Sheiha Fajardo's POV
Ang saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one.
"Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.
Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.
She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon.
"Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado.
"Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya.
"May kukuha niyan mamaya, pakihawakan muna dahil baka kung saan ko mailagay. Alam mo naman na makakalimutin ako. Pabili naman ng Chuckie, may pagbibigyan lang ako," Hindi siya tumitingin sa 'kin, nakapukos lang ang mga mata at atensyon niya sa hawak na selpon.
"Nanonood ka ba ng porn?"
Parang may dumaang anghel sa classroom namin, pagkasabi ko niyon. Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong ni Clinton pagkaangat niya nang tingin. Ang mga kaklase naming may kaniya-kaniyang ginagawa kanina ay napatigil at gulat na tumingin kay Clinton.
"Gago ka, a...."
Nagkibit-balikat balikat ako at tinalikuran siya. Hindi ko naman intensiyon na sabihin 'yun nang malakas. Sadyang malakas lang talaga ang pandinig nila.
Tiningnan ko ang hawak na envelope at akmang bubuksan na kaso....
"Huwag mong bubuksan 'yan, a! Itago mo lang muna!" rinig kong sigaw ni Clinton. Dahil mabait naman akong tao, hindi ko na binuksan pa.
Lumabas ako ng classroom namin at nagtungo sa hallway. Kumakaway ako at ngumingiti sa mga taong bumabati sa akin kapag nakakasalubong ko. I'm quite popular on this school. Bakit naman hindi? Ako lang naman ang napakagandang vice president ng school na 'to.
I'm humming a song while hopping my way through the cafeteria. Nakikita kong busy ang lahat sa paghahanda. Kasabay ng intramurals, bumisita ang mga may-ari ng school at nagto-tore ang mga exchange students galing ibang planeta. May nakakasalubong nga akong ilan, pero hindi ko pinapansin. As always, mga batang nakapa-confident. Akala ata nila pag-aari nila ang buong mundo kung umasta. Mga rich kid nga naman, napakasakit sa ulo. Nakakaloka.
"Manang Ester! Mango juice po, Dutch Milk at chuckie, iyong pinakamalaki po. Saka fudge bar dark choco, lima." Nginitian ko ang tindira nang sumaludo ito.
I tapped my finger on the counter as I waited my order to be serve. Tumitingin din ako sa paligid. Baka machambahan kong makasalubong ang may-ari ng school. Makita ko man lang sa personal at matanong kung totoo bang Sanatas ang pangalan niya. Naririnig ko lang iyon sa mga bulungan, a. Baka sabihin niyo napaka-chismosa ko. Pero sino naman ang mga magulang na pinangalanan ang anak ng ganoon, ano?
I pouted my lips as if I'm about to kiss someone, while roaming my eyes around.
"Chuckie, pinakamalaki."
Nilingon ko ang alien na tumabi sa akin sa counter. Umusog ako ng kaunti palayo, baka kasi hinaharangan ko na ang counter. Naka-hoodie siya ng itim, tapos itim na rag jeans, pati sapatos ay itim. May pinuntahan atang lamay ang isang 'to?
"Naubusan na kami ng chuckie, hijo. Dutch Milk na lang ang meron," sagot ng tindira pagkalapit sa counter sabay lapag ng mga binili ko.
"Salamat po–" Hindi pa man lumalapat ang pera ko sa kamay ni Manang Ester ay may asul na papel na ang lumapag doon.
"I'll take this and one of this, she can have the change, Manang." Kinuha niya ang chuckie ko at isang Fudge bar tapos umalis.
Naiwan naman akong nakatanga na nakatingin sa kaniya.
"Gago 'yun, a?" Naibulong ko na lang sa sarili.
"Hayaan mo na, Hija. Siguradong isa iyon sa mga bagong istudyante rito." Naglapag ng isang Dutch Milk si Manang Ester sa counter pamalit sa Chuckie, pati ang sukli ng lalaki.
"Ano pa nga ba ang gagawin ko? Salamat po rito... Kumuha ka po ng meryenda, sagot ko na po." Kumuha ako ng isang daan at binigay kay Manang Ester bago magpaalam.
Nang makarating ako sa classroom, agad akong lumapit kay Brimme at inilapag ang juice niya. Nilagay ko ang straw at hinayaan na lang iyon doon. Kinuha naman niya ito nang hindi nilulubayan nang tingin ang libro.
"Huwag kang magbasa ng masyado, Bryly. Baka mabaliw ka niyan. Sabi nila, nakakabaliw ang masyadong matalino." Naiikot ko na lamang ang mga mata ko nang hindi man lang ako nito pansinin.
Umirap ako at tinalikuran siya,
"Nasaan na naman kaya nagsusuot ang kulukoy na 'yon?"
Hinanap ko si Clinton sa loob ng room. Nang hindi makita ay nagtanong na ako sa mga kaklase ko kung nasaan na ang timawa. Wala naman akong ginagawa kaya magpapaka-busy na lang ako na maghanap ng alien.
"Vice, iyong listahan po ng event at participants, kailangan pong makita ng Admin," salubong ng isang representative.
"Hindi ba nagbigay tayo ng copy sa kanila noong isang araw pa?"
Nagkibit-balikat ito,
"Hindi ko po alam."
"Pakikuha na lang iyong original kay Clint– oo nga pala, nawawala ang timawang alien." Umiling-iling ako, "Hanapin natin ang presidenteng mahilig manood ng porn."
"P-Po...?" Gulat itong nakatingin sa akin.
Umiling ako at tinapik ang balikat niya,
"Sabi ko, hanapin natin ang timawang alien. Kung ano-ano ang naririnig mo...."
"P-Po...? Wala po akong narinig..."
"Talaga?" Dahan-dahan itong tumango, "Sige, hanapin na natin si president. Pakisabi sa iba na nawawala ang presidente ng pilipinas."
"Po...? Mayroon po siyang live conference ngayon. Hindi po nawawala ang presidente ng pilipinas."
Napangiwi ako,
"Anong nga pangalan mo?"
"Quera po," sagot niya.
"Okay, Quera ganito. Bumalik ka sa Admin's office, sabihin mong hinahanap ko pa ang timawang alien. Ako na ang maghahatid ng kopya, maliwanag?" Tumango ito at ngumiti.
Naghiwalay kami ng daan. Siya pabalik sa kung saang planeta man siya galing sa pagka-slow niya, at ako naman para maghanap ng nawawalang timawang alien. Pero nakakapagtakang hindi siya nagtanong kung sino ang timawang alien na hahanapin ko. Sabagay, mukha naman talagang alien ang presidente ng paaralang 'to. Walang ginawa ang timawang alien na 'yun kung hindi manood lang ng porn. Ano ba ang naiambag niyon sa paaralan? Nangungunang basagulero 'yun, e. Nakakapagtaka lang kung bakit maraming bumuto sa alien na iyon noong eleksiyon.
Syempre hindi na dapat kayo magtaka kung bakit ako ang binoto para maging bise presidente. Bukod sa napakaganda ko na, napakatalino ko pa. O'? Saan ka na? Sheiha Fajardo ay iboto na!
Sinalpakan ko ng straw ang hawak kong isang Dutch Milk at nilagay sa bulsa ko ang isa. Ang sarap itapon nitong brown envelope, pero baka talaga importante 'to.
"Dobleng kasarian, nakita mo ba ang presidente natin na alien?" Pagtanong ko sa baklang may dalang banner.
"Nakita ko siyang bumalik sa room niyo kanina, may kasamang papa kanina... hehehe." Napailing na lang ako sa reaksiyon niyang parang uod na binudburan ng asin. Para siyang kiti-kiti.
"Sinong iche-cheer mo sa basketball?" Sumabay ako sa kaniyang maglakad. Tutal papunta naman siya sa classroom namin, bakit hindi na lang muna kami magchismisan 'di ba? Baka may latest tapos hindi ko lang alam. Hindi dapat ako napag-iiwanan ng panahon.
"Syempre, ang Devil God Warrior or DGW. Sila kaya ang team natin, ano ka ba, vice."
Sino ba ang tinutukoy niya? Pero pamilyar ang pangalan na 'yun, a. Saan ko ba narinig 'yun noon?
"Iyong mga gwapong lalaki na parang mga gangster ang datingan, mala-bad boy pero ang gagwapo!" dagdag pa niya.
"Hindi kaya.... Grupo nila Kian?!" Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Napahinto pa ako sa paglalakad at napatakip ng bibig.
"Ayun... Alam mo naman pala, vice. Akala ko napaglilipasan ka na ng panahon," tumawa pa ito. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi na ako mapakali dahil sa game bukas.
"Sheyt, bakit hindi ko na-check na sila pala ang representative natin sa basketball! Ang tanga mo, Sheiha!" Nangingiti akong ini-imagine ang cute pero gwapong mukha ni Kian habang nasa bibig ko ang straw ng Dutch Milk.
"Pero nakakapagtaka lang na highschool pa rin siya hanggang ngayon."
Nilingon ko ang bakla,
"What do you mean?"
"Oh, what do you mean~" Pagkanta niya sa sinabi ko.
"Justin Bieber!" sabay naming sabi at sabay pa kaming nagtawanan.
"Pero ano nga ang ibig mong sabihin? Bakit, hindi ba pwedeng maging highschool student si Kian?" taka kong tanong.
"Hindi naman sa ganoon. Balita ko matalino raw 'yun, saka hindi mo ba alam na mas matanda siya sa atin ng walong taon?"
"E...? Akala ko batchmate lang natin siya?" Baka fake news lang?
"Pero ayos lang 'yun, hehehe. We can make him our papa de asukal!" Naiiling na natatawa akong nag-iwas sa kaniya ng tingin.
"Baklang 'to! Kanina pa ako naghahanap sa 'yo! May pinapagawa si Mrs. Gomez sa ating pinakamagagandang dilag! Jusmi, saan ka ba nagsusuot?!" Hinila na lang bigla ng isa pang bakla ang kasama kong bakla.
"As always, ang ganda mo, vice! Pahiram lang sa impaktang 'to, a?" Tumango-tango ako at kumaway sa kanila bilang paalam.
Pagkapasok ko ulit sa classroom, agad kong hinanap ang timawang alien. At ayun siya sa gilid, tutok na naman sa selpon niya. Ano kaya ang meron sa selpon niya ngayon?
"Hoy, kulukoy ka! Saan ka naman nagsusuot at hindi kita mahanap?" Tinapon ko sa kaniya ang Dutch Milk na kinuha ko sa bulsa. Medyo basa na ang bulsa ko dahil nagtutubig sa lamig ang inumin. Bakit ko ba naisipang ilagay 'yun sa bulsa ko? Timang lang?
Sinulyapan niya lang ako ng tingin at binalik na naman sa selpon ang mga mata. Isa na lang at makakaltukan ko na ang mga tao rito. Do I deserve to be treated like this?! Sabihin niyo, deserve ko bang itrato ng ganito? Nakanguso akong umupo sa tabi niya.
"Hindi niyon gusto ang Dutch Milk, sayo na lang 'yan." Umingos ako at inubos ang hawak kong Dutch Milk at binuksan 'yung isa pa.
"Himala atang hindi ka naglalakwatsa ngayon?" Sumandal ako sa dingding at yumuko. Inaantok ako. Kailan nga ba ako natulog kagabi? Alas dos ng umaga o' alas tres? Matulog kaya muna ako?
"May pinapagawa ako sa kaniya, 'wag mong istorbohin." Lumapit si Brimme sa amin at may binigay na flash drive. Agad naman itong kinuha ni Clinton. Pagkaalis ni Brimme, sinilip ko ang ginagawa ni Clinton.
"Kaya pala...." Gumagawa siya ng presentation. Basta si Brimme talaga ang mag-uutos, hindi tatanggi ang isang 'to.
"Aalis muna ako, ito na–"
"Where's my envelope?"
Umangat ang paningin ko sa lalaking nasa harapan namin. Itim na sapatos, itim na rag jeans, itim na hoodie...
Bakit pamilyar ata ang get up na 'to? Doon ko lang napansin ang nakasalpak na straw ng Chuckie sa bibig niya.
The Chuckie stealer!
"Oh, nandiyan ka na pala." Tinulak ni Clinton ang kamay kong may bitbit na envelope patungo sa lalaki. Hindi man lang siya nagtapon– na naman– nang paningin.
Kinuha ng lalaki ang envelope sa kamay ko at walang lingon likod na umalis. Napabuga ako ng hangin.
"Siya ba ang iinom ng Chuckie na pinabibili mo?" Clinton just hummed that made my eyes roll.
"Mga tao nakakainis!"
Padabog akong tumayo at lumabas ng classroom. Magtutungo ako sa lugar kung saan hindi tinatambayan ng tao ngayon dahil intramurals. Matutulog ako roon hanggang sa gusto ko. Parang nagsisisi na akong tumakbo pa akong bise presidente. Bakit nga ba ako tumakbo at hindi naglagkad na lang?
Nagkibit-balikat ako, "Dahil gusto ko lang. Ano pa nga ba?"
Nilabas ko ang student ID ko para e-scan sa pintuan. High tech ang school na 'to, e. Hindi ka makakapasok sa library kung hindi ka istudyante. Pero may limited time. Hindi gagana ang ID simula six p.m. ng gabi hanggang five a.m. ng umaga.
Nang bumukas na ay pumasok agad ako. Nag-inat-inat ako at nagtungo sa dulong shelves kung saan sa likod nito ay may sofa set. Astig ng library namin, 'di ba? Pabagsak akong umupo saka humiga. Nag-set ako ng alarm ng three p.m.
"Sana po, Lord. Walang timawang gagambala sa aking pagtulog ngayon..."
Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa
Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i
Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i
Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!
She's still ten years old when a tragedy comes to her life. Hindi alam ni Sheiha kung ano ang gagawin. She was with her cousin that time when that scene happen. Nanginginig sa takot ang batang katawan, kumakalabog ang pusong hindi magkamayaw sa pagtibok dahil sa nasaksihan.After ten years of preparing herself to make a revenge, she accidentally met a person who will make her belief upside down. She wanted revenge but he... he open the door so Sheiha can see the light of that dark room she's in.Should she chase the light to be with the man she love? Or stay in that dark room to continue her revenge even if it cause her life?"Don't stay on that dark past, please chase the light I've give you. Chase it and you'll find peace.""What if... what if I don't? Paano kung hindi ko magawang maging kampante, maging payapa hanggat hindi ko nagagawa ang bagay na matagal ko ng gustong makamit? Would you stay in that dark room with me? Serves as my light to see
Third Person's POVHindi magkamayaw sa kakatakbo ang mga batang naglalaro sa isang playground. Naghahabulan, nagtatawanan at nagkakasiyahan.Ngunit isang bata ang naiiba. Sa ilalim ng puno siya'y nakapuwesto, nakatabon ang hawak na libro sa mukha habang nakasandig sa kahoy. Ilang kaklase na ang lumapit sa kaniya upang siya ay yayaing maglaro ngunit kung hindi man niya ito tinatanggihan, hindi naman niya ito pinapansin.Ngunit isang pangyayari ang nakapagpabangon sa bata. Nasapol siya ng isang bola na pinaglalaruan ng isang grupo ng mga babae."Naku po...""Patay tayo, natamaan siya.""Galit na ata si Andrius..."Ilan lamang sa bulungan ng mga bata. Lahat ay napatigil sa paglalaro, kaninang masayang mukha ay napalitan ng pangamba."Sino ang bumato sa bola?"&nb
Third Person's POV"Ano ka ba naman, Sheiha! Mag-aapply ka as nurse, eh takot ka sa injection?" Nanggagalaiting ani ni Brim sa kaibigan na napakatigas ng ulo.Ito pa ang isang ugali ni Sheiha na lingid sa kaalaman ng lahat.Napakatigas ng ulo nito na kahit ipukpok mo pa sa semento ay hindi siya tatablan, figuratively speaking."Kasi nga, gusto kong mag-nurse. Saka ayoko nang magtrabaho sa gym, ang daming manyak lalo na 'yong may-ari. Nakakagigil kaya at nakakadiri," umakting pa itong nandidiri.Hindi ito titigil hanggat hindi siya pinapayagan ng kaibigan niya.Napabuntong-hininga na lamang si Brim at umupo ulit. Kumakain sila nang mga oras na iyon ng binuksan ni Sheiha ang usapin. Nag-aalala lamang si Brim sa kaibigan dahil nais nitong magtrabaho sa ospital."Alam ko namang nag-aalala ka pero kailangan kong harapin ang kinatatakutan ko,
Third Person's POV'Anghahaba ng biyas!''Jusko! Pati mga daliri, ang hahaba at ang lilinis pa!'Hindi magkamayaw ang isipan ni Sheiha habang nakatingin sa kaharap. Tingin nga lang ba? O' titig na may pagpapantasya?He hummed while checking her resume. Sila lamang dalawa ang nasa silid na iyon. Isa iyong maliit na espasyo na hindi na ginagamit kung kaya't doon na lamang naisipan ng doktor na mag-interview. Nasa premises pa rin sila ng ospital pero malayo-layo ito sa palaging pinupuntahan ng mga doktor at nurse. Tahimik din dito kaya niya naisipang gawing interview room, walang mang-iistorbo."Your course is not related in medicine. Bakit mo naisipang mag-apply? Katulad ka rin ba ng iba na nag-apply lamang para sa'kin?" deretsa at walang kagatol-gatol na ani ng doktor sa kaharap.Napakaseryuso nang tingin nitong nakatingin kay Sheiha. Nag-oobserba kung gagawa ba siya ng m
Sheiha Fajardo's POV"Akala ko nakalimutan mo na kung paano maglaro," sabi ni Calex habang hinaharangan ang goal net.Nagkibit-balikat ako at naghandang sipain ang bola. I should focus enough to set a goal. Even though I don't remember this guy, my heart feels like Calex had been my friend for a long time."Huwag mo masyadong galingan!" sigaw na niya nang bumwelo ako pasipa.Nang masipa ko na ay siya namang pagtakbo niya paharang sa bola para hindi ito makapasok. Napangisi ako pagkatapos niyang madapa at hindi naharangan ang bola."I thought you'll teach me how to play? It turns out..." I cover my mouth to suppress my chuckle.Umingos siya at bumangon. Pinagpagan muna niya ang sarili bago nag-umpisang naglakad papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko at agad na tumakbo palayo sa kaniya.Run for your life. An enemy is after you!
Sheiha Fajardo's POV"Vice! Sabi ko naman sa 'yo, walang makakatanggi sa ganda mo!" sigaw ni baklang Ruiz-za habang tumatakbo.Muntik pa itong madapa buti na lang ay nakahawak siya sa railing sa gilid ng bletcher. Naku, kung hindi..."Jusmi, vice! Pumayag si Mr. representative natin! Wala na tayong problema, all we have to do was to practice the walk and your talent," Excited itong pumunta sa harap ko, tinulak pa si Clinton na napayakap kay —Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan ng taong ito? — at lumuhod sa harapan ko na para bang walang ibang tao bukod sa amin."O-Okay, na... hehehe."Napangiwi ako sa itsura niya ngayon. Kung kanina ang haggard lang niya, ngayon naman mukha na siyang aswang sa pagka-haggard. Jusmi, anong pinaggagawa ng babaeng ito? May uling pa siya sa mukha!Agad akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at i
Sheiha Fajardo's POVNagtataka lang ako kung bakit hindi tumunog ang selpon ko kahapon noong nasa library ako. Nang chineck ko ang selpon ko, naka-set naman ang alarm. Hindi rin naka-silent. Wala rin namang miss alarms.Hindi kaya...Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa hawak kong phone. Hindi kaya totoo iyong bali-balita na may multo talagang nagpagala-gala sa library? Jusmi, buti na lang talaga tulog ako sa panahong iyon, kung hindi, baka nahimatay na ako. Takot pa naman ako sa multo."Biyutipol, bise! Magchi-cheer ka ba ngayon kila Kian?!" Napalingon ako kay bakla na dalawa ang kasarian."Boy—""Bae! Bise, Bae ang pangalan ko!"Umiling-iling ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad. Sinilid ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko, dahil kung hindi, baka mabaliw ako kakaisip sa timawang multong nakatira sa library na i
Sheiha Fajardo's POVBlink, blink, blink..."Salamat po sa tulog, at walang mga alien ang umistorbo—"Agad akong napabangon dahil sa ilaw na tumambad sa akin pagkadilat ng mga mata ko. Agad kong dinampot ang cellphone kong nakapatong sa lamesa at tiningnan ang oras. Napatakip ako ng bibig pagkakita ko sa oras.Seven p.m. na..."Bakit ka hindi tumunog selpon ko!" bulyaw ko sa cellphone kong walang kamuwang-muwang.Agad akong tumayo at patakbong nagtungo sa pinto. Sa nanginginig na kamay, kinuha ko ang ID ko at ini-scan ito sa pinto pero hindi gumagana."Si Bryly, jusmi... Si Bryly!" Kinuha ko ang cellphone ko upang tawagan si Brimme. Iyon na lang ang huling option ko para makalabas!"You don't have enough load balance to make this call..." Naiiyak kong inilayo ang cellphone sa tainga ko ng marinig sa
Sheiha Fajardo's POVAng saya talaga kapag walang klase, ano? Nagagawa mo ang lahat, matulog, kumain, maglakwatsa, maglampungan, lahat-lahat na. One for all, all for one."Nauuhaw ako, gusto ko ng juice. Magpapabili ka ba, Bryly?" Lumapit ako sa desk niya at pumangalumbaba roon.Nagbabasa siya ng libro habang may head phone. Pero alam kong hindi siya nakikinig ng music. It's her way of saying, 'stay away from me', 'don't approach me'.She just hummed. Hindi man lang ako tinapunan nang tingin kahit saglit. Ouch, na hurt ako ng slight doon."Sheiha, pakitago muna 'to." May inaabot si Clinton na isang brown envelope na nakasilid sa plastic envelope. Lumapit siya sa akin habang nakatingin sa hawak na selpon. Naglalaro na naman ito panigurado."Ano 'to?" Sinisipat ko ang bagay na 'yun pagkaabot ko mula sa kaniya."May k
Andrius Lexton's POVI stare at him."I beg your pardon?"He sighed and smiled. Tumingin siya sa hindi kalayuan namin kung saan nag-aasaran sina Brimme at Clinton. Well, more on nang-aasar si Clinton kay Brimme."You see, everything are not in there right places as of now. Kapag nakialam pa ako, kami.... mas gugulo lang." Naiintindihan ko siya. I always do, cause he's my patient."You save her before–""And that would be the last time. Hindi naman talaga si Sheiha ang dahilan kung bakit ko 'yun nagawa. I beg someone inferior to reach my goal, and I already reached it. It is a coincidence that someone also beg for Sheiha to live, and that's not me. I've already move on, and I plan to move forward. I want to set aside everything and focus on healing," Tumingin siya sa akin, maaliwalas na ang mukha niya ngayon."If you already reached
Andrius Lexton's POV"Mukhang huli na tayo," sabi ni Clinton habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng lugar na kinaroroonan namin ngayon."Wala akong makita na nanlaban sila or what. Nasa ayos ang lahat ng bagay sa loob..." sabi naman ni Brimme na kagagaling lang sa loob ng maliit na bahay."Are you sure that they are here?" Lumapit ako sa may pintuan at yumuko."Oo, may mga bangko at lamesa sa likod. Doon siya nakaupo sa litrato habang nakatingin sa kalangitan 'di ba?"Kinuha ko ang isang piraso ng papel na nasa sahig. The paper was crashed, and it looks like someone step on it."Damn, bakit nila nalaman na pupunta tayo rito? Sinong traydor sa ating tatlo, hah?!" Hindi ko pinansin ang patutsada ni Clinton at binuksan ang nakalukot na papel.'Someone that close to your heart.'That's what
Sheiha Fajardo's POVNakakunot-noo akong nakatingin kay Dane at iyong nakamaskarang lalaki na nag-uusap sa malayo, na tinatawag nilang Mr. Kang."Alam mo ate, pangalawang kita ko na sa lalaking 'yan."Nilingon ko si Zana sa tabi ko na katulad ko, nakatingin din siya sa dalawang lalaki. Hindi ko alam kung nasaan ang alipores na si Aaron. Bigla-bigla lang kasi iyong sumusulpot na parang kabute sa kung saan-saan.I hummed, "Talaga? Saan iyong una?"Tumango siya, "Nakita ko siyang kausap ni papa. Hindi ko na maalala kung ilang taon na ang nakakalipas pero sigurado akong siya 'yun."Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki habang nakahalukipkip. Naipilig ko ang ulo at pilit inisip kung saan ko nakita ang lalaking 'yun. He seems familiar to me, though I can't recall where did I saw this man. But still, I'm not sure if it was just deja vù, or I did se
Sheiha Fajardo's POVNapahawak ako sa ulo ko nang sumakit ito ng kunti. I sometimes wish that everytime my head hurts, I can reminisce some memories in my past. But nothings happening. Though, those blured dreams I've been seeing every night was some sort of something that I can't explain. I had hopes that it was part of my memories but I can't tell."Ate! May ginawa kami ni kuya, Aaron na is... is... Ano nga po ulit ang tawag dito?" Bumaling ito sa nakasunod na lalaki."Script..." natatawang sagot ng lalaki at sumaludo sa akin. Tinanguan ko lang siya at binalingan ulit si Zana na kinukulit akong lumabas kami."Iskrip... Skrip... Scriptt? Bakit ang dali lang para sa inyo na sabihin ang salitang 'yun?" Nakanguso ito habang nakatingin sa lalaking nakasunod sa amin. Sa makatuwid, hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya.Hindi naman siya mapapatid ng bato 'di ba? M