako ng groceries. She even lock the door para hindi ako makapasok. Dahil sa banas ko ay hindi ko na chineck ang sarili ko.
"Taena naman, o!" Agad kong tinakpan ng boobs ko. Hindi naman ito halata pero the fact na wala akong bra habang naglalakwatsya ay nakakahiya!
Tiningnan ko si Andrius na nakaiwas na ngayon ng tingin. Nakakunot ang noo kong tiningnan siya.
"May nakita ka?"
"None."
"Psh, hindi ako naniniwala!"
Tiningnan niya ako,
"Wala nga. Kung huhubadin mo 'yang suot mo, saka lang ako may makikita."
"Abay bastos ka, a!"
"Ms, Gozon. I already saw thousands of women's breast. Nahawakan ko pa nga, kaya there's no big deal. Bakat lang ang nakita ko, nothing more, nothing less." sabi niya sabay talikod at punta sa isang puting kotse.
Nanlalaki ang mga mata kong tinatanaw ang likod niya. How damn is that guy?! How could he!
Kinapa ko ang bulsa ng hoodie ko dahil may tumatawag. It's Brimme.
"Ano?!" bulyaw ko sa kabilang linya.
"Don't forget the meats. Saka bumili ka rin ng tig-kakalahating kilo ng sibuyas at bawang." Pagkatapos ay pinatay na ang tawag.
Tumingala ako para tingnan ang langit. Tirik na tirik na ang araw saka wala akong nakikitang mga traysikel na dumaraan.
"Tatayo ka lang ba riyan? Displaying that little boobs of yours?"
"Hoy! Bibig mo napakapasmado!"
Nagkibit-balikat lang ito saka pumasok sa drivers seat. Teka, saan na iyong mga pinamili ko?! Taena! Nasa loob na ang mga 'yon sa kotse ni Andrius!
Tumalikod ako. Maggro-groceries na lang ulit ako. Sayang man dahil imbes na ako ang malibre ay siya na. I need to save my dignity! Nyeta, kahit nababanas ako sa kaniya ay mas malaki ang hiya ko!
"Where do you think you're going?"
"Hoy! Ibaba mo nga ako! Tulong! Kinikidnap ako!" Sigaw ako ng sigaw hanggang sa maipasok niya ako sa passenger seat. Akmang bubuksan ko na ang pinto pagkasarado niya pero naka-lock!
"May sakit lang po sa pag-iisip ang babaeng 'yun, kailan na pong ibalik sa mental kasi tumakas. Pasensya na po..." sabi ng doktor sa mga taong nakakita sa pagbuhat niya na parang sako sa 'kin.
"Hindi po totoo ang pinagsasabi ng lalaking 'yan! Hindi ko nga 'yan kilala, e!"
Pero walang pumapansin sa 'kin.
"Sige na, hijo. Baka kung ano pa ang magawa ng babaeng 'yan..." ani ng isang matanda.
Hindi ako makapaniwalang tiningnan si Andrius nang yumuko ito bago pumasok sa driver's seat.
"This is kidnapping!"
"If your embarrassed, don't be. I told you, I already saw thousands of them. I even touch hundreds times of them."
"Fuck you!"
"Gladly..."
Aba'y, baliw na ang isang 'to!
Sheiha Fajardo's POVPagkabukas ni Brimme ng gate ay pagtataka agad ang siyang naging ekspresiyon niya.Kailangan ko pa siyang tawagin dahil ni-lock niya mula sa loob ang gate. Para ata siguruhing hindi ako makakapasok kapag hindi ko dala iyong mga juice niya. Ano bang meron sa juice at napakaadik ng isang 'to?"Good day," bati ni Andrius kay Brimme."Same..."Binigyan ako ni Brimme ng nagtatanong na tingin. Napabuntong-hininga ako saka nagkibit-balikat."Ewan," sagot ko na lang.Paano ba naman kasi. Ang kargador ng mga pinamili ko ay si Andrius. Siya na nga ang bumili lahat ng mga dala namin, siya pa ang nagbayad. Silbi, dobleng grasya, dobleng libre ang dumating sa 'kin ngayong araw na ito. Pinagpala ka nga naman. Akala ko kamalasan ang magiging bungad kapag nakita ko ang dalawang ex ko ngayon —ex-boyfriend, saka ex-crush— hin
Sheiha Fajardo's POV"Bakit hindi ka naka-uniform?""Eh?"Tiningnan ko ang suot ko. Isang high waisted jeans na pinaresan ng isang white T-shirt na may print na 'Pretty'. Naka-tack in ito sa jeans. Pinaresan ng converse shoes."Uniform? May nag-u-uniform kapag magre-resign? 'di ba naka-casual lang sila?"Nakita ko ang pagkunot ng noo sa mukha ni Brimme. Siguro nakalimutan niya iyong sinasabi ko noong nakaraan. Huminga ako ng malalim saka nginitian siya."Magre-resign na ako sa—""Alam ko."Ako naman ang napakunot-noo."Pero hindi ko aakalain na gagawin mo talaga 'yun. I thought you're just bluffing," dagdag niya."Well..." Umupo ako sa katapat na inuupuan niyang sofa, "Nangako na ako sayo na magpapakabait na ako.""At ito ang pagpapakabait
Madilim ang paligid. May black-out ba? Hindi ba nakabayad ng kuryente si Brimme? Pero imposible 'yun dahil hands on siya kapag bayaran na ang usapan. Ayaw nun ang matambakan ng mga bayarin. Pinakaayaw nga niya ay iyong nangungutang. Pero bakit ang dilim sa kinatatayuan ko?Paggising ko ay ito na agad ang bungad sa 'kin. Anong oras na ba? Ilang oras ba akong natulog at naabutan ako ng kadiliman ng gabi? Akala ko ba gigisingin ako ni Brimme kapag tapos na siyang magluto ng pananghalian? E, bakit ang ang dilim na sa labas? Wala akong makita kahit sinag pa ng buwan.Bumangon ako saka kumakapa sa paligid. Una kong hinawakan ang dingding at naglakad gamit ito bilang gabay para makarating sa pintuan. Nang mahawakan ko na ang door knob, agad ko itong pinihit at lumabas. Gaya nang ginawa ko kanina, hinawakan ko ang dingding para makarating sa kwarto ni Brimme.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin n
Sheiha Fajardo's POV"Paano ba 'yan, nandiyan na ang sundo ko," sabi ni Lian habang nakahawak sa strap ng bag niya.Tiningnan ko ang paparating na magarang sasakyan, saka napangiti. Naalala ko kasi bigla iyong mga panahon na hinahatid ako ni papa sa school gamit ang kotse namin. Habang nag-aaway kami ni Brimme sa likuran, sila mama at papa naman ay nagtatawanan dahil sa kakulitan namin. Salitan ang mga magulang ko at mga magulang ni Brimme sa paghahatid sa amin. Kapag walang trabaho si papa ay siya ang maghahatid, kapag si tito naman ang wala, siya ang naghahatid sa 'min. Pero mostly, si tito dahil palaging busy si papa."Sasabay na ako sa 'yo, pwede? May bibilhin kasi ako sa mall, magpapakuha na lang ako roon," May hinahalungkat si Dolly sa bag niya habang sinasabi 'yun.Agad namang tumango si Lian,"Ikaw, Sheiha. Hindi ka sasama?"Umiling ako saka siya nginitia
Sheiha Fajardo's POVNaipilig ko ang ulo habang hawak ang batok. Hindi ko maintindihan—hindi, wala akong maintindihan. Wala akong maunawaan sa mga nangyayari."Bakit walang laman ang vault? Anong ibig sabihin nun?"Wala akong magawa kung hindi ang tanungin ang sarili ko nang paulit-ulit hanggang sa malaman ko ang sagot. Hindi man sinasabi ni Brimme ang iba pang detalye, alam kong may mas malaki pang kaganapan ang nangyayari ngayon."Pero bakit kami binigyan ni papa ng kwintas na may nakatagong susi? Bakit bigla na lang siyang nawala pagkatapos ibigay iyon kay Bryly?"Bakit nga ba? Kahit sa tanong na iyon ay wala akong sagot. Noong tinanong ko naman si Brimme tungkol dito ay wala rin siyang alam."Bakit hanggang ngayon hindi siya nagbibigay ng pahiwatig kung buhay pa nga siya gaya ng sinasabi ni Bryly? Na hindi talaga siya kinidnap, na sa palag
Sheiha Fajardo's POV"Salamat ng marami," sabi ko at lumabas na ng kotse niya. Pero nagtaka ako nang lumabas din siya at sumabay sa paglalakad ko."I also have an appointment here." Tumingin ito sa 'kin, "I didn't know that you work here."Nagkibit-balikat ako, "Hindi ka naman nagtatanong.""Do I have to? Wala bang magagalit?"Ngumiti ako. Sometimes, life is good to us. Kung sino pa ang taong nagawan mo nang masama noon, siya pa ang umiintindi sa'yo ngayon. Things may be difficult for us in first, but through the process of letting go, moving on and forgiving both parties, you can achieve the peace you've been longed for.Same old, Dane. Nothing change, huh? He doesn't want to interfere others businesses kung hindi naman siya kasali rito. He keep his mouth shut and pretend not to know. Saka lang siya kikilos kung may kinalaman sa kaniya ang bagay na 'yun.&nbs
Sheiha Fajardo's POVKadiliman. Ito na naman ang bumungad sa 'kin. Kailan ba ito mawawala? Kailan ba ito matatapos? Kailan ko na naman kaya makikita ang liwanag?Minsan, napapagod na rin akong kamuhian ang dilim. Napapagod na akong punahin ito at hanapin ang liwanag. Minsan nga naiisip ko, ang kadilimang bumabalot sa 'kin ngayon ay siyang naging sandalan ko mula pa noon. Bakit ba palagi kong hinahanap ang liwanag? Kung nandito naman ang dilim na nagsisilbing tahanan ko mula pa noon. Siguro tama nga na hindi ko na hanapin pa ang liwanag kung ang kadiliman naman ang palaging yumayakap sa 'kin.I want to feel at east, kahit ngayon lang.Kumapa-kapa ako sa dilim. Ang disadvantages lang ng kadiliman ay wala kang makikitang kahit na ano. Para bang puno ito ng mga lihim. Na kahit anong hanap mo nito ay hindi mo malalaman kung nasaan dahil sa wala kang makita. Kapag sobra namang maliwanag, nakikita mo lahat. Mga kas
Sheiha Fajardo's POVNagising na lang ako na nasa kwarto ko. Dahan-dahan akong bumangon at agad na hinawakan ang batok ko. Hindi ko alam pero para itong nangangalay. Iginalaw-galaw ko ang uloHinanap ko ang cellphone ko dahil kanina pa 'to tumutunog. Nakita ko ito sa side table. Pilit ko itong inaabot na hindi umaalis sa pwesto ko.Sinagot ko ang tawag at inilagay sa tainga ko, pero agad ko itong nailayo dahil sa napakalakas ng boses sa kabilang linya."Clinton naman!" bulyaw ko sa kabilang linya."Shit, Sheiha! Saan ka ba nanggaling?" Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Nagpa-panic din siya, "Kanina ka pa hinahanap ni Brimme! Sa palagay ko nagwawala na 'yun sa kung saan."Napakunot-noo ako, "Ano ba ang nangyari?"Napahawak ako sa sentido ko nang bigla itong manakit. Hinilot-hilot ko ito para kahit papaano ay mawala ang sakit.
Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!
Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i
Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i
Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa
Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k
Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached
Andrius Lexton's POV"Mukhang huli na tayo," sabi ni Clinton habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon."Wala akong makita na nanlaban sila or what. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa loob..." sabi naman ni Brimme na kagagaling lang sa loob ng maliit na bahay."Are you sure that they are here?" Lumapit ako sa may pintuan at yumuko."Oo, may mga bangko at lamesa sa likod. Doon siya nakaupo sa litrato habang nakatingin sa kalangitan 'di ba?"Kinuha ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig. The paper was crashed, and it looks like someone step on it."Damn, bakit nila nalaman na pupunta tayo rito? Sinong traydor sa ating tatlo, hah?!" Hindi ko pinansin ang patutsada ni Clinton at binuksan ang nakalukot na papel.'Someone that close to your heart.'That's what
Sheiha Fajardo's POVNakakunot-noo akong nakatingin kay Dane at iyong nakamaskarang lalaki na nag-uusap sa malayo, na tinatawag nilang Mr. Kang."Alam mo ate, pangalawang kita ko na sa lalaking 'yan."Nilingon ko si Zana sa tabi ko na katulad ko, nakatingin din siya sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang alipores na si Aaron. Bigla-bigla lang kasi iyong sumusulpot na parang kabute sa kung saan-saan.I hummed, "Talaga? Saan iyong una?"Tumango siya, "Nakita ko siyang kausap ni papa. Hindi ko na maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero sigurado akong siya 'yun."Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki habang nakahalukipkip. Naipilig ko ang ulo at pilit inisip kung saan ko nakita ang lalaking 'yun. He seems familiar to me, though I can't recall where did I saw this man. But still, I'm not sure if it was just deja vù, or I did se
Sheiha Fajardo's POVNapahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell."Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki."Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami."Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? M